Tinitigan siya ni Rose at sinabi nang may nahihiyang ekspresyon, “Mali ka ng akala. Wala siyang nagawa sa ‘kin!”“Gusto pa rin kitang suriin!” Ang boses ni Jay ay nangingibabaw.“Paano mo susuriin?” Nagtaka si Rose.Sa isang iglap, lumapit sa kaniya si Jay...Agad na nagsisi si Rose.Sabi na pagsasamantalahan siya ng lalaking ‘to sa pamamagitan ng paggamit ng mga palusot. Kainis-inis!Noong gabing ‘yon, sumailalim si Rose sa isang mental torture at pisikal na pagkawasak. Dahil sa balisa, nakatulog siya nang hindi niya namamalayan.Nakatulog siya hanggang sa tanghali ng sumunod na araw noong magising siya nang mag-isa.Kabubukas lamang ni Rose ng kaniyang mga mata at ngayon lamang nagkamalay, pagkatapos no’n, agad siyang napabangon.Hinihinga ang sariwang hangin, bumuntong-hininga siya sa tuwa. “Buhay pa rin ako!”Tumingin sa kaniya si Jay. “Bakit ang saya-saya mo?”Biglang namalayan na may tao sa tabi niya, pinigilan niya ang itsura niyang natutuwa. Sinabi niya, “Ginoong Ares, gising k
Muling tumingin si Josephine kay Jay. “Kuya, bakit mo pinatay ang tawag ko?”“Hindi ba’t nakakairitang maistorbo ang tulog mo sa umaga?” Ang tono ni Jay ay may laman pa rin na bakas ng ‘di pagkatuwa pagkatapos maistorbo.Walang masabi si Josephine.“Kuya, ano’ng oras na. Maaga pa rin ba sa ‘yo ang ganitong oras?”“Wala ka bang alam sa kaligayahan ng kasal?” ang ekspresyon ng kaniyang kuya ay madilim.Ang eleganteng mukha ni Josephine ay kumibot. “Naintindihan ko. Magbibigay-pansin na ako sa susunod.”“Ano ulit ang ginagawa mo rito?” Ang pag-uugali ni Jay ay nanatiling malamig.Pakiramdam ni Josephine ay hindi patas ang trato sa kaniya ng kaniyang kuya, kaya malungkot niyang sinabi, “Narito ako para makita kayo.”“Dahil nakita mo na kami, pwede ka na bang umuwi?” Si Jay ay wala sa magandang wisyo kapag nasa harap ng babaeng ‘to na hindi nagpaliwanag nang maayos.Agad na kinuha ni Josephine ang braso ni Rose at nagtanong, “Kuya, pwede ko bang hiramin si hipag para gumala?”“Hindi.” Matig
Tumingin si Jay kay Rose na tahimik sa galid, ang kaniyang boses ay nagiging mas malambing. “Kailangan ko siyang alagaan kapag nalumpo siya.”Walang masabi si Josephine.Gayundin si Rose.Ano’ng klaseng lohika ‘to?“May kinikilingan ka,” bulong ni Josephine.Hinawakan ni Jay ang kamay ni Rose sa harap ni Josephine at sinabi, “Trabaho ko ang mahalin siya.”Umirap nang ilang beses si Josephine, kinuha ang plato niyang pagkain, at naglakad palabas. “Hindi ko ‘to kayang tiisin.”Hinila ni Rose ang kaniyang kamay palayo at ‘di natutuwang bumulong, “Ginoong Ares, kagagaling lamang ni Josephine sa masakit na pag-ibig. Masasaktan siya kapag aarte tayo nang ganito sa harap niya.”“Umaarte ba tayo?” Umangat ang mga kilay ni Jay, kinukwestyon si Rose.Siya ay naging seryoso tungkol sa pagpapakasal kay Rose, pero akala niya ay umaarte lamang sila?“Hindi ba?” Tanong ni Rose.Noong kumagat si Jay sa scone, ang ekspresyon sa gwapo niyang mukha ay mas madilim pa sa pwet ng isang kawali.Nang makita n
Kinuha ni Rose ang kamay ni Josephine at nakangiting sinabi, “Ginoong Ares, mga babae muna.”Dahil dito, nanigas ang gwapong mukha ni Jay.Siya ay paulit-ulit na iniiwan ng bagong kasal niyang asawa at ang mapagmalaki niyang puso ay hindi maiwasan ang seryosong pinsala.“Sige lang.” Nagpanggap siyang walang paki.Masayang umalis sina Josephine at Rose.Pinanood sila ni Jay habang ang kaniyang mga mata ay lumulubog.Ang kapaligiran na tanawin ng Garden of A Diary tuwing taglamig ay bahagyang malabo. Ang mga ginkgo trees, mga damo at baging tuwing tagsibol at tag-init, ay dumuduyan sa hangin sa sandaling ‘to. Ang mga gintong dahon ng ginkgo ay nakakalat sa lupa habang ang mga hubad na sangay ay mukhang mga pangil at kuko.Ang mga asul na jacaranda trees lamang ay ang kasing luntian ng dati, kasing taas ng bundok ngunit lubos na malungkot at mapanglaw.Si Jay ay bahagyang nagsisisi. Kung alam niya lang na ang hardin ay magiging ganitong malabo sa tag-lamig, dapat ay nagtanim na lamang siy
“Kung ayaw ng asawa mo sa bahay niyo, siguro ay dahil bata pa siya at ang pagiging isip-bata niya ay gustong maglaro. Siguro ang isipan niya ay wala sa bahay na ‘to. Mas eksakto, hindi sapat ang pagmamahal niya sa ‘yo.”Nagtanong si Jay, “Kung gano’n, ano ang dapat kong gawin para magustuhan niya ang bahay na ‘to?”“Ang mga babae ay madaling makuntento. Kung maganda ang trato mo sa kaniya, magiging mapagmalaki siya bilang resulta ng pag-aalaga sa kaniya. Ang angkop na pagbibigay sa kaniya ng kung anong panganib ay hindi lamang sinusubok ang pagiging taos-puso niya sa ‘yo ngunit mapapatingin din siya sa mga pag-uugali niya para siya ay maging isang kwalipikadong asawa.”Nakinig nang mabuti si Jay.…...Pagdating ng gabi, hinila ni Rose ang pagod niyang katawan pabalik sa Garden of A Diary.Kaninang maliwanag, dinala siya ni Josephine sa Tourmaline Estate, ngunit sa kasamaang palad, ang gate ng Fragrant Vessel Court ay nakakandado at ang nakapaligid na defense measures nito ay mahigpit d
“Naghapunan ka na ba?” Mahinang tanong ni Jay.Umiling si Rose. Sa katunayan, sa sobrang gutom niya ay nagwawala ang kaniyang tiyan. Sinadya niyang umuwi nang maaga para makapaghapunan siya kasama si Jay ngayong gabi.Hindi niya inaasahan na ito ang mauuwian niyang eksena.“Gagawa na ako ng hapunan.” Bumangon si Rose ng kama at tumakbo palayo.Ang manatili kasama si Jay sa loob lamang ng isa pang segundo ay sobrang sinasaktan ang kaniyang puso sa puntong hindi siya makahinga.Ang sulok ng kumot ay bumagsak sa lupa. Lumapit si Jay at hinila niya ito. Inayos niya ang kumot para kay Rose at noong inaayos niya ang mga unan, hindi niya sinasadyang mahawakan ang bahagi ng unan na basa ng luha.Nanigas si Jay nang mahabang sandali.Umiyak ba ang tusong babae na ‘to?Ang yelo sa malamig niyang puso ay biglang nawasak at sa halip ay napuno ng malalim na pagsisi sa sarili.Ang pamamaraan niya ng pagsubok kay Rose ay masyadong malupit.Dali-daling bumaba si Jay at tumayo sa labas ng kusina. Ang k
Hapunan.Nagluto si Rose ng noodles.Habang siya ay nagluluto, malungkot na paalala sa kaniya ni Jay. “Ako rin, hindi pa ako naghahapunan.”Tumingin sa kaniya si Rose. “Sino’ng niloloko mo?”“Tinapon ko ‘yong karne sa basurahan.”Ang mga mata ni Rose ay napatingin sa basurahan at noong makita niya ang lahat ng kagamitan mula sa kainan kanina ni Jay, namula ang mukha niya.Sumobra ba ang reaksyon niya kanina?Binigay ni Rose ang mangkok ng noodles sa kamay ni Jay. “Pwede kang maunang kumain. Magluluto ako ng isa pa.”Sinabi ni Jay, “Hindi ko kaya ‘tong ubusin. Bakit hindi na lang tayo kumain nang sabay?”Nabigla, tumango si Rose.Isang mangkok ng noodles at dalawang pares ng chopsticks.Nang ganito lang, ang dalawa ay magkasunod na sumubo ng pagkain.Pagsubo ni Rose ay nalaman niya na nakalimutan niyang maglagay ng panlasa sa noodles.Kasing tabang ito ng tubig at para bang sila ay ngumunguya ng wax.Patago siyang tumingin kay Jay, iniisip na hindi niya ito magugustuhan, ngunit hindi ni
Naglakad si Jay papasok ng Rose Manor nang may seryosong ekspresyon at ang maingay na manor ay biglang natahimik sa kaniyang pagdating.Ang matalas niyang mga mata ay tumingin sa lahat ng naroon. Ang tatlong mga asawa at kanilang mga anak ay narito. Halos lahat ng mga Ares ay narito.Tumingin si James kay Jay nang may malamig na ekspresyon. “Jay, ito ang problema ng pamilya ko. Wala itong kinalaman sa ‘yo.”Noong si Jay ay 28 taong gulang pa lamang, naramdaman ni Grand Old Master Ares na ang kaniyang katawan ay humihina na, kaya ang pangangalaga ng problema ng Pamilya Ares ay binigay niya kay Jay.Ang desisyon na ‘to ay nagsanhi ng matitinding reklamo mula sa kaniyang mga tito noon. Sila ang nakakatanda, eh, pero sila ang makokontrol ng mas nakababatang si Jay.Gayunpaman, mabilis silang nahawakan ni Jay sa braso at pinakalma sila. Sa nakalipas na ilang taon, ang Pamilya Ares ay kumalma na.Nitong mga nakaraang taon lamang noong ang mga bata mula sa iba’t ibang mga pamilya ay unti-unti