Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 421 - Chapter 430

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 421 - Chapter 430

848 Chapters

Kabanata 421

Kinabukasan, nagising si Jay.Hindi niya nakikita ang minamahal niyang babae kahit saan, ngunit sa halip, nakita niya ang espesyal nitong ‘regalo’. Siya ay biglang nagalit.Ito ay nagiging mas nakakainis!“Puntahan niyo nga ako rito!”Noong pumasok ang katulong sa kwarto at nakita si Jay na nakatali sa kama, hindi nila mapigilan na ‘di makapaniwalang mapanganga.“Young Master, sino’ng g*go ang gumawa sa ‘yo nito?”Ang mga mata ni Jay ay malamig noong tumitig siya nang masama sa katulong. “Ang missus.”Tinakpan ng katulong ang kaniyang bibig. “Patawarin mo ako, Young Master. Binabawi ko ang mga salita ko.”“Mm.”“Pero bakit ka tinali sa kama ng missus?” Tanong ng katulong.“Mahilig sa pahirapan ang missus. May problema ba?”“Wala… walang problema?”Bakit gusto ng missus na maging ganitong pahirap?Pagkatapos makawala ni Jay sa tali, agad niyang kinuha ang kaniyang phone at tinawagan ang numero ni Rose.Nakarinig lamang siya ng beeping na tunog sa phone… Halata naman na ang kaniyang nume
Read more

Kabanata 422

Alam ni Rose na nahulaan na siya ni Zayne, kaya hindi na niya ito tinago. “Niregalo ko ang sarili ko sa kaniya, kaya nakuha ko ang kontrata na ‘to.”Walang masabi si Zayne.Nilabas ni Jay ang kaniyang phone, nagtype ng isang linya ng text, at nilagay ito sa harap ni Zayne.“Rose, magkita tayo!”“Sige, sabihin mo sa ‘kin kung saan at kung kailan.”Walang kahirap-hirap na pumayag si Rose.“Oh, sige,” nang sabihin iyon ni Zayne, pinutol ni Jay ang tawag.Pagkatapos no’n, kinuha niya ang phone ni Zayne at sinabi nang may mapilit na tono, “Ibigay mo sa ‘kin ang phone mo.”Umabot si Zayne upang bawiin ito. “Eh, ano na lang ang gagamitin ko?”Binigyan siya ng maraming dolyar ni Jay. “Bumili ka ng bago.”Walang magawa si Zayne. “Marami akong kliyente sa phone ko. Ano’ng mangyayari kapag tinawagan nila ako.”“Ako na ang sasagot sa kanila para sa ‘yo.”“Makikipagtalakayan sila ng job partnerships sa ‘kin. Gagawin mo rin ba ‘yon para sa ‘kin?”Binuksan ni Jay ng contacts page, tiningnan ito, pagk
Read more

Kabanata 423

Sa Swallow City.Pagkatapos ibigay ni Rose ang kasunduan sa pagitan ng Ares at Severe Films kay George Severe, mabilis niyang tiningnan ang mga detalye at nagulat.“Para sa investment ng Ares Enterprises, kung magtatagumpay ito, ang kikitain ay paghahatian sa kalahati. Kung mabibigo ito, sila ang sasalo ng lahat ng kawalan. Hindi kailanman gumagawa si Jay Ares ng ikatatalo niyang negosyo, pero siguradong mapagbigay siya sa Severe Enterprises.”Sumagot si Rose, “Ang mga kita ng Ares Films ay wala lang sa kanila. At saka, nagpakahirap ako para makuha ang kontrata na ‘to. Hindi kaniyang ideya na maging ganitong mapagbigay.”Kumuha si George ng isang piraso ng dyaryo mula sa drawer ay binato ito kay Rose. Ang kaniyang ekspresyon ay naging seryoso. “Totoo ba ‘to?”Tumingin si Rose sa larawan ng ‘kasal’ nila ni Jay. Sa ilalim nito ay isang pamagat tungkol sa misteryoso nilang kwento ng pag-iibigan.“Ama, totoo ang kasal, pero peke ang pagmamahalan. Kinuha lang naman naming dalawa ang gusto n
Read more

Kabanata 424

Mukhang ang pagiging malambot niya kay Rose ay nagsanhi ng sarili niyang pagbagsak.“Patawarin mo ako!”“Kung patatawarin kita ngayon, hindi ba’t gagawin mo lang ulit ‘to sa susunod?” Napakunot ang mga kilay ni Jay.Agad na tumingala si Rose at nangako, “Nangangako ako sa ‘yo, Ginoong Ares. Hindi na kita itatali ulit.”“Hindi ‘yon ang punto.”“Hindi… hindi na ako tatakas ulit.”Ang ekspresyon ni Jay ay hindi nagpakita ng pagkalma.Nagkikiskisan ang kaniyang mga ngipin, sinabi ni Rose, “Kung tatakas ako ulit, maaari mong baliin ang mga binti ko at putulin ang mga litid ko…”Walang masabi si Jay.Nang makita na walang sinasabi si Jay, halos napasigaw si Rose, “Eh, ano bang gusto mo sa ‘kin?”Binigyan siya ni Jay ng isang pares ng posas sa kaniya at tumingin sa kaniya nang may mga mata na sinasabing ‘isipin mo kung ano’.Pinupulot ang posas, nakita niya na ang kabuuang haba ng kadena ay hindi na humihigit pa sa anim na talampakan at limang pulgada, at ang bawat dulo nito ay mayroong mga k
Read more

Kabanata 425

Si Rose ay lubos na nalungkot nang mapansin na nawawala ang mga bata. “Nasaan si Jens at ang iba pa?”“Makikitira muna sila sa kanilang lolo’t lola,” tinatamad na sagot ni Jay.Si Rose ay nabigla rito, kaya tinanong niya, “Bakit?”“Kailangan natin ng pribadong lugar para linangin ang relasyon natin.”Walang masabi si Rose.‘Kailangan mo ba ng pribadong lugar upang maglinang ng nararamdaman, o kailangan mo ‘to para kontrolin ang lahat ng mga kilos ko?’Pagkatapos no’n, nagsimula si Jay na maghubad sa harap niya.“Maliligo ako,” sabi niya, pinapaalala kay Rose.Tuliro, sumagot si Rose, “Hindi mo na kailangang sabihin ‘yon sa ‘kin.”Inangat ni Jay ang mga posas. “Sigurado ka bang hindi ka rin maliligo?”Nang may mga matang nanlaki, sinabi ni Rose, “Hindi mo ba pwedeng tanggalin ang posas natin saglit?”“Hindi.” Nang wala pang ibang sinasabi, hinila niya si Rose patungo sa banyo.Tumayo si Rose sa likod ng pintuan habang nakatalikod kay Jay.Halos sa isang iglap, hinila ni Jay ang kadena,
Read more

Kabanata 426

Nilunok ni Rose ang kaniyang laway. Ang ganitong klaseng maling akala… ay mas malala pa kaysa kay Boo Radley.“Josephine, kailangan mong maniwala sa ‘kin. Hindi ako nakikipagkita kay Zayne. At kaya kong mangako sa ‘yo na kahit na mawala na ang lahat ng lalaki sa mundo at si Zayne na lang ang natira, hindi pa rin ako makikipagkita sa kaniya.”“Pwede pa rin ba kitang pagkatiwalaan?”Si Rose ay lubos na natatakot na at hindi maintindihan. At saka, ang kaniyang kausap ay si Josephine, isang tao na mayroon siyang malalim na pagmamahal. Agad siyang nangako sa roon, “Josephine, nangangako ako, kami ni Zayne ay hindi bagay. Kung aagawin ko ang kasintahan mo, tatamaan ako ng kidlat at mas gugustuhin ko pang mamatay.”Napakunot ang mga kilay ni Jay ang kinuha ang kaniyang phone. Pagkatapos no’n, sinabi niya, “Josephine Ares, wala itong kinalaman kay Rose. Ako ang nagsabi kay Zayne na makipaghiwalay sa ‘yo!”“Bakit mo ‘yon gagawin, Jay?”“Kasi hindi ka mahal ni Zayne.”Pinag-isipan ni Josephine a
Read more

Kabanata 427

Pinagmaneho ni Josephine si Rose patungo sa isang bar. Nag-book siya ng isang pribadong VIP room, at silang dalawa ay nagkaroon ng mahabang usapan sa loob.“Mag-usap tayo. Ano’ng nangyayari sa pagitan niyo ni Zayne?” Nananabik na tanong ni Josephine.Walang ideya si Rose kung paano magsisimula...Nagpatuloy si Josephine, “Paano kayo nagkakilala?”Naisip ni Rose ang bahagi tungkol sa kapalaran at nakaraang buhay. “Noong una akong bumalik dito, wala akong pera. Kaya nag-online ako at naghanap ng trabaho. Si Zayne lamang ang nag-iisang tao na inalukan ako.”“Kaya, nagpapasalamat ka sa kaniya. Ang klase ng pagpapasalamat na ‘yon ay unti-unting nagbunga ng pag-ibig, hindi ba?” Si Josephine ay nagkakagulo ang emosyon.Sumagot si Rose, “Josie, noong nakaraang araw noong makita mo akong yakap niya, isa talaga ‘yong aksidente. Si Zayne ang nagbalak ng buong bagay na ‘yon. Niniais niyang makita ni Ginoong Ares na malapit kami at sinadya na pahirapan kami ng kuya mo.”“Bakit ka niya gustong pagba
Read more

Kabanata 428

Lumapit si Jay at umupo sa tabi niya, ang kaniyang mga mata ay nakatitig sa pinto ng emergency room.Noong makita ni Josephine si Jay, ang mga luha ni Josephine ay parang mga butong gumugulong sa kaniyang mukha. “Kuya, si Rose ay nalason ng alkohol at kasalukuyang walang malay. Ano’ng gagawin ko?”Sa sobrang bigla ni Jay, ang bawat ugat sa kaniyang katawan ay nanigas. Nauutal siya noong magsalita siya, “Gaano… karami… ang ininom… niya?”Ang kaniyang isipan ay halatang nabigla.Sumagot si Josephine, “Ako ang malinaw na may wasak na puso, pero mas marami ang alkohol na ininom niya kaysa sa ‘kin. Mahina lang ang pagkakalason ko, pero sa kaniya ay matindi. Sinabi ng doktor na siya ay nasa isang mapanganib na kundisyon dahil ang kaniyang altapresyon at pagtibok ng puso ay parehong hindi normal…”Ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni Josephine ay parang matalas na patalim na paulit-ulit na sinasaksak ang katawan ni Jay.Kalaunan, ang doktor ay lumabas ng emergency room nang may madilim n
Read more

Kabanata 429

Mabilis na nalipat si Rose sa VIP ward.Sina Zayne at Jay at nanatili sa silid, hinihintay si Rose na magising.Nang bigla, sinabi ni Zayne, “Hindi naman mahilig uminom ang kapatid ko. Kapag umiinom siya, ang ibig sabihin lang ‘yon ay masama ang nararamdaman niya.”Sumagot si Jay, “Alam ko.”Siya ay nakakaramdam ng inis kay Jay, ngunit hindi siya naglakas-loob na sabihin ito. “Pagkatapos niyang lumipat ng katawan, ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa ‘yo ang tungkol sa nakaraan niyang buhay ay dahil nabigo kang bigyan siya ng seguridad at tiwala. Naisip mo ba ‘yon, Ginoong Ares?”Sinulyapan siya ni Jay. “Hindi ko ba nabanggit na alam ko rin ang sikretong ‘to?”Ang isa pang lalaki ay walang masabi.“Bakit hindi mo sinabi sa kaniya?” Tanong ni Zayne.“Kasi umaasa ako na balang-araw, magkukusa siyang magbukas sa ‘kin at sabihin sa ‘kin ang sikreto na ito.”“May pinagkaiba ba ‘yon?” Si Zayne ay bahagyang natuliro.“Noong una siyang bumalik, masama ang trato ko sa kaniya dahil sa pag
Read more

Kabanata 430

“Oo. At pagkatapos niya magising at narinig ang masamang balita ng kawalan ng pera ng Eminent Honor, marahil ay hihilahin niya ang kaniyang payat at mahinang katawan kahit saan para tulungan ka sa negosyo?”Si Zayne ay mukhang nahihirapan.“Kung gusto mo ang nakabubuti sa kaniya, dapat ay nakatuon ka sa pagiging kasalukuyang pinuno ng Severe Enterprise para mas kaunti na lang ang aalalahanin niya.”Biglang tumayo si Zayne at binigyan si Jay ng pangsang-ayon. “Ang galing mo talaga, Master Ares. Aalis na ako ngayon! Alagaan mo ang nakababata kong kapatid.”Kumaway sa kaniya si Jay. “Dahan-dahan lang. Hindi na kita ihahatid.”Pagkatapos maglaho ang tunog ng pag-alis ni Zayne, mas natahimik ang silid.Nakinig si Jay sa paghinga ni Rose.Hindi pa nagkaroon ng sandaling tulad nito dati. Ang marinig ang paglalim ng pahinga ni Rose ay nagsanhi sa kaniya na kumalma.Pagdating ng hapon, dumating ang doktor dala ang blood test ni Rose at sinabi kay Jay, “Ang kondisyon ng pasyente ay maayos na nga
Read more
PREV
1
...
4142434445
...
85
DMCA.com Protection Status