Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 431 - Chapter 440

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 431 - Chapter 440

848 Chapters

Kabanata 431

Niyakap ni Jay si Rose pagkatapos nilang makalabas, at ang lahat ng mga babae ay tinuon ang kanilang pansin kay Jay sa daan. Ang mukha ni Jay ay mukhang maputla, ngunit si Rose ay patagong natatawa.“‘Wag ka ngang tumawa.” Tumingin sa kaniya nang masama si Jay.Tumingin si Rose sa babae na nakaupo sa kabilang upuan na naglalaway habang nakangiti at nakatitig kay Jay na parang isang hangal.Inasar siya ni Rose, sinasabi, “Mukhang gusto ka niya, Ginoong Ares.”Sumagot nang malamig si Jay, “Sigurado ka ba na hindi ‘yan isang pasyente na may dementia?”Napatawa nang malakas si Rose. Ang makamandag na dila ng lalaking ‘to ay mukhang hindi dapat himukin.Sa harap ng ospital.Isang grupo ng mga tao ang nakapaligid sa Rolls-Royce ni Jay. Ang traffic officer ay nababalisang sumigaw, “Ano naman kung mayaman ka? Ibig sabihin ba no’n ay hindi mo na kailangang sundin ang mga patakaran sa trapiko? Pwede mo nang harangan ang buong daan dahil lang mayroon kang pera?”Noong lumapit si Jay, ang traffic
Read more

Kabanata 432

“Mayroon kaming kailangang pag-usapan ni James, kaya pwedeng doon ka muna at tulungan kaming maghanda ng almusal.”Napatingin nang patago si Rose sa bisita at seryosong sinabi, “Para sa tatlong tao?”Ngumiti si Jay. “Hindi, dalawa lang.”Hindi niya hahayaan ang dalawang kamay ni Rose na gumawa ng anuman para sa ibang tao.Nang marinig siya, napabuntong-hininga sa ginhawa si Rose. “Buti naman.”Pagkatapos no’n, dinala ni Jay si James sa study room.Noong una, ang hangin sa loob ay bahagyang kalmado lamang.“Jay, gusto mo ba talaga si Rose Loyle?”Tumango si Jay.“Tito James, sa kasalukuyan kong estado, hindi ko na kailangang pwersahin ang sarili ko na gumawa ng kahit ano. Mayroon lamang akong isang rason na kinailangan ko para pakasalan siya, at iyon ay dahil mahal ko siya. Kaya, hinihiling ko kay Tito James na maging mas mainit at malumanay kay Rose sa susunod.”Lumubog ang mukha ni James at tahimik na nagpatuloy, “Alam mo na mayroon kang magandang katangian. Pwede ka namang makakuha n
Read more

Kabanata 433

“Sa tingin ko ay hindi ako gusto ng mga kagamitan mo sa kusina, Ginoong Ares. Mukhang hindi dapat ako mapadalas dito sa susunod!” Pagkatapos ng ilang sandali, sa wakas ay inangat na ni Rose ang maliit niyang ulo.Si Jay ay natawa. Si Rose ay mayroong ekspresyon na ‘Hinding-hindi na ako magluluto ulit’ na bakas sa kaniyang mukha.“Ako na.” Lumapit si Jay at kinuha ang harina sa kamay ni Rose. Pagkatapos no’n, nagsimula siyang maging abala.Si Rose, na walang magawa, ay nagsimulang makipagdaldalan. “Kaya mong magluto, Ginoong Ares?“Hindi makabuluhan. Sinasabi sa ‘kin ng mga kaibigan ko na ang isang lalaki na kayang magluto ay isang lalaki na hindi kayang gumawa ng pera. “Pero mukhang kaya mo lang magluto ng basic European cuisine. Sa totoo lang, ang European cuisine ay hindi naman angkop sa panlasa ng lahat. At saka, ang paulit-ulit na pagkain ng mga ‘yon ay magsasahi sa ‘yo na lumobo…”Iyon ay dahil ayaw ni Rose sa European cuisine!Si Jay ay mabilis na nagpiprito ng bacon at itlog ha
Read more

Kabanata 434

“Kakalabas mo lang ng emergency room kahapon. Hindi mo ba tinuturing ang sarili mo na isang pasyente?”Napanganga si Rose sa gulat.“Napunta ako sa emergency room kagabi? Bakit wala akong matandaan?”“Lasing na lasing ka.” Sinara ni Jay ang kaniyang libro, ang kaniyang libro ay nagiging malamig at matigas.“Ang mga babae na nanggaling sa mabubuting pamilya ay hindi nalalasing sa labas. Nakakuha ka ng masamang impluwensya kay Josephine.”Binuksan ni Rose ang kaniyang bibig sa pagkabigla at sinabi, “Ako ang masamang impluwensya!”“May lakas ka pa rin ng loob na sabihin ang mga salitang ‘yan nang malakas?”Napayuko si Rose.Noong mabanggit si Josephine, si Rose ay biglang nag-alala. “Oo nga pala… Ayos lang ba si Josie?”Sumagot si Jay, “Aling aspeto?”Walang masabi si Rose.“Hindi naman siya napunta sa emergency room, hindi ba?”“Ayos lang siya.”Hindi mapalagay si Rose. Kaya, tumayo siya mula sa duyan. “Tatanungin ko nga siya.”Pumasok siya sa bahay at tinawagan ang phone ni Josephine.P
Read more

Kabanata 435

Noong magbihis si Rose at lumabas, nakalabas na ang kotse ni Jay.“Pupunta ako sa kumpanya, kaya isasabay na kita.”Si Jay ay abala sa pagbubukas ng makina habang nagsasalita, kaya malamang ay hindi niya napansin ang nagtatakang itsura sa mukha ni Rose.Noong buksan ni Rose ang pinto sa likod, narinig niyang bumulong si Jay, “Umupo ka sa harap at kausapin mo ako.”Hindi mapigilan ni Rose ang kaniyang sarili na magtaka. Ang isang tao na bihira lamang magsalita at kusang naghanap ng taong kakausapin siya. Marahil ay may mali sa utak niya ngayon.Gayunpaman, sinunod pa rin niya si Jay at umupo sa harap.“Kaya mo ba magmaneho?” Inangat ni Jay ang kaniyang mga mata at tumingin kay Rose.Nag-alinlangan si Rose nang sandali bago umiling. “Hindi.”Kayang magmaneho ni Angeline, pero hindi kaya ni Rose!“Tuturuan kita,” sabi ni Jay.Napatingin si Rose sa susi ng kotse ni Jay, at napagtanto niya na ito ay isang bagong kotse. Kahit na ang katawan ng Maserati ay bahagyang mas maliit, ang loob nito
Read more

Kabanata 436

Tinanggal ni Josephine ang instrumento sa kaniyang mukha sa isang naiinis na paraan. Nang makita niya si Rose, binalik niya itong muli sa kaniyang mga mata. Nagtanong siya nang pagalit, “Bakit ka narito?”Umupo si Rose sa tabi niya at bumuntong-hininga.“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Josie? Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit ka galit sa ‘kin.”Binuksan muli ni Josephine ang maskara at sinabi sa beautician, “Pwede muna kayong umalis.”Tumayo ang mga tauhan at umalis.Napansin ni Rose kung gaanong namamaga ang mga mata ni Josephine sa puntong hindi na niya mabuksan ang mga ito. Nakaramdam siya ng saksak sa kaniyang puso.Gaano katagal ang kailangang iiyak ng isang tao para maging ganito?“Hindi ba’t sinabi mo na walang namamagitan sa inyo ni Zayne, Rose Loyle?”“Siyempre!” Tumango si Rose.Sa sobrang galit ni Josephine ay kinuha niya ang unan at binato ito sa kaniya. “Sinungaling ka. Noong sinugod ka sa emergency room kahapon, nagpunta roon si Zayne upang makita ka. Sa sobrang pag-aalala niya
Read more

Kabanata 437

Hindi nagsalita nang matagal si Rose...Nagsisimula sa karanasan niya sa buhay, ang misteryosong aksidente sa kotse, ang mga sikreto sa attic… Wala siyang ideya kung saan magsisimula...“Josephine, hindi ako si Rose Loyle!” Kasunod nito, nahirapan siyang ibahagi ang mga sikretong tinatago niya sa loob ng napakaraming taon.Nagulat na tumingin sa kaniya si Josephine. “Ano’ng ibig mong sabihin?“Hindi ka si Rose Loyle? Kung gayon, sino ka?”Nag-alinlangan nang sandali si Rose. Pagkatapos no’n, pinilit niyang magpatuloy, “Ako si Angeline Severe.”Nanlaki ang mga mata ni Josephine sa gulat. “Ano’ng sinabi mo?” Siya ay hindi makapaniwala.Sinuri niya si Rose mula ulo hanggang paa nang ilang beses bago magtanong, “Pero halata namang ikaw si Rose Loyle?”Umiling si Rose. “Nasa katawan ako ni Rose, pero kaluluwa ni Angeline ang narito.”“Huh?” Napasigaw nang malakas si Josephine.“Nagpa-plastic surgery ka ba?” Wala nang ibang maisip si Josephine maliban sa dahilan na ‘to.Umiling muli si Rose
Read more

Kabanata 438

Pinatunog ni Josephine ang kaniyang mga labi at sinabi, “Alam mo ba na ang bandana mo na ‘yon ay nagsanhi sa mga mata ng kuya ko na mamula sa selos? Naaalala ko pa rin ang tono niya noong sinabi niya na, ‘Hindi pa ako binibigyan ni Angeline ng ganiyang regalo!’”Ginaya ni Josephine ang boses ni Jay, pinagmumukha itong boses ng matanda. Silang dalawa ay napatawa nang malakas!Nang matapos sila tumawa, biglang umiyak si Rose.Ang magagandang alaala na ‘yon ng nakaraan niyang buhay ay naging sugat na sa kaniyang puso.Ang bilang ng pagmamahal na binigay niya kay Jay ay kapareho ng bilang ng pananakit na binigay sa kaniya ni Jay.Nang makita na si Rose ay umiiyak, naging mabigat din ang mga mata ni Josephine at nagsimulang maluha. Pinagmukha siya nitong kaawa-awa.“Bakit hindi mo sinabi sa kuya ko, Rose?” Nagtatakang tanong ni Josephine.Napatingin sa kaniya si Rose sa gulat… Ang lungkot sa kaniyang mga mata ay napansin ni Josephine, nagsasanhi sa kaniya na hindi mapalagay.“May tinatago k
Read more

Kabanata 439

Ang pagtatalo ay biglang natigil!Napahiga na lamang si Josephine.Tanging walang hanggang awa lamang ang mayroon siya para kay Rose.“Kung talaga ngang ganoon ang trato sa ‘yo ng kuya ko, hinding-hindi ko siya mapapatawad.” Ang pagnanais ng hustisya ni Josephine ay nagwawala sa kaniyang mga buto.“Rose, mahirap siguro para sa ‘yo na mahalin siya sa loob ng dalawang buhay, ‘no?” Naintindihan ni Josephine ang lungkot ni Rose.Sa magandang mga mata ni Rose, na dating puno ng sigla, ngayon ay wala na itong laman kung ‘di isang tahimik na tubig.“Ang pagmamahal sa kaniya ay tunay na pinakamasayang bagay na ginawa ko. Sadyang ang pagmamahal sa isang tao ay nangangailangan ng sapat na lakas, at ang lakas ko ay nababawasan bawat araw na parang isang hourglass.“Hindi ko na siya kayang mahalin, Josie. Masyadong mahirap, at ang presyo na kailangan kong pagbayaran ay masyadong mabigat para sa ‘kin…” Ang mukha ni Rose ay mukhang blangko at naliligaw.Tumingin si Josephine kay Rose na nasasaktan a
Read more

Kabanata 440

Ngumiti nang malungkot si Rose. “Kung may lakas lang ako ng loob na ilantad siya, eh ‘di, hindi na ako nasasaktan at naguguluhan sa lahat ng ‘to.“Josie, mas gugustuhin ko pang lunukin ang lahat ng lungkot na nararamdaman ko kaysa ang ilantad ang tunay niyang sarili. Una, siya kasi ang ama ng mga anak ko. Pangalawa… Palagi kong iniisip na kung hindi ko siya ilalantad, habang-buhay siyang magiging perpekto na Jaybie sa isipan ko.”Nanginig ang puso ni Josephine na para bang sampu-sampung milyong mga langgam ang ngumangatngat sa kaniyang puso, nagsasanhi sa kaniya ng matinding sakit.“Angeline, ‘wag kang mag-alala. Ngayon, sasamahan kita sa tabi mo at lubos na susuportahan ang lahat ng mga desisyon mo.”“Salamat, Josie.”...“Haa!”Mayroong isang mahaba at malalim na buntong-hininga!Ang dalawang babae na nagsisiksikan sa ibabaw ng isang maliit na kama ay tumitig sa isa’t isa.“Hindi ko inasahan na tayong dalawa ay mahuhulog nang ganito, Angeline.”Sinabi ni Rose, “Oo nga. Mahal ko ang k
Read more
PREV
1
...
4243444546
...
85
DMCA.com Protection Status