“Kakalabas mo lang ng emergency room kahapon. Hindi mo ba tinuturing ang sarili mo na isang pasyente?”Napanganga si Rose sa gulat.“Napunta ako sa emergency room kagabi? Bakit wala akong matandaan?”“Lasing na lasing ka.” Sinara ni Jay ang kaniyang libro, ang kaniyang libro ay nagiging malamig at matigas.“Ang mga babae na nanggaling sa mabubuting pamilya ay hindi nalalasing sa labas. Nakakuha ka ng masamang impluwensya kay Josephine.”Binuksan ni Rose ang kaniyang bibig sa pagkabigla at sinabi, “Ako ang masamang impluwensya!”“May lakas ka pa rin ng loob na sabihin ang mga salitang ‘yan nang malakas?”Napayuko si Rose.Noong mabanggit si Josephine, si Rose ay biglang nag-alala. “Oo nga pala… Ayos lang ba si Josie?”Sumagot si Jay, “Aling aspeto?”Walang masabi si Rose.“Hindi naman siya napunta sa emergency room, hindi ba?”“Ayos lang siya.”Hindi mapalagay si Rose. Kaya, tumayo siya mula sa duyan. “Tatanungin ko nga siya.”Pumasok siya sa bahay at tinawagan ang phone ni Josephine.P
Noong magbihis si Rose at lumabas, nakalabas na ang kotse ni Jay.“Pupunta ako sa kumpanya, kaya isasabay na kita.”Si Jay ay abala sa pagbubukas ng makina habang nagsasalita, kaya malamang ay hindi niya napansin ang nagtatakang itsura sa mukha ni Rose.Noong buksan ni Rose ang pinto sa likod, narinig niyang bumulong si Jay, “Umupo ka sa harap at kausapin mo ako.”Hindi mapigilan ni Rose ang kaniyang sarili na magtaka. Ang isang tao na bihira lamang magsalita at kusang naghanap ng taong kakausapin siya. Marahil ay may mali sa utak niya ngayon.Gayunpaman, sinunod pa rin niya si Jay at umupo sa harap.“Kaya mo ba magmaneho?” Inangat ni Jay ang kaniyang mga mata at tumingin kay Rose.Nag-alinlangan si Rose nang sandali bago umiling. “Hindi.”Kayang magmaneho ni Angeline, pero hindi kaya ni Rose!“Tuturuan kita,” sabi ni Jay.Napatingin si Rose sa susi ng kotse ni Jay, at napagtanto niya na ito ay isang bagong kotse. Kahit na ang katawan ng Maserati ay bahagyang mas maliit, ang loob nito
Tinanggal ni Josephine ang instrumento sa kaniyang mukha sa isang naiinis na paraan. Nang makita niya si Rose, binalik niya itong muli sa kaniyang mga mata. Nagtanong siya nang pagalit, “Bakit ka narito?”Umupo si Rose sa tabi niya at bumuntong-hininga.“Ano’ng nangyari sa ‘yo, Josie? Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit ka galit sa ‘kin.”Binuksan muli ni Josephine ang maskara at sinabi sa beautician, “Pwede muna kayong umalis.”Tumayo ang mga tauhan at umalis.Napansin ni Rose kung gaanong namamaga ang mga mata ni Josephine sa puntong hindi na niya mabuksan ang mga ito. Nakaramdam siya ng saksak sa kaniyang puso.Gaano katagal ang kailangang iiyak ng isang tao para maging ganito?“Hindi ba’t sinabi mo na walang namamagitan sa inyo ni Zayne, Rose Loyle?”“Siyempre!” Tumango si Rose.Sa sobrang galit ni Josephine ay kinuha niya ang unan at binato ito sa kaniya. “Sinungaling ka. Noong sinugod ka sa emergency room kahapon, nagpunta roon si Zayne upang makita ka. Sa sobrang pag-aalala niya
Hindi nagsalita nang matagal si Rose...Nagsisimula sa karanasan niya sa buhay, ang misteryosong aksidente sa kotse, ang mga sikreto sa attic… Wala siyang ideya kung saan magsisimula...“Josephine, hindi ako si Rose Loyle!” Kasunod nito, nahirapan siyang ibahagi ang mga sikretong tinatago niya sa loob ng napakaraming taon.Nagulat na tumingin sa kaniya si Josephine. “Ano’ng ibig mong sabihin?“Hindi ka si Rose Loyle? Kung gayon, sino ka?”Nag-alinlangan nang sandali si Rose. Pagkatapos no’n, pinilit niyang magpatuloy, “Ako si Angeline Severe.”Nanlaki ang mga mata ni Josephine sa gulat. “Ano’ng sinabi mo?” Siya ay hindi makapaniwala.Sinuri niya si Rose mula ulo hanggang paa nang ilang beses bago magtanong, “Pero halata namang ikaw si Rose Loyle?”Umiling si Rose. “Nasa katawan ako ni Rose, pero kaluluwa ni Angeline ang narito.”“Huh?” Napasigaw nang malakas si Josephine.“Nagpa-plastic surgery ka ba?” Wala nang ibang maisip si Josephine maliban sa dahilan na ‘to.Umiling muli si Rose
Pinatunog ni Josephine ang kaniyang mga labi at sinabi, “Alam mo ba na ang bandana mo na ‘yon ay nagsanhi sa mga mata ng kuya ko na mamula sa selos? Naaalala ko pa rin ang tono niya noong sinabi niya na, ‘Hindi pa ako binibigyan ni Angeline ng ganiyang regalo!’”Ginaya ni Josephine ang boses ni Jay, pinagmumukha itong boses ng matanda. Silang dalawa ay napatawa nang malakas!Nang matapos sila tumawa, biglang umiyak si Rose.Ang magagandang alaala na ‘yon ng nakaraan niyang buhay ay naging sugat na sa kaniyang puso.Ang bilang ng pagmamahal na binigay niya kay Jay ay kapareho ng bilang ng pananakit na binigay sa kaniya ni Jay.Nang makita na si Rose ay umiiyak, naging mabigat din ang mga mata ni Josephine at nagsimulang maluha. Pinagmukha siya nitong kaawa-awa.“Bakit hindi mo sinabi sa kuya ko, Rose?” Nagtatakang tanong ni Josephine.Napatingin sa kaniya si Rose sa gulat… Ang lungkot sa kaniyang mga mata ay napansin ni Josephine, nagsasanhi sa kaniya na hindi mapalagay.“May tinatago k
Ang pagtatalo ay biglang natigil!Napahiga na lamang si Josephine.Tanging walang hanggang awa lamang ang mayroon siya para kay Rose.“Kung talaga ngang ganoon ang trato sa ‘yo ng kuya ko, hinding-hindi ko siya mapapatawad.” Ang pagnanais ng hustisya ni Josephine ay nagwawala sa kaniyang mga buto.“Rose, mahirap siguro para sa ‘yo na mahalin siya sa loob ng dalawang buhay, ‘no?” Naintindihan ni Josephine ang lungkot ni Rose.Sa magandang mga mata ni Rose, na dating puno ng sigla, ngayon ay wala na itong laman kung ‘di isang tahimik na tubig.“Ang pagmamahal sa kaniya ay tunay na pinakamasayang bagay na ginawa ko. Sadyang ang pagmamahal sa isang tao ay nangangailangan ng sapat na lakas, at ang lakas ko ay nababawasan bawat araw na parang isang hourglass.“Hindi ko na siya kayang mahalin, Josie. Masyadong mahirap, at ang presyo na kailangan kong pagbayaran ay masyadong mabigat para sa ‘kin…” Ang mukha ni Rose ay mukhang blangko at naliligaw.Tumingin si Josephine kay Rose na nasasaktan a
Ngumiti nang malungkot si Rose. “Kung may lakas lang ako ng loob na ilantad siya, eh ‘di, hindi na ako nasasaktan at naguguluhan sa lahat ng ‘to.“Josie, mas gugustuhin ko pang lunukin ang lahat ng lungkot na nararamdaman ko kaysa ang ilantad ang tunay niyang sarili. Una, siya kasi ang ama ng mga anak ko. Pangalawa… Palagi kong iniisip na kung hindi ko siya ilalantad, habang-buhay siyang magiging perpekto na Jaybie sa isipan ko.”Nanginig ang puso ni Josephine na para bang sampu-sampung milyong mga langgam ang ngumangatngat sa kaniyang puso, nagsasanhi sa kaniya ng matinding sakit.“Angeline, ‘wag kang mag-alala. Ngayon, sasamahan kita sa tabi mo at lubos na susuportahan ang lahat ng mga desisyon mo.”“Salamat, Josie.”...“Haa!”Mayroong isang mahaba at malalim na buntong-hininga!Ang dalawang babae na nagsisiksikan sa ibabaw ng isang maliit na kama ay tumitig sa isa’t isa.“Hindi ko inasahan na tayong dalawa ay mahuhulog nang ganito, Angeline.”Sinabi ni Rose, “Oo nga. Mahal ko ang k
‘Di nagtagal, bago lumabas si Zayne at tumakbo patungo kay Rose. Sinuri niya nang ilang beses ang sexy na kasuotan ni Rose.“Rose Loyle, hindi ka ba natatakot na mamatay sa lamig kapag may ganyan kang kasuotan sa ganitong malamig na araw?”“Hindi ba maganda?” Umikot si Rose sa kaniyang kinatatayuan.Kinindatan din niya si Zayne.Niyakap ni Zayne ang kaniyang mga braso at nanginig. “Nakakasuka naman ‘to. Nagsisitaasan ang mga balahibo ko.”“Achoo!” Biglang napabahing si Rose.Agad na sumigaw si Zayne, “Mas gugustuhin mong magmukhang elegante kaysa ang magpainit? Maliit ba talaga ang utak mo?”Pinilit ni Rose ang kaniyang sarili kay Zayne at hinawakan siya nang mahigpit. “Nilalamig ako, Ginoong Severe. Painitin mo naman ako.”Nanliit ang leeg ni Zayne na parang isang ostrich. “Diyos ko, Rose Loyle. Sinusubukan mo ba talaga akong pagsamantalahan?”Si Josephine ay nakaupo sa likod ng kotse, tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Noong makita niya sina Rose at Zayne na niyayakap ang isa