Pinatunog ni Josephine ang kaniyang mga labi at sinabi, “Alam mo ba na ang bandana mo na ‘yon ay nagsanhi sa mga mata ng kuya ko na mamula sa selos? Naaalala ko pa rin ang tono niya noong sinabi niya na, ‘Hindi pa ako binibigyan ni Angeline ng ganiyang regalo!’”Ginaya ni Josephine ang boses ni Jay, pinagmumukha itong boses ng matanda. Silang dalawa ay napatawa nang malakas!Nang matapos sila tumawa, biglang umiyak si Rose.Ang magagandang alaala na ‘yon ng nakaraan niyang buhay ay naging sugat na sa kaniyang puso.Ang bilang ng pagmamahal na binigay niya kay Jay ay kapareho ng bilang ng pananakit na binigay sa kaniya ni Jay.Nang makita na si Rose ay umiiyak, naging mabigat din ang mga mata ni Josephine at nagsimulang maluha. Pinagmukha siya nitong kaawa-awa.“Bakit hindi mo sinabi sa kuya ko, Rose?” Nagtatakang tanong ni Josephine.Napatingin sa kaniya si Rose sa gulat… Ang lungkot sa kaniyang mga mata ay napansin ni Josephine, nagsasanhi sa kaniya na hindi mapalagay.“May tinatago k
Ang pagtatalo ay biglang natigil!Napahiga na lamang si Josephine.Tanging walang hanggang awa lamang ang mayroon siya para kay Rose.“Kung talaga ngang ganoon ang trato sa ‘yo ng kuya ko, hinding-hindi ko siya mapapatawad.” Ang pagnanais ng hustisya ni Josephine ay nagwawala sa kaniyang mga buto.“Rose, mahirap siguro para sa ‘yo na mahalin siya sa loob ng dalawang buhay, ‘no?” Naintindihan ni Josephine ang lungkot ni Rose.Sa magandang mga mata ni Rose, na dating puno ng sigla, ngayon ay wala na itong laman kung ‘di isang tahimik na tubig.“Ang pagmamahal sa kaniya ay tunay na pinakamasayang bagay na ginawa ko. Sadyang ang pagmamahal sa isang tao ay nangangailangan ng sapat na lakas, at ang lakas ko ay nababawasan bawat araw na parang isang hourglass.“Hindi ko na siya kayang mahalin, Josie. Masyadong mahirap, at ang presyo na kailangan kong pagbayaran ay masyadong mabigat para sa ‘kin…” Ang mukha ni Rose ay mukhang blangko at naliligaw.Tumingin si Josephine kay Rose na nasasaktan a
Ngumiti nang malungkot si Rose. “Kung may lakas lang ako ng loob na ilantad siya, eh ‘di, hindi na ako nasasaktan at naguguluhan sa lahat ng ‘to.“Josie, mas gugustuhin ko pang lunukin ang lahat ng lungkot na nararamdaman ko kaysa ang ilantad ang tunay niyang sarili. Una, siya kasi ang ama ng mga anak ko. Pangalawa… Palagi kong iniisip na kung hindi ko siya ilalantad, habang-buhay siyang magiging perpekto na Jaybie sa isipan ko.”Nanginig ang puso ni Josephine na para bang sampu-sampung milyong mga langgam ang ngumangatngat sa kaniyang puso, nagsasanhi sa kaniya ng matinding sakit.“Angeline, ‘wag kang mag-alala. Ngayon, sasamahan kita sa tabi mo at lubos na susuportahan ang lahat ng mga desisyon mo.”“Salamat, Josie.”...“Haa!”Mayroong isang mahaba at malalim na buntong-hininga!Ang dalawang babae na nagsisiksikan sa ibabaw ng isang maliit na kama ay tumitig sa isa’t isa.“Hindi ko inasahan na tayong dalawa ay mahuhulog nang ganito, Angeline.”Sinabi ni Rose, “Oo nga. Mahal ko ang k
‘Di nagtagal, bago lumabas si Zayne at tumakbo patungo kay Rose. Sinuri niya nang ilang beses ang sexy na kasuotan ni Rose.“Rose Loyle, hindi ka ba natatakot na mamatay sa lamig kapag may ganyan kang kasuotan sa ganitong malamig na araw?”“Hindi ba maganda?” Umikot si Rose sa kaniyang kinatatayuan.Kinindatan din niya si Zayne.Niyakap ni Zayne ang kaniyang mga braso at nanginig. “Nakakasuka naman ‘to. Nagsisitaasan ang mga balahibo ko.”“Achoo!” Biglang napabahing si Rose.Agad na sumigaw si Zayne, “Mas gugustuhin mong magmukhang elegante kaysa ang magpainit? Maliit ba talaga ang utak mo?”Pinilit ni Rose ang kaniyang sarili kay Zayne at hinawakan siya nang mahigpit. “Nilalamig ako, Ginoong Severe. Painitin mo naman ako.”Nanliit ang leeg ni Zayne na parang isang ostrich. “Diyos ko, Rose Loyle. Sinusubukan mo ba talaga akong pagsamantalahan?”Si Josephine ay nakaupo sa likod ng kotse, tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Noong makita niya sina Rose at Zayne na niyayakap ang isa
Ang pinto ng BMW ay biglang bumukas.Tumingin si Josephine kay Zayne habang nakapamaywang. Sumigaw siya kay Zayne na parang isang leon, “Zayne Severe!”Napa-upo si Zayne sa lupa nang pinagpapawisan ang kaniyang noo. “Hindi ko kayang pangalagaan ang isang tigre, at ngayon dalawa na sila. Gusto ko nang mamatay.”Pagkatapos no’n, humiga siya sa lupa at nagpanggap na bangkay.Lumapit sa kaniya si Josephine at sinipa siya nang malakas. “Bakit ka nagpapanggap na patay? Tumayo ka nga!”Sinabi ni Rose, “Itali mo nga ang paa niya.”Biglang napatalon si Zayne. “Walang awa ka, Rose Loyle! Sa wakas ay malinaw na kung ano ang ugali mo. Mas kakampi ka sa isang taga-labas kaysa sa kadugo mo.”Tumingin sa kaniya nang malamig si Rose. “Sabi ko sa ‘yo ‘wag mo galitin si Josephine. Bakit hindi mo ako sinunod? Nagsanhi ka pa ng pagkalito at iniwan ulit siya, nawasak tuloy ang puso niya at nagalit. Narito ako ngayong araw, handang parusahan ang sarili kong pamilya kung para ito sa hustisya!”“P*ta!” Hindi
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Naramdaman ni Rose ang panginginig ng kaniyang boses.Sinabi ni Josephine, “Narito ako para may tapusin na nanggaling sa nakaraan.”Agad na natahimik si Rose.Binuksan ni Josephine ang pinto ng kotse at umapak sa maputik na kalsada. Pagkatapos no’n, marahan siya nanglakad patungo sa mga wasak na gusali sa harap.Tumingin si Rose sa malungkot na anyo ni Josephine, ang kaniyang mga mata ay namumula.Ang pagmamahal ng isang tao kapag bata pa ay isa ngang matapang na bagay. Ito ay isang malakas na pagkaakit. Pero kahit na alam na alam ng tao ang kaahihinatnan nito, mahihigop pa rin siya rito.Ang huling pagwawakas ay palaging malungkot.Minahal ni Josephine si Zayne. Kung ang pagmamahal na ‘yon ay bahagyang mas malabo at kung ang pagmamahal niya sa lalaki ay hindi ganoon kalakas, o marahil, hindi tumakbo ng libo-libong milya si Josephine upang habulin ang kaniyang minamahal, hindi siya kakawawain at papahiyain ng iba. Hindi siya maiiwan ng ganitong malungkot na k
Sa sobrang kaba ni Josephine ay hinawakan niya nang mahigpit ang pamalo. Ang kaniyang mga mata ay nakatitig lamang sa lalaki.Ang lalaki ay biglang tumalon nang kasing bilis ng kuryente.Nasipa ni Rose ang ilalim ng lalaki, ngunit siya ay nabigla dahil napagtanto niya na ang mga bagay ay nagiging masama.“Josephine, bilisan mo tumakas.” Ninais ni Rose na protektahan si Josephine kahit ano pa man ang mangyari.Humakbang pasulong si Josephine at sumigaw, “Paano ko magagawang iwan ka rito?”“Josephine, makinig ka sa ‘kin. Ang buhay ko ay napulot ko lang naman. Ang kuya mo ay walang paki sa buhay kong ‘to, at nasiyahan ako noong namatay ako. Pero iba ka… Bata ka pa at hindi ka pa nakakasal!”Napahiyaw si Josephine, “Paano mo nagawang itrato nang mababa ang buhay mo? Hindi nga siguro ito pinapahalagahan ng kuya ko, pero paano ako? Kahit ano pa ang mangyayari, igugugol ko ang susunod kong buhay kasama ka.”Mapula ang mga mata ni Rose. “Josephine, gusto kong maintindihan ang katotohanan niton
Ala una ng umaga.Nakabalik na si Rose sa Garden of A Diary.Mahinang binubuksan ang pinto, pumasok siya sa bahay at umakyat.Sinubukan niya na hindi gumawa ng kahit kaunting ingay!Kaso pag-akyat niya, hindi niya sinasadyang masipa ang hilera ng dekorasyon na damo na nakatayo sa gilid ng mga hawakan sa sahig.Gumawa ito ng mahinang tunog.Halos kasabay nito, ang hilera ng maliwanag na mga ilaw sa kisame ng ikalawang palapag ay nabuhay.Nakatayo si Jay sa ibabaw ng hagdan, nakakunot ang kaniyang mga kilay. Napakalma lamang siya pagkatapos makita si Rose.“Ginoong… Ginoong Ares!” Si Rose ay natuliro sa kaniyang kinatatayuan, nauutal, “Pasensya na, naistorbo ko ba ang tulog mo?”“Hindi pa ako natutulog,” sabi ni Jay.Nang marinig ang sagot nito, si Rose ay bahagyang nagulat. Ang trabaho at pahinga ni Jay ay matatag. Kung wala namang kasal o libing, ang ilang mga oras na ‘to ay isang ‘di magagalaw na oras ng pahinga.Marahan siyang lumapit, inangat ang maliit niyang ulo, at tumingin kay J
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto