Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 401 - Kabanata 410

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 401 - Kabanata 410

848 Kabanata

Kabanata 401

Lumakas ang bagsak ng ulan. Wala nang kalsada sa harap ni Rose dahil ito ay lubos nang nababalot ng mga damo na mukhang wala nang hangganan.Tinutulak ang mga palumpong gamit ang dalawa niyang mga kamay, nakita ni Rose ang bakas ng paa na iniwan ng babae at pinilit na sumulong.Pagkatapos ng ilang minuto, sa wakas ay nakalabas na siya sa matutusok na mga palumpong at napatayo sa harap ng isang kakaibang hugis-kabute na bahay. ‘Bakit may mga gusali na may ganitong istilo rito?’Tuliro, naglakad-lakad si Rose sa harap ng bahay na kabute. Gusto niya malaman kung ano ang nasa likod ng mga pinto na ‘yon, ngunit natatakot na dadalhin siya nito sa piraso ng katotohanan na hindi niya dapat malaman.Sa huli, napuno si Rose ng pagtatanong at tinulak ang maliit na pinto ng bahay. Dahil sa maliit niyang katawan, nagawa niyang makapasok.Madilim sa loob, ngunit bahagya niyang napapansin na ang silid ay malawak dahil sa maliliit na sinag ng liwanag na pumapasok sa pinto.Kinakapa ang kaniyang daan s
Magbasa pa

Kabanata 402

Biglang nag-angat ang lalaki ng isang syringe. “Ito ay isang gamot na bagong imbento lang namin. Kailangan namin ng taong masusubukan namin. Ayos lang ba sa ‘yo maging aming lab rat?”Pagkatapos no’n, ang lalaki ay naglakad patungo kay Rose at tinurok ang syringe sa kaniyang braso nang hindi niya namamalayan.Pagkatapos no’n, ang lalaki ay naglabas ng isang bungo na kwintas sa kaniyang bulsa sa dibdib at kinaway ito sa harap ni Rose.“Kailangan din kitang i-hypnotize. Kailangan kong maglagay ng bagong mga alaala sa ‘yo…” masamang sabi ng lalaki.Ang tingin ni Rose ay napunta sa bungo na kwintas. Nabibilang ito kay Jaybie.Bakit may parehong kwintas ang lalaking ‘to?“Sino ka?”“Nakamamatay ang pagtataka, Binibini.”Ang gamot kalaunan ay umepekto na sa kaniya… Naramdaman ni Rose ang pagsisimulang maglaho ng kaniyang malay.Nang may malakas na tunog, bumagsak si Rose sa sahig.“Ang bilis ah. Ang hina ng loob.” Tinago ng lalaki ang kwintas.“Ang ibig sabihin nito, ang bisa ng bago nating
Magbasa pa

Kabanata 403

Natakot kay Jay, walang ibang magawa si Zayne kung ‘di ang magtiis at hanapin si Rose kasama si Jay sa malakas na ulan.“Rose…” Sumigaw nang malakas si Jay.Ang mga labi ni Zayne ay naging isang nangungutyang ngiti dahil sa kalungkutan ni Jay.Karma.Ito siguro ang karma ni Jay sa pagtalikod kay Angeline.Binigyan ni Jay si Zayne na nanigas sa kaniyang kinatatayuan ng isang masamang tingin. “May bibig ka, ‘di ba? Gamitin mo para tawagin siya.”Pinunasan ni Zayne ang mga tubig sa kaniyang mukha, nagpapakita ng nangungutyang ekspresyon sa ilalim nito.“Ngayon ay naintindihan mo na ang sakit ng mawalan ng minamahal, Master Ares?”“Tumigil ka nga sa kalokohan mo. Ang paghahanap sa kaniya ang mahalaga.”Imposibleng makikinig si Zayne kay Jay. Pinapanood si Jay na mag-alala nang ganoon para kay Rose, hindi mapigilan ni Zayne na mainis para kay Angel.“Tatanungin kita, Master Ares. Minahal mo ba talaga ang kapatid kong si Angel dati?”“Hindi ngayon ang oras para pag-usapan ‘to.” Naghanap si J
Magbasa pa

Kabanata 404

Ang gwapong mukha ni Jay ay namutla.Napaghinalaan na niya ito dati. Gayunpaman, noong lumabas siya ng ICU, ang libing ni Angeline ay tapos na. Ang bawat ebidensya ng imbestigasyon ay nawasak din… Kinailangan niyang tanggapin na ang pagkamatay ni Angeline ay dahil sa isang aksidente.Gayunpaman, ang kaniyang pambihirang pag-iisip at kakalmahan ay ginising siya. “Zayne, ‘wag na tayong mag-aksaya pa ng oras. Mayroon tayong isang emergency, at ‘yon ay ang hanapin si Rose. Sa sandaling mahanap natin siya, sigurado akong masasagot niya ang anumang pagdududa na mayroon ka sa puso mo!”Tinulak ni Jay ang kamay ni Zayne palayo at tumakbo.Nag-alinlangan si Zayne bago sabihin, “Alam ni Rose ang mga sagot? Kalokohan! Halata namang ginagawa mo akong hangal.”Hindi sinunod ni Zayne ang kahilingan ni Jay na maghiwalay. Sa halip, sinundan niya ito. Ninais niyang malaman kung ano’ng mga sikreto ang mayroon si Rose.Umikot-ikot si Jay sa paligid ng Fragrant Vessel Court, ang kaniyang mga damit ay basa
Magbasa pa

Kabanata 405

Makulimlim ang mga mata ni Jay noong sabihin niya, “Naniniwala ako sa ‘yo.”Si Zayne ay bahagyang natuwa sa bulag na kumpiyansa sa kaniya ni Jay. Sa buo niyang buhay, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may tumingala sa kaniya. At saka, ang taong ‘yon ay ang prinsipe ng Imperial Capital.Nahiya si Zayne. “Paano kung… Paano kung… Mabigo ako?”Tinusok siya ng tingin ni Jay. “Paano kung sinabi ko sa ‘yo na si Rose ay si Angeline? Ngayon, gusto mo pa rin ba ng lasa ng pagkabigo?”Nanigas si Zayne na parang istatwa.Pagkatapos ng mahabang sandali, nananabik na tinanggal ni Zayne ang laurel sa kaniyang ulo at hinawakan ng kamay ni Jay. “Kaya mong gumawa ng ganoong palusot para lang himukin ako na hanapin si Rose, huh?”Sumagot si Jay, “Ito ang katotohanan.”Kahit na naisip ni Zayne na ito ay katawa-tawa, masyadong mahalaga ang bagay na ‘to. Hininaan niya ang kaniyang boses at tinanong si Jay, “Pwede mo ba ako bigyan ng magandang rason para paniwalaan ka?”“Ang pinagkaiba sa pagitan ni Rose
Magbasa pa

Kabanata 406

Dumating si Jay sa lugar ng sunog at nagbigay ng mga utos para sa isang chopper na iligtas ang mga taong naipit sa kalagitnaan ng sunog.Pagkatapos no’n ay pumunta siya sa eksena ng sunog at ginabayan ang natatakot na mga bisita palabas sa isang maayos na paraan.Si John ay sumusunod din sa mga utos, ngunit sinabihan niya si Jay, “Jay, grabe ka. Ang lakas ng loob mo! Paano mo nagawang pumunta rito at magbigay ng mga utos? Kaninong buhay rito ang mas mahalaga kaysa sa ‘yo?”Gayunpaman, walang nakakaalam kung ano ang iniisip ni Jay noong magtungo siya sa dagat ng mga apoy.“Ano’ng tinitingin-tingin mo d’yan? Gusto mo rin bang mamatay?” Kinuha ni John ang hose mula sa isang bumbero na malapit at binuhusan si Jay ng tubig.Kalaunan, lumabas si Jay mula sa impyerno habang may kargang tao sa likod niya.Binalot ng makapal na usok ang eksena.Sinamahan siya ni John palabas ng lugar.Pagkatapos ng 40 na minuto ng sunog, sa wakas ay nawala na ang apoy.Binigyan ni Jay ng utos si John kung paano
Magbasa pa

Kabanata 407

Ang isipan ni Rose ay puno ng nakasisindak na eksena ng pagnanais ni Jay na saktan siya...Sinusubukan ba siya ni Jay?Gano’n pa rin ang tono ni Rose, “Kahit na maglagay ka ng magnet sa ‘kin, hindi talaga ako makakatakas sa hawak mo.”Nang i-angat niya ang kaniyang braso, wala na rito ang timer. Nababaliw na humiyaw si Rose, “Ah, nasaan ang timer ko?”Tumingin siya nang masama kay Jay, sinasabi, “Niloko mo ‘ko. Tinanggal mo ang timer sa ‘kin, ang ibig sabihin ba no’n ay binenta mo ang katawan mo para sa wala?”Binenta ang katawan para sa wala? Sumakit ang ulo ni Jay.Kinuha ni Rose ang tuwalya sa tabi niya, binalot ang kaniyang sarili, at lumabas ng bathtub bago tumakbo sa labas, hindi napapansin na may isang mabangis na ekspresyon na unti-unting lumilitaw sa mukha ni Jay.Isang biglang suntok sa tubig ay bumuo ng ‘di mabilang na mumunting-alin, nagpapatalsik ng tubig sa kaniyang mukha.Marahil ay mayroon pang mas masama na nasa likod ng insidente na nangyari kay Rose. Siya ay lubos na
Magbasa pa

Kabanata 408

Sino’ng kailangan mapaalalahanan no’n?Mabilis na sinuot ni Rose ang bestida kahit na ito ay bahagyang maliit. Ang kaniyang mga kamay ay nahirapan na pumasok sa manggas, kaya kinailangan ni Jay na lumapit at tulungan siya na buksan ang gilid ng manggas.Ang mukha ni Rose ay matinding namumula dahil naramdaman niyang hindi siya sapat bilang isang babae dahil hindi siya pamilyar sa bestida na ‘yon ‘di tulad ni Jay.Mabagal na kinalikot ni Jay ang bawat bahagi ng bestida, at pagkatapos no’n ay tumingin siya kay Rose. Ang malamig, malalim, at nagmamahal na mga mata ni Jay ay ngumiti kay Rose. Mukhang para kay Rose ay si Jay pa rin ang inosente, at malamig na binata na hindi kailanman mananakit ng isang langaw.“Sa susunod, tandaan mong kumain sa tamang oras.”Nang marinig siya, nanginig si Rose. Siguradong mayroong masamang binabalak si Jay sa likod nito!“Ngayong araw ang ika-83 na kaarawan ni Lolo. Ang pagdiriwang ay isasagawa sa England Clubhouse sa kabilang kalsada lang. Si Tito ay na
Magbasa pa

Kabanata 409

Noong maglakad siya palabas ng Fragrant Vessel Court, tumingin si Rose sa basang aspalto na kalsada at pabalik sa mahaba niyang bestida. Isang bakas ng pamomroblema ang makikita sa kaniyang mga kilay.Naglakad si Jay sa harap niya at umupo. “Halika, bubuhatin kita.”Nanliit ang mga mata ni Rose.Kahit na mahalaga ang bestida, pambihirang mga tao lang ang kayang sumakay sa likod ni Ginoong Ares!“Ginoong Ares, sa tingin ko ay kaya ko nang maglakad nang mag-isa,” sabi niya habang inaangat ang kaniyang bestida, pinapakita ang maputi niyang mga tuhod.“Halika na.” Ang boses ni Jay ay naging bahagyang malamig.Nagtaka si Rose. May mali ba sa lalaking ‘to? Bakit ang mga kilos niya ay mahirap basahin nitong mga nakaraan?Walang ibang magawa, marahan siyang umakyat sa likod ni Jay, hindi sigurado kung saan ilalagay ang kaniyang mga kamay. Noong tumayo si Jay, siya ay gumewang-gewang.“Humawak ka sa ‘kin,” utos ni Jay.Pagkatapos no’n ay maingat na nilagay ni Jay ang kaniyang mga kamay sa balik
Magbasa pa

Kabanata 410

Nanlaki ang mga mata ni Rose at sinabi, ‘Isip bata ba siya?’Dapat na sigurong palitan ni Jay ang pangalan niya sa Baby Jay kung gano’n!Sa harap ng clubhouse, sampu-sampung mga bodyguard na balot ng mga uniporme at mayroong mga baril sa kanilang mga kamay ay maayos na nakatayo sa dalawang gilid ng malaking pinto.“Wow, ang ganda ng mga uniporme.” Mapaglarong nilabas ni Rose ang kaniyang dila.Binigyan siya ni Jay ng malamig na tingin.Agad-agad, sumagot si Rose, “Ang ganda ng itsura nila!”Hinila siya ni Jay at sinabi, “Mula sa sandaling ‘to, bawal ka nang lumabas sa paningin ko.”“Kung gayon, paano kung gusto kong magbanyo? Gusto ba akong sundan ni Ginoong Ares sa pambabaeng banyo?”Naiirita, sinabi ni Jay, “Susundan mo ako sa panlalaki.”Walang masabi si Rose.Noong pumasok sila sa clubhouse, si Rose ay namangha sa dami ng mga tao na kaya nitong pagkasyahin.Mga roman na poste na gawa sa puting marmol ang makikita sa paligid, at sa mga pader ay parang makatotohanan na mga iskultura.
Magbasa pa
PREV
1
...
3940414243
...
85
DMCA.com Protection Status