Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 391 - Chapter 400

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 391 - Chapter 400

848 Chapters

Kabanata 391

Pagkatapos hilahin palayo si Nancy, malakas na tinanggal ni Jay ang jacket ni Sean kay Rose.Pagkatapos no’n, kinuha niya ang sarili niyang jacket at binalot si Rose nito.“‘Wag ka nang humawak ng mga bagay na nabibilang sa ibang lalaki. Nakakairita.” Masamang babala ni Jay.Isang mahinang tawa ang biglang lumabas sa mga labi ni Sean.Pagkatapos gamitin ang bawat paraan sa ilalim ng araw para pigilan sila ni Rose na ipubliko ang kanilang relasyon, hindi kailanman inasahan ni Jay at hindi napigilan si Nancy Bell sa pagiging huling susi sa pagsabi sa mundo.Nang gano’n kadali, alam na ng publiko ang tungkol sa relasyon nila ni Rose.Ang palabas ay kailangang magpatuloy. Natatawang ngumiti si Sean kay Jay. “Damit ng magkasintahan kasama ang kasintahan ko, Master Ares? Ano’ng nangyayari dito?”“Asawa ko siya,” dineklara ni Jay ang kaniyang kontrol.“Dating asawa.” Nagpakita si Sean ng isang napaka-giliw na ngiti.“Asawa ko pa rin siya,” sabi ni Jay na parang ito ang katotohanan....Nang m
Read more

Kabanata 392

“Lumapit ka nga rito,” sabi ni Jay sa isang nang-uutos na tono noong panoorin niya si Rose na tumayo sa tabi ni Sean.Nanginig si Rose at masunuring naglakad upang tumayo sa harap ni Jay.Wala siyang magagawa. Ang demonyo na ‘to ay hawak ang hinaharap ang Severe Enterprises sa kaniyang mga kamay.Nagtanong ang Grand Old Master, “Rose, sino ba talaga sa dalawang lalaki na ‘to ang mahal mo?”Natatakot na tumingin si Rose kay Jay, pagkatapos ay malungkot na tumingin kay Sean.Ang pumili ng isa sa kanila ay nangangahulugan na walang duda niyang gagalitin ang kabila.Hindi niya magawang galitin si Jay, pero ayaw niya rin namang galitin si Sean.“Grand Old Master Ares, hindi ako naniniwala na may karapatan akong pumili,” sagot ni Rose.“Ayos lang ‘yan, sabihin mo sa ‘kin kung sino ang mahal mo. Ako ang bahala sa ‘yo,” nagpapakalmang sabi ng Grand Old Master.“Mag-isip kang mabuti bago sumagot, Rose,” Bulong ni Jay. Baka ipaalala pa niya kay Rose ang tungkol sa screenplay na kontrata ng The M
Read more

Kabanata 393

Nanliit ang ngiti ni Sean, parang buhangin sa isang hourglass. Kapag mas pinapakalma niya ang kaniyang sarili, mas nagiging halata ang kaniyang pagkabaliw.Muli na naman niyang naranasan ang sindak na dulot ni Jay Ares.“Ang pinaka-layunin mo ay ang magsanhi sa ‘kin na kamuhian ka para wasakin ko ang Bell Enterprise para sa ‘yo. Iyon ang dahilan kung bakit mo ginagamit si Rose Loyle, tama ba?”Dahil sa walang awang pagbaklas ni Jay sa bawat bahagi ng pagpapanggap niya, ang natira na lamang kay Sean Bell ay ang nagtataka at malambot niyang sarili.Ang gwapo niyang katauhan ay maputla at wala nang dugo! Ang kaniyang katawan ay nagsimulang manginig.Pero, mabilis siyang tumingala sa pagkalito at naghihinalang nagtanong, “Hindi ko alam ang ibig sabihin mo, Master Ares.”Ayaw niyang maniwala na alam ni Jay ang masama niyang binabalak.Imposible na malalaman ni Jay ang tunay niyang intensyon sa Bell Enterprise nang ganoon kabilis. Hindi dahil ilang taon na siyang nagpapanggap at bihira niya
Read more

Kabanata 394

Tanggal na siya sa Bell Enterprise?Ang ibig sabihin no’n ay wala na siyang paraan upang ipaghiganti ang Severe Enterprise o ang mahuli ang kasamaan ng mga Bell.Tumititig sa malungkot na babae, nangutya si Jay nang nakahalukipkip. “Ano? Namimiss mo na siya agad?”Tumingin nang masama si Rose kay Jay. “Pinilit mo siya na tanggalin ako, ano?”“Hindi,” totoong sagot ni Jay.Ang ginawa niya lamang ay sabihin kay Sean na lumayo kay Rose. Wala siyang sinabi na tanggalin si Rose.Ang mga kamay ni Rose ay napakuyom sa kamao. Hindi lamang magulo at mahirap intindihin ang lalaking ‘to, siya ay mapagpanggap din at isang malaking g*go.Tinatamad na nilagay ni Jay ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa.“Kung gusto mo ng kasamang maghimagsik, paano ako? Masyadong madaling matakot si Sean Bell.”“Hindi ka pwede.” Nainis si Rose.“At least, matapat ako sa ‘yo.”Umirap sa kaniya si Rose. “Parang t*nga naman ako para maniwala sa kalokohan mo.”Walang masabi si Jay.Siya ay kasing tapat ng isang tuna
Read more

Kabanata 395

Sa ilalim ng matalas na tingin ni Jay, ang boses ni Zayne ay palambot nang palambot. “Paano kung patunayan mo rin sa ‘min? Mahal mo si Binibining Rose, hindi ba?”Sina Josephine at Rose ay patagong pinuri si Zayne sa kaniyang katalinuhan.Tumitingin kay Rose, nagtanong si Jay, “Ano sa tingin mo?”Si Rose ay kumakampi kay Zayne, kaya sinabi niya, “Mga huwaran na tao lamang ang kayang manghimok sa iba.”“Eh, ano’ng gusto mo?”“Hindi ako naniniwala na kayang ibigay sa ‘kin ni Ginoong Ares ang gusto ko,” mahinang sabi ni Rose.“Basta’t gusto mo ‘to, mapapasa ‘yo ‘to basta’t kaya ko ‘to ibigay.”Nag-panic si Rose. Nauntog ba ang ulo ng lalaking ‘to?Pagkatapos tumahimik upang magsalita, sumagot siya, “Gusto ko ng yayamaning kotse, shares ng kumpanya—”Nang makulit, nilista ni Rose ang mga benepisyo nang pabiro noong tumitig siya kay Jay, hinihintay ito na talikuran ang kaniyang mga salita.“Walang problema!”Natuliro siya. Mas pinapatindi ang kaniyang biro, nagpatuloy siyang sabihi, “Gusto
Read more

Kabanata 396

Bumabalik sa katotohanan, nahihiyang bumalik si Rose sa tabi ni Jay.Nagtatanong na tumitig si Josephine kay Rose. Ang kakaiba niyang kinikilos ay nagsanhi kay Josephine na bahagyang… hindi mapalagay.“Hipag, imposible namang may nararamdaman ka kay Zayne, hindi ba?”“Huh?” Nagulat si Rose.Nagsalita si Zayne, “Ano’ng ibig mong sabihin sa ‘huh’? Patuloy kang tumititig nang malambing sa ‘kin, malamang magkakaroon ng maling akala ang kasintahan ko.”Binigyan ni Josephine si Jay ng isang nababahalang tingin. Siya ay natatakot na ang kaniyang kuya, na isang control freak, ay magkakaroon ng maling akala kay Rose at pauulanan siya ng galit.Gayunpaman, hindi ito pinansin ni Jay, nakaupo nang elegante na para bang walang nangyari. Kalmado lamang ang itsura niya noong tumingin siya kay Rose.Hindi ganito ang istilo ni Jay.“Hindi ako tumititig nang malambing sa ‘yo,” nakipagtalo si Rose, “Hindi ka rin naman isang papel na pera. Hindi lahat ng tao ay mahal ka!”Nabulunan si Zayne, wala nang iba
Read more

Kabanata 397

Binitawan ni Zayne ang ulo ng guya, hinahayaan si Jay na ilagay ito sa plato ni Rose.Walang masabi si Rose… Ang tête de veau na ‘to ay ang pinakamamahaling binigay sa kaniya.Gustong-gusto rin ni Rose na kumain ng ulo ng guya!Ang pagtataka ni Zayne ay lumalaki lamang sa tuwing nakakakita siya ng parehong interes na mayroon sina Rose at Angeline.Hinihintay si Rose na umalis para magbanyo, umalis din si Zayne at hinarangan ang daan ni Rose noong malapit na siya sa banyo.“Rose, gusto kitang kausapin.” Sumandal si Zayne sa pader nang may mayabang na ekspresyon sa kaniyang mukha.Nang makita ang ‘di maayos na pagkilos ni Zayne, sinabihan siya ni Rose, “Umayos ka ng tayo, o iisipin ng Pamilya Ares na ang kanilang susunod na manugang ay isang mayabang at ‘di maaasahan na lalaki.”“Sino ba ako sa ‘yo? Sino ka para kontrolin ang mga bagay na ginagawa ko?” Pagalit na tanong ni Zayne.Sa pagtatanong ni Zayne, natahimik si Rose.Ang nagtatanong na mga mata ni Zayne ay napatingin kay Rose. “Ros
Read more

Kabanata 398

Baka tumagas ang dugo ni Rose ngayong araw.Sa wakas ay natanggal na niya ang kaniyang mga labi sa pisngi ni Zayne. Binuksan niya ang kaniyang bibig upang magsalita, “Zayne Severe, ‘yong buhok ko ay bumuhol sa butones mo.”Kinuha ni Zayne ang pagkakataon na mas itulak sa gulo si Rose. “Hindi naman mabubuhol ang buhok mo sa butones ko kung hindi ka lumapit sa ‘kin, hindi ba?”“G*go, tanggalin mo ang buhok ko!” Si Rose ay nagalit.Lumapit si Jay at maingat na tinanggal ang buhok ni Rose sa butones ni Zayne. Ang kilos na ‘yon ay nakagugulat na magiliw.Malaya nang muli, huminga nang malalim si Rose.Lumapit si Josephine nang may nabigong tingin sa kaniyang mga mata noong tumitig siya kay Rose. “Paano mo nagawang akitin ang bayaw mo?”“Hindi ko siya inakit. Josephine, kailangan mong maniwala sa ‘kin. Aksidente lang ang lahat ng ‘yon.” Reklamo niya, ang kaniyang mga salita ay mahina.Nagsalita si Josephine, “Kung maniniwala man ako sa ‘yo o hindi ay hindi ang punto rito. Ang mahalaga ay kun
Read more

Kabanata 399

Ang panggagalit kay Josephine ay maliit lamang kumpara sa panggagalit sa Diyos na ‘to. Ang panggagalit kay Jay ay isang tunay na krimen na siguradong mauuwi sa isang matinding pang-aapi.“Ginoong Ares!” Kinakabahan na sabi ni Rose habang nakayuko.Pinag-isipan niya kung paano pinarurusahan ni Jay ang mga ‘hindi tapat’ na babae. Lulunurin kaya siya ni Jay? Ipapakain sa mga pating, o siguro ay ipabaril siya?Na para bang nakikita ang takot ng babae, umabot si Jay upang himasin ang kaniyang buhok. Gayunpaman, iniwasan siya ni Rose sa pamamagitan ng pagtalon patalikod na para bang nakakita siya ng malaking kalaban.Ang kamay ni Jay ay tumigil sa hangin habang ang kaniyang ekspresyon ay pinakita ang kaniyang ‘di pagkatuwa.“Halika rito!” Ang kaniyang tono ay mahinhin pa rin.“Patawarin mo ako, Ginoong Ares.” Sabi ni Rose.“Tungkol saan?”“Hindi dapat ako nang-akit ng ibang lalaki sa harap mo at pinahiya ka.” Ang kaniyang boses ay mahina.“Hindi ako galit sa‘yo.”Nang may nanlaking mga mata,
Read more

Kabanata 400

Lumambot ang puso ni Josephine sa kaawa-awang ekspresyon ni Zayne. Kinukuha ang pampamanhid, namula ang mukha niya noong ipahid niya ito sa pwet ni Zayne.Hindi mapigilan ni Zayne na matawa sa namumulang mga pisngi ni Josephine. “Bakit ba hiyang-hiya ka? Alam mo naman na wala na tayong itatago sa isa’t isa pagkatapos natin ikasal, ‘di ba?”Gamit ang kaniyang mga kamay, tinakpan ni Josephine ang mukha ni Zayne.“Sige, sige. Titigil na ako.” Tumigil sa pang-aasar si Zayne.Chirp, chirp, chirp.Ang tunog ng paghuni ng mga ibon ang maririnig sa tahimik na parke.Bumubuntong-hininga, inangat ni Zayne ang kaniyang ulo upang tumingin sa tanawin sa labas ng bintana. “Ang ganda ng Tourmaline Estate. Tahimik at mapayapang lugar din. Para siyang paraiso.”Gayunpaman, tila hindi mapakalagay si Josephine noong magsalita siya, “Ang mga anak nina Tito Jacob at Tito James ay naging matatanda na sa nakalipas na ilang taon. Bawat taon ay ginagamit nila ang kaarawan ng Grand Old Master upang ipakilala an
Read more
PREV
1
...
3839404142
...
85
DMCA.com Protection Status