Beranda / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Bab 371 - Bab 380

Semua Bab Sir Ares, Goodnight!: Bab 371 - Bab 380

848 Bab

Kabanata 371

Ang sports car ay mabilis na dumiretso sa malawak na kalsada.Paminsan-minsan, susulyap si Sean Bell sa likod upang tumingin kay Rose Loyle na nakaupo sa likod. Siya ay natutuwa kaya inasar niya ito.“Ano’ng gusto mong sabihin ko sa ‘yo? Ang lahat ng kababaihan sa Imperial Capital ay desperado na lumapit sa kaniya. At saka, maglaway sa kaniya. May pagkakataon ka na maging ang dakilang si Ginang Ares, gayunpaman, pinili mong tanggihan siya. Pwede ko bang sabihin na ikaw ay tuso, mangmang, o hangal?"“Ano’ng dakila sa pagiging Ginang Ares? Kung kailangan kong tumingin lagi sa nakasimangot na mukha na ‘yon, baka magkaroon pa ako ng sakit sa endocrine o sakit sa utak.” Si Rose ay nagkaroon ng pagnanais na maghiganti. Kung hindi niya makuha si Jay, ano pala ang nagustuhan niya sa kaniya?Hindi mapigilan ni Sean na tumawa. “Hehe.”Noong lumiko ang sports car sa Middle Ring Road ng Imperial Capital, pinaalalahanan ni Sean si Rose, “Malapit na ang kumpanya. Kung ayaw mong bigyan ka ng gulo ng
Baca selengkapnya

Kabanata 372

Nagsimulang tumibok ang mga ugat sa gilid ng ulo ni Sean.Nagsimulang magdagdag si Nancy sa gulo. “Ama, siya ang naghimok kay Kuya na nakawin ang screenplay at impluwensya ng Ares Enterprises, sinasadyang magsanhi ng alitan sa pagitan ng Bell Enterprise at Ares Enterprise. Sa palagay ko, siguradong isa siyang espiya na pinadala ng iba!”Isang malamig at nagbabalak na kunot ang lumitaw sa gwapo at desididong ekspresyon ni Stanley. “Guards, itali niyo siya at ipadala sa Ares Enterprises bilang paghingi ng tawad.”Nakita ni Sean na nagiging masama ang sitwasyon. Mabilis niyang hinila si Rose sa likod niya. “Ama, si Rose ay hindi isang espiya. Siya… Siya ang babaeng gusto ng anak mo!”Tumitig si Stanley kay Sean sa gulat. “Ano’ng sinabi mo?”“Ang sabi ko, siya ang kasintahan ko!” Matalas na sabi ni Sean.Sa sobrang bigla ni Nancy ay napanganga. “Baliw ka na ba, Kapatid? Naisip mo ba ang mangyayari kapag ninakaw mo ang babae ni Master Ares?”Si Stanley ay hindi makapaniwala, at sa sobrang g
Baca selengkapnya

Kabanata 373

Pagkatapos ng ulan, ang lamig ng tagsibol ay naglaho at sinimulan ang taglamig.Si Nancy ay nakaupo sa isang swivel chair nang may hawak na phone. Paulit-ulit niyang pinipindot ang screen, pagkatapos ay paulit-ulit niya itong pinapatay.Sa huli, naglakas-loob si Nancy at binuksan ang screen ng kaniyang phone. Nakita niya ang pangalan ni Jay Ares sa kaniyang contacts at tinawagan ito.Ang telepono ay tumunog nang matagal bago marinig ang malamig na boses ni Jay sa kabilang linya, “Ano?”Sa sobrang kaba ni Nancy ay nagsimulang pagpawisan ang kanyang mga palad. “Master Ares…. May…. Mayroon akong sasabihin sa ‘yo.”“Sabihin mo.” Si Jay ay mukhang naiinip.“Ang kuya ko at si Rose ay magkasintahan.” Kinagat ni Nancy ang kaniyang labi. Hindi siya naniniwala na hindi magiging interesado si Jay sa mensahe na ‘to.Tulad ng inaasahan niya, nilapit ni Jay ang phone at naging mas malinaw ang kaakit-akit niyang boses. Gayunpaman, naging malamig din ito. “Ano’ng sinabi mo?”Mula sa kabilang linya, na
Baca selengkapnya

Kabanata 374

Tumingin nang malamig si Jay kay Jean. Inabot niya ang kaniyang kamay at sinabi, “Bigay mo ‘yan sa ‘kin.”Pinasa sa kaniya ni Jean ang mga dokumento na hawak nito at mayabang na sinabi, “Pinsan, gumaganda na ang French ko. Kung hindi ka naniniwala sa ‘kin, pwede mo ako subukan!”"Dégagé!" Malamig na sabi ni Jay.Sumagot si Jean, “Alam ko ibig sabihin n’yan. Layas, hindi ba? Hindi ba’t ang ibig sabihin no’n ay ‘lumayas ka sa harap ko’?”Hindi mapigilan ni Grayson na matawa.Napagtanto ni Jean na siya ay niloloko ng kaniyang pinsan, at ang mayabang niyang ekspresyon ay biglang naglaho. “Kuya, hindi ka ba pwedeng magbahagi ng kagiliwan ni hipag sa ‘kin?”Noong banggitin niya si Rose, ang ekspresyon ni Jay ay mas nagdilim.Tumingin si Jean sa malamig na ekspresyon ng kaniyang pinsan at inasar ito. “May babae pala sa mundong ‘to na hindi mo kayang pangalagaaan. Haha, ang mga babaeng tulad ni hipag. Hindi mo kayang ikulong ang kaniyang puso, pero pwede mo siya ikandado bilang tao…”Si Jay ay
Baca selengkapnya

Kabanata 375

Si Rose Loyle ay nag-iisip. Pumayag si Jay na makipagtulungan sa Severe Enterprise. Gayunpaman, ang kontrata ay hindi pa napipirmahan. Paano kung umatras siya?Kailangan niyang himukin ang Severe Enterprises na gawin ito sa lalong madaling panahon.Dumating si Rose sa Eminent Honor Co. Ltd. upang hanapin si Zayne Severe. Mula sa kalayuan, nakikita niya sina Zayne at Josephine na magkalapit sa isa’t isa.“Zayne, kailan ka pupunta sa bahay ko at humingi ng basbas para sa kasal natin?” Tumingin si Josephine kay Zayne, ang kaniyang mga mata ay nagniningning sa pag-aabang.Hinawakan ni Zayne ang mukha ni Josephine at sinabi, “Kung pupunta ako sa bahay niyo at humingi ng basbas, hindi ba ako patatalsikin ng kuya mo?”Nagliwanag si Josephine. “Depende na lang ‘yon kung seryoso ka. Kung hindi ka seryoso, baka habulin ka ng kuya ko nang may hawak na pamalo!”Isang natatakot na ekspresyon ang lumitaw sa mukha ni Zayne. “Masyado kang protektado ng kuya mo. Hindi ba siya magsisisi kapag ikaw ay na
Baca selengkapnya

Kabanata 376

Binigyan niya ng hustisya si Josephine Ares.Hinawakan ni Zayne ang kaniyang ilong, tumitingin kay Rose nang masama at nag-uusok sa galit. “Rose Loyle, sa tingin mo ba ay wala akong lakas ng loob na manakit ng babae? Sinasabi ko sa ‘yo, ‘wag mo akong hamunin. Kapag nagalit ako, hindi ako nagpapakita ng awa sa sarili ko, sa ‘yo pa kaya.”Nagsalita siya nang marahas, ngunit hindi siya kumilos.Naintindihan ni Rose na si Zayne ay hindi ang klase ng tao na pagbubuhatan ng kamay ang isang babae.“‘Wag mong paglaruan ang nararamdaman ni Josephine,” muli siyang binalaan ni Rose.Sumagot si Zayne, “Si Jay Ares ay pwedeng paglaruan ang kapatid ko, pwede bawal ko paglaruan ang kaniya? Ano’ng lohika ‘yon?”Sa sobrang galit ni Rose ay sinipa niya si Zayne, pinapatumba si Zayne.“P*tcha, ‘wag kang sumobra. Kapag inatake mo ulit ako, ‘wag mo akong sisihin kapag binawian kita.”Umupo si Rose sa tabi niya, nakatingin sa kaniyang magulong itsura. “Mangako ka sa ‘kin na hindi ka na makikipagkita kay Jos
Baca selengkapnya

Kabanata 377

Bumalik si Zayne sa opisina ng Eminent Honor Co. Ltd. Napatingin si Francis Greene sa kaniyang magang mukha at napatalon sa gulat, ang baso ng tsaa sa kaniyang mga kamay ay bumabagsak sa mesa.“Zayne, nakipagsuntukan ka ba?”Pagalit na umupo si Zayne at sinabi sa isang mapait na tono, “Nababaliw na siguro ang ama ko. May hinirang siyang taga-labas bilang executive president ng Severe Enterprises.”Binasa ni Francis ang kaniyang panyo at naglakad patungo sa kaniya, mahina itong hinihimas sa noo ni Zayne.“Aray, ang sakit.” Sabi ni Zayne sa sakit.Nagtanong si Francis, “Binugbog ka ba ng ama mo?”“Hindi, nakabalik na siya sa Swallow City.”Nalito si Francis. “Eh, sino’ng bumugbog sa ‘yo nang ganito?”Tumingin sa kaniya nang masama si Zayne. “Nakipagsuntukan ako sa bagong executive president.”Pinindot ni Francis ang mga sugat sa mukha ni Zayne. “Magiging ayos ka rin. Ang lahat ng ‘to ay mabababaw na sugat lang. Pero gusto kong malaman, sabi mo isa kang kampeon sa labanan noong bata ka pa
Baca selengkapnya

Kabanata 378

Tumitig si Francis sa namamagang mukha ni Zayne. “‘Wag mo sabihin sa ‘kin na tinamaan ka niya kung saan ka dating tinatamaan ni Angel.”Tulalang tumingin si Zayne kay Francis. “Sabihin mo sa ‘kin, nabuhay bang muli ang kapatid ko?”Walang masabi si Francis. “Akala mo lang ‘yon. Umaarte lang siya para maloko kayo ng ama mo. Isa siguro siyang may karanasang espiya.”Tahimik na binitawan ni Zayne ang kamay ni Francis, ang kaniyang ekspresyon ay nagiging malungkot.Hinawakan ni Francis ang kaniyang babae na para bang may malalim siyang iniisip. “Pero ano ang motibo niya sa pag-arte bilang si Angel at mapalapit sa Severe Enterprise?”Sinabi ni Zayne, “Kailangan kong ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan, para hindi niya maloko ang ama ko.”Noong banggitin niya ang kaniyang ama, si Zayne ay nabahala at nagsimulang magreklamo tungkol sa kaniya. “Ang tagal nang nabubuhay ng ama ko at marami nang napagdaanan sa puntong ang isa niyang paa ay nasa libingan na. Paano niya nagawang maging padalo
Baca selengkapnya

Kabanata 379

Pagdating ng gabi, umuwi si Jay kasama ang tatlong mga bata.Nakatayo si Rose sa pintuan nang may magandang ngiti at kinuha ang bagahe ni Jay nang kaaya-aya. “Ako na ang bahala d’yan, Ginoong Ares.”Si Jay ay nagulat na makita si Rose. “Huwebes ang araw ngayon,” paalala sa kaniya ni Jay.Ang boses ni Rose ay magiliw noong magsalita siya, “Si Ginoong Ares ay abala sa Grand Asia sa araw, at abala sa mga bata sa gabi. Maaari namang masabi na lubos kang abala. Iniisip ko lang na pwede akong bumisita kapag libre ako upang bantayan ang mga bata at hatian si Ginoong Ares sa mga gawain niya…”“‘Wag ka na magpaligoy-ligoy.”Tumayo si Jay sa harap niya. Pagkatapos tanggalin ang kaniyang coat, ang kaniyang mga daliri ay gumalaw upang tanggalin ang kaniyang kurbata.Lumapit muli sa kaniya si Rose. “Tulungan kita, Ginoong Ares.”Ang kaniyang magiliw at malambot na mga kamay ay nagtungo sa dibdib ni Jay na parang isang paru-parong dumadapo sa isang bulaklak, nagsanhi ito sa kaniya na mahiya sa ‘di m
Baca selengkapnya

Kabanata 380

“Ginoong Ares, maganda na ba ang mood mo ngayon?”Nagliwanag ang mga mata ni Jay.Siya ay natutuwang pinagsisilbihan ni Rose. Para bang si Rose ang kaniyang asawa. Ito ang klase ng pangyayari na sa panaginip niya lamang nangyayari.Tumango siya.Agad na umupo si Rose sa harap niya, “Ginoong Ares, mayroon akong maliit na kahilingan.”Nilabas niya ang dalawa niyang mga daliri, pinapakita ang laki ng isang kuko. “Ganito kaliit.”Sumagot si Jay, “Ang isang maliit na kahilingan ay isa pa ring kahilingan.”Sinuri ni Rose ang sitwasyon. “Oo, oo, oo. Kung gayon, Ginoong Ares, maaari mo bang tuparin ang kahilingan ko?”“Sabihin mo lang.”“Pwede ka bang magbigay ng pera sa kaibigan ko?” Hinawakan niya ang kamay ni Jay at nagsimula itong kulitin.“Walang problema.” Ang sagot ni Jay ay mabilis. “Magkano ba ang kailangan mo?” Tanong niya.Ang ngiti ni Rose ay mas mainit pa sa nagliliyab na araw. “Ginoong Ares, hindi ko kailangan ng cheque o pera… Kailangan ko lang ng pirma mo.”Sa sandaling matapos
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
3637383940
...
85
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status