Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Kabanata 381 - Kabanata 390

Lahat ng Kabanata ng Sir Ares, Goodnight! : Kabanata 381 - Kabanata 390

848 Kabanata

Kabanata 381

Naglabas si Jay ng isang agreement contract at hiniling kay Rose na pirmahan ito.Noong tumingin si Rose sa mga detalye ng kasunduan, gusto niyang umiyak.Kailangan niyang samahan si Jay sa ika-16, 17, at 18 ng buwan na ‘yon. Bilang kabayaran, agad niyang pipirmahan ang kasunduan na makipagtulungan sa Severe Enterprise sa sandaling matapos na ang tatlong araw.“Ilegal ang human trafficking, Ginoong Ares.” Sinubukan ni Rose na gawin ang huli niyang pagmamakaawa.“Pwede mo namang tanggihan ‘yan,” walang ekspreyson na sabi ni Jay.Ang kapalaran ng Severe Enterprise ay nakapatong sa mga balikat ni Rose. Nagtiis siya at pinirmahan ang kasunduan.Para namang hindi siya natulog sa tabi ni Jay dati.Ang matulog katabi niya nang ilan pang beses ay walang pinagkaiba. Ito ang sinabi ni Rose upang bigyan ng lakas ng loob ang kaniyang sarili.Napangisi nang makulit si Jay.Pakiramdam ni Rose ay natuwa si Jay pagkatapos matagumpay na maloko siya.Kalaunan, tama nga ang masama niyang kutob.Bigla siy
Magbasa pa

Kabanata 382

Ngumuso si Rose. Hindi naman kinailangan na ipaalala ito sa kaniya ni Jay. Alam niya na ngayon ang araw na kailangan niyang ibigay ang katawan niya kay Jay.“Ang kasunduan natin ay magsisimula mula sa sandaling nasa tabi na kita. Magwawakas ang kasunduan nang eksaktong 72 oras pagkatapos no’n,” sabi ni Jay.Umangat ang mga kilay ni Rose. Ganoon kasakto ang kasunduan?Si Jay ay isang kapitalista. Si Rose ay walang kasapat na karanasan do’n kumpara kay Jay.Nagpilit si Rose ng isang tawa. “‘Wag kang mag-alala, Ginoong Ares. Pinagmamalaki ko ang sarili ko sa pagiging tapat pagdating sa negosyo. Hindi ko man lang susubukan na magnakaw ng kahit isang segundo sa ‘yo.”“Mabuti naman. Ngayon, buksan mo ang pinto!”Sa sandaling ‘yon, may kumatok sa pinto niya.Umupo si Rose sa kama, naghanda sa mga mangyayari. Siya ay kinakabahan na tumingin sa pinto.Napagtanto niyang wala siyang magagawa sa sitwasyon na ‘yon. Kaya, napagdesisyunan niyang sumuko sa kapalaran at binuksan na lamang ang pinto.Sa
Magbasa pa

Kabanata 383

Nakaupo sa Rolls-Royce ni Jay, ang mga emosyon ni Rose ay nagkakagulo.Pangarap niya dati ang pumunta sa Tourmaline Estate.Ilang beses niyang hiniling kay Jay, “Jaybie, alam kong ayaw mo ng gulo, kaya ‘wag na tayong magpakasal. Pwede mo naman akong idala lang sa Tourmaline Estate at magiging parang mag-asawa na. Ayos lang ba ‘yon?”Palaging sumasagot si Jay ng parehong palusot, “Ang sinumang babae na pumasok sa Tourmaline Estate ay kailangang maging opisyal na asawa ng isang Ares. Wala kang malulusutan do’n.”Nabuo ang mga luha sa mga mata ni Rose.Ang kalungkutan dahil sa dating pagtanggi sa kaniya ay niyanig ang puso ni Rose.Noong dumating ang Rolls-Royce sa Tourmaline Estate, ang harap na gate ay puno ng mga tao. Ang lahat ng mga bisita ay may hawak na imbitasyon. Mas madami pa ang tao dito kaysa sa anumang tourist attraction.Tumingin si Rose kay Jay, bahagyang nalulungkot. “Hindi ba’t sinabi mo na ayaw ni Grand Old Master Ares ng malaking seremonya?”Sumagot si Jay, “Maituturing
Magbasa pa

Kabanata 384

Pakiramdam ni Jay ay nagkamali rin siya. Sa wakas ay naidala na niya ang babaeng inaasam niya nang napakatagal pabalik sa Tourmaline Estate.Marahil ay masyado siyang nanabik.Nang mahinhin, tinulungan siya ni Jay na magbihis. Ang apoy sa loob ni Rose ay sumiklab sa kinilos niyang ‘yon.Gayunpaman, isang beep na tunog ang nanggaling sa kaniyang katawan sa sandaling makapagbihis na siya.Nakikita ang nakakagalit na device sa dulo ng kaniyang mga manggas, tumitig si Rose kay Jay. “Ano ‘to?”“Timer! Sinasabi niya kung gaano katagal mo na akong kasama.”Ito ay hindi isang ordinaryong timer, dahil may kasama itong espesyal na sensor. Ang kaparehas nito ay nasa dyamanteng relo ni Jay.Kapag mas malapit ang timer kay Jay, mas mabilis tumakbo ang oras sa timer. Kapag mas malayo si Rose sa kaniya, mas mabagal ang paglipas ng oras.Nang malaman ang tungkol sa mechanics nito, tumitig si Rose sa kaniya.“Bale, ano ang epektibong layo para gumana ang timer?”“50!” Sabi ni Jay.Hindi natuwa si Rose.
Magbasa pa

Kabanata 385

“Robbie… Iligtas mo si Mommy!”Agad na inangat ni Robbie ang kaniyang mga kamao. “Sino’ng nagsasamantala sa ‘yo, Mommy? Ipaglalaban kita.”Agad na tumingin si Rose sa direksyon ni Jay.Ang galit ni Robbie ay agad na naging tuwa. “Si Daddy ba?“Kung gayon ay kailan ipapanganak ang nakababata naming mga kapatid?”Walang masabi si Rose. Nagpalaki ba siya ng walang pasasalamat na siraulo?Binababa ang tawag, napatingin si Jay kay Rose. “Pambatang gawain!”Si Rose ay nahiya, dahil hindi niya inasahan na makikita ni Jay ang pagsubok niya na tawagan ang kaniyang anak para humingi ng tulong.“Ayaw mo ba ang mga ginagawa ko sa ‘yo?”Bumulong si Rose, “Hindi ako isang masokista.”“Pero parang nasasayahan ka naman…”Sa sinabi na ito ni Jay, agad na namula ang mga pisngi ni Rose.Natutuwa, tumalikod si Jay upang maglakad palabas ng bahay.Sumusuko, humiga si Rose sa kama. Tiyak na kakawawain siya ng lalaking ‘to sa bawat pagkakataon sa susunod na tatlong araw.Hindi. Kailangan niyang mag-isip ng p
Magbasa pa

Kabanata 386

Sa sandaling iyon ay naintindihan ni Rose kung bakit mas mahirap pangalagaan ang matatalinong siga kaysa sa mga walang pinag-aralan!...Pagkatapos kumain, nagsuhestyon si Jay na mag-golf sila. Natutuwang pumayag si Rose, dahil hindi niya alam kung babalik si Jay sa halimaw niyang pamamaraan kapag tumanggi siya.Ang golf course ng Tourmaline ay ilang beses na mas malaki kaysa sa mga ordinaryo. Napupuno ng luntian ang malaking kalupaan.Si John Ares ay kasalukuyan na naglalaro ng isang malaswang laro kasama ang isang babae sa palaruan sa sandaling ‘yon.“‘Wag kang tumingin.” Nag-angat si Jay ng isang kamay upang harangan ang mga mata ni Rose.“Bakit hindi?” Agad niyang hinila pababa ang kamay ni Jay.“Libreng aksyon ‘yan tapos malinaw pa. Sayang naman kung hindi tayo manonood.”Narinig ng dalawa ang magandang komentaryo ni Rose noong magsimula silang mag-init sa damuhan. Para bang sila ay nabuhusan ng malamig na tubig, ang dalawa ay agad na sinuot ang kanilang mga damit.Si John Ares ay
Magbasa pa

Kabanata 387

Dinala ni Jay si Rose pabalik sa Fragrant Vessel Court kung saan ang doktor ng pamilya ay mabilis na dumating kasama ang kaniyang medicinal case.Pagkatapos ng mabilis na check-up, napagtanto niya, “Si Binibining Rose ay mayroong tinatawag nilang nutritional-deficiency anemia.”Napakunot ang mga kilay ni Jay noong tumingin siya check-up report na puno ng mga panturo.Pagkatapos umalis ng doktor, umupo si Jay sa kama.Nanikip ang puso ni Jay noong tumingin ang kaniyang mga mata sa payat na mga pisngi ni Rose.Ano’ng buhay ang mayroon si Rose sa nakalipas na pitong taon?Sa ilalim ng kaniyang pangangalaga, ang mga bata ay malusog na lumaki habang siya naman mismo ay ganito.Marahil ay oras na para kay Jay na gumamit ng pambihirang mga pamamaraan.Pagkatapos magising, si Rose ay sinalubong ng mukha ni Jay na nakatitig sa kaniya nang malungkot.Dahil nasanay sa walang emosyon na ekspresyon ni Jay, hindi mapigilan ni Rose ang pakiramdam na mayroong mali.Natatakot, hinawakan niya ang kamay
Magbasa pa

Kabanata 388

Sa huli ay hindi niya mapigilan ang mga ito, ang mga luha ni Rose ay bumagsak nang malaya at parang ulan.Binasa nito ang unan sa ilalim.Kaya pa rin ba niyang paniwalaan si Jay?Ang kaniyang mga mata ay walang laman.Sa huli, tumingin siya sa puting marmol na sahig at sa kahoy na hawakan ng hagdan.Ang hawakan ay patungo sa tahimik na palapag sa taas, kung saan doon ay hindi normal na madilim.“Isang baliw na babae ang nagtatago sa kama ni Daddy!”Ang nanginginig na boses ni Jenson ang biglang pumasok sa isipan ni Rose.‘Di makatulog, bumangon si Rose at nagbihis. Pagkatapos no’n, tahimik siyang umakyat ng hagdan.Si Jenson ay hindi nag-iisa na nababalisa tungkol sa sikreto sa likod ng attic, dahil pati rin si Rose.Sino ang babae sa attic?...Dahil ang Fragrant Vessel Cout ay binuo nang sinusunod ang katangian ng magkakahalong arkitektura, ang mga silid nito ay masalimuot at natural na madilim.Binubuksan ang pinto sa harap ng handrail, pumasok si Rose sa silid at isinara ang pinto
Magbasa pa

Kabanata 389

Tumakbo si Rose patungo roon, at ang pader sa paligid ng butas ay gumalaw noong maabot niya ito, hinaharangan ang butas.Pagkatapos no’n, ang ilaw ng silid ay bumukas.Tumalikod si Rose upang makita si Jay na may madilim na mukha. Ang kaniyang kamay ay may hinahawakang pindutan sa pader.Tumitig si Rose sa pindutan, at pagkatapos ay tumalikod upang tumingin sa natakpan na butas.Si Jay ba ang nagsara ng butas?“Ginoong Ares, sa… sa tingin ko ay naliligaw ako. Gusto ko sanang pumunta sa banyo…” Marahan na sabi ni Rose. Ang kaniyang mga mata ay tumitig sa lupa noong maisip niya ang desisyon na itago kung ano nangyari kay Jay.Inangat ni Jay ang kaniyang kamay. Natuliro sa kilos na ‘yon, nilagay ni Rose ang kaniyang kamay sa kamay ni Jay.“Tara. Lumabas tayo dito.” Ang kunot sa pagitan ng mga kilay ni Jay mula sa pagkatanto na wala na si Rose sa tabi niya noong siya ay magising ay wala na ngayon dahil natagpuan na niya ito.Ang mga mata ni Rose ay nakatitig sa pindutan na para bang ito ay
Magbasa pa

Kabanata 390

Sa kabila ng hindi pagbibigay-pansin sa sarili niyang itsura, ang papuri mula sa babae na ‘to ay nagawang pabaligtarin ang negatibo niyang nararamdaman.Bumulong si Rose, “Hindi mo ba alam? Ang damo ay palaging mas berde sa kabilang gilid ng bakod.”Binigyan siya ni Jay ng masamang tingin. “Ano’ng ibang lalaki ang gusto mo?”Itinikom ni Rose ang kaniyang bibig at umiling.Nilalagay ang kaniyang braso sa balikat at baywang ni Rose, mahigpit siyang nilapit ni Jay sa kaniyang sarili sa punto na pakiramdam ni Rose ay wala nang hangin sa kaniyang tiyan at mga baga.Sa loob ng maikling sandali, hindi siya makahinga.“Dahil natulog ka sa tabi ko nang isang beses, Rose, pinirmahan mo ang sarili mo na buong-buhay na kasama akong matulog. Alam mo naman na malinis ako, ‘di ba? Ibabato kita sa lutuan kapag nagkaroon ka ng kahit kaunting iniisip sa ibang lalaki.”Tumango si Rose at yumuko na parang aso. “Walang kahit isang segundo na hindi ko pinaalala sa sarili ko na sa ‘yo ako, Ginoong Ares.”“Ma
Magbasa pa
PREV
1
...
3738394041
...
85
DMCA.com Protection Status