Tumitig si Francis sa namamagang mukha ni Zayne. “‘Wag mo sabihin sa ‘kin na tinamaan ka niya kung saan ka dating tinatamaan ni Angel.”Tulalang tumingin si Zayne kay Francis. “Sabihin mo sa ‘kin, nabuhay bang muli ang kapatid ko?”Walang masabi si Francis. “Akala mo lang ‘yon. Umaarte lang siya para maloko kayo ng ama mo. Isa siguro siyang may karanasang espiya.”Tahimik na binitawan ni Zayne ang kamay ni Francis, ang kaniyang ekspresyon ay nagiging malungkot.Hinawakan ni Francis ang kaniyang babae na para bang may malalim siyang iniisip. “Pero ano ang motibo niya sa pag-arte bilang si Angel at mapalapit sa Severe Enterprise?”Sinabi ni Zayne, “Kailangan kong ibunyag ang tunay niyang pagkakakilanlan, para hindi niya maloko ang ama ko.”Noong banggitin niya ang kaniyang ama, si Zayne ay nabahala at nagsimulang magreklamo tungkol sa kaniya. “Ang tagal nang nabubuhay ng ama ko at marami nang napagdaanan sa puntong ang isa niyang paa ay nasa libingan na. Paano niya nagawang maging padalo
Pagdating ng gabi, umuwi si Jay kasama ang tatlong mga bata.Nakatayo si Rose sa pintuan nang may magandang ngiti at kinuha ang bagahe ni Jay nang kaaya-aya. “Ako na ang bahala d’yan, Ginoong Ares.”Si Jay ay nagulat na makita si Rose. “Huwebes ang araw ngayon,” paalala sa kaniya ni Jay.Ang boses ni Rose ay magiliw noong magsalita siya, “Si Ginoong Ares ay abala sa Grand Asia sa araw, at abala sa mga bata sa gabi. Maaari namang masabi na lubos kang abala. Iniisip ko lang na pwede akong bumisita kapag libre ako upang bantayan ang mga bata at hatian si Ginoong Ares sa mga gawain niya…”“‘Wag ka na magpaligoy-ligoy.”Tumayo si Jay sa harap niya. Pagkatapos tanggalin ang kaniyang coat, ang kaniyang mga daliri ay gumalaw upang tanggalin ang kaniyang kurbata.Lumapit muli sa kaniya si Rose. “Tulungan kita, Ginoong Ares.”Ang kaniyang magiliw at malambot na mga kamay ay nagtungo sa dibdib ni Jay na parang isang paru-parong dumadapo sa isang bulaklak, nagsanhi ito sa kaniya na mahiya sa ‘di m
“Ginoong Ares, maganda na ba ang mood mo ngayon?”Nagliwanag ang mga mata ni Jay.Siya ay natutuwang pinagsisilbihan ni Rose. Para bang si Rose ang kaniyang asawa. Ito ang klase ng pangyayari na sa panaginip niya lamang nangyayari.Tumango siya.Agad na umupo si Rose sa harap niya, “Ginoong Ares, mayroon akong maliit na kahilingan.”Nilabas niya ang dalawa niyang mga daliri, pinapakita ang laki ng isang kuko. “Ganito kaliit.”Sumagot si Jay, “Ang isang maliit na kahilingan ay isa pa ring kahilingan.”Sinuri ni Rose ang sitwasyon. “Oo, oo, oo. Kung gayon, Ginoong Ares, maaari mo bang tuparin ang kahilingan ko?”“Sabihin mo lang.”“Pwede ka bang magbigay ng pera sa kaibigan ko?” Hinawakan niya ang kamay ni Jay at nagsimula itong kulitin.“Walang problema.” Ang sagot ni Jay ay mabilis. “Magkano ba ang kailangan mo?” Tanong niya.Ang ngiti ni Rose ay mas mainit pa sa nagliliyab na araw. “Ginoong Ares, hindi ko kailangan ng cheque o pera… Kailangan ko lang ng pirma mo.”Sa sandaling matapos
Naglabas si Jay ng isang agreement contract at hiniling kay Rose na pirmahan ito.Noong tumingin si Rose sa mga detalye ng kasunduan, gusto niyang umiyak.Kailangan niyang samahan si Jay sa ika-16, 17, at 18 ng buwan na ‘yon. Bilang kabayaran, agad niyang pipirmahan ang kasunduan na makipagtulungan sa Severe Enterprise sa sandaling matapos na ang tatlong araw.“Ilegal ang human trafficking, Ginoong Ares.” Sinubukan ni Rose na gawin ang huli niyang pagmamakaawa.“Pwede mo namang tanggihan ‘yan,” walang ekspreyson na sabi ni Jay.Ang kapalaran ng Severe Enterprise ay nakapatong sa mga balikat ni Rose. Nagtiis siya at pinirmahan ang kasunduan.Para namang hindi siya natulog sa tabi ni Jay dati.Ang matulog katabi niya nang ilan pang beses ay walang pinagkaiba. Ito ang sinabi ni Rose upang bigyan ng lakas ng loob ang kaniyang sarili.Napangisi nang makulit si Jay.Pakiramdam ni Rose ay natuwa si Jay pagkatapos matagumpay na maloko siya.Kalaunan, tama nga ang masama niyang kutob.Bigla siy
Ngumuso si Rose. Hindi naman kinailangan na ipaalala ito sa kaniya ni Jay. Alam niya na ngayon ang araw na kailangan niyang ibigay ang katawan niya kay Jay.“Ang kasunduan natin ay magsisimula mula sa sandaling nasa tabi na kita. Magwawakas ang kasunduan nang eksaktong 72 oras pagkatapos no’n,” sabi ni Jay.Umangat ang mga kilay ni Rose. Ganoon kasakto ang kasunduan?Si Jay ay isang kapitalista. Si Rose ay walang kasapat na karanasan do’n kumpara kay Jay.Nagpilit si Rose ng isang tawa. “‘Wag kang mag-alala, Ginoong Ares. Pinagmamalaki ko ang sarili ko sa pagiging tapat pagdating sa negosyo. Hindi ko man lang susubukan na magnakaw ng kahit isang segundo sa ‘yo.”“Mabuti naman. Ngayon, buksan mo ang pinto!”Sa sandaling ‘yon, may kumatok sa pinto niya.Umupo si Rose sa kama, naghanda sa mga mangyayari. Siya ay kinakabahan na tumingin sa pinto.Napagtanto niyang wala siyang magagawa sa sitwasyon na ‘yon. Kaya, napagdesisyunan niyang sumuko sa kapalaran at binuksan na lamang ang pinto.Sa
Nakaupo sa Rolls-Royce ni Jay, ang mga emosyon ni Rose ay nagkakagulo.Pangarap niya dati ang pumunta sa Tourmaline Estate.Ilang beses niyang hiniling kay Jay, “Jaybie, alam kong ayaw mo ng gulo, kaya ‘wag na tayong magpakasal. Pwede mo naman akong idala lang sa Tourmaline Estate at magiging parang mag-asawa na. Ayos lang ba ‘yon?”Palaging sumasagot si Jay ng parehong palusot, “Ang sinumang babae na pumasok sa Tourmaline Estate ay kailangang maging opisyal na asawa ng isang Ares. Wala kang malulusutan do’n.”Nabuo ang mga luha sa mga mata ni Rose.Ang kalungkutan dahil sa dating pagtanggi sa kaniya ay niyanig ang puso ni Rose.Noong dumating ang Rolls-Royce sa Tourmaline Estate, ang harap na gate ay puno ng mga tao. Ang lahat ng mga bisita ay may hawak na imbitasyon. Mas madami pa ang tao dito kaysa sa anumang tourist attraction.Tumingin si Rose kay Jay, bahagyang nalulungkot. “Hindi ba’t sinabi mo na ayaw ni Grand Old Master Ares ng malaking seremonya?”Sumagot si Jay, “Maituturing
Pakiramdam ni Jay ay nagkamali rin siya. Sa wakas ay naidala na niya ang babaeng inaasam niya nang napakatagal pabalik sa Tourmaline Estate.Marahil ay masyado siyang nanabik.Nang mahinhin, tinulungan siya ni Jay na magbihis. Ang apoy sa loob ni Rose ay sumiklab sa kinilos niyang ‘yon.Gayunpaman, isang beep na tunog ang nanggaling sa kaniyang katawan sa sandaling makapagbihis na siya.Nakikita ang nakakagalit na device sa dulo ng kaniyang mga manggas, tumitig si Rose kay Jay. “Ano ‘to?”“Timer! Sinasabi niya kung gaano katagal mo na akong kasama.”Ito ay hindi isang ordinaryong timer, dahil may kasama itong espesyal na sensor. Ang kaparehas nito ay nasa dyamanteng relo ni Jay.Kapag mas malapit ang timer kay Jay, mas mabilis tumakbo ang oras sa timer. Kapag mas malayo si Rose sa kaniya, mas mabagal ang paglipas ng oras.Nang malaman ang tungkol sa mechanics nito, tumitig si Rose sa kaniya.“Bale, ano ang epektibong layo para gumana ang timer?”“50!” Sabi ni Jay.Hindi natuwa si Rose.
“Robbie… Iligtas mo si Mommy!”Agad na inangat ni Robbie ang kaniyang mga kamao. “Sino’ng nagsasamantala sa ‘yo, Mommy? Ipaglalaban kita.”Agad na tumingin si Rose sa direksyon ni Jay.Ang galit ni Robbie ay agad na naging tuwa. “Si Daddy ba?“Kung gayon ay kailan ipapanganak ang nakababata naming mga kapatid?”Walang masabi si Rose. Nagpalaki ba siya ng walang pasasalamat na siraulo?Binababa ang tawag, napatingin si Jay kay Rose. “Pambatang gawain!”Si Rose ay nahiya, dahil hindi niya inasahan na makikita ni Jay ang pagsubok niya na tawagan ang kaniyang anak para humingi ng tulong.“Ayaw mo ba ang mga ginagawa ko sa ‘yo?”Bumulong si Rose, “Hindi ako isang masokista.”“Pero parang nasasayahan ka naman…”Sa sinabi na ito ni Jay, agad na namula ang mga pisngi ni Rose.Natutuwa, tumalikod si Jay upang maglakad palabas ng bahay.Sumusuko, humiga si Rose sa kama. Tiyak na kakawawain siya ng lalaking ‘to sa bawat pagkakataon sa susunod na tatlong araw.Hindi. Kailangan niyang mag-isip ng p