Bumabalik sa katotohanan, nahihiyang bumalik si Rose sa tabi ni Jay.Nagtatanong na tumitig si Josephine kay Rose. Ang kakaiba niyang kinikilos ay nagsanhi kay Josephine na bahagyang… hindi mapalagay.“Hipag, imposible namang may nararamdaman ka kay Zayne, hindi ba?”“Huh?” Nagulat si Rose.Nagsalita si Zayne, “Ano’ng ibig mong sabihin sa ‘huh’? Patuloy kang tumititig nang malambing sa ‘kin, malamang magkakaroon ng maling akala ang kasintahan ko.”Binigyan ni Josephine si Jay ng isang nababahalang tingin. Siya ay natatakot na ang kaniyang kuya, na isang control freak, ay magkakaroon ng maling akala kay Rose at pauulanan siya ng galit.Gayunpaman, hindi ito pinansin ni Jay, nakaupo nang elegante na para bang walang nangyari. Kalmado lamang ang itsura niya noong tumingin siya kay Rose.Hindi ganito ang istilo ni Jay.“Hindi ako tumititig nang malambing sa ‘yo,” nakipagtalo si Rose, “Hindi ka rin naman isang papel na pera. Hindi lahat ng tao ay mahal ka!”Nabulunan si Zayne, wala nang iba
Binitawan ni Zayne ang ulo ng guya, hinahayaan si Jay na ilagay ito sa plato ni Rose.Walang masabi si Rose… Ang tête de veau na ‘to ay ang pinakamamahaling binigay sa kaniya.Gustong-gusto rin ni Rose na kumain ng ulo ng guya!Ang pagtataka ni Zayne ay lumalaki lamang sa tuwing nakakakita siya ng parehong interes na mayroon sina Rose at Angeline.Hinihintay si Rose na umalis para magbanyo, umalis din si Zayne at hinarangan ang daan ni Rose noong malapit na siya sa banyo.“Rose, gusto kitang kausapin.” Sumandal si Zayne sa pader nang may mayabang na ekspresyon sa kaniyang mukha.Nang makita ang ‘di maayos na pagkilos ni Zayne, sinabihan siya ni Rose, “Umayos ka ng tayo, o iisipin ng Pamilya Ares na ang kanilang susunod na manugang ay isang mayabang at ‘di maaasahan na lalaki.”“Sino ba ako sa ‘yo? Sino ka para kontrolin ang mga bagay na ginagawa ko?” Pagalit na tanong ni Zayne.Sa pagtatanong ni Zayne, natahimik si Rose.Ang nagtatanong na mga mata ni Zayne ay napatingin kay Rose. “Ros
Baka tumagas ang dugo ni Rose ngayong araw.Sa wakas ay natanggal na niya ang kaniyang mga labi sa pisngi ni Zayne. Binuksan niya ang kaniyang bibig upang magsalita, “Zayne Severe, ‘yong buhok ko ay bumuhol sa butones mo.”Kinuha ni Zayne ang pagkakataon na mas itulak sa gulo si Rose. “Hindi naman mabubuhol ang buhok mo sa butones ko kung hindi ka lumapit sa ‘kin, hindi ba?”“G*go, tanggalin mo ang buhok ko!” Si Rose ay nagalit.Lumapit si Jay at maingat na tinanggal ang buhok ni Rose sa butones ni Zayne. Ang kilos na ‘yon ay nakagugulat na magiliw.Malaya nang muli, huminga nang malalim si Rose.Lumapit si Josephine nang may nabigong tingin sa kaniyang mga mata noong tumitig siya kay Rose. “Paano mo nagawang akitin ang bayaw mo?”“Hindi ko siya inakit. Josephine, kailangan mong maniwala sa ‘kin. Aksidente lang ang lahat ng ‘yon.” Reklamo niya, ang kaniyang mga salita ay mahina.Nagsalita si Josephine, “Kung maniniwala man ako sa ‘yo o hindi ay hindi ang punto rito. Ang mahalaga ay kun
Ang panggagalit kay Josephine ay maliit lamang kumpara sa panggagalit sa Diyos na ‘to. Ang panggagalit kay Jay ay isang tunay na krimen na siguradong mauuwi sa isang matinding pang-aapi.“Ginoong Ares!” Kinakabahan na sabi ni Rose habang nakayuko.Pinag-isipan niya kung paano pinarurusahan ni Jay ang mga ‘hindi tapat’ na babae. Lulunurin kaya siya ni Jay? Ipapakain sa mga pating, o siguro ay ipabaril siya?Na para bang nakikita ang takot ng babae, umabot si Jay upang himasin ang kaniyang buhok. Gayunpaman, iniwasan siya ni Rose sa pamamagitan ng pagtalon patalikod na para bang nakakita siya ng malaking kalaban.Ang kamay ni Jay ay tumigil sa hangin habang ang kaniyang ekspresyon ay pinakita ang kaniyang ‘di pagkatuwa.“Halika rito!” Ang kaniyang tono ay mahinhin pa rin.“Patawarin mo ako, Ginoong Ares.” Sabi ni Rose.“Tungkol saan?”“Hindi dapat ako nang-akit ng ibang lalaki sa harap mo at pinahiya ka.” Ang kaniyang boses ay mahina.“Hindi ako galit sa‘yo.”Nang may nanlaking mga mata,
Lumambot ang puso ni Josephine sa kaawa-awang ekspresyon ni Zayne. Kinukuha ang pampamanhid, namula ang mukha niya noong ipahid niya ito sa pwet ni Zayne.Hindi mapigilan ni Zayne na matawa sa namumulang mga pisngi ni Josephine. “Bakit ba hiyang-hiya ka? Alam mo naman na wala na tayong itatago sa isa’t isa pagkatapos natin ikasal, ‘di ba?”Gamit ang kaniyang mga kamay, tinakpan ni Josephine ang mukha ni Zayne.“Sige, sige. Titigil na ako.” Tumigil sa pang-aasar si Zayne.Chirp, chirp, chirp.Ang tunog ng paghuni ng mga ibon ang maririnig sa tahimik na parke.Bumubuntong-hininga, inangat ni Zayne ang kaniyang ulo upang tumingin sa tanawin sa labas ng bintana. “Ang ganda ng Tourmaline Estate. Tahimik at mapayapang lugar din. Para siyang paraiso.”Gayunpaman, tila hindi mapakalagay si Josephine noong magsalita siya, “Ang mga anak nina Tito Jacob at Tito James ay naging matatanda na sa nakalipas na ilang taon. Bawat taon ay ginagamit nila ang kaarawan ng Grand Old Master upang ipakilala an
Lumakas ang bagsak ng ulan. Wala nang kalsada sa harap ni Rose dahil ito ay lubos nang nababalot ng mga damo na mukhang wala nang hangganan.Tinutulak ang mga palumpong gamit ang dalawa niyang mga kamay, nakita ni Rose ang bakas ng paa na iniwan ng babae at pinilit na sumulong.Pagkatapos ng ilang minuto, sa wakas ay nakalabas na siya sa matutusok na mga palumpong at napatayo sa harap ng isang kakaibang hugis-kabute na bahay. ‘Bakit may mga gusali na may ganitong istilo rito?’Tuliro, naglakad-lakad si Rose sa harap ng bahay na kabute. Gusto niya malaman kung ano ang nasa likod ng mga pinto na ‘yon, ngunit natatakot na dadalhin siya nito sa piraso ng katotohanan na hindi niya dapat malaman.Sa huli, napuno si Rose ng pagtatanong at tinulak ang maliit na pinto ng bahay. Dahil sa maliit niyang katawan, nagawa niyang makapasok.Madilim sa loob, ngunit bahagya niyang napapansin na ang silid ay malawak dahil sa maliliit na sinag ng liwanag na pumapasok sa pinto.Kinakapa ang kaniyang daan s
Biglang nag-angat ang lalaki ng isang syringe. “Ito ay isang gamot na bagong imbento lang namin. Kailangan namin ng taong masusubukan namin. Ayos lang ba sa ‘yo maging aming lab rat?”Pagkatapos no’n, ang lalaki ay naglakad patungo kay Rose at tinurok ang syringe sa kaniyang braso nang hindi niya namamalayan.Pagkatapos no’n, ang lalaki ay naglabas ng isang bungo na kwintas sa kaniyang bulsa sa dibdib at kinaway ito sa harap ni Rose.“Kailangan din kitang i-hypnotize. Kailangan kong maglagay ng bagong mga alaala sa ‘yo…” masamang sabi ng lalaki.Ang tingin ni Rose ay napunta sa bungo na kwintas. Nabibilang ito kay Jaybie.Bakit may parehong kwintas ang lalaking ‘to?“Sino ka?”“Nakamamatay ang pagtataka, Binibini.”Ang gamot kalaunan ay umepekto na sa kaniya… Naramdaman ni Rose ang pagsisimulang maglaho ng kaniyang malay.Nang may malakas na tunog, bumagsak si Rose sa sahig.“Ang bilis ah. Ang hina ng loob.” Tinago ng lalaki ang kwintas.“Ang ibig sabihin nito, ang bisa ng bago nating
Natakot kay Jay, walang ibang magawa si Zayne kung ‘di ang magtiis at hanapin si Rose kasama si Jay sa malakas na ulan.“Rose…” Sumigaw nang malakas si Jay.Ang mga labi ni Zayne ay naging isang nangungutyang ngiti dahil sa kalungkutan ni Jay.Karma.Ito siguro ang karma ni Jay sa pagtalikod kay Angeline.Binigyan ni Jay si Zayne na nanigas sa kaniyang kinatatayuan ng isang masamang tingin. “May bibig ka, ‘di ba? Gamitin mo para tawagin siya.”Pinunasan ni Zayne ang mga tubig sa kaniyang mukha, nagpapakita ng nangungutyang ekspresyon sa ilalim nito.“Ngayon ay naintindihan mo na ang sakit ng mawalan ng minamahal, Master Ares?”“Tumigil ka nga sa kalokohan mo. Ang paghahanap sa kaniya ang mahalaga.”Imposibleng makikinig si Zayne kay Jay. Pinapanood si Jay na mag-alala nang ganoon para kay Rose, hindi mapigilan ni Zayne na mainis para kay Angel.“Tatanungin kita, Master Ares. Minahal mo ba talaga ang kapatid kong si Angel dati?”“Hindi ngayon ang oras para pag-usapan ‘to.” Naghanap si J