Makulimlim ang mga mata ni Jay noong sabihin niya, “Naniniwala ako sa ‘yo.”Si Zayne ay bahagyang natuwa sa bulag na kumpiyansa sa kaniya ni Jay. Sa buo niyang buhay, ito ang kauna-unahang pagkakataon na may tumingala sa kaniya. At saka, ang taong ‘yon ay ang prinsipe ng Imperial Capital.Nahiya si Zayne. “Paano kung… Paano kung… Mabigo ako?”Tinusok siya ng tingin ni Jay. “Paano kung sinabi ko sa ‘yo na si Rose ay si Angeline? Ngayon, gusto mo pa rin ba ng lasa ng pagkabigo?”Nanigas si Zayne na parang istatwa.Pagkatapos ng mahabang sandali, nananabik na tinanggal ni Zayne ang laurel sa kaniyang ulo at hinawakan ng kamay ni Jay. “Kaya mong gumawa ng ganoong palusot para lang himukin ako na hanapin si Rose, huh?”Sumagot si Jay, “Ito ang katotohanan.”Kahit na naisip ni Zayne na ito ay katawa-tawa, masyadong mahalaga ang bagay na ‘to. Hininaan niya ang kaniyang boses at tinanong si Jay, “Pwede mo ba ako bigyan ng magandang rason para paniwalaan ka?”“Ang pinagkaiba sa pagitan ni Rose
Dumating si Jay sa lugar ng sunog at nagbigay ng mga utos para sa isang chopper na iligtas ang mga taong naipit sa kalagitnaan ng sunog.Pagkatapos no’n ay pumunta siya sa eksena ng sunog at ginabayan ang natatakot na mga bisita palabas sa isang maayos na paraan.Si John ay sumusunod din sa mga utos, ngunit sinabihan niya si Jay, “Jay, grabe ka. Ang lakas ng loob mo! Paano mo nagawang pumunta rito at magbigay ng mga utos? Kaninong buhay rito ang mas mahalaga kaysa sa ‘yo?”Gayunpaman, walang nakakaalam kung ano ang iniisip ni Jay noong magtungo siya sa dagat ng mga apoy.“Ano’ng tinitingin-tingin mo d’yan? Gusto mo rin bang mamatay?” Kinuha ni John ang hose mula sa isang bumbero na malapit at binuhusan si Jay ng tubig.Kalaunan, lumabas si Jay mula sa impyerno habang may kargang tao sa likod niya.Binalot ng makapal na usok ang eksena.Sinamahan siya ni John palabas ng lugar.Pagkatapos ng 40 na minuto ng sunog, sa wakas ay nawala na ang apoy.Binigyan ni Jay ng utos si John kung paano
Ang isipan ni Rose ay puno ng nakasisindak na eksena ng pagnanais ni Jay na saktan siya...Sinusubukan ba siya ni Jay?Gano’n pa rin ang tono ni Rose, “Kahit na maglagay ka ng magnet sa ‘kin, hindi talaga ako makakatakas sa hawak mo.”Nang i-angat niya ang kaniyang braso, wala na rito ang timer. Nababaliw na humiyaw si Rose, “Ah, nasaan ang timer ko?”Tumingin siya nang masama kay Jay, sinasabi, “Niloko mo ‘ko. Tinanggal mo ang timer sa ‘kin, ang ibig sabihin ba no’n ay binenta mo ang katawan mo para sa wala?”Binenta ang katawan para sa wala? Sumakit ang ulo ni Jay.Kinuha ni Rose ang tuwalya sa tabi niya, binalot ang kaniyang sarili, at lumabas ng bathtub bago tumakbo sa labas, hindi napapansin na may isang mabangis na ekspresyon na unti-unting lumilitaw sa mukha ni Jay.Isang biglang suntok sa tubig ay bumuo ng ‘di mabilang na mumunting-alin, nagpapatalsik ng tubig sa kaniyang mukha.Marahil ay mayroon pang mas masama na nasa likod ng insidente na nangyari kay Rose. Siya ay lubos na
Sino’ng kailangan mapaalalahanan no’n?Mabilis na sinuot ni Rose ang bestida kahit na ito ay bahagyang maliit. Ang kaniyang mga kamay ay nahirapan na pumasok sa manggas, kaya kinailangan ni Jay na lumapit at tulungan siya na buksan ang gilid ng manggas.Ang mukha ni Rose ay matinding namumula dahil naramdaman niyang hindi siya sapat bilang isang babae dahil hindi siya pamilyar sa bestida na ‘yon ‘di tulad ni Jay.Mabagal na kinalikot ni Jay ang bawat bahagi ng bestida, at pagkatapos no’n ay tumingin siya kay Rose. Ang malamig, malalim, at nagmamahal na mga mata ni Jay ay ngumiti kay Rose. Mukhang para kay Rose ay si Jay pa rin ang inosente, at malamig na binata na hindi kailanman mananakit ng isang langaw.“Sa susunod, tandaan mong kumain sa tamang oras.”Nang marinig siya, nanginig si Rose. Siguradong mayroong masamang binabalak si Jay sa likod nito!“Ngayong araw ang ika-83 na kaarawan ni Lolo. Ang pagdiriwang ay isasagawa sa England Clubhouse sa kabilang kalsada lang. Si Tito ay na
Noong maglakad siya palabas ng Fragrant Vessel Court, tumingin si Rose sa basang aspalto na kalsada at pabalik sa mahaba niyang bestida. Isang bakas ng pamomroblema ang makikita sa kaniyang mga kilay.Naglakad si Jay sa harap niya at umupo. “Halika, bubuhatin kita.”Nanliit ang mga mata ni Rose.Kahit na mahalaga ang bestida, pambihirang mga tao lang ang kayang sumakay sa likod ni Ginoong Ares!“Ginoong Ares, sa tingin ko ay kaya ko nang maglakad nang mag-isa,” sabi niya habang inaangat ang kaniyang bestida, pinapakita ang maputi niyang mga tuhod.“Halika na.” Ang boses ni Jay ay naging bahagyang malamig.Nagtaka si Rose. May mali ba sa lalaking ‘to? Bakit ang mga kilos niya ay mahirap basahin nitong mga nakaraan?Walang ibang magawa, marahan siyang umakyat sa likod ni Jay, hindi sigurado kung saan ilalagay ang kaniyang mga kamay. Noong tumayo si Jay, siya ay gumewang-gewang.“Humawak ka sa ‘kin,” utos ni Jay.Pagkatapos no’n ay maingat na nilagay ni Jay ang kaniyang mga kamay sa balik
Nanlaki ang mga mata ni Rose at sinabi, ‘Isip bata ba siya?’Dapat na sigurong palitan ni Jay ang pangalan niya sa Baby Jay kung gano’n!Sa harap ng clubhouse, sampu-sampung mga bodyguard na balot ng mga uniporme at mayroong mga baril sa kanilang mga kamay ay maayos na nakatayo sa dalawang gilid ng malaking pinto.“Wow, ang ganda ng mga uniporme.” Mapaglarong nilabas ni Rose ang kaniyang dila.Binigyan siya ni Jay ng malamig na tingin.Agad-agad, sumagot si Rose, “Ang ganda ng itsura nila!”Hinila siya ni Jay at sinabi, “Mula sa sandaling ‘to, bawal ka nang lumabas sa paningin ko.”“Kung gayon, paano kung gusto kong magbanyo? Gusto ba akong sundan ni Ginoong Ares sa pambabaeng banyo?”Naiirita, sinabi ni Jay, “Susundan mo ako sa panlalaki.”Walang masabi si Rose.Noong pumasok sila sa clubhouse, si Rose ay namangha sa dami ng mga tao na kaya nitong pagkasyahin.Mga roman na poste na gawa sa puting marmol ang makikita sa paligid, at sa mga pader ay parang makatotohanan na mga iskultura.
“Si Xavier Ares!”Kaswal na tanong ni Jay, “Sino ‘yon?”Nagagalit, sinabihan siya ni John, “Wala kang puso! Ilang kapatid sa Pamilya Ares ang kaya mong pangalanan?”Sumagot siya nang malamig, “Pwede bang ‘wag mo akong paghintayin?”Pagkatapos no’n ay sinabi ni John, “Siya ang anak ng ikalawang asawa ng ikatlong tito mo. Mayroon siyang polio noong bata pa siya, mayroong mahinang binti, at may sakit na sa utak noong bata pa lamang. Para naman sa sunog kahapon, ang bawat normal na tao ay makakatakas agad. Ang kawawang lumpo lang na ‘yon ang namatay sa sunog.”Pagkatapos marinig ang piraso ng balita na ‘to, napaisip si Jay. “Mm, pwede siyang maging magandang chess piece.”“Chess piece?”“Dahil sa kaniyang pagkamatay, mayroong maghahanap ng hustisya para sa kaniya. Kung ito ay isang taga-labas, ang Pamilya Ares ay kailangang magbayad ng malaking pera. Gayunpaman, dahil siya ay isang miyembro ng pamilya Ares, mayroong isang saktong paraan para sa kabayaran na ‘yon.”Si John ay nalito sa sina
Natural na sinabi ni Rose, “Kahit na kayong mga miyembro ng Pamilya Ares ay hindi kulang sa mga kagamitan, ang isang maliit na regalo ay kumakatawan sa kagandahang loob ko! Kung nasa labas tayo, siguro ay kaya ko pa ring bumili ng calligraphy o sining para kay Old Master Ares—”“Sundan mo ako.”Dinala ni Jay si Rose sa art room sa ikatlong palapag ng clubhouse, naglabas ng ilang mga papel at panulat, at sinabi, “Siguro ay pwede mo nang simulan ang paghahanda sa regalo mo ngayon?”Tinuro ang kaniyang ilong habang nakatitig kay Jay, nagtanong si Rose, “Gusto mo akong gumuhit bilang isang regalo sa kaarawan ni Old Master Ares?”Tumango si Jay bilang sagot.Hindi alam ni Rose kung matatawa ba siya o iiyak. “Una, hindi ako isang pintor. Ikalawa, hindi ako isang calligrapher. Ang mga guhit at calligraphy ko ay walang halaga. Ipapatapon ni Old Master Ares ang regalo ko sa pinto.”“Sino’ng maglalakas-loob na hawakan ka kapag nasa paligid ako?”Nang marinig ito, umupo siya sa harap ng drawing b