Ang isipan ni Rose ay puno ng nakasisindak na eksena ng pagnanais ni Jay na saktan siya...Sinusubukan ba siya ni Jay?Gano’n pa rin ang tono ni Rose, “Kahit na maglagay ka ng magnet sa ‘kin, hindi talaga ako makakatakas sa hawak mo.”Nang i-angat niya ang kaniyang braso, wala na rito ang timer. Nababaliw na humiyaw si Rose, “Ah, nasaan ang timer ko?”Tumingin siya nang masama kay Jay, sinasabi, “Niloko mo ‘ko. Tinanggal mo ang timer sa ‘kin, ang ibig sabihin ba no’n ay binenta mo ang katawan mo para sa wala?”Binenta ang katawan para sa wala? Sumakit ang ulo ni Jay.Kinuha ni Rose ang tuwalya sa tabi niya, binalot ang kaniyang sarili, at lumabas ng bathtub bago tumakbo sa labas, hindi napapansin na may isang mabangis na ekspresyon na unti-unting lumilitaw sa mukha ni Jay.Isang biglang suntok sa tubig ay bumuo ng ‘di mabilang na mumunting-alin, nagpapatalsik ng tubig sa kaniyang mukha.Marahil ay mayroon pang mas masama na nasa likod ng insidente na nangyari kay Rose. Siya ay lubos na
Sino’ng kailangan mapaalalahanan no’n?Mabilis na sinuot ni Rose ang bestida kahit na ito ay bahagyang maliit. Ang kaniyang mga kamay ay nahirapan na pumasok sa manggas, kaya kinailangan ni Jay na lumapit at tulungan siya na buksan ang gilid ng manggas.Ang mukha ni Rose ay matinding namumula dahil naramdaman niyang hindi siya sapat bilang isang babae dahil hindi siya pamilyar sa bestida na ‘yon ‘di tulad ni Jay.Mabagal na kinalikot ni Jay ang bawat bahagi ng bestida, at pagkatapos no’n ay tumingin siya kay Rose. Ang malamig, malalim, at nagmamahal na mga mata ni Jay ay ngumiti kay Rose. Mukhang para kay Rose ay si Jay pa rin ang inosente, at malamig na binata na hindi kailanman mananakit ng isang langaw.“Sa susunod, tandaan mong kumain sa tamang oras.”Nang marinig siya, nanginig si Rose. Siguradong mayroong masamang binabalak si Jay sa likod nito!“Ngayong araw ang ika-83 na kaarawan ni Lolo. Ang pagdiriwang ay isasagawa sa England Clubhouse sa kabilang kalsada lang. Si Tito ay na
Noong maglakad siya palabas ng Fragrant Vessel Court, tumingin si Rose sa basang aspalto na kalsada at pabalik sa mahaba niyang bestida. Isang bakas ng pamomroblema ang makikita sa kaniyang mga kilay.Naglakad si Jay sa harap niya at umupo. “Halika, bubuhatin kita.”Nanliit ang mga mata ni Rose.Kahit na mahalaga ang bestida, pambihirang mga tao lang ang kayang sumakay sa likod ni Ginoong Ares!“Ginoong Ares, sa tingin ko ay kaya ko nang maglakad nang mag-isa,” sabi niya habang inaangat ang kaniyang bestida, pinapakita ang maputi niyang mga tuhod.“Halika na.” Ang boses ni Jay ay naging bahagyang malamig.Nagtaka si Rose. May mali ba sa lalaking ‘to? Bakit ang mga kilos niya ay mahirap basahin nitong mga nakaraan?Walang ibang magawa, marahan siyang umakyat sa likod ni Jay, hindi sigurado kung saan ilalagay ang kaniyang mga kamay. Noong tumayo si Jay, siya ay gumewang-gewang.“Humawak ka sa ‘kin,” utos ni Jay.Pagkatapos no’n ay maingat na nilagay ni Jay ang kaniyang mga kamay sa balik
Nanlaki ang mga mata ni Rose at sinabi, ‘Isip bata ba siya?’Dapat na sigurong palitan ni Jay ang pangalan niya sa Baby Jay kung gano’n!Sa harap ng clubhouse, sampu-sampung mga bodyguard na balot ng mga uniporme at mayroong mga baril sa kanilang mga kamay ay maayos na nakatayo sa dalawang gilid ng malaking pinto.“Wow, ang ganda ng mga uniporme.” Mapaglarong nilabas ni Rose ang kaniyang dila.Binigyan siya ni Jay ng malamig na tingin.Agad-agad, sumagot si Rose, “Ang ganda ng itsura nila!”Hinila siya ni Jay at sinabi, “Mula sa sandaling ‘to, bawal ka nang lumabas sa paningin ko.”“Kung gayon, paano kung gusto kong magbanyo? Gusto ba akong sundan ni Ginoong Ares sa pambabaeng banyo?”Naiirita, sinabi ni Jay, “Susundan mo ako sa panlalaki.”Walang masabi si Rose.Noong pumasok sila sa clubhouse, si Rose ay namangha sa dami ng mga tao na kaya nitong pagkasyahin.Mga roman na poste na gawa sa puting marmol ang makikita sa paligid, at sa mga pader ay parang makatotohanan na mga iskultura.
“Si Xavier Ares!”Kaswal na tanong ni Jay, “Sino ‘yon?”Nagagalit, sinabihan siya ni John, “Wala kang puso! Ilang kapatid sa Pamilya Ares ang kaya mong pangalanan?”Sumagot siya nang malamig, “Pwede bang ‘wag mo akong paghintayin?”Pagkatapos no’n ay sinabi ni John, “Siya ang anak ng ikalawang asawa ng ikatlong tito mo. Mayroon siyang polio noong bata pa siya, mayroong mahinang binti, at may sakit na sa utak noong bata pa lamang. Para naman sa sunog kahapon, ang bawat normal na tao ay makakatakas agad. Ang kawawang lumpo lang na ‘yon ang namatay sa sunog.”Pagkatapos marinig ang piraso ng balita na ‘to, napaisip si Jay. “Mm, pwede siyang maging magandang chess piece.”“Chess piece?”“Dahil sa kaniyang pagkamatay, mayroong maghahanap ng hustisya para sa kaniya. Kung ito ay isang taga-labas, ang Pamilya Ares ay kailangang magbayad ng malaking pera. Gayunpaman, dahil siya ay isang miyembro ng pamilya Ares, mayroong isang saktong paraan para sa kabayaran na ‘yon.”Si John ay nalito sa sina
Natural na sinabi ni Rose, “Kahit na kayong mga miyembro ng Pamilya Ares ay hindi kulang sa mga kagamitan, ang isang maliit na regalo ay kumakatawan sa kagandahang loob ko! Kung nasa labas tayo, siguro ay kaya ko pa ring bumili ng calligraphy o sining para kay Old Master Ares—”“Sundan mo ako.”Dinala ni Jay si Rose sa art room sa ikatlong palapag ng clubhouse, naglabas ng ilang mga papel at panulat, at sinabi, “Siguro ay pwede mo nang simulan ang paghahanda sa regalo mo ngayon?”Tinuro ang kaniyang ilong habang nakatitig kay Jay, nagtanong si Rose, “Gusto mo akong gumuhit bilang isang regalo sa kaarawan ni Old Master Ares?”Tumango si Jay bilang sagot.Hindi alam ni Rose kung matatawa ba siya o iiyak. “Una, hindi ako isang pintor. Ikalawa, hindi ako isang calligrapher. Ang mga guhit at calligraphy ko ay walang halaga. Ipapatapon ni Old Master Ares ang regalo ko sa pinto.”“Sino’ng maglalakas-loob na hawakan ka kapag nasa paligid ako?”Nang marinig ito, umupo siya sa harap ng drawing b
Si Jay ay ang pinakamatandang apo, kaya hinila niya si Rose upang batiin si Old Master Ares.“Ang apo mo ay hinihiling na magkaroon ka ng maligayang kaarawan, Lolo. Sana ang susunod na mga taon ay bibigyan ka ng mas maraming kasiyahan at kalusugan.”Sumunod naman si Rose at sinabi, “Binabati kita ng pinagpalang kaarawan, Old Master Ares. Nawa’y ikaw at ang pamilya mo ay mabasbasan ng mabuting kalusugan buong taon!”Noong lumapit ang may kaarawan upang tanggapin ang regalo, nag-alinlangan si Rose na ibigay ito.Tiningnan siya ni Jay habang si Rose naman ay naiinis na tumingin sa kaniya, bumubulong, “Hindi ba’t sinabi mo na hindi nagbubukas ng mga regalo si Old Master Ares?”“Mm, ang ibig kong sabihin ay mga regalo mula sa mga taga-labas,” mapagmalaking sinabi ni Jay.Ninais umiyak ni Rose ngunit walang luhang lumabas.Put*ng ina talaga, ang g*go na ‘to ay masyadong magaling sa panloloko ng mga tao.Sa ilalim ng tingin ng mga nanonood, walang ibang magawa si Rose kung ‘di ang ibigay ang
Dali-daling sinabi ni Rose, “Ayos lang sa ‘kin ang mapahiya, bigyan mo na lang ako ng pera at pahiyain ako! Kapag mas marami, mas masaya!”Tumawa nang malakas si Jay. “Kuripot ka rin, eh, ‘no?”Naglabas siya ng isang credit card mula sa kaniyang bulsa at binigay ito kay Rose. “Oh, ayan!”“Ginoong Ares, may pera ba ‘tong laman?” Naisip niya na ang aktwal na pera ay mas maganda.Nagdilim ang mukha ni Jay. Ang lahat ng mga naubos niyang asset ay naroon at narito si Rose, naghihinala na wala itong laman.“Ikaw ang tumingin,” malamig na sabi ni Jay.Pagkatapos no’n, masaya itong tinago ni Rose.Sumusulyap kay Rose, nagtanong si Jay, “Noong binibigyan kita ng pera dati, bakit ka tumatanggi?”Mapagmalaking sagot ni Rose, “Iba naman ‘yon. Dati, gusto mong ipalit ang mga anak ko, kaya syempre hindi ko gagawin ‘yon. Ngayong araw, binebenta ko ang calligraphy ko. At saka, ang calligraphy na ‘yon ay walang kwenta, kaya bakit hindi ko ‘to ibebenta?”Ngumingiti, sinabi ni Jay, “Hindi na masama. Buti
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto