Ang ikatlong tita ni Jay at ang babaeng may itim na kasuotan ay nag-away nang matindi at marahas.Napakunot ang mga kilay ni Jay sa pagkairita.Tumingin si Rose kay Jay, na para bang pinagdiriwang ang sakuna na ‘to. “Ginoong Ares, narinig ko na ang mga problema ng Pamilya Ares ay ikaw na ang mangangalaga ngayon. Sigurado akong ang isang lalaking tulad mo na hindi pamilyar sa babae ay walang ideya kung paano pangalagaan ang mga sitwasyong tulad nito? Paano kung tawagin mo akong ‘Ate’ at aayusin ko ‘to para sa ‘yo?”Walang masabi si Jay.Noong makita ni Rose na nag-aalinlangan si Jay, binuhat niya ang sarili niyang bangko at sinabi, “Isa akong beterano pagdating sa pag-ibig. Kung tutulungan kita, ang kailangan mo lang gawin ay bigyan ako ng pera!”“Kung gayon ay sabihin mo sa ‘kin, gaano ka kagaling?”“17 taon na akong nagmamahal. Ikaw ang magsabi kung gaano ako kagaling.”Nakangiti si Jay hanggang ang mga bakas nito ay makikita sa kaniyang mga mata. 17 taon… Ang ibig sabihin ba no’n ay
Tahimik na tumingin sa kaniya si Rose. “Gusto ko siyang tulungan na maghanap ng hustisya!”Naiinis, sinabi ni Jay, “Ang ibig bang ba sabihin nito ay kinakalaban mo ako?”Si Rose ay hindi sumusuko. “Oo!”Ngumingisi, nagtanong si Jay, “Ano’ng gagawin mo para labanan ako?”Sumagot si Rose, “Minamaliit mo ba ako? Hindi mo ba narinig na ang mga insektong may 100 mga binti ay hindi namamatay?”Sinagot siya ni Jay. “Dalawa lang naman binti mo. Ang layo no’n sa 100!”Walang masabi si Rose.P*tcha, walang hiya talaga ang lalaking ‘to. Sobrang sama niya.“Ginoong Ares, masyado kang malupit kanina,” sagot ni Rose.“Rose, ang kulit mo ngayong araw…” Nagdilim ang ekspresyon ni Jay.“Hindi naman kulang ang pera niyong mga Ares, eh, kaya bigyan niyo na lang siya ng pera at siguro ay gagaan ang pakiramdam niya.”“Hindi ito isyu tungkol sa pera.”“Nagiging kuripot ka lang talaga!”Walang masabi si Jay.Paano niya nagawang bigyan si Rose ng masamang impresyon sa kaniya?Noong bumukas ang mga pinto ng el
Kung titingnan ay parang planado nang biglang tumawag si Jay.“Zayne, ibalik mo si Rose dito. At saka, kuhain mo ang babae mo rito!” Nagsimulang sumigaw si Jay sa telepono.“Opo, opo, opo, Ginoong Ares.”Pinunasan ni Zayne ang pawis sa kaniyang mga kilay at hinatid pabalik si Rose.Noong makita niya ito, napatingin nang masama si Josephine kay Zayne. “Sabihin mo sa ‘kin, totoo bang gusto mo siya at hindi ako?”Malungkot na sinabi ni Zayne, “Pasensya na, maling tao ang kinuha ko.”Nang marinig ito, sinuntok siya ni Josephine nang mahina. “Bubugbugin kita hanggang mamatay ka, maniwala ka sa ‘kin. Paano ka magkakamali nang ganoon?”Ang dalawa ay muling magkasama.Ang kamay ni Jay ay umabot kay Rose, ngunit tinago nito ang kaniyang mga kamay sa likod niya, iniiwan ang mga kamay ni Jay na lumulutang lamang sa hangin.Pagkatapos ng ilang sandali, sumuko si Jay. “Dahil gusto mo siyang bigyan ng kabayaran, gagawin ko ang sasabihin mo.”Agad na nagliwanag sa saya si Rose at malambing na kinuha
Si Zetty naman ay may suot na magandang puting bestida, nagmumukhang busilak at walang kapintasan.Ang lahat ng kanilang mga anak ay nababalisang inaabangan ang pagbabalikan ng kanilang Daddy at Mommy. Ito ay isang pagbabalikan ng kanilang buhay. Gayunpaman, ayaw ni Rose na gawin ito.Nilagay ni Jenson ang kaniyang bibig sa tabi ng kaniyang ina. “Mommy, sinabi ni Daddy na kung makikinig ka sa kaniya ngayong araw, makikinig siya sa ‘yo mula bukas.”Biglang naalala ni Rose!Muntik na niyang makalimutan ‘yon.Kung nabigo si Jay na wasakin siya ngayong araw, si Jay naman ang mawawasak niya kinabukasan.Nang maisip ‘yon, nasisiyahan siyang naglakad paakyat ng entablado.Marahan siyang naglakad patungo kay Jay, ang puti niyang bestida ay naglalabas ng maliwanag na mga sinang sa ilalim ng mga ilaw. Ang kaniyang bestida ay dumudulas sa sahig, hawak ng kaniyang mga anak. Ito ay kasing perpekto ng isang wedding dress.Lumapit sa kaniya si Jay at hinawakan ang kaniyang kamay, ang malambing na mga
Pagdating ng hapunan, walang pigil na nilagyan ni Jay ng pagkain ang plato ni Rose.Nakita ni Rose ang ga-bundok na pagkain sa kaniyang plato at sinabi, “Ginoong Ares, literal na papatayin mo ako ng pagmamahal mo.”Nang marinig siya, nagdilim ang mukha ni Jay. “Saan mo nakuha ‘yang malaki mong bibig?”Dati, ang mga salita ni Rose ay mas matamis pa sa honey. Ang isang pangungusap ay kayang magsanhi kay Jay na makulangan ng tulog sa loob ng ilang sunod-sunod na gabi.Ngayon, ang bawat salitang nanggaling sa bibig ni Rose ay asido, sinisiklaban at sinusunog siya mula sa loob hanggang labas.Kung alam niya lang kung saan ‘yon nakuha ni Rose, pagpipira-pirasuhin siya nito.Binaba ni Jay ang kaniyang chopstick, wala nang ganang kumain.Hinimok niya si Rose na pumunta sa hardin sa labas upang magpahinga.Sinundan siya ni Rose, hindi mapalagay. Wala siyang makukuha ngayong nagawa niyang galitin si Jay.Noong lumabas siya, siya ay napalibutan ng isang grupo ng mararangya at mayayaman na mga bab
Pagkatapos ng handaan, ang mga bisita ay nagsi-alisan na.Habang hinahatid sila ni Jay palabas, kinuha ni Rose ang pagkakataon na bumalik sa Fragrant Vessel Court. Iniisip niya kung paano niya ipapapirma kay Jay ang kontrata na ‘yon kahit ano pa ang mangyari.Kinuha niya ang kontrata at sa kaniyang pagkagulat, napansin niya na mayroon na itong tatak ng Ares Films Limited rito pati na rin ang pangalan ni Jay.Si Rose ay natutuwa!Dahil tapos na ang kontrata, wala na siyang rason para manatili pa roon. Bibigyan nito si Jay ng pagkakataon na saktan siya.Pagkatapos magpalit ng kaniyang mga damit, kinuha niya ang kontrata at naghahanda na umalis. Kasabay nito, nakauwi si Jay sa sandaling ito.“Saan ka pupunta?” Ang mga ugat sa noo ni Jay ay tumitibok, ang kaniyang galit ay halatang sumosobra na.Alam ni Rose na tatalikuran ni Jay ang kaniyang mga salita.Ang mapagbalak na pag-uugali ni Jay sa wakas ay lumabas na.Nanatiling kalmado si Rose at sinabi, “Ginoong Ares, nagsinungaling ka sa ‘ki
Kinabukasan, nagising si Jay.Hindi niya nakikita ang minamahal niyang babae kahit saan, ngunit sa halip, nakita niya ang espesyal nitong ‘regalo’. Siya ay biglang nagalit.Ito ay nagiging mas nakakainis!“Puntahan niyo nga ako rito!”Noong pumasok ang katulong sa kwarto at nakita si Jay na nakatali sa kama, hindi nila mapigilan na ‘di makapaniwalang mapanganga.“Young Master, sino’ng g*go ang gumawa sa ‘yo nito?”Ang mga mata ni Jay ay malamig noong tumitig siya nang masama sa katulong. “Ang missus.”Tinakpan ng katulong ang kaniyang bibig. “Patawarin mo ako, Young Master. Binabawi ko ang mga salita ko.”“Mm.”“Pero bakit ka tinali sa kama ng missus?” Tanong ng katulong.“Mahilig sa pahirapan ang missus. May problema ba?”“Wala… walang problema?”Bakit gusto ng missus na maging ganitong pahirap?Pagkatapos makawala ni Jay sa tali, agad niyang kinuha ang kaniyang phone at tinawagan ang numero ni Rose.Nakarinig lamang siya ng beeping na tunog sa phone… Halata naman na ang kaniyang nume
Alam ni Rose na nahulaan na siya ni Zayne, kaya hindi na niya ito tinago. “Niregalo ko ang sarili ko sa kaniya, kaya nakuha ko ang kontrata na ‘to.”Walang masabi si Zayne.Nilabas ni Jay ang kaniyang phone, nagtype ng isang linya ng text, at nilagay ito sa harap ni Zayne.“Rose, magkita tayo!”“Sige, sabihin mo sa ‘kin kung saan at kung kailan.”Walang kahirap-hirap na pumayag si Rose.“Oh, sige,” nang sabihin iyon ni Zayne, pinutol ni Jay ang tawag.Pagkatapos no’n, kinuha niya ang phone ni Zayne at sinabi nang may mapilit na tono, “Ibigay mo sa ‘kin ang phone mo.”Umabot si Zayne upang bawiin ito. “Eh, ano na lang ang gagamitin ko?”Binigyan siya ng maraming dolyar ni Jay. “Bumili ka ng bago.”Walang magawa si Zayne. “Marami akong kliyente sa phone ko. Ano’ng mangyayari kapag tinawagan nila ako.”“Ako na ang sasagot sa kanila para sa ‘yo.”“Makikipagtalakayan sila ng job partnerships sa ‘kin. Gagawin mo rin ba ‘yon para sa ‘kin?”Binuksan ni Jay ng contacts page, tiningnan ito, pagk
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto