Sinasabi ng lahat na ang kaniyang kuya ay isang lalaking may pusong-bato, ngunit malayo ito sa katotohanan pagdating sa kaniyang hipag.“Kuya, ‘wag kang malungkot! Sinabi ng doktor na pwede paring sumailalim si hipag sa plastic surgery…”Nang marinig siya, pumiyok ang boses ni Jay, “Hindi ko siya hahayaan na sumailalim sa ganoong klase ng paghihirap. Gusto ko lang siyang mabuhay nang malusog.”Sinabi ni Josephine, “Kuya, simula noong masira ang mukha ni hipag, nagbago rin nang kaunti ang pag-iisip niya. Palaging may taong tititig o magsasalita tungkol sa kaniyang mukha sa likod niya. Hindi niya siguro sinasabi ‘to, pero alam kong nababahala siya roon. Kung matutulungan siya ng surgery na maibalik ang kumpiyansa niya, bakit hindi?”Niyakap ni Jay si Rose nang mas mahigpit. “Ayos lang ‘yon, hahayaan ko siyang mas sumaya sa bawat araw na lilipas.”Pagkatapos no’n, tumingin siya nang masama kay Josephine at sinabi nang may matigas na boses, “Mayroon siyang mahinang katawan. Tumigil ka na s
Read more