Siya ay nagising sa ganoong kakaibang bangungot at huminga nang malalim sa sandaling bumangon siya.Ang araw ay nagsisimula nang bumangon mula sa kalayuan.Nawalan na siya ng interes na matulog pa, kaya gumising na siya para maghanda para sa trabaho. Sinadya niyang ahitin ang kaniyang mga buhok dahil makikita niya si Rose ngayong araw.Ninais niyang ipresenta ang kaniyang sarili kay Rose sa pinakamaganda niyang anyo para iwasan na mag-alala si Rose sa kaniya.Si Medical Department ng Grand Asia.Dumating si Rose sa opisina ng matron nang maaga.Tumayo siya sa harap ng matron at yumuko. “Salamat sa pagpapasensya mo sa pagtuturo sa ‘kin.”Sumulyap ang matron sa orasan sa pader, ang kaniyang mga mata ay hindi makapaniwala.Ang ibang mga manggagawa malamang ay babangon pa lamang ng kama, ngunit ang babae na ito na tuunan ang pansin ng presidente ay mas masipag pa kaysa sa iba.“Sumama ka sa ‘kin.”Dinala ng matron si Rose sa silid ni Old Master Severe at mabilis na sinabi ang tungkol sa ko
Ang matron ay biglang nakatanggap ng mahalagang tawag, kaya dali-dali niyang sinabi kay Rose, “Binibining Loyle, mayroon akong bagong pasok na pasyente na nasa kritikal na kondisyon at kailangan kong pumunta roon para pangalagaan ‘yon. Ikaw na muna ang mag-alaga sa presidente.”Agad na tumango si Rose. “Sige.”Pagkatapos umalis ng matron, sina Rose at Jay na lamang ang natira sa malaking silid na ‘yon.Biglang naramdaman ni Rose na ang kaniyang desisyon ay padalos-dalos.Siya ay nag-aalala na magsisimula si Jay ng ‘di makatwirang pagdadaldal kapag nalaman nito ang tungkol sa kaniyang nasirang itsura.Nanood si Jay habang naglalakad si Rose paikot sa gitna ng silid. Nakita niya ang ‘di mapakali, pag-aalala, at takot sa ekspresyon nito.“Isa akong bagong care worker rito at kulang ako sa karanasan. Dapat ba akong magtawag ng isang mahusay na tauhan sa nursing station para alagaan ka?” Lumapit sa kaniya si Rose at nagpeke ng isang paos na boses.Tumingin sa kaniya si Jay nang hindi kumuku
Sinabi ni Jay, “Kailangan kong panatilihin ang hugis ng katawan ko. Kung ‘di, ang asawa ko ay mandidiri sa ‘kin.”Isang nanunusok na pakiramdam ang bumalot sa ilong ni Rose. ‘Ako ang natatakot na mandidiri ka sa ‘kin…”“Sa tingin ko ang asawa mo ay hindi isang tao na nanghuhusga ng panlabas na anyo.” Dinepensahan ni Rose ang kaniyang sarili.Sagot ni Jay, “Nagreklamo nga siya dati na matanda na ako.”Nang marinig ‘yon, walang masabi si Rose.Kaya, tinulungan niya si Jay na bumangon ng kama. Ang braso ni Jay ay pumatong sa kaniyang balikat noong ilipat nito ang lahat ng kaniyang bigat sa kaniya.Napansin ni Rose na ito ay nakakapagod. “President, gaano katagal mo bang balak na maglakad?”“Kalahating oras!”“Sa tingin ko ay ayos lang sa asawa mo kahit na matanda ka na. Ang iniisip niya lang ay kung masyado kang nakakairita,” biglang sabi ni Rose.Kumibot ang mga bibig ni Jay!Pagkatapos ng isang ikot, nahirapan si Rose na magtagal.“Ang bilis mo naman mapagod,” ‘di natutuwang sinabi ni J
Nagpaliwanag si Jay, sinasabi, “Tinanggal ng Grand Asia ang label para protektahan ang privacy ko.”Ito ay kahina-hinala para kay Rose. ‘Ang sakit ng lalaking ‘to ay hindi naman kahiya-hiya. Bakit kailangan niya itong itago?’Pagkatapos inumin ni Jay ang gamot, nagsimula na siyang magtrabaho sa kama.Samantala, umupo si Rose sa bilog na mesa sa sulok ng kwarto habang nakatuon sa kaniyang libro tungkol sa pag-aalaga sa isang pasyente.Iyon ay isang napakatahimik na oras.Walang nakakaalam kung ang kaluluwa ni Angeline ay lumipat sa isang katawan ng tamad na estudyante at naiimpluwensyahan nito, pero siya ay inaantok tuwing nagbabasa siya ng mga libro.Pagkatapos ng kalahating oras, si Rose ay nakatulog habang nakapatong ang kaniyang ulo sa mesa.Narinig ni Jay ang kaniyang maayos at mahinang paghinga. Tumayo siya sa kama, kinumutan si Rose, at bumalik sa kaniyang kama.Wala siya sa wisyong magtrabaho at nakatitig lamang kay Rose.Pagdating ng hapon, bumisita ang ina ni Jay kasama ang is
Agad na tinuruan ni Madam Ares si Sara na pakalmahin ang sitwasyon. “Jay, kababalik lamang ni Sera mula sa ibang bansa. Noong una ay pumunta siya rito upang bisitahin si Old Master Severe at nagkataong nakasalubong ako, kaya dinala ko siya rito upang bisitahin ka. Hindi ba’t parang tadhana?”Ang ekspresyon ni Jay ay nanatiling malamig, nagmumukhang hindi interesado na makinig doon.Si Madam Ares ay mayroong ibang intensyon. “Kilala mo na si Sera noong bata pa lamang kayo. Alam mo naman na si Sera ay kasing talentado at galing ni Angeline. Dahil minalas si Angeline at hindi nagawang tanggapin ang pagmamahal mo, bakit hindi mo subukan ang mga bagay-bagay kay Sera?”Si Rose ay nasaktan noong panoorin niya si Madam Ares na subukang pagsamahin sina Jay at Sera.Nang marinig ito, sumulyap si Jay kay Rose na nakatayo sa sulok at nag-aalala na sosobra sa pag-iisip si Rose. Kaya, binigyan niya ng trabaho si Rose. “Kuhaan mo ako ng isang baso ng tubig.”Tumayo si Rose upang kumuha ng isang baso
Tinulak ni Rose pabalik ang kamay ni Jay. “Hindi ko kailangan ng kahit na sino na maging lab rat ko.”Kung gusto niyang magsanay, susubukan niya ito sa kaniyang sarili.Bumalik siya sa sulok ng kwarto, nilabas ang mga karayom na hinanda niya kanina, at inangat ang kaniyang mga manggas. Pagkatapos no’n, nagsimula siyang magsanay sa kamay niya.Si Jay ay nagulat sa ginagawa niya.‘Hindi ba siya natatakot sa mga karayom?’Mayroong oras na siya ay nagkatrangkaso at ninais ni Jay na dalhin siya sa ospital, ngunit humapit sa kaniya si Angeline habang umiiyak nang malakas. “Jaybie, pakiusap, nagmamakaawa ako sa ‘yo. ‘Wag mo akong dalhin sa ospital. Ayaw kong maturukan…”Siya ay isang dalaga pa noon, ngunit siya ay umiiyak na para bang wala na siyang dignidad na natitira.Nanakit ang puso ni Jay. Sa mga nakalipas na taon, walang sinuman ang nagpaulan sa kaniya ng pagmamahal. Bilang resulta, lumaki siya na maging malakas at matapang.Hindi pinansin ni Rose ang mga titig ni Jay at nakatuon laman
“Paano bang kaawa-awa?”“May malubhang sakit ang babae, kaya ang asawa niya ay binenta ang lahat ng pagmamay-ari nila para bayaran ang paggamot niya. Ang asawa ay isang mabuting lalaki, nananatili sa kaniyang tabi hanggang sa huli.”Walang masabi si Jay.“Sa tingin ko ay hindi ka pwede para sa care work.”Nanlaki ang mga mata ni Rose. “Bakit hindi?”“Masyado kang maawain.”Sinabi ni Rose. “Sa tingin ko ay may pusong-bato ka lang…”Napabuntong-hininga nang mabigat si Jay noong panoorin niya si Rose na umiyak. “Shh. ‘Wag ka nang umiyak.”“Hindi ko mapigilan, eh.” Pinunasan ni Rose ang kaniyang mga luha gamit ang likod ng kaniyang kamay.Nagsalita si Jay, “Tulungan mo akong mag-impake. Aalis na ako dito.”Sa isang iglap, ang naluluhang mukha ni Rose ay biglang napangiti. “Talaga?”Tumango si Jay nang may madilim na mga mata.Agad na inayos ni Rose ang mga dokumento ni Jay nang mabilis at tumayo sa gilid ng kama.Marahan na bumabangon, hiniling ni Jay, “Tulungan mo akong magpalit ng damit.
Makikita ang kasiyahan mula sa mga mata ni Jay.Nang makita ang sitwasyon sa harap niya, pinili ni Grayson na manatiling tahimik. Kinuha niya ang mga reseta at tinulak ang kaniyang presidente palayo.Sa pamamagitan ng pagpapaalis ng presidente palabas ng kwarto ng ospital, matagumpay si Rose na matulungan ang hindi masyadong maswerteng mga pasyente na pangalagaan ang problema ng pananatili sa labas.Ang detalye ng kinilos niyang ito ay mabilis na kumalat sa buong ospital.Si Rose ay agad na naging isang sikat na care worker sa ospital, at ang mga pasyente ay naging mabait sa kaniya bilang kapalit ng kabutihang loob niya.Maraming mga pasyente ang nagsimulang sambahin at hangaan siya, hinihiling pa na siya ang mag-alaga sa kanila.Bilang resulta, si Rose ay naging lubos na abala.Noong gabing ‘yon.Binuksan ni Josephine ang kaniyang monitor upang makita si Empire Without Sunset na online na at naghihintay.Inasar niya ito, tinatype, ‘Sabik ka na, ano?’Sumagot si Empire Without Sunset g