nang makitang mali ang pagkakaintindi ni Ava sa kanya, nagmadaling nagpaliwanag si Daniel. “Ava, masyado kang nag-iisip. Paano ko naman maiisipang gawin ‘yun? Ikaw lang ang pipiliin ko at sigurado ako diyan.” Seryosong inilahad ni Daniel ang hangarin niya. Alam ni Ava na hindi talaga ang iniisip niya ang ibig-sabihin nito, ngunit nang marinig niya ang seryosong paliwanag at pangako ni Daniel, hindi mapigilang mapangiti ni Ava.“Okay, binibiro lang kita. Sa ugali mo Dan, kahit lumapit pa sa’yo ang ibang babae, alam kong lalayo ka lang sa kanila.”“Ava, ‘wag kang nagbibiro nang ganyan,” Seryosong sinabi ni Daniel, “Atsaka, tawagin mo akong Danny.”Naging seryoso din si Ava sa seryosong tingin ni Daniel.Tumango siya at inilapag ang tinidor na hawak niya.“Kung ganoon, Danny, ano palang ibig-sabihin mo sa sinabi mo?”“Ava, ipangako mo sa aking mananatili kang kalmado kapag narinig mo ang sasabihin ko.” Tinignan ni Daniel si Ava nang nagmamakaawa.Kaagad na naramdaman ni Daniel
Magbasa pa