Nakita ni Daniel na malalim ang iniisip ni Ava at bigla niyang hinawakan ang kamay nito.“Ang totoo, wala akong alam tungkol sa kanya. Ang gusto ko lang ay mas makilala ka pa.” Tinitigan ni Daniel ng taimtim ang mga mata ni Ava. Natulala si Ava ng mga ilang sandali, at mabilis na naramdaman ang pag-aalala at pag-aaruga ni Daniel para sa kanya.Pagkatapos nilang maghapunan, naglakad si Daniel kasama si Ava bago niya ito hinatid pabalik sa apartment nito. Nang maghihiwalay an sila, hinawakan ni Daniel ang hawakan ng pintuan. Ang mga mata nito ay puno ng kainosentehan at pagkadismaya. “Huwag mo na uli hindi papansinin ang mga tawag ko. Kahit na gaano pa kahirap, magtiwala ka lang sa akin na hindi kita susukuan.” Nangako siya at bigla niyang hinalikan si Ava sa noo. “Ava, huwag mo masyadong dibdibin ang sinasabi ng ibang tao at huwag mong hayaan na makaapekto sila sa ating relasyon, okay?”Alam ni Ava na napalungkot niya si Daniel sa hini niya pagpansin sa mga tawag nito noon,
Pagkatapos itong itanong ni Madeline, hindi siya nakakuha ng sagot mula kay Ava kahit na ilang segundo na ang nagdaan. Kung kaya't medyo nag-alala siya. "Ava, sino yun? Bakit hindi ka nagsasalita? Ava, Ava—" "Maddie, ayos lang ako. Wag kang mag-alala sa'kin." Narinig mula sa kabilang linya ang hindi normal na kalmadong boses ni Ava. "Kasamahan ko lang yun at may tanong siya sa'kin tungkol sa trabaho na kailangan niyang itanong kaagad. Aalis na ko. Kausapin kita mamaya. Bye." Pagkatapos sabihin iyon ni Ava, binaba niya ang phone. Sa kabilang linya, umupo si Madeline mula sa yakap ni Jeremy at iniabot ang bata kay Jeremy bago naglakad sa isang tabi para magpalit ng damit. "Anong problema, Linnie? Saan ka pupunta?" Nagtatakang tinignan ni Jeremy si Madeline na mayroong seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. "Sa tingin ko may kakaiba kay Ava. May tao sa pinto ng apartment niya at naging kakaiba siya pagkatapos niyang buksan ang pinto. Nag-aalala ako na baka may nangyari sa kanya.
"Ikaw siguro ang best friend ni Ava, si Eveline. Ikaw ang pinakapinagkakatiwalaan niya, di ba? Hello, ako ang ina ni Ava. Sa tingin ko nagkita na tayo noon pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na bumati nang pormal sa'yo." "Ako rin." Ngumiti si Madeline. Pagkatapos, naglakad siya papunta kay Ava at tinulungan siya na damputin ang mga piraso ng salamin sa lapag. "Ava, dahil ayos ka lang, uuwi na kami ni Jeremy. Dapat mag-usap kayo ng nanay mo." "Maddie, sandali!" Biglang pinigilan ni Ava si Madeline na tatalikod na sana para umalis. Lumingon si Madeline nang nagtataka. "Ano pang magagawa ko para sa'yo, Ava?" "Um, uuwi na siya at nananatili siya sa Glendale Hotel na pagmamay-ari niyo. Dahil madadaanan niyo naman yun pauwi, pwede niyo ba siyang ihatid doon?" Tinignan ni Ava ang babae na nagbago ang ekspresyon. "Pasensya ka na sa abala, Maddie." Nang sinabi iyon ni Ava, kaagad na nakita ni Madeline ang naiilang na ekspresyon ng nanay niya. Malinaw na hindi pa niya gustong
Nagsisisi ang ina ni Ava. Pinagsisisihan niya na iniwan niya ang kanyang bata pa at inosenteng anak para sa kanyang career at ang tinatawag niyang pangarap noong nasa pinakamagandang punto siya ng buhay niya.Umuwi sina Madeline at Jeremy pagkatapos nilang ihatid ang ina ni Ava pabalik sa hotel. Pagkatapos ay bumalik si Madeline sa harapan. Nagtanong si Jeremy na para bang sinusubukan niyang mang-usyoso, "Siya ba talaga ang nanay ni Ava?" "Oo, hindi mo ba napansin na kamukha ni Ava ang nanay niya?" Nag-isip sandali si Jeremy. Pagkatapos ay nagsalita siya nang medyo nagyayabang, "Naisip ko lang na kamukha nating dalawa ang tatlo nating anak." "Napakalambing mo ngayon pero hindi ko narinig mula sa'yo na sinabi mong kamukha ko si Jack noon." Kinantyawan siya ni Madeline. Inisip ni Jeremy ay gustong magreklamo ni Madeline tungkol sa ginawa niya noon kaya kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Madeline. "Linnie, hindi na ako magkakamali ulit." "Wala akong sinabi, ito kamo." Tin
Tinignan ni Ava si Naya na nasa kanyang harapan at kaagad na nagising ang diwa niya. "Bakit ka nandito?" "Binigay sa'kin ni Danny ang address mo," ngumiti si Naya at nagpaliwanag. "Kung hindi maganda ang oras ng pagdalaw ko, pwede akong maghintay sa labas. "Ah-choo." Pagkatapos itong sabihin ni Naya ay bumahing siya nang mahinhin. Nagkataon ay umihip ang malamig na hangin papasok ng bahay at binuksan ni Ava ang pinto. "Pumasok ka at maupo. Maglilinis lang ako." "Pasensya na sa pang-iistorbo." Ngumiti si Naya at naglakad papasok. Mabilis na tumalikod si Ava para gumawa ng tsaa para kay Naya. Pagkatapos nito, nagmadali siya sa banyo. "Sandali lang ako." "Ayos lang, Ava. Hindi ako nagmamadali," maunawaing sabi ni Naya sa direksyon ng banyo. Nang marinig niya ang tunog ng tubig sa banyo, naglaho ang matamis at mabait na ngiti sa mukha ni Naya. Nandidiri niyang tinignan ang black tea na ginawa ni Ava para sa kanya at tumayo para mabagal na maglakad sa buong kwarto. Kah
Para bang sinsero si Naya, at ang paraan ng pagsasalita niya ay para bang kumakampi siya kina Ava at Daniel. Para bang iniisip niya ang kagustuhan nila. Nang makita niyang hindi nagsasalita si Ava ay nagpatuloy si Naya. "Ava, ito ang pinakamagandang paraan sa ngayon. Sa tingin ko ayaw mong maipit si Danny sa problema sa pagitan mo at ng pamilya niya, tama?" Pagkatapos niyang manatiling tahimik, malumanay na ngumiti si Ava at pinuri si Naya. "Ms. Mendez, hindi ko inakala na napakabait at napakamapagbigay mo pala. Sa tingin ko kung naibang babae ka lang, hindi nila gagawin ang ganito." Palakaibigan at mabait na ngumiti si Naya nang marinig niya ito. "Childhood sweethearts kami ni Danny noon at matalik kaming magkaibigan. Kahit na hindi kami magkadugo, matagal ko na siyang tinuturing na kapatid. At saka parang tunay na lolo ko na ang tingin ko sa lolo ni Danny. Ayaw ko talagang may mangyaring masama kay Lolo at ayaw kong makitang namomroblema si Danny." Napakahina ng tono ni N
Tumingin pabalik si Daniel at nakitang gising si Ava. Isang malambing na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha nang lapitan niya ito. “Gising ka na. Gutom ka na tama? Maghilamos ka na at sasabayan kitang kumain.”Kinurap ni Ava ang inaantok niyang mga mata at tinignan ang mga plato ng mahalimuyak na pagkain. “Binili mo ba ang mga sangkap at nagpunta dito para ipagluto ako?”“Uh-huh.” Ngumiti nang maamo si Daniel at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Ava. “Maghilamos ka na.”Nang maramdaman ang pag-aalala at pagmamahal ni Daniel, ngumiti nang malambing si Ava bago maghilamos.Pagkatapos maghilamos, nagpakita siya sa harapan ni Daniel nang walang makeup.Nang makita ang umuusok na pagkain sa estante, naantig ang puso ni Ava. Habang kumakain, nakipag-usap si Ava kay Daniel.Sinabi niyang dumalaw si Naya, ngunit nang mabanggit niya ang pekeng engagement ni Naya kay Daniel, huminto ito sa pagkain at naging seryoso ang mukha nito. “Bakit siya nagpunta dito para kausapin ka tungkol
Nanlaki ang mga mata ni Ava sa pagkabigla, ibinato niya ang kanyang phone at kaagad na kumuha ng isang kahon ng tisyu. Natataranta siyang kumuha ng maraming tisyu. “Paanong nangyari ito?” “Anong problema?” Si Daniel na naglilinis ng kwarto ni Ava ay lumapit nang nag-aalala. Nakita niyang basang-basa ang laptop sa harapan niya. Punong-puno ng tubig ang keyboard at nakikita niyang maraming bakas ng tubig. Higit pa rito, basa rin ng tubig ang screen.Pagkatapos punasan ni Ava ang laptop sinubukan niya itong buksan ngunit hindi gumana ang laptop. “Anong nangyari? Ayos lang naman ‘yan noong ginamit ko kagabi.” Nagkaroon ng pagkabahala sa mukha ni Ava.Nagpuyat siya mula kagabi at nagtrabaho hanggang mag-umaga. Ang lahat ng pinaghirapan niya ay nakalagay sa laptop.“Ava, huwag kang mag-alala. Patutuyuin ko muna ito gamit ng hairdryer. Baka gumana ito.” Kinuha ni Daniel ang hairdryer at pinatuyo ang laptop.Nababahalang naghihintay si Ava sa isang tabi. Umaasa siyang maganda ang k
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si