Para bang sinsero si Naya, at ang paraan ng pagsasalita niya ay para bang kumakampi siya kina Ava at Daniel. Para bang iniisip niya ang kagustuhan nila. Nang makita niyang hindi nagsasalita si Ava ay nagpatuloy si Naya. "Ava, ito ang pinakamagandang paraan sa ngayon. Sa tingin ko ayaw mong maipit si Danny sa problema sa pagitan mo at ng pamilya niya, tama?" Pagkatapos niyang manatiling tahimik, malumanay na ngumiti si Ava at pinuri si Naya. "Ms. Mendez, hindi ko inakala na napakabait at napakamapagbigay mo pala. Sa tingin ko kung naibang babae ka lang, hindi nila gagawin ang ganito." Palakaibigan at mabait na ngumiti si Naya nang marinig niya ito. "Childhood sweethearts kami ni Danny noon at matalik kaming magkaibigan. Kahit na hindi kami magkadugo, matagal ko na siyang tinuturing na kapatid. At saka parang tunay na lolo ko na ang tingin ko sa lolo ni Danny. Ayaw ko talagang may mangyaring masama kay Lolo at ayaw kong makitang namomroblema si Danny." Napakahina ng tono ni N
Tumingin pabalik si Daniel at nakitang gising si Ava. Isang malambing na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha nang lapitan niya ito. “Gising ka na. Gutom ka na tama? Maghilamos ka na at sasabayan kitang kumain.”Kinurap ni Ava ang inaantok niyang mga mata at tinignan ang mga plato ng mahalimuyak na pagkain. “Binili mo ba ang mga sangkap at nagpunta dito para ipagluto ako?”“Uh-huh.” Ngumiti nang maamo si Daniel at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Ava. “Maghilamos ka na.”Nang maramdaman ang pag-aalala at pagmamahal ni Daniel, ngumiti nang malambing si Ava bago maghilamos.Pagkatapos maghilamos, nagpakita siya sa harapan ni Daniel nang walang makeup.Nang makita ang umuusok na pagkain sa estante, naantig ang puso ni Ava. Habang kumakain, nakipag-usap si Ava kay Daniel.Sinabi niyang dumalaw si Naya, ngunit nang mabanggit niya ang pekeng engagement ni Naya kay Daniel, huminto ito sa pagkain at naging seryoso ang mukha nito. “Bakit siya nagpunta dito para kausapin ka tungkol
Nanlaki ang mga mata ni Ava sa pagkabigla, ibinato niya ang kanyang phone at kaagad na kumuha ng isang kahon ng tisyu. Natataranta siyang kumuha ng maraming tisyu. “Paanong nangyari ito?” “Anong problema?” Si Daniel na naglilinis ng kwarto ni Ava ay lumapit nang nag-aalala. Nakita niyang basang-basa ang laptop sa harapan niya. Punong-puno ng tubig ang keyboard at nakikita niyang maraming bakas ng tubig. Higit pa rito, basa rin ng tubig ang screen.Pagkatapos punasan ni Ava ang laptop sinubukan niya itong buksan ngunit hindi gumana ang laptop. “Anong nangyari? Ayos lang naman ‘yan noong ginamit ko kagabi.” Nagkaroon ng pagkabahala sa mukha ni Ava.Nagpuyat siya mula kagabi at nagtrabaho hanggang mag-umaga. Ang lahat ng pinaghirapan niya ay nakalagay sa laptop.“Ava, huwag kang mag-alala. Patutuyuin ko muna ito gamit ng hairdryer. Baka gumana ito.” Kinuha ni Daniel ang hairdryer at pinatuyo ang laptop.Nababahalang naghihintay si Ava sa isang tabi. Umaasa siyang maganda ang k
Si Naya.Bukod kay Daniel, nagpunta rin sa apartment si Naya ngayong araw. Biglang bumangon si Ava at binuksan ang laptop. Tinignan niya ito nang maigi bago amuyin. Naamoy niya ang mahinang amoy ng black tea sa keyboard.Ang amoy ng black tea na ito ay ang amoy ng black tea na itinimpla niya para kay Naya.Kaagad itong nahulaan ni Ava.Sinadyang sirain ni Naya ang kanyang laptop!Ngunit wala siyang pruweba.Sa sandaling ito, tumawag ulit ang amo ni Ava.“Ava, dalawang oras na ang nakalipas. Kumusta na ang design? E-mail mo kaagad sa akin kapag tapos mo na.”Inihanda ni Ava ang kanyang sarili at sinigurado ito at sinabi, “Bill, nagkaroon ako ng bisita sa bahay ko kanina lang at medyo natagalan ang trabaho ko. ‘Wag kang mag-alala, ibibigay ko sa’yo ang draft pagpasok ko ng trabaho bukas.”“Bisita? ‘Yung boyfriend mo ba ang tinutukoy mo? ‘Wag lang puro pag-ibig ang isipin mo, dalaga. Pagpapayaman ang pinakamahalaga.” Biro ng kanyang amo. “Sige hindi na kita aabalahin pa. Hihint
Sa totoo lang, habang inaabot niya ang draft na ito, alam na ni Ava ang mangyayari.Ang draft na minadali niya ay tiyak na hindi magiging kasingganda ng draft na una niyang ginawa noong may inspirasyon pa siya. Ngunit sa kanyang pangmatandang konsepto ng disenyo, ang disenyong ito ay maganda pa rin at nailagay niya ang lahat ng detalyeng hinihingi ng kliyente.Siguro hindi ito kasingganda at perpekto ng unang draft, ngunit sa kabuoan, ayos pa rin ito.Ngunit ibinato ni Bill ang laptop sa lamesa habang nagdidilim ang mukha at tinignan nang seryoso si Ava.“Hindi mo ba alam na bukas natin kailangan ibigay ang draft kay Mr. Rogers? Paano ko magagawang ipakita ang desing na ito sa client ko? Ang asal mo sa trabaho at ang galing mo ay bumaba nitong nakaraan.“Ava, masyado ka bang nawili sa pakikipag-date nitong nakaraan at hindi ka na makapagtrabaho? Kapag patuloy ka pang nagtrabaho nang ganito, maaaring hindi na nararapat sa’yo ang posisyong ito.”“Bill, hindi ito ganoon kalala. Kahi
”Kahit na ganoon, ikaw pa rin ang senior ko. Marami pa akong matutunan mula sa’yo.” Maamong sinabi ni Laura. Pagkatapos, dumapo ang tingin niya sa screen ng laptop ni Ava.“I-dedelete mo ba ang design na ito?”Tinignan ni Ava ang disenyo at ngumiti. “Ipinasa na ang project na ito sa’yo, kaya wala nang dahilan para itabi ko pa ito.”Pagkatapos niyang magsalita, direkta niyang binura ang dokumento.Nanghihinayang na umiling ang katrabaho niya sa tabi nang makitang binura talaga ni Ava ang disenyo.Salungat nito, mukhang may kaunting liwanag sa mga mata ni Laura.Hindi na siya nagsalita pa at bumalik sa kanyang pwesto at nagsimulang magtrabaho.Hindi na ito inisip pa ni Ava at sinimulan niyang kainin ang almusal na inihanda ni Daniel para sa kanya.Nang pauwi na sila mula sa trabaho nitong gabi, si Ava at ang ilan sa mga katrabaho niya ay nag-impake bago umalis nang magkasama. Nag-usap sila at nagtawanan.Bumaba rin si Laura sa iisang elevator kung nasaan sila Ava, ngunit hindi n
Kahit na may maliit lang ang agwat, naririnig pa rin ni Ava si Mr. Rogers na pinupuri ang disenyo. “Miss Pine, sinasalamin ng iyong disenyo ang iyong istilo. Hindi ko inaasahan na isa ka lang baguhan.” Pinuri ni Mr. Rogers si Laura bago pinuri si Bill, “Bill, magaling kang mangilati. Mapalad ang iyong kumpanya dahil meron kayong sang mahusay na designer.” “Mr. Rogers, napakabait mo. Dinisenyo ko lang ito ayon sa mga kagustuhan niyo. Pero kung pag-uusapan natin kung sino ang may mas malawak na pananaw, kayo po iyon dahil pinili niyo ang aming kumpanya para pagsilbihan kayo,” matamis na ngumiti si Laura at nagbiagt din ito ng isang matamis na tugon. Masayang humalakhak si Mr. Rogers ng marinig niya ito. Kinagatan ni Ava ang mansanas at nakinig ng mahinahon. Nakahinga din siya ng maluwag dahil sa naging maayos na ang proyekto. Kung hindi nasiyahan si Mr. Rogers, baka kailangan niyang bayaran ang penalty dahil sa pagkawala ng kontrata. “Ava, narinig mo ba iyon? Hindi ko inaa
“Ava, anong ginagawa mo? Bakit ka nakatulala at nakatayo lang dito?” Bumalik ang malay-tao ni Ava pagkatapos niyang matulala. “Maisie, may nakita akong nakakagulat sa lamesa ni Laura.” Kahina-hinalang napakurap si Maisie. “May nakakabigla? Ano yun?” “Ang disenyong binura ko kanina,” desididong tugon ni Ava at tumingala sa may opisina na nasa harapan niya. “Ava, kakasabi mo lang ba na nakita mo ang mga disenyong binura mo sa lamesa ni Laura kanina? Anong ibig sabihin nito?” Sumimangot si Maisie. Pagkatapos, inangat niya ang kanyang kamay at napakamot sa kanyang tenga. At nang nasabi niya ang katanungan na iyon, bumukas ang pintuan ng opisina ni Bill. Sumunod si Laura sa likod ni Bill na may malabong ngiti sa mukha nito. “Mga kasama, si Laura ay humawak ng isang hindi kapani-paniwalang proyekto para sa ating kumpanya, kaya upang ipagdiwang ang kaganapang ito, ang boss ay magdaraos ng isang piging sa pinakamalaking restawran sa Glendale ngayong gabi. Ang lahat ng mga em