“Ava, alam kong hindi mo gusto ang pakikitungo ng pamilya ko sa’yo at matagal mo na itong tinitiis para sa akin. Alam na alam ko ang lahat ng ito. Matagal ko nang ginagawa ang makakaya ko para gumawa ng paraan at isalba ang relasyon natin. Umaasa akong mabibigyan mo ako ng oras. Sisiguraduhin kong hindi kita bibiguin.” Seryosong nangako si Daniel. Naramdaman ni Ava ang katapatan ni Daniel. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi siya makapagsalita. “Ava, alam kong gusto mong makasama si Dan. Kung hindi, hindi ka sana iiyak nang sobra habang yakap mo ako kanina.” “...H-Hindi ako umiyak.” Nagmamatigas na itinanggi ito ni Ava. Ngunit nang marinig ito ni Daniel, biglang napuno ng lungkot at pagkabahala ang puso niya. “Patawad, Ava. Hindi ko talaga gustong malungkot ka.” “Dan, kumusta na ang lolo mo? Ano ang ideyang nabangggit mo para matupad ang hiling ng lolo mo nang hindi binibigo si Ava?” Tinanong ni Madeline ang mahalagang tanong. Hindi na rin nagsayang pa ng oras si Dan
nang makitang mali ang pagkakaintindi ni Ava sa kanya, nagmadaling nagpaliwanag si Daniel. “Ava, masyado kang nag-iisip. Paano ko naman maiisipang gawin ‘yun? Ikaw lang ang pipiliin ko at sigurado ako diyan.” Seryosong inilahad ni Daniel ang hangarin niya. Alam ni Ava na hindi talaga ang iniisip niya ang ibig-sabihin nito, ngunit nang marinig niya ang seryosong paliwanag at pangako ni Daniel, hindi mapigilang mapangiti ni Ava.“Okay, binibiro lang kita. Sa ugali mo Dan, kahit lumapit pa sa’yo ang ibang babae, alam kong lalayo ka lang sa kanila.”“Ava, ‘wag kang nagbibiro nang ganyan,” Seryosong sinabi ni Daniel, “Atsaka, tawagin mo akong Danny.”Naging seryoso din si Ava sa seryosong tingin ni Daniel.Tumango siya at inilapag ang tinidor na hawak niya.“Kung ganoon, Danny, ano palang ibig-sabihin mo sa sinabi mo?”“Ava, ipangako mo sa aking mananatili kang kalmado kapag narinig mo ang sasabihin ko.” Tinignan ni Daniel si Ava nang nagmamakaawa.Kaagad na naramdaman ni Daniel
”Si Naya ba yun?” Tinuro ni Ava ang isang tao sa di-kalayuan. Nakita sa wakas ni Daniel si NAya. “Siya nga. Tara, puntahan natin.” “Sige.” malumanay na ngumiti si Ava at tumingala para tignan si Naya na nakatalikod sa kanila. “Naya,” Tinawag ni Daniel si Naya pero mukhang hindi siya narinig nito. “Naya.” Muling tinawag ni Daniel si Naya at lumingon si Naya. Pagkatapos, lumingon ito at tinignan ang mga mata ni Daniel na bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha. “Dan,” Ngumiti siya at tinawag ito bago lumapit. “Kamusta, Miss Mendez. Nagkita tayong muli,” Magalang na pagbati ni Ava. Matamis na nginitian ni Naya si Ava. “Kamusta, Ava. Nagkita tayo ng isang beses sa kaarawan ng aking Lolo at hindi na kita muling nakita. Subalit, palagi naming pinag-uusapan ni Danny ang tungkol sayo.” “Talaga?” Matamis na ngumiti si Ava at sinandal ang kanyang ulo sa balikat ni Dan. Nang makita ni Naya ang malambing na eksenang ito, ngumiti na lang siya habang nagkukunwaring hindi siya na
Nang makita ni Ava si Naya na hahawakan ang kamay ni Daniel, mabilis siyang tumayo at hinawakan ang kamay ni Naya. “Miss Mendez, tumatawag na ng ambulansya si Danny. Tatagan niyo lang ang inyong sarili.”“...”Gustong hingan ng tulong ni Naya si Daniel, pero hindi niya naisip na mangingialam si Ava. Tinignan niya si Daniel na walang intensyon na alagaan siya. Ang tanging nagawa na lang niya ang ang magngalit ang kanyang mga ngipin at tiisin ito.Subalit, hindi ang sakit ang tinitiis niya kung hindi ang inis niya at pagkadismaya sa kanyang puso. Hindi nagtagal, dumating din ang ambulansya. Habang nakatingin ang lahat, pinasok sa loob ng ambulansya si Naya. Sa katunayan, ramdam ni Ava na parang may mali. Subalit, walang napansin si Daniel na kahit na ano. Pagkarating nila sa ospital, ang tanging tulong lang na nagawa ni Daniel para kay Naya ay ang irehistro ito at saka ang pag-asikaso sa ilang maliit na bagay dahil sa wala nang iba pang pwedeng gumawa nito. Pagkatapos,
”Sino ito?” “Siya si Ava, ang girlfriend ko.”“...” Natigilan ang ina ni Naya nang marinig iyon. Tapos, nagbago agad ang tingin niya kay Ava. sinabi niya sa kakaibang tono, “Naku, ikaw pala ang Miss Long na labis na gumalit sa lolo ni Daniel kaya ito na-ospital.” Pagkatapos niyang sabihin ito, kaagad na naging mabigat ang hangin sa kanilang paligid. Nagulat at naguluhan si Ava. Ano naman ang kinalaman niya sa pagkakaospital ng lolo ni Daniel? “Mrs. Mendez, pakiusap huwag kang magsalita ng kung anu-ano. Ang pagkakaospital ng aking lolo ay walang kinalaman sa aking nobya.” Naging malamig ang mukha ni Daniel, at mukhang hindi siya nasiyahan sa sinabi ng ina ni Naya. Gayunpaman, walang pakialam ang ina ni Naya. “Hmph, paanong wala itong kinalaman sa kanya? Inatake ang lolo mo dahil sa nagalit siya dahil sa ayaw mong makipaghiwalay sa babaeng ito. Hindi pa rin maayos ang kanyang kalagayan hanggang ngayon.” Pagkatapos itong sabihin ng ina ni Naya, pinayuhan niya si Daniel na p
Maririnig ang boses ni Naya mula sa pintuan ng emergency room.Tumingala sina Daniel at Ava at sabay na tumingin. Mukhang hindi pa rin maganda ang pakiramdam ni Naya, pero mukhang maayos naman na ang kutis niya. Hindi siya mukhang isang pasyente na nawalan ng malay dahil sa masakit na tiyan. Kuminam ang mga mata ni Naya nang makita niya si Daniel. Pagkatapos, lumingon siya para tignan ang kanyang ina. “Mom, anong ginagawa mo dito?” “Tinawagan ko ang magulang mo,” paliwanag ni Daniel. Ngumiti si Ava at sumandal kay Daniel. Tapos, sinabi niya, “Miss Mendez, mukhang namimilipit ka sa sobrang sakit sa may restaurant at nag-aalala si Danny na baka may nangyari nang masama sa iyo, kaya niya pinaalam sa magulang mo.” Pinilit ni Naya na ngumiti ng bahagya. “Ganun ba. Patawad kung pinag-alala kita, Danny. Pasensya ka na.” “Mabuti naman at ayos ka na.” Ang ekspresyon ni Daniel ay tila walang pakialam, at wala na itong iba pang sinabi. “Magpahinga ka ng mabuti. Babalik na kami ni Ava
Nakita ni Daniel na malalim ang iniisip ni Ava at bigla niyang hinawakan ang kamay nito.“Ang totoo, wala akong alam tungkol sa kanya. Ang gusto ko lang ay mas makilala ka pa.” Tinitigan ni Daniel ng taimtim ang mga mata ni Ava. Natulala si Ava ng mga ilang sandali, at mabilis na naramdaman ang pag-aalala at pag-aaruga ni Daniel para sa kanya.Pagkatapos nilang maghapunan, naglakad si Daniel kasama si Ava bago niya ito hinatid pabalik sa apartment nito. Nang maghihiwalay an sila, hinawakan ni Daniel ang hawakan ng pintuan. Ang mga mata nito ay puno ng kainosentehan at pagkadismaya. “Huwag mo na uli hindi papansinin ang mga tawag ko. Kahit na gaano pa kahirap, magtiwala ka lang sa akin na hindi kita susukuan.” Nangako siya at bigla niyang hinalikan si Ava sa noo. “Ava, huwag mo masyadong dibdibin ang sinasabi ng ibang tao at huwag mong hayaan na makaapekto sila sa ating relasyon, okay?”Alam ni Ava na napalungkot niya si Daniel sa hini niya pagpansin sa mga tawag nito noon,
Pagkatapos itong itanong ni Madeline, hindi siya nakakuha ng sagot mula kay Ava kahit na ilang segundo na ang nagdaan. Kung kaya't medyo nag-alala siya. "Ava, sino yun? Bakit hindi ka nagsasalita? Ava, Ava—" "Maddie, ayos lang ako. Wag kang mag-alala sa'kin." Narinig mula sa kabilang linya ang hindi normal na kalmadong boses ni Ava. "Kasamahan ko lang yun at may tanong siya sa'kin tungkol sa trabaho na kailangan niyang itanong kaagad. Aalis na ko. Kausapin kita mamaya. Bye." Pagkatapos sabihin iyon ni Ava, binaba niya ang phone. Sa kabilang linya, umupo si Madeline mula sa yakap ni Jeremy at iniabot ang bata kay Jeremy bago naglakad sa isang tabi para magpalit ng damit. "Anong problema, Linnie? Saan ka pupunta?" Nagtatakang tinignan ni Jeremy si Madeline na mayroong seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. "Sa tingin ko may kakaiba kay Ava. May tao sa pinto ng apartment niya at naging kakaiba siya pagkatapos niyang buksan ang pinto. Nag-aalala ako na baka may nangyari sa kanya.