All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 2121 - Chapter 2130

2479 Chapters

Kabanata 2121

Tumayo si Madeline at inabot si Hannah. "Tumayo ka." Pagkatapos marinig ang sinabi ni Madeline, tumingala si Hannah at nakatulala niyang tinignan ang palad ni Madeline na nakaunat para sa kanya. Paanong mangyayari ito? Hindi ba ito isang halusinasyon? "Kahit na hindi tayo pwedeng maging magkaibigan, hindi naman natin kailangang maging magkaaway, di ba?" Tanong ni Madeline nang may mabait na ngiti at lumapit ang kanyang palad kay Hannah. Mas lalong nahiya si Hannah sa puso niya nang makita niya ang mainit na ngiti ni Madeline. "Patawad." Sa wakas, lumabas ang salitang iyon mula sa bibig ni Hannah. Wala siyang kahit na anong pagpapanggap. Sinsero ang paghingi niya ng tawad. Ngunit si Madeline. "Tinatanggap ko ang paghingi mo ng tawad." Pagkasabi niya nito ay inalog niya nang bahagya ang kanyang kamay. Naintindihan kaagad ni Hannah ang ibig sabihin ni Madeline at sa wakas ay iniabot na niya ang kanyang kamay para hawakan nang malumanay ang kamay ni Madeline. Sa
Read more

Kabanata 2122

Isa itong magandang wakas. Ngumiti si Jeremy at yumuko para yakapin ang kanyang anak. "Jack, wag kang mag-alala. Matalino ang mommy mo, paano niya hahayaan ang masamang babae na yun na saktan siya?" "Talaga?" Medyo nag-aalangan pa rin si Jackson. "Mommy, hindi ka ba talaga sinaktan ng masamang babae na yun?" Nang makita niya na sobrang nag-aalala sa kanya ang anak niya, tumango nang maigi si Madeline. "Oo, ayos lang ako." "Buti naman. Mabuti naman at ayos ka lang, Mommy." Nakahinga nang maluwag si Jackson. "Syempre walang mangyayaring masama sa kanya dahil matagal na niyang inaasahan na mangyayari ito." Kinarga ni Jeremy ang kanyang anak habang nagpapaliwanag at naglalakad papunta sa kotse na nakaparada sa may pintuan. Nagtatakang kumurap si Jackson. "Anong ibig sabihin nito?" "Ibig sabihin nito ay matagal nang alam ng mommy mo na hahanapin siya ng masamang babae na yun kaya matagal na siyang nakapaghanda, at palagi akong nasa likod ni Mommy. Kaya kapag masasaktan si Mo
Read more

Kabanata 2123

"Mrs. Whitman, tulungan mo ko!" Humingi ng tulong kay Madeline ang taong iyon. Mukha siyang natatakot at natataranta, at mukha rin siyang pagod na pagod. "Anong nangyari? Akala ko nakabalik ka na sa St. Piaf. Bakit nasa Glendale ka pa rin?" Pasensyosong tanong ni Madeline. Nang sasagot na sana si Hannah, may narinig silang tunog ng maraming yabag sa labas ng parking lot kasabay ng mga boses ng ilang kababaihan na nagsasalita. "Nakita ko siyang tumakbo papunta rito ngayon lang." "Pumasok tayo at tignan natin!" "Tuturuan ko siya ng leksyon mamaya!" "Mrs. Whitman, tulungan mo ko!" Mabilis na nanghingi ulit ng tulong si Hannah. Tinignan ni Madeline ang pinagmulan ng tunog, pagkatapos ay binuksan niya ang kotse. "Pumasok ka muna sa kotse." "Salamat!" Nagpasalamat si Hannah at nagmamadaling pumasok sa likuran ng kotse. Pagkatapos nito, sumakay si Madeline at inapakan ang accelerator. Nang niloko niya ang manibela, nasulyapan niya ang ilang mga bata pa at pasyonableng
Read more

Kabanata 2124

Aligaga ang mga staff ng restaurant sa kanilang trabaho at ang mga customer na kumakain at walang pakialam sa kung sinoman ang pumasok ng restaurant. Gayunpaman, si Hannah, na para bang sobrang kinakabahan at natataranta, ay nanatili sa tabi ni Madeline. Kahit na habang kumakain siya, nanatili siyang nakayuko at hindi nagsabi ng kahit isang salita. Nakatuon lang siya sa pagkain. Pagkatapos kumain, sinabihan ni Madeline si Hannah na sundan siya papunta sa Whitman Corporation. Inutusan ni Madeline ang head ng clothing department na magdala ng dalawang set ng samples para magpalit ng damit si Hannah. Pagkatapos magpalit ng damit, namaluktot si Hannah sa sulok ng sofa nang may kinakabahan at natatakot na itsura. Nang makita ni Madeline ang kinikilos ni Hannah ay naramdaman niyang mayroong kakaiba. Sa katotohanan, bago ang paglilinaw, inasahan ni Madeline na pagagalitan ng mga netizen si Hannah, pero hindi niya inasahan na sobrang magagalit ang mga netizen. Hindi gustong makita
Read more

Kabanata 2125

Nakita ni Madeline na may pagdududa pa rin si Jeremy kay Hannah kaya iyon ang dahilan kung bakit niya siya sinabihan na makausap nang mag-isa. Gayon na nga, sa sandaling nakarating sila sa susunod na opisina, kinausap nang seryoso ni Jeremy si Madeline. "Linnie, medyo kakaiba pa rin sa'kin to kaya wag kang masyadong magiging malapit sa kanya. Mamaya lang, tatawagan ko si Ken para mag-ayos ng flight at ipadala siya pabalik ng St. Piaf." Tahimik na tumango si Madeline. "Sa tingin ko rin ay makabubuti para sa kanya na bumalik doon. Kahit na tinalikuran siya ng mga kaibigan niya, sa tingin ko ay hindi siya iiwanan ng mga magulang niya para mabuhay nang mag-isa." "Hindi natin kailangang mag-alala kung aalagaan siya ng mga magulang niya o hindi. Siniraan niya ang reputasyon mo, kaya dapat niyang saluhin ang kinahinatnan ng mga ginawa niya ngayong umabot na sa ganitong lebel ang sitwasyon pagkatapos ng paglilinaw niya." "Oo, Jeremy, tama ka," sumang-ayon si Madeline. Pagkatapos ay n
Read more

Kabanata 2126

Bago pa makalapit si Madeline at Jeremy sa madla, narinig nilang minumura ng babae at lalaki si Hannah. Mukhang natataranta si Hannah. Hindi siya naglakas-loob na magsalita.Nang makita niyang palapit sa kanya si Madeline at Jeremy, biglang nagliwanag ang mga mata niya na parang nakita niya ang tagapagtanggol niya. Tapos sumugod siya patungo sa kanila. “Mr. Whitman, Mrs. Whitman, tulungan mo ako!” Tumakbo palapit si Hannah para humingi ng tulong.Kaagad na pinigilan ng katulong si Hannah.“Madam, pribadong residensya ito. Pakiusap umalis na kaagad kayo, kayong lahat.”Napigilan si Hannah kaya nababahala niyang tinuro si Madeline at Jeremy.“Kilala ko si Mr. at Mrs. Whitman. Pakiusap papasukin niyo ako, kung hindi papatayin nila ako!”Sumigaw siya nang nababahala.Habang mukhang nagdududa, tinignan ng katulong si Madeline at Jeremy na naglalakad palapit. Tumango nang bahagya si Jeremy at hindi na pinigilan ng katulong si Hannah.Tumakbo si Hannah patungo kay Madeline nang
Read more

Kabanata 2127

Nang makita ito, kaagad na umupo si Madeline. “Hannah, Hannah.” Dalawang beses siyang tumawag pero hindi sumagot si Hannah. “Jeremy, mukhang nawalan siya ng malay.” Nanatili sa mukha ni Hannah sa loob ng dalawang segundo ang titig ni Jeremy. Tapos tinulungan niyang bumangon si Madeline.“Tatawag ako ng ambulansya Linnie. Huwag mo siyang hawakan.” “Anong nangyayari? Sino ‘to? Bakit wala siyang malay?” Hinawakan ni Karen ang kanyang maliit na apo at lumapit nang nagtataka. Mukhang bugbog na bugbog si Hannah ngayon, kaya hindi ito nakilala ni Karen na ito pala ang babaeng gumawa ng gulo sa lobby ng Whitman Corporation bago ito. Nang makita niyang nasa sahig si Hannah, tinawag niya ang mga katulong dahil sa awa. “Hindi magandang humiga sa sahig sa ganito kalamig na panahon. Tulungan mo muna siyang bumangon at pahigain niyo siya saglit sa sofa.” Naunawaan ng mga katulong ang inuutos sa kanila ni Karen at nagtulungan para buhatin si Hannah.“Sino ang mga taong ‘yun? Mga sangg
Read more

Kabanata 2128

Napagpasyahan ni Madeline na tingnan kung kumusta ang kalagayan ni Hannah, at natural na sumunod sa kanya si Jeremy. Nakaupo si Hannah sa sofa at mukhang litong-lito siya.Sa sandaling nakita niya si Madeline, bigla siyang bumangon at tumakbo palapit. Tapos bigla niyang hinablot ang braso ni Madeline sa gulat at niyakap ito nang mahigpit.“Ate, nasaan ako? Bakit ako nandito?”Ate?Nagulat si Madeline sa kung paano siya tawagin ni Hannah.Lalong hinigpitan ni Hannah ang hawak niya sa braso ni Madeline.“Ate, natatakot ako. Sobrang daming taong gustong awayin ako at bugbugin. Natatakot talaga ako…”Mukhang lalong nataranta ang mukha ni Hannah nang hawakan niya nang mahigpit ang braso ni Madeline at ayaw bumitaw. Tinignan ni Madeline si Jeremy nang nagtataka tapos tumingin siya kay Hannah.“Hannah, tingnan mo nang maigi. Hindi ako ang ate mo.” Nang marinig ito ni Hannah, bigla niyang itinaas ang kanyang tingin at tinitigan nang seryoso nang matagal ang mukha ni Madeline.“B
Read more

Kabanata 2129

Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy, dumiretso siya sa banyo.Nagtataka din si Madeline. Maging siya ay naisip na masyadong bigla ang pagbabago ng ugali ni Hannah.Ngunit mukhang totoong-totoo ang ekspresyon niya kanina.Dahil nag-aalala siyang baka may masamang mangyari, nagmadaling lumapit si Madeline.Lumapit si Jeremy sa pinto ng banyo at bubuksan na ang pinto. Ngunit hindi niya mapihit ang hawakan. Malinaw na ikinandado ni Hannah ang pinto mula sa loob.Kung ganoon, hindi sila makakapasok kahit gumamit pa sila ng susi.Wala masyadong pasensya si Jeremy sa pag-aasikaso sa ibang babae bukod kay Madeline.Direkta niyang iniutos nang may seryosong boses, “Buksan mo ang pinto.”Napakalamig ng tono ni Jeremy. Hindi rin siya nakikipag-usap kay Hannah; inuutusan niya ito.Ngunit hindi siya sinagot ni Hannah.Itinaas ni Jeremy ang kanyang kamay para kumatok nang malakas sa pinto. “Buksan mo ang pinto. Kung ayaw mong gumawa ng gulo, buksan mo ang pinto ngayon na.”Muling nag-utos
Read more

Kabanata 2130

”Napakarami namang baliw sa mundong ito. Paano niya nagawang magpunta sa bahay natin para magpakamatay? Balak niya bang pagmukhaing masama si Eveline at Jeremy?” Bumuntong-hininga si Eloise pagkatapos niyang marinig ito mula sa tabi. “Hay, napakamalas naman ng Eveline ko. Hindi pa rin nawawalan ng problema kahit ang tagal na.”Nang marinig ni Madeline ang mga salita ni Eloise na puno ng pag-aalala, ngumiti siya at lumapit.“Mom, ‘wag kang mag-alala sa akin. Ayos na ako.”Tumingala si Eloise para tumingin. “Eveline, nakauwi ka na! Kumusta na? Nasa panganib ba ang buhay ng babaeng ‘yun?”Umiling si Madeline. “Tinawagan ng doktor si Jeremy habang pauwi kami. Sabi nila hindi nanganganib ang buhay niya.”“Buti naman.” Nakahinga nang maluwag si Eloise at Karen.Kahit na maraming ginawa si Hannah na kinainisan nila, mahalaga pa rin ang buhay niya. Hindi nila gustong may mangyaring masama dito.Sinabihan ni Karen ang mga katulong na linisin ang kubeta at sinabihan silang bantayan ang
Read more
PREV
1
...
211212213214215
...
248
DMCA.com Protection Status