All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 2101 - Chapter 2110

2479 Chapters

Kabanata 2101

Mahinahong tinignan ni Jeremy si Carter na kung saan puno ng poot ang mga mata nito. Kumurba ang labi ni Jeremy at malumanay na ngumiti. “Carter, balikan mo ang mga pag-aaway natin. Palagi naman akong walang ginagawa at walang alam.” “Walang ginagawa at walang alam?” Nagtaas ng kilay si Carter, habang pakiramdam niya ay isa itong kalokohan. “Hind ba?” tanong ni Madeline sa ngalan ni Jeremy. Pagkatapos ay seryoso siyang nagtanong, “Simula noong iniligtas mo ako sa karagatan at hinayaan akong manirahan sa iyong tirahan, alam ko na iniimbestigahan mo si Jeremy. Carter, may lakas ka ba ng loob na sabihin na hindi ka humahanap pagkakataon para mapalapit kay Jeremy sa buong oras na ito? Alam mo kung ano ang pakay mo. “Ang mga sumunod na nangyari pagkatapos ay gawa mo lahat. Kung hindi mo hiniling aky Shirley na gawin ang anti-toxoid test reagent at gamitin ito sa akin, bakit pipiliin ni Jeremy na iturok kay Shirley ang anti-toxoid tert reagent bilang ganti? Ang anak niyo ni Shirley
Read more

Kabanata 2102

Pinanlisikan ni Carter si Jeremy ng masama, dahil sa alam niya na hindi na siya makakabalik pa. Si Shirley, na pinapanood na maganap ang eksenang ito, ay sa halip naginhawaan. Ayaw naman niya talagang makita si Carter na paulit-ulit na makagawa ng pagkakamali. Ito ang pinakamagandang kinalabasan. Nung nakita niya na dadalhin na si Carter, pinagulong ni Shirley ang gulong ng kanyang wheelchair ng buo niyang lakas para sundan siya. Masama ang loob ni Carter sa sandaling iyon, pero hindi siya makapalag. Sa huli, ang kanyang mga mata na puno ng galit ay napadpad kay Shirley, at ang galit sa kanyang mga mata ay biglang naglaho, na naging mainit at malambing. “Huwag mo na akong sundan,” Sigaw ni Carter kay Shirley na nakasunod sa kanya, ang kanyang mga mata ay puno ng bihirang init. “Sumama ka na sa kanila at subukan mo na akong kalimutan ng paunti-unit.” Nung sinabi niya iyon, para bang may isang masakit na emosyon ang sumiklab sa mga mata ni Carter. “Shirley, nakatadha
Read more

Kabanata 2103

Nang mabanggit ang bagay na ito, palihim na nagtinginan sila Madeline at Jeremy. “Ang totoo, muntikan na kaming malunod.” Bumuntong hininga si Madeline at pagkatapos ay inalala ang pangyayari. Kasabay nun, ang lebel ng tubig ay unti-unting tumataas, at nang makarating ang lebel ng tubig sa kanyang beywang ay doon lang nakaisip ng paraan si Madeline para iligtas ang kanyangsarili. ‘Jeremy, may lakas ka pa ba? Magagawa ko sigurong maabot ang kanto ng pool kapag tumayo ako sa balikat mo.” Mukhang naisip din ito ni Jeremy, “Kaya ko pa, Linnie.” Matatag niyang sinabi at dahan dahan na yumuko sa harapan ni Madeline. Dahil sa basa na ang kanilang mga damit, pakiramdam tuloy ni Madeline ay bumigat siya. Higit doon, dalawang araw ng nakababad sa tubig si Jeremy, kaya nag-aalala siya na baka hindi na kaya ng mga binti nito na suportahan ang kanyang bigat. At ganun na nga, simula nung gumapang siya sa likuran nito, naramdaman niya na nanginig ang binti ni Jeremy dahil sa pagod. K
Read more

Kabanata 2104

Sabi ni Madeline at binato ang upuan sa may tubig. Tumayo naman kaagad si Jeremy at dinala ang upuan sa may gilid ng pool malapit kay may Madeline at tinungtungan ito. Inabot ni Madeline at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Jeremy. “Jeremy!”“Linnie, nanghihina na ang mga binti ko. Bakit hindi ka kaya lumabas muna at tumawag ng tulong?” “Gusto ko sanang lumabas para humingi ng tulong, pero wala namang tao sa paligid. Natatakot ako na kapag lumayo ako, may masamang mangyari sayo. Hindi kita pwedeng iwan dito. Hindi kita pwedeng hayaan na mawala sa paningin ko!”pagbibigay -diin ni Madeline, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Jeremy. “Jeremy, hihilahin kita paakyat, sisiguraduhin kong magagawa ko to!” “Linnie.”Nang makita niya si Madeline na nagsusumikap ng husto at determinado, naging determinado na rin si Jeremy na huwag hayaang mahulog ang kanyang sarili sa kritikal na sandaling ito.Subalit, masyado nang nanghihina at manhid ang kanyang mga binti. Dahil sa nag
Read more

Kabanata 2105

Nang marinig niya ang sagot ni Madeline, pakiramdam ni Fabian ay para siyang nasa iusang panaginip. Paano to naging posible? Hindi tutol sina Jeremy at Madeline sa bagay na ito? Nang makita nila ang nakatulalang Fabian, na bakas ang pagdududa sa mukha nito, si Shirley, na nasa isang tabi, ay nagsalita rin. “Ang totoo, kahit na ang isang katulad ko na isang tagalabas ay malinaw na nakikita na talagang mahalaga sayo si Lily. Kung ikaw ang mag-aalaga sa kanya, kahit na sinong magulang ay mapapanatag.” Nang marinig niya ang mga salita ni Shirley, nakaramdam ng kaunting hiya si Fabian. “Ipagpatuloy niyo lang ang kwentuhan niyo, mauna na akong humalik sa kwarto. Kailangan ko nang simulan ang paggawa sa panlunas sa lalong madaling panahon ng sa gayon ay mawala na ang mga pantal sa katawan ni Lily.” Sabi ni shirley at inikot ang kanyang wheelchair. Sinulyapan muna ni Madeline si Jeremy bago sinundan si Shirley, “Ihahatid na kita sa kwarto mo.” Gusto sanang tumanggi ni Shirle
Read more

Kabanata 2106

"Si Ryan pa rin ang pinakamataas na administrative commander sa Interpol sa panahong iyon. Kaya ginamit ni Ryan ang posisyon niya para tulungan ang Stygian Johnson Gang na mangkamkam ng pera at kumita siya roon. Matagal na itong alam ni Carter at may kinalaman rin siya rito. "Isa talagang napakatalino at magaling na tao si Ryan. Masaya rin si Carter na makatrabaho siya at maganda palagi ang pagtutulungan nila, pero bigla na lang, unti-unting nagbago ang kinikilos ni Ryan at ikaw ang dahilan." Tinaas ni Shirley ang kanyang ulo habang sinabi niya ito. Nakatitig nang maigi ang kanyang mga mata kay Madeline. Kumunot ang noo ni Madeline sa pagtataka. "Dahil sa'kin?" "Oo, dahil nahulog si Ryan sa'yo." Paliwanag ni Shirley at bumuntong-hininga. "Mahirap talaga para sa isang taong nabulag ng pag-ibig na mag-isip nang rasyonal. Kung iisipin, parehong-pareho kami ni Ryan. Sa huli, pareho naming sinira ang mga sarili namin." Tumawa si Shirley at bumuntong-hininga, ngunit mabilis niy
Read more

Kabanata 2107

Sinundan nina Madeline at Jeremy si Fabian sa pinto ng kwarto ni Lillian. Bago sila pumasok, narinig ng mag-asawa ang malumanay na boses ni Fabian mula sa kwarto. "Anong problema, Lily? Di ka makatulog?" Napakamalumanay na tanong ni Fabian, at nakita nina Madeline at Jeremy ang kanilang munting prinsesa na tumango nang bahagya. Napakapasensyoso ni Fabian at kumuha siya ng isang libro mula sa istante sa tabi. "Kung ganun, Lily, maging mabuti kang bata at pumikit ka. Babasahan kita ng isang kwento." Nagustuhan ni Lillian ang suhestiyon ni Fabian. Masunuring tumango ang batang babae pinikit ang kanyang mga mata. Pagkatapos ay umupo si Fabian sa tabi ng kama at matiyagang binasa ang libro… Habang pinanood nila ang eksenang ito, uminit ang mga puso nina Madeline at Jeremy. Hindi sila nagpatuloy na sumilip at bumalik sila sa guest room. Pagkatapos nilang bumalik sa kwarto, pagod na humiga si Madeline sa kama. Napagod siya sa nagdaang ilang araw, pero ngayon, magaan na ang k
Read more

Kabanata 2108

"Malamang may sasabihin ka sa'kin, tama ba?" Bahagyang ngumiti si Jeremy. "Mag-usap tayo sa baba." Habang nagsalita siya, tumalikod siya at sinundan siya ni Fabian. Napakalalim na ng gabi, kaya inutusan ni Fabian ang katulong na gumawa ng black tea at merienda. Silang dalawa lang ni Jeremy ang naiwan sa sala. Alam ni Fabian na may sasabihin si Jeremy sa kanya, pero umiinom lang ng tsaa si Jeremy sa sandaling ito at para bang hindi niya gustong magsalita. Sa huli, hindi na nakatiis si Fabian. "Jeremy, hindi mo talaga gustong manatili sa tabi ko si Lily, di ba?" Uminom si Jeremy ng black tea pagkatapos ay nilapag niya ang tasa nang hindi nagmamadali. Ang kanyang matalas ngunit malumanay na tingin ay lumapag sa mukha ni Fabian. "Sinasabi mo ba na hindi mo kayang alagaan nang maayos si Lily?" Tanong ni Jeremy. Nabigla si Fabian. Nagmamadali siyang nagpaliwanag, "Jeremy, alam kong hindi iyon ang ibig kong sabihin." "Ano palang balak mong sabihin?" "Ako…" Napahinto si Fa
Read more

Kabanata 2109

Para bang biglang naging napakamapusok ni Fabian dahil gusto niyang ipakita kay Jeremy ang kanyang determinasyon. Nakikita ni Jeremy ang matinding pag-asa ni Fabian, ngunit hindi niya inasahan na gagamitin ni Fabian ang kanyang nakaraan kasama ni Madeline bilang halimbawa. Kung iisipin, isang beses lang silang nagkita noon ni Madeline, pero hindi nila nalimutan ang isa't-isa. Gayunpaman… Tinignan ni Jeremy si Fabian, "Pero inosenteng bata pa lang si Lily, at ikaw, hindi." "Kaya ngayon, aalagaan ko si Lily nang may magaan na pakiramdam. Basta't hindi niya ako kaaayawan, palagi akong nasa tabi niya." Seryosong nangako si Fabian, at matatag ang tingin sa kanyang mga mata. "Jeremy, ako, kagaya mo, ay umaasa rin na lumaking masaya at malusog si Lily. Kaya hindi ako lalampas sa dapat kong gawin, o kaya magbigay ng kahit na anong problema kay Lily." Pagkatapos pakinggan ang taos-pusong mga salita ni Fabian, maalam na ngumiti si Jeremy. "Wala pang naiintindihan si Lily. Dahil
Read more

Kabanata 2110

Sinermonan ni Karen sina Madeline at Jeremy. "Ito ang kinalabasan ng pagpunta niyo sa ibang bansa nang napakatagal." Habang pinakinggan nila ang pagrereklamo ni Karen, tinaas ni Madeline ang kanyang mga mata at ngumiti kay Jeremy. Hindi nila sinabi ang nangyari sa F Country para hindi na nila pag-alalahanin ang kanilang pamilya. Sa wakas, ngunit si Madeline at mabait na nagpaliwanag. "Mom, wag kang mag-alala, magaling na si Lily ngayon, at matitiyak ko sa inyo na aalagaan nang mas maigi ng taong iyon si Lily nang higit pa sa kahit sino sa atin." Nagdududang tinignan ni Karen si Madeline at nagreklamo, "Hindi ko alam kung nagsisinungaling ka sa'kin o hindi." "Syempre hindi kami nagsisinungaling," nangako si Jeremy at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Madeline. "Mom, medyo napagod kami ni Linnie pagkatapos naming tumakbo sa kung saan-saan nitong mga nagdaang araw kaya pupunta na kami sa kwarto namin para magpahinga." "Sige lang." Sabi ni Karen na para bang naiinip habang
Read more
PREV
1
...
209210211212213
...
248
DMCA.com Protection Status