Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 2081 - Kabanata 2090

2479 Kabanata

Kabanata 2081

Tinignan ng lalaki ang kamang walang laman nang tulala. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Kaagad siyang tumakbo sa bintana habang mukhang natataranta at nakitang bukas ang bintana. Higit pa rito, mayroong malinaw na bakas ng paa sa bintana sa labas. Ito ang ikalimang palapag, talagang tumalon si Carter mula sa ganito kataas! Habang natataranta, kaagad na tinawag ng lalaki ang mga superior nito. Nagtinginan si Madeline at Shirley at lumabas ng kwarto nang magkasama. Di nagtagal, tinulak ni Madeline si Shirley direkta sa ibaba ng kwarto kanina. Talagang may bakas na mayroong dumaan sa halamanan. Kaya sigurado silang bumaba si Carter mula sa ikalimang palapag at tumakas. Dalawang beses siyang nabaril, at ang mga sugat sa kanyang braso at binti ay medyo malubha, ngunit nagawa pa rin niyang makatakas habang nasa ilalim ng surveillance. Hindi mapigilang mapabuntong-hininga ni Madeline. “Noon pa siyang hindi madaling mapagod, pero hindi ko inasahang magagawa niya ang g
Magbasa pa

Kabanata 2082

”Lily, may kailangan lang gawin si Daddy. Babalik din ako kapag tapos na, Pwede mo ba akong hintayin?” Masunurin at maunawain na bata si Lillian, kaya nung sinabi ito ni Madeline, tumango siya kaagad. Tinignan ni Madeline si Lillian na puno ng pasasalamat at saka itinaas ang manggas ng damit ni Lillian para tignan ang balat nito. Ang mga maliit na pantal sa kanyang katawan ay kapansin-pansin, pero ang mga pulang pantal na iyon ay hindi na dumami simula nung lumitaw ang mga ito. Ito ay dahil sa inutusan ni Shirley si Evan na bumili ng isang oral medicine para pansamantalang pigilan ang pagkalat ng sakit. Hindi talaga inaasahan ni Shirley na gagawin ni Carter ang ganitong bagay sa isang bata. Marahil ay tinurukan niya ang bata sa gabi habang natutulog silang dalawa ni Lillian. Hindi rin alam ni Shirley kung ilang bote ng half-complete test reagents na gawa niya ang meron si Carter. Baka nung naisip niya na kailangan niya ito, gagamitin niya ang malupit na paraan na ito
Magbasa pa

Kabanata 2083

Sa may lumang address ng Stygian Johnson Gang.Sa may madilim na kulungan sa ilalim nito, maririnig ang tunog ng tubig mula sa siwang ng pintuan. Ng ay langit-ngit, ang mabigat na bakal na tarangkahan ay malumanay na bumukas. Isang mahinang sinag ng liwanag ang nagmula sa siwang ng pinto. Click.May nagbukas ng ilaw. Si Jeremy, nakakulong sa may pool, ay tinaas ang kanyang mga mata at nakita si Carter na mapagkumbabang nakatitig sa kanya. Subalit, napansin ni Jeremy na mukhang hapo at madungis si Carter sa mga sandaling iyon. At isa pa, maputla ang mukha nito. Wala na ang lakas ng loob na meron ito noong nakaraang araw. Binaba ni Carter ang kanyang mga mata para tignan si Jeremy na nakakulong sa pool. Ang tubig sa pool ay hindi naman malalim, umaabot lang ito sa binti ni Jeremy, pero malaki at malalim ang pool. May dalawang metro ang taas nito at nababalot ito ng mga tile. Walang sinuman ang makakaakyat palabas ng pool na ito pwera na lang kung marunong kang lumipad.
Magbasa pa

Kabanata 2084

Napansin ito ni Jeremy, at base sa pagod at maputlang mukha ni Carter, napagtanto rin ni Jeremy na malamang ay sugatan si Carter. Subalit, hindi alam ni Jeremy kung paano siya nasugatan. Kahit na ganoon, nang magsalita si Carter, naisip ni Jeremy na mayroong mali. Sa kung anong dahilan, biglang naalala ni Jeremy ang mga salitang pinag-usapan nila ni Madeline. Naalala niya pa ang sinabi ni Madeline sa sandaling iyon, "Jeremy, sa tingin ko may kinalaman si Carter sa kamatayan ni Ryan." Tahimik na nag-isip si Jeremy, ngunit hindi niya pinakita sa kanyang mukha ang pagdududa at pagtataka sa kanyang puso. Nang makita ni Carter na nanahimik si Jeremy, mas lalong lumaki ang ngisi sa kanyang mukha. "Nagtataka ka ba? Sa tingin mo ba kakaiba to?" Tanong ni Carter nang nakangiti. Pagkatapos ay nagpatuloy siya, "Jeremy, masasabi ko rin sa'yo na sinira ko ang relasyon ninyo kay Fabian at pinagmukha sa kanya na kayo ang nagsanhi ng pagkamatay ng kuya at ate niya. Kaya iyon ang dahilan
Magbasa pa

Kabanata 2085

"Basement?" Pagkatapos ng ilang sandali ng pagtataka, naintindihan na ni Fabian ang ibig sabihin ni Madeline. "Eveline, suspetsa mo ba ay nasa lumang bahay pa rin na pagmamayari ng Stygian Johnson Gang si Jeremy?""Oo," sagot ni Madeline nang walang pag-aalinlangan. "Sinabihan ni Carter si Jeremy na makipagkita sa kanya rito at nandito rin si Carter sa oras na iyon, kaya may dahilan ako para maniwala na naroon rin si Jeremy." Nang marinig niya ang sinabi ni Fabian, biglang naramdaman ni Fabian na makatwiran ito, ngunit wala siyang maisip na pagtataguan sa bahay ng Stygian Johnson Gang. Siguro mayroon nga, pero hindi niya alam ang tungkol dito. Pagkatapos niya itong maingat na pag-isipan, napakadelikado ng mga transaksyon ni Yorick noon. Kung kaya't baka nagtayo siya ng ilang pagtataguan sa bahay ng Stygian Johnson Gang para mayroon silang pagtataguan. "Eveline, nandiyan ka ba sa bahay ngayon?" Nag-aalalang tanong ni Fabian. "Narinig ko na tumakas si Carter sa ospital. Kaya kun
Magbasa pa

Kabanata 2086

Ngayong may sugat ang binti niya, ang bagal ng kanyang paglalakad. Sinimulang sundan ni Madeline si Carter. Kahit na mabagal maglakad si Carter, nalaman ni Madeline na malalim ang kanyang pagkakaintindi sa panloob na struktura ng bahay ng Stygian Johnson Gang. Sandali siyang sinundan ni Madeline at nakarating siya sa hardin sa likod ng bahay. Nalanta na ang mga bulaklak sa bakuran at maraming patay na dahon sa lapag na napabayaan. Ngunit, mayroon isang bahagi ng lupa na may kaunting dahon sa malapit. Biglang may naisip si Madeline nang sa sandaling ito, naglakad si Carter at pinindot ang nakatagong pindutan sa gilid ng mga bulaklak, pagkatapos ay lumitaw ang isang daan papunta sa ilalim ng bukas na lugar na walang dahon. Sa hindi inaasahan, mayroong pagtataguan sa bahay ng Stygian Johnson Gang. Nagulat si Madeline, nginig naisip niya na normal lang para kay Yorick na magtayo ng ganitong lugar noong nasa ganoong klase siya ng negosyo. Gayunpaman, hindi siguro hinayaan ni
Magbasa pa

Kabanata 2087

Mahigpit na hinawakan ni Madeline ang kamay ni Jeremy, naramdaman niya ang mababang temperatura ng kanyang palad. Nang maisip niya na nakababad si Jeremy sa tubig sa loob ng dalawang araw, kaagad na naramdaman ni Madeline na para bang may isang libong kutsilyo na humiwa sa kanyang puso. Nang makita ni Jeremy na namumula at malapit nang lumuha ang mga mata ni Madeline, mabilis na sinubukan ni Jeremy na pagaanin ang kanyang loob. "Linnie, wag kang malungkot. Ayos lang ako." "Ayos ka lang? Paanong ayos ka lang? Nakakulong ka sa lugar na to nang dalawang araw. Paanong ayos ka lang?" Nanginig ang boses ni Madeline. Sinubukan niyang hilahin si Jeremy paakyat gamit ng kanyang lakas ngunit napakahirap nito. Tumingin siya sa paligid at nakahanap ng hagdan na pwedeng ibaba sa gilid ng pool kaya nagmadali siyang tumayo at tumakbo. "Linnie." Nakita ni Jeremy ang intensyon ni Madeline, pero hindi niya naisip na hahayaan siya ni Carter na makalabas nang ganoon kadali. "Linnie, bakit ka n
Magbasa pa

Kabanata 2088

Malagim na ngumisi si Carter, tumalikod, at umalis. Mabilis na sumara ang mabigat na bakal na pinto at naiwan si Jeremy na karga si Madeline sa pool. Alam ni Madeline na hindi babalik si Carter at papakawalan sila kaya hindi siya umasa. Mas kumalma ang kanyang puso ngayong nakita na niya si Jeremy. "Jeremy." Tumingin si Madeline sa lalaki, tinaas ang kanyang braso para ipaikot sa kanyang leeg, at mahigpit siyang niyakap. "Nag-aalala talaga ako sa'yo. Ang sabi mo pupuntahan ko si Carter pagkatapos mong mag-isip ng ibang paraan, pero bakit mag-isa kang sumugal? Alam mong gusto ka niyang burahin, kaya bakit direkta kang naglakad papunta sa patibong niya?"Pagkatapos pakinggan ang mga reklamo ni Madeline, naramdaman ni Jeremy ang pag-aalala sa kanya ni Madeline. Pinangiti niya ang kanyang magagandang labi. "Ayos lang ako, wag kang mag-alala." "Sinasabi mo pa rin na ayos ka lang?" Bumitaw si Madeline, napuno ng pag-aalala ang kanyang basa at magagandang mga mata. "Dalian mo a
Magbasa pa

Kabanata 2089

Pagkatapos mapansin ang matinding pag-aalala sa mga mata ni Madeline, pinisil ni Jeremy ang kamay niya at malumanay siyang pinatahan. "Linnie, marami na tayong problemang nalampasan. Naniniwala ako na makakaligtas din tayo ngayon. Magtiwala ka sa'kin." Nangako siya, pagkatapos ay kinakabahang nagtanong. "Oo nga pala, kumusta si Lily? Sabi ni Carter sinabi niya sa'yo ang plano para pagalingin si Lily. Hindi naman siya nagsinungaling sa'kin, ano?" Nang marinig niya ito, nakaramdam na naman ng kirot si Madeline sa kanyang puso. "Kung ganun, nakinig ka kay Carter at hinayaan mong maipulahin ka niya at ikulong ka rito para sa anak natin?" Tanong ni Madeline, mas lalong bumibigat nang bumibigat ang kanyang puso. "Hindi mo ba alam kung anong klase ng tao si Carter? Hindi mo siya nararapat na pagkatiwalaan." Nang marinig ito, kinakabahang nagbago ang ekspresyon ni Jeremy. "Kung ganun, hindi binanggit sa'yo ni Carter kung paano pagalingin si Lily? May rashes pa rin si Lily sa
Magbasa pa

Kabanata 2090

"Lily, maraming ginagawa ang daddy mo sa trabaho at hindi muna siya makakaalis. Tinutulungan rin ng mommy mo ang daddy mo. Kapag tapos na sila, magkasama silang pupunta rito para iuwi ka."Matiyagang paliwanag ni Fabian nang may malumanay na ngiti sa kanyang gwapong mukha. Kumurap si Lillian. Para bang naintindihan niya ang sinabi ni Fabian at hindi niya na tinawag ang kanyang nanay at tatay. Ngunit hindi maipaliwanag na bumagsak ang puso ni Fabian. "Lily, pagbalik ng mga magulang mo para sunduin ka, gusto mo ba talagang umuwi kasama nila?" Hindi alam kung naintindihan ni Lillian ang pag-asa at kalungkutan sa mga mata ni Fabian dahil iniunat niya ang kanyang maliit na palad at malumanay na hinawakan ang kamay ni Fabian. Nang maramdaman niya ang init mula sa palad ng maliit na bata sa kanyang kamay, para bang kaagad na napuno ng tamis ang puso ni Fabian. Tinaas niya ang manggas ni Lillian at nakita niya ang hindi nabuburang pantal sa kanyang balat, pagkatapos ay nagsalubong n
Magbasa pa
PREV
1
...
207208209210211
...
248
DMCA.com Protection Status