"Lily, maraming ginagawa ang daddy mo sa trabaho at hindi muna siya makakaalis. Tinutulungan rin ng mommy mo ang daddy mo. Kapag tapos na sila, magkasama silang pupunta rito para iuwi ka."Matiyagang paliwanag ni Fabian nang may malumanay na ngiti sa kanyang gwapong mukha. Kumurap si Lillian. Para bang naintindihan niya ang sinabi ni Fabian at hindi niya na tinawag ang kanyang nanay at tatay. Ngunit hindi maipaliwanag na bumagsak ang puso ni Fabian. "Lily, pagbalik ng mga magulang mo para sunduin ka, gusto mo ba talagang umuwi kasama nila?" Hindi alam kung naintindihan ni Lillian ang pag-asa at kalungkutan sa mga mata ni Fabian dahil iniunat niya ang kanyang maliit na palad at malumanay na hinawakan ang kamay ni Fabian. Nang maramdaman niya ang init mula sa palad ng maliit na bata sa kanyang kamay, para bang kaagad na napuno ng tamis ang puso ni Fabian. Tinaas niya ang manggas ni Lillian at nakita niya ang hindi nabuburang pantal sa kanyang balat, pagkatapos ay nagsalubong n
Ring, ring, ring!Tinignan nila ang teleponong tumutunog nang malakas, tapos kusang nagkatinginan si Shirley at Fabian. Pagkatapos huminto saglit, dinampot ni Shirley ang telepono nang walang alinlangan. Bago pa siya makapagsalita, narinig niya ang isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. “Ibigay mo kay Shirley ang telepono,” Utos ni Carter. Humigpit ang hawak ni Shirley sa telepono. “Di mo ba ako narinig? Sabihin mo pumunta ang taong nagngangalang Shirley Brown sa telepono. Alam kong nasa villa siya,” Naiinip na sinabi ni Carter. Ngunit nang wala pang dalawang segundo pagkatapos niyang sabihin ito, biglang may napagtanto si Carter. “Shirley?”“Ako ito.” Sinubukan ni Shirley na manatiling kalmado. “Carter, bakit mo tinatawagan ang numerong ito?”“Gusto kong sabihin sa’yo na malapit ko nang maipaghiganti ang namatay nating anak.” Narinig ang malagim na boses ni Carter. Malalim at malungkot ang boses niya sa hindi malamang dahilan. Napalaktaw ng tibok ang puso n
Para makaupo sa tronong sumisimbolo sa kapangyarihan, matagal na siyang nagsimulang magplano. “Wala akong pakialam sa iba, para sa sarili ko lang ito ginagawa, bahala na ang maiwan,” Walang-pakialam na sinagot ni Carter si Madeline. Tinignan ni Madeline si Carter na sinabi nang mapanghamak ang mga salitang ito. “Carter, pwede kang makipaglaban para sa layunin mo, pero hindi mo ito pwedeng kunin sa masamang paraan.”“Bakit hindi? Hindi naman mahalaga kung paano ko ito gagawin. Ang resulta lang ang gusto ko,” Katwiran ni Carter. “Kung ganoon, hindi mahalaga sa’yo ang nararamdaman ni Shirley? Ibig-sabihin mo ba ang mahalaga lang sa’yo ay sumaya ka at makuha ang gusto mo?”Nang marinig ito, nanigas nang bahagya ang mukha ni Carter. Habang nagtataka, sumimangot siya at tinitigan ang maganda at matalas na tingin ni madeline. “Anong gusto mong sabihin Eveline?”“Hindi mo pa napapagtanto? At sinasabi mo pa ring gustong-gusto mo si Shirley.”“...”“Kung talagang gusto mo si Shirl
Pagkatapos iwan ang bahay ng Stygian Johnson Gang, sumalisi si Carter sa ospital para bumili ng gamit para linisin ang kanyang sugat. Tapos pumunta siya sa banyo ng mall para linisin ang sugat sa kanyang balikat at binti. Hindi simpleng sugat ang tama ng bala. Ang ganitong sakit ay nakakabahala kahit na natitiis ito ni Carter. Sa pag-aalalang baka mahanap siya ng mga tao mula sa St. Piaf, nagtago siya sa banyo nang maigi. Pagkatapos nito, umalis lang siya sa mall nang dumating ang oras para makipagkita kay Shirley. Unti-unti nang dumidilim ang langit, at lumiwanag ang mga ilaw sa daan. Hindi masyadong marami ang taong naglalakad sa West Harbor. Lumabas ng taxi si Shirley at pinasalamatan ang driver, tapos iniliko niya ang kanyang wheelchair para pumunta sa kanyang pupuntahan nang dahan-dahan. Nag-alok si Fabian na sumunod kay Shirley para makipagkita kay Carter, ngunit sa huli, mag-isang nagpunta si Shirley. Umilaw nang mahina ang mga ilaw sa daan sa ilalim ng palubog na
”Nakalimutan mo na ba ang tungkol kay Ryan?” Nakangiting tanong ni Carter. Syempre hindi iyon nakalimutan ni Shirley. Hindi niya pinigilan si Carter noong sinabi nitong gusto niyang patayin si Ryan. Mukhang noon pa lang mamamatay-tao na siya. Nang makita niya si Shirley na tulalang nakaupo, itinaas ni Carter ang kanyang kamay at marahang hinawakan ang mukha ni Shirley na lumamig dahil sa hangin. Kumikislap din ang sugat niya sa ilalim ng mga ilaw. “Ang lahat ng tao ay nakikipagsapalaran para sa mga bagay na gusto nila sa buhay. Noon, masyado akong nagsumikap, pero ngayon napagtanto kong napapagod na ako.” Naging maamo ang mata ni Carter nang magsalita siya. “Naniniwala akong hindi mo sinabi sa mga tao mula sa St. Piaf kung nasaan ako tama ba?” Tanong ni Carter. Ngunit mula noong nataranta si Shirley at natakot na baka may mangyaring masama sa kanya, alam niyang hindi na sasabihan ni Shirley ang mga taong iyon na hulihin siya. Nang makita niya si Shirley nakatingin sa kany
Nang marinig niya ang biglang tanong na ito mula kay Shirley, napahinto si Carter sa paglalakad niya habang tinutulak ang wheelchair ni Shirley. Tinignan niya ang dagat na kumikislap sa ilalim ng lumulubog na araw, ngunit walang liwanag sa kanyang mga mata. Ngumiti siya nang nag-aalinlangan. “Walang sakali sa mundong ito.” Sumagot siya tapos nagtanong habang tumatawa. “Kung mayroong sakali, at kung sakaling babalik ako sa unang pagkikita natin sa daan, tingin mo ba tutulungan kita ulit?” Pagkatapos itong pag-isipan ni Shirley, nagpakita siya ng malungkot na ngiting mapanlait sa sarili. Naniniwala siyang tutulungan pa rin siya ni Carter. Ito ay dahil walang sakali sa mundong ito. Hindi nila mababago ang nangyari. Nang makita niyang nanatiling tahimik si Shirley, dahan-dahang itinulak paharap ni Carter ang wheelchair. Unti-unting kumagat ang dilim habang tinataboy ng gabi ang huling sinag ng araw. Ang lahat ng nasa harapan nila ay nilamon ng kadiliman. Patuloy na
Huminto sa pagsasalita si Carter at tinignan si Shirley na malubhang nagbago ang ekspresyon. “Sa tingin mo ba ay masyado itong malupit? Kung noon lang ito, sinuportahan mo na ako sa bagay na ito, hindi ba?”“Oo, kung nakaraan lang ito, baka tinulungan pa kita,” Sabi ni Shirley, habang hinahamak ang kanyang sarili. May sarkastikong ngiti sa kanyang mukha, pero may buhol sa kanyang puso. Labis siyang nasasaktan at nahihirapan. Mukhang pinapatay niya ang lahat ng tao na nasa paligid niya, at sa bandang huli, pati siya, ay mamamatay.Pagkatapos niyang manahimik ng mga ilang sandali, tinignan ni Shirley si Carter. “Kailan mo tinurukan si Lillian ng test reagent?”“Syempre ginawa ko yun habang natutulog kayong dalawa,” sagot ni Carter. Nung nakita niya ang seryosong ekspresyon ni Shirley, nagtanong siya, “Gusto mo yang maliit na bagay na iyan, hindi ba? Kung naging maayos lang ang ating anak, hindi magtatagal ang andito na siya sa mundong ito, at magkakaroon na tayo ng sarili nating
Pagkatapos niyang pakinggan ang mga sinabi ni Carter, tumulo ang luha sa mga mata ni Shirley. Ang mainit na luha ay pumatak sa likod ng kamay ni Carter, at ang init na iyon ay kaagad na tumupok sa kanyang puso. Habang nagsasalita si Carter, sinuot niya ang diamond ring sa palasing-singan ni Shirley. Nararamdaman niya ang hinagpis ni Shirley sa mga sandaling iyon, kaya pinigilan ni Carter ang kanyang emosyon. Dahan-dahang gumalaw ng dalawang beses ang kanyang Adam's apple, habang pinipigilan ang kanyang malungkutan. "Shirley, masaya ako at nakilala kita aa buhay kong ito. Masyado akong mababaw para hindi ka patawarin nung iniwan mo ako ng hindi nagpapaalam. Sa bandang huli, ang obsesyon ko ay nagdala sa akin sa maling landas, at ngayon, wala na akong babalikan." Pinigilan ni Carter ang sakit na nararamdaman niya at pinilit ang sarili para tapusin ang kanyang sinasabi. Hinawakan niya ang kamay ni Shirley, nilapit ito sa kanyang labi, at hinalikan ito. "Alam ko na palagi akong