Pagkatapos iwan ang bahay ng Stygian Johnson Gang, sumalisi si Carter sa ospital para bumili ng gamit para linisin ang kanyang sugat. Tapos pumunta siya sa banyo ng mall para linisin ang sugat sa kanyang balikat at binti. Hindi simpleng sugat ang tama ng bala. Ang ganitong sakit ay nakakabahala kahit na natitiis ito ni Carter. Sa pag-aalalang baka mahanap siya ng mga tao mula sa St. Piaf, nagtago siya sa banyo nang maigi. Pagkatapos nito, umalis lang siya sa mall nang dumating ang oras para makipagkita kay Shirley. Unti-unti nang dumidilim ang langit, at lumiwanag ang mga ilaw sa daan. Hindi masyadong marami ang taong naglalakad sa West Harbor. Lumabas ng taxi si Shirley at pinasalamatan ang driver, tapos iniliko niya ang kanyang wheelchair para pumunta sa kanyang pupuntahan nang dahan-dahan. Nag-alok si Fabian na sumunod kay Shirley para makipagkita kay Carter, ngunit sa huli, mag-isang nagpunta si Shirley. Umilaw nang mahina ang mga ilaw sa daan sa ilalim ng palubog na
”Nakalimutan mo na ba ang tungkol kay Ryan?” Nakangiting tanong ni Carter. Syempre hindi iyon nakalimutan ni Shirley. Hindi niya pinigilan si Carter noong sinabi nitong gusto niyang patayin si Ryan. Mukhang noon pa lang mamamatay-tao na siya. Nang makita niya si Shirley na tulalang nakaupo, itinaas ni Carter ang kanyang kamay at marahang hinawakan ang mukha ni Shirley na lumamig dahil sa hangin. Kumikislap din ang sugat niya sa ilalim ng mga ilaw. “Ang lahat ng tao ay nakikipagsapalaran para sa mga bagay na gusto nila sa buhay. Noon, masyado akong nagsumikap, pero ngayon napagtanto kong napapagod na ako.” Naging maamo ang mata ni Carter nang magsalita siya. “Naniniwala akong hindi mo sinabi sa mga tao mula sa St. Piaf kung nasaan ako tama ba?” Tanong ni Carter. Ngunit mula noong nataranta si Shirley at natakot na baka may mangyaring masama sa kanya, alam niyang hindi na sasabihan ni Shirley ang mga taong iyon na hulihin siya. Nang makita niya si Shirley nakatingin sa kany
Nang marinig niya ang biglang tanong na ito mula kay Shirley, napahinto si Carter sa paglalakad niya habang tinutulak ang wheelchair ni Shirley. Tinignan niya ang dagat na kumikislap sa ilalim ng lumulubog na araw, ngunit walang liwanag sa kanyang mga mata. Ngumiti siya nang nag-aalinlangan. “Walang sakali sa mundong ito.” Sumagot siya tapos nagtanong habang tumatawa. “Kung mayroong sakali, at kung sakaling babalik ako sa unang pagkikita natin sa daan, tingin mo ba tutulungan kita ulit?” Pagkatapos itong pag-isipan ni Shirley, nagpakita siya ng malungkot na ngiting mapanlait sa sarili. Naniniwala siyang tutulungan pa rin siya ni Carter. Ito ay dahil walang sakali sa mundong ito. Hindi nila mababago ang nangyari. Nang makita niyang nanatiling tahimik si Shirley, dahan-dahang itinulak paharap ni Carter ang wheelchair. Unti-unting kumagat ang dilim habang tinataboy ng gabi ang huling sinag ng araw. Ang lahat ng nasa harapan nila ay nilamon ng kadiliman. Patuloy na
Huminto sa pagsasalita si Carter at tinignan si Shirley na malubhang nagbago ang ekspresyon. “Sa tingin mo ba ay masyado itong malupit? Kung noon lang ito, sinuportahan mo na ako sa bagay na ito, hindi ba?”“Oo, kung nakaraan lang ito, baka tinulungan pa kita,” Sabi ni Shirley, habang hinahamak ang kanyang sarili. May sarkastikong ngiti sa kanyang mukha, pero may buhol sa kanyang puso. Labis siyang nasasaktan at nahihirapan. Mukhang pinapatay niya ang lahat ng tao na nasa paligid niya, at sa bandang huli, pati siya, ay mamamatay.Pagkatapos niyang manahimik ng mga ilang sandali, tinignan ni Shirley si Carter. “Kailan mo tinurukan si Lillian ng test reagent?”“Syempre ginawa ko yun habang natutulog kayong dalawa,” sagot ni Carter. Nung nakita niya ang seryosong ekspresyon ni Shirley, nagtanong siya, “Gusto mo yang maliit na bagay na iyan, hindi ba? Kung naging maayos lang ang ating anak, hindi magtatagal ang andito na siya sa mundong ito, at magkakaroon na tayo ng sarili nating
Pagkatapos niyang pakinggan ang mga sinabi ni Carter, tumulo ang luha sa mga mata ni Shirley. Ang mainit na luha ay pumatak sa likod ng kamay ni Carter, at ang init na iyon ay kaagad na tumupok sa kanyang puso. Habang nagsasalita si Carter, sinuot niya ang diamond ring sa palasing-singan ni Shirley. Nararamdaman niya ang hinagpis ni Shirley sa mga sandaling iyon, kaya pinigilan ni Carter ang kanyang emosyon. Dahan-dahang gumalaw ng dalawang beses ang kanyang Adam's apple, habang pinipigilan ang kanyang malungkutan. "Shirley, masaya ako at nakilala kita aa buhay kong ito. Masyado akong mababaw para hindi ka patawarin nung iniwan mo ako ng hindi nagpapaalam. Sa bandang huli, ang obsesyon ko ay nagdala sa akin sa maling landas, at ngayon, wala na akong babalikan." Pinigilan ni Carter ang sakit na nararamdaman niya at pinilit ang sarili para tapusin ang kanyang sinasabi. Hinawakan niya ang kamay ni Shirley, nilapit ito sa kanyang labi, at hinalikan ito. "Alam ko na palagi akong
Matamis dapat ang mga salitang iyon, pero sa isang iglap, naging parang mga matalas na patalim ang mga ito sa puso ni Shirley. Alam niya na hindi na niya mapipigilan si Carter. Buo na ang pasya ni Carter. Nung nakita niya si Carter na palapit sa karagatan sa ibaba, kaagad na nabasag ang puso ni Shirley. Ang malamig na hangin sa taglamig ay dinaig ang kanyang puso, at nakaramdam siya ng matinding lamig na nanunuot sa mga buto. “Huwag! Carter, pakiusap huwag mong gawin to! Carter!” Sumigaw si Shirley para pigilan ito. Inabot niya ang kanyang kamay dito at ginamit ang lahat ng kanyang lakas para igalaw ang kanyang katawan upang makalapit kay Carter, pero hindi nagtagal, nahulog siya sa wheelchair. Nung narinig ni Carter ang tunog, huminto siya sa kanyang paglalakad at lumingon para tignan kung ano ang nangyari. Nakita niya si Shirley na nasa lapag. Wala itong magawa kung hindi ang kumaway sa kanya gamit ang buo nitong lakas, habang basa ng luha ang kanyang mukha. Naramdama
Katulad ni Carter, akala ni Shirley ay may mali sa kanyang mga mata. Subalit, ang mukha na nasa kanyang harapan at ang init ng katawan sa kanyang balat ay nagpatiyak kay Shirley na hindi ito isang ilusyon. “Eveline? Ikaw nga!” Ramdam ni Madeline ang gulat ni Shirley nang makita siya nito. Ngumiti at tumango si Madeline. “Oo, ako to. Tumayo ka muna.” “Mabuti naman at buhay ka pa!” Sa sobrang tuwa ni Shirley ay tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata, saka gamit ng kanyang malabong paningin, nakakita pa siya ng isang pang imahe. “Jeremy? Buhay din pati si Jeremy. Buti naman! Pareho kayong nasa mabuting kalagayan!” !” Nakikita ni Madeline ang pag-aasam ni Shirley na sana ay nasa maayos na kalagayan sila Madeline at Jeremy. Sa kabaligtaran naman ni Shirley, nung nakita ni Carter na nakatakas ang mag-asawa ng maayos, kaagad na nangibabaw ang galit at maraming katanungan sa kanyang isipan. Kahit na nagpupuyos siya sa galit, papekeng tumawa si Carter. “Ang tibay mo talaga, J
Ang sagot ni Jeremy ang lalong nagpatindi ng galit sa puso ni Carter. Ilang segundo ang lumipas, pumorma ng isang malupit na ngiti ang kanyang mga labi. “Mukhang kagustuhan ng Diyos na tapusin natin itong dalawa ng harap-harapan. Sige, pwes gagawin natin iyon!” Gagawa sana kaagad ng hakbang si Carter pagkatapos niyang magsalita. Base sa kanyang mga kinikilos, mukhang mayroon siyang dalang baril. “Carter, ang maipapayo ko lang sayo ay huwag kang gagawa ng anumang hakbang.” Sa mga sandaling iyon, isa pang boses ang nagmula sa harapan. Naglakad palapit si Fabian ng kalmado habang nakabulsa ang mga kamay nito. Nang lumitaw si Fabian, ang grupo ng mga tao na gustong huliin si Carter nung araw na iyon ay lumitaw sa kanyang likuran. Hindi nagtagal, napalibutan si Carter ng mga taong iyon. “Carter, huwag ka nang manlaban pa!” Babala ng lalakeng may hawak ng baril. “Nakatanggap kami ng utos mula sa nakakataas na ibalik ka sa St. Piaf para kwestyunin. Kapag nanlaban ka, g