Pagkatapos niyang pakinggan ang mga sinabi ni Carter, tumulo ang luha sa mga mata ni Shirley. Ang mainit na luha ay pumatak sa likod ng kamay ni Carter, at ang init na iyon ay kaagad na tumupok sa kanyang puso. Habang nagsasalita si Carter, sinuot niya ang diamond ring sa palasing-singan ni Shirley. Nararamdaman niya ang hinagpis ni Shirley sa mga sandaling iyon, kaya pinigilan ni Carter ang kanyang emosyon. Dahan-dahang gumalaw ng dalawang beses ang kanyang Adam's apple, habang pinipigilan ang kanyang malungkutan. "Shirley, masaya ako at nakilala kita aa buhay kong ito. Masyado akong mababaw para hindi ka patawarin nung iniwan mo ako ng hindi nagpapaalam. Sa bandang huli, ang obsesyon ko ay nagdala sa akin sa maling landas, at ngayon, wala na akong babalikan." Pinigilan ni Carter ang sakit na nararamdaman niya at pinilit ang sarili para tapusin ang kanyang sinasabi. Hinawakan niya ang kamay ni Shirley, nilapit ito sa kanyang labi, at hinalikan ito. "Alam ko na palagi akong
Matamis dapat ang mga salitang iyon, pero sa isang iglap, naging parang mga matalas na patalim ang mga ito sa puso ni Shirley. Alam niya na hindi na niya mapipigilan si Carter. Buo na ang pasya ni Carter. Nung nakita niya si Carter na palapit sa karagatan sa ibaba, kaagad na nabasag ang puso ni Shirley. Ang malamig na hangin sa taglamig ay dinaig ang kanyang puso, at nakaramdam siya ng matinding lamig na nanunuot sa mga buto. “Huwag! Carter, pakiusap huwag mong gawin to! Carter!” Sumigaw si Shirley para pigilan ito. Inabot niya ang kanyang kamay dito at ginamit ang lahat ng kanyang lakas para igalaw ang kanyang katawan upang makalapit kay Carter, pero hindi nagtagal, nahulog siya sa wheelchair. Nung narinig ni Carter ang tunog, huminto siya sa kanyang paglalakad at lumingon para tignan kung ano ang nangyari. Nakita niya si Shirley na nasa lapag. Wala itong magawa kung hindi ang kumaway sa kanya gamit ang buo nitong lakas, habang basa ng luha ang kanyang mukha. Naramdama
Katulad ni Carter, akala ni Shirley ay may mali sa kanyang mga mata. Subalit, ang mukha na nasa kanyang harapan at ang init ng katawan sa kanyang balat ay nagpatiyak kay Shirley na hindi ito isang ilusyon. “Eveline? Ikaw nga!” Ramdam ni Madeline ang gulat ni Shirley nang makita siya nito. Ngumiti at tumango si Madeline. “Oo, ako to. Tumayo ka muna.” “Mabuti naman at buhay ka pa!” Sa sobrang tuwa ni Shirley ay tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata, saka gamit ng kanyang malabong paningin, nakakita pa siya ng isang pang imahe. “Jeremy? Buhay din pati si Jeremy. Buti naman! Pareho kayong nasa mabuting kalagayan!” !” Nakikita ni Madeline ang pag-aasam ni Shirley na sana ay nasa maayos na kalagayan sila Madeline at Jeremy. Sa kabaligtaran naman ni Shirley, nung nakita ni Carter na nakatakas ang mag-asawa ng maayos, kaagad na nangibabaw ang galit at maraming katanungan sa kanyang isipan. Kahit na nagpupuyos siya sa galit, papekeng tumawa si Carter. “Ang tibay mo talaga, J
Ang sagot ni Jeremy ang lalong nagpatindi ng galit sa puso ni Carter. Ilang segundo ang lumipas, pumorma ng isang malupit na ngiti ang kanyang mga labi. “Mukhang kagustuhan ng Diyos na tapusin natin itong dalawa ng harap-harapan. Sige, pwes gagawin natin iyon!” Gagawa sana kaagad ng hakbang si Carter pagkatapos niyang magsalita. Base sa kanyang mga kinikilos, mukhang mayroon siyang dalang baril. “Carter, ang maipapayo ko lang sayo ay huwag kang gagawa ng anumang hakbang.” Sa mga sandaling iyon, isa pang boses ang nagmula sa harapan. Naglakad palapit si Fabian ng kalmado habang nakabulsa ang mga kamay nito. Nang lumitaw si Fabian, ang grupo ng mga tao na gustong huliin si Carter nung araw na iyon ay lumitaw sa kanyang likuran. Hindi nagtagal, napalibutan si Carter ng mga taong iyon. “Carter, huwag ka nang manlaban pa!” Babala ng lalakeng may hawak ng baril. “Nakatanggap kami ng utos mula sa nakakataas na ibalik ka sa St. Piaf para kwestyunin. Kapag nanlaban ka, g
Mahinahong tinignan ni Jeremy si Carter na kung saan puno ng poot ang mga mata nito. Kumurba ang labi ni Jeremy at malumanay na ngumiti. “Carter, balikan mo ang mga pag-aaway natin. Palagi naman akong walang ginagawa at walang alam.” “Walang ginagawa at walang alam?” Nagtaas ng kilay si Carter, habang pakiramdam niya ay isa itong kalokohan. “Hind ba?” tanong ni Madeline sa ngalan ni Jeremy. Pagkatapos ay seryoso siyang nagtanong, “Simula noong iniligtas mo ako sa karagatan at hinayaan akong manirahan sa iyong tirahan, alam ko na iniimbestigahan mo si Jeremy. Carter, may lakas ka ba ng loob na sabihin na hindi ka humahanap pagkakataon para mapalapit kay Jeremy sa buong oras na ito? Alam mo kung ano ang pakay mo. “Ang mga sumunod na nangyari pagkatapos ay gawa mo lahat. Kung hindi mo hiniling aky Shirley na gawin ang anti-toxoid test reagent at gamitin ito sa akin, bakit pipiliin ni Jeremy na iturok kay Shirley ang anti-toxoid tert reagent bilang ganti? Ang anak niyo ni Shirley
Pinanlisikan ni Carter si Jeremy ng masama, dahil sa alam niya na hindi na siya makakabalik pa. Si Shirley, na pinapanood na maganap ang eksenang ito, ay sa halip naginhawaan. Ayaw naman niya talagang makita si Carter na paulit-ulit na makagawa ng pagkakamali. Ito ang pinakamagandang kinalabasan. Nung nakita niya na dadalhin na si Carter, pinagulong ni Shirley ang gulong ng kanyang wheelchair ng buo niyang lakas para sundan siya. Masama ang loob ni Carter sa sandaling iyon, pero hindi siya makapalag. Sa huli, ang kanyang mga mata na puno ng galit ay napadpad kay Shirley, at ang galit sa kanyang mga mata ay biglang naglaho, na naging mainit at malambing. “Huwag mo na akong sundan,” Sigaw ni Carter kay Shirley na nakasunod sa kanya, ang kanyang mga mata ay puno ng bihirang init. “Sumama ka na sa kanila at subukan mo na akong kalimutan ng paunti-unit.” Nung sinabi niya iyon, para bang may isang masakit na emosyon ang sumiklab sa mga mata ni Carter. “Shirley, nakatadha
Nang mabanggit ang bagay na ito, palihim na nagtinginan sila Madeline at Jeremy. “Ang totoo, muntikan na kaming malunod.” Bumuntong hininga si Madeline at pagkatapos ay inalala ang pangyayari. Kasabay nun, ang lebel ng tubig ay unti-unting tumataas, at nang makarating ang lebel ng tubig sa kanyang beywang ay doon lang nakaisip ng paraan si Madeline para iligtas ang kanyangsarili. ‘Jeremy, may lakas ka pa ba? Magagawa ko sigurong maabot ang kanto ng pool kapag tumayo ako sa balikat mo.” Mukhang naisip din ito ni Jeremy, “Kaya ko pa, Linnie.” Matatag niyang sinabi at dahan dahan na yumuko sa harapan ni Madeline. Dahil sa basa na ang kanilang mga damit, pakiramdam tuloy ni Madeline ay bumigat siya. Higit doon, dalawang araw ng nakababad sa tubig si Jeremy, kaya nag-aalala siya na baka hindi na kaya ng mga binti nito na suportahan ang kanyang bigat. At ganun na nga, simula nung gumapang siya sa likuran nito, naramdaman niya na nanginig ang binti ni Jeremy dahil sa pagod. K
Sabi ni Madeline at binato ang upuan sa may tubig. Tumayo naman kaagad si Jeremy at dinala ang upuan sa may gilid ng pool malapit kay may Madeline at tinungtungan ito. Inabot ni Madeline at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Jeremy. “Jeremy!”“Linnie, nanghihina na ang mga binti ko. Bakit hindi ka kaya lumabas muna at tumawag ng tulong?” “Gusto ko sanang lumabas para humingi ng tulong, pero wala namang tao sa paligid. Natatakot ako na kapag lumayo ako, may masamang mangyari sayo. Hindi kita pwedeng iwan dito. Hindi kita pwedeng hayaan na mawala sa paningin ko!”pagbibigay -diin ni Madeline, habang hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Jeremy. “Jeremy, hihilahin kita paakyat, sisiguraduhin kong magagawa ko to!” “Linnie.”Nang makita niya si Madeline na nagsusumikap ng husto at determinado, naging determinado na rin si Jeremy na huwag hayaang mahulog ang kanyang sarili sa kritikal na sandaling ito.Subalit, masyado nang nanghihina at manhid ang kanyang mga binti. Dahil sa nag