Para bang biglang naging napakamapusok ni Fabian dahil gusto niyang ipakita kay Jeremy ang kanyang determinasyon. Nakikita ni Jeremy ang matinding pag-asa ni Fabian, ngunit hindi niya inasahan na gagamitin ni Fabian ang kanyang nakaraan kasama ni Madeline bilang halimbawa. Kung iisipin, isang beses lang silang nagkita noon ni Madeline, pero hindi nila nalimutan ang isa't-isa. Gayunpaman… Tinignan ni Jeremy si Fabian, "Pero inosenteng bata pa lang si Lily, at ikaw, hindi." "Kaya ngayon, aalagaan ko si Lily nang may magaan na pakiramdam. Basta't hindi niya ako kaaayawan, palagi akong nasa tabi niya." Seryosong nangako si Fabian, at matatag ang tingin sa kanyang mga mata. "Jeremy, ako, kagaya mo, ay umaasa rin na lumaking masaya at malusog si Lily. Kaya hindi ako lalampas sa dapat kong gawin, o kaya magbigay ng kahit na anong problema kay Lily." Pagkatapos pakinggan ang taos-pusong mga salita ni Fabian, maalam na ngumiti si Jeremy. "Wala pang naiintindihan si Lily. Dahil
Sinermonan ni Karen sina Madeline at Jeremy. "Ito ang kinalabasan ng pagpunta niyo sa ibang bansa nang napakatagal." Habang pinakinggan nila ang pagrereklamo ni Karen, tinaas ni Madeline ang kanyang mga mata at ngumiti kay Jeremy. Hindi nila sinabi ang nangyari sa F Country para hindi na nila pag-alalahanin ang kanilang pamilya. Sa wakas, ngunit si Madeline at mabait na nagpaliwanag. "Mom, wag kang mag-alala, magaling na si Lily ngayon, at matitiyak ko sa inyo na aalagaan nang mas maigi ng taong iyon si Lily nang higit pa sa kahit sino sa atin." Nagdududang tinignan ni Karen si Madeline at nagreklamo, "Hindi ko alam kung nagsisinungaling ka sa'kin o hindi." "Syempre hindi kami nagsisinungaling," nangako si Jeremy at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Madeline. "Mom, medyo napagod kami ni Linnie pagkatapos naming tumakbo sa kung saan-saan nitong mga nagdaang araw kaya pupunta na kami sa kwarto namin para magpahinga." "Sige lang." Sabi ni Karen na para bang naiinip habang
Isa itong dokumento, kaya akala ni Jeremy na mula ito sa kanyang kompanya, ngunit matapos itong buksan, nalaman niyang hindi ito isang dokumento o kahit anong katulad nito.Mayroong isang sobre sa loob. Tinignan ito ni Jeremy nang nagdududa bago buksan ang sobre. Ngunit nang buksan niya ito, nanlumo ang mata niya nang makita niya ang laman nito. Walang ibang laman ito bukod sa isang larawan ni Madeline. Sa larawang ito, nakatayo si Madeline sa baba ng Whitman Corporation. Mukhang may hinihintay siya habang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. Isa itong napakanormal na larawan, ngunit nabahala si Jeremy nang tingnan niya ito. Ito ay dahil may malaking ekis sa mukha ni Madeline sa larawan. Upang hindi malaman ni Madeline, kaagad na itinago ni Jeremy ang larawan at nagpanggap na naglakad sa tabi para tumawag na para bang walang nangyari. Tinawagan niya si Ken, at pagkatapos makarating ng tawag, sinabi niya kay Ken ang tracking number ng nagpadala at nakiusap kay Ken na tingn
“Pudding, sino ako?”Lumuhod si Jeremy at tinanong ang bata. Pinikit ng bata ang inosente at malaking mata nito at tinignan nang seryoso si Jeremy. “Daddy!”Nasabi nang maayos ng bata ang salitang “Daddy”. Parang natunaw sa isang iglap ang puso ni Jeremy. Habang nakatingin siya sa malambot at nakakatuwa niyang anak, muli siyang nalungkot. Nahiya siya nang sobra nang maalala niya ang eksena kung saan ipinanganak ni Madeline si Pudding. Pakiramdam niya hindi siya isang mabuting ama. Hindi niya kailanman nagampanan ang resposibilidad bilang alam sa kanyang tatlong anak. “Ang agang natutunan ni Pudding na sabihin ang ‘Mommy’ at ‘Daddy’. Mas matalino pa siya kay Jack. Matagal bago natutunan ni Jack na sabihin ang ‘Mommy’,” Nagbiro si Karen at tumawa. Ngumuso nang mapagmataas si Jackson. “Dahil hindi ko nanay ang masamang babaeng ‘yun, kaya ayoko siyang tawaging mommy ko.” Natahimik saglit si Karen sa paliwanag ni Jackson, at kasabay nito, medyo nahiya din siya. Noong una,
Pagkatapos makitang sobrang saya ni Sean, ayaw sirain ni Madeline ang timpla ni Sean sa sandaling ito syempre. Ngumiti siya nang malambing at maamo, umupo kasama ni Sean at masayang nakipag-usap dito. Nang makarating si Jeremy sa kompanya at natapos ang meeting, muli siyang nangulila kay Madeline. Saglit lamang silang naghiwalay, ngunit matindi ang pangungulila niya kay Madeline sa puso niya. Pinag-isipan ito ni Jeremy, at kaagad niyang inayos ang mga dokumentong hawak niya para matawagan niya si Madeline. Pumasok si Ken sa sandaling ito, at kusang naisip ni Jeremy ang courier. “Nakuha mo na ba ang tracking number ng courier na pinatingin ko sa’yo?”Umiling si Ken at napansing kakaiba ito. “Mr. Whitman, maling tracking number ba ang binigay mo sa akin? May inutusan akong tingnan ito, pero wala ang tracking number na nabanggit mo, at walang shipping record.”Sumimangot nang bahagya si Jeremy nang marinig niya ito. “Wala ang tracking number na ito.”“Tama,” Kinumpirma ni
“Linnie. Kailangan nating mag-usap.”Alam kaagad ni Madeline kung anong nangyayari. “Dahil nagmamadali kang makita ako, may ipinadala na naman bang kakaiba sa’yo ang taong ‘yun? Dahil ba nag-aalala kang baka may mangyari sa akin?”Gulat na tinignan ni Jeremy si Madeline. “Linnie, paano mo alam?”“Dahil nakita ko.”“Nakita mo?”“Oo.” Paliwanag ni Madeline, “Noong makarating ako sa opisina ni dad, pakiramdam ko parang may nanonood sa akin. Ngunit sa sandaling lalabas na ako, pumasok si dad.”Nang marinig ito, lalong nabahala si Jeremy. Inabot niya kay Madeline ang larawang natanggap niya kanina lang. Matapos ang isang tingin, kalmado pa rin si Madeline. “Jeremy, hindi mo talaga kailangang mag-alala sa akin nang sobra. Alam ko kung paano aasikasuhin ito.”“Sabihin mo pala sa akin ang nalalaman mo. Sinong nagpapakamisteryoso?”Ngumiti si Madeline. “Kilala natin ang taong ito, at diba binalaan niya tayo dati?”Pagkatapos marinig ang sinabi ni Madeline, isang mukha ang unti-unti
Ayaw marinig ni Jeremy na suyuin siya ni Madeline sa pamamagitan ng pagpapalubag ng loob niya, ngunit habang pinapakinggan niya si Madeline, unti-unti siyang pumayag. Pagkatapos sabihin sa kanya ni Madeline ang plano, itinaas niya ang kanyang tingin at kumurap sa lalaking mukhang seryoso. “Ano sa tingin mo honey? Magandang ideya ba ito?”Tinignan ni Jeremy ang mga matang kasingliwanag ng mga bituin sa harapan niya at tumango nang nakakapagtaka. “Okay, makikinig ako sa asawa ko.”Habang masaya sa sagot ni Jeremy, ngumiti nang malambing si Madeline at hinalikan nang marahan sa pisngi si Jeremy. Natuwa si Jeremy at niyakap niya si Madeline. “Matulog na tayo Darling. Matutulog tayo nang mahimbing at aasikasuhin natin ang mga problema bukas.”“Okay.”Pumayag si Madeline. Dahil maaga siyang natulog, maagang nagising si Madeline kinabukasan. Pagbangon niya, naghanda siya ng almusal para kay Jackson at tinignan ang bag nito. Pagkatapos nito, umupo siya sa isang tabi at pinanood n
Biglaan itong nangyari kaya nagulantang si Jackson. Kaagad na prinotektahan ni Madeline si Jackson nung biglang may kutsilyo na nakatutok sa kanyang likuran. “Eveline, magmaneho ka kapag sinabi ko sayo.” Isang palautos na boses ng isang babae ang narinig niya sa kanyang likuran, at inangat ni Madeline ang kanyang mga mata para silipin ang rearview mirror. Hindi na siya nagulat sa mukha na lumitaw sa salamin. “Eveline, narinig mo ba ako? Ang sabi ko ay paandarin mo na ang kotse!” “Bakit mo sinisigawan ang mommy ko? Dalian mo na at ilayo mo na ang delikadong bagay na iyan sa mommy ko!” Sinubukan siyang pigilan ni Jackson. “Hmph, munting bata. Ang maipapayo ko lang sayo ay huwag ka nang magsalita. Kapag nagsalita ka pa uli, hindi na ako magiging mabait sayo!” Pinagbantaan siya ng babae. “Nagmamaneho na ako. Huwag ka nang makipagtalo sa bata.” Sinilip ni Madeline ang kanyang rearview mirror, ibinaba ang kanyang mga mata kay Jackson, at nagbigay ng pahiwatig sa kanya, “Jack,