Biglaan itong nangyari kaya nagulantang si Jackson. Kaagad na prinotektahan ni Madeline si Jackson nung biglang may kutsilyo na nakatutok sa kanyang likuran. “Eveline, magmaneho ka kapag sinabi ko sayo.” Isang palautos na boses ng isang babae ang narinig niya sa kanyang likuran, at inangat ni Madeline ang kanyang mga mata para silipin ang rearview mirror. Hindi na siya nagulat sa mukha na lumitaw sa salamin. “Eveline, narinig mo ba ako? Ang sabi ko ay paandarin mo na ang kotse!” “Bakit mo sinisigawan ang mommy ko? Dalian mo na at ilayo mo na ang delikadong bagay na iyan sa mommy ko!” Sinubukan siyang pigilan ni Jackson. “Hmph, munting bata. Ang maipapayo ko lang sayo ay huwag ka nang magsalita. Kapag nagsalita ka pa uli, hindi na ako magiging mabait sayo!” Pinagbantaan siya ng babae. “Nagmamaneho na ako. Huwag ka nang makipagtalo sa bata.” Sinilip ni Madeline ang kanyang rearview mirror, ibinaba ang kanyang mga mata kay Jackson, at nagbigay ng pahiwatig sa kanya, “Jack,
Nang mapagtanto niya, biglang naguluhan si Hannah.“Eveline, pinaglalaruan mo lang ako sa buong oras na ito.” “Hindi ko ginawa iyon. Sinabi mo sa akin na hindi mo ito palalampasin,” mahinahon na tugon ni Madeline. “Ikaw…” Namula ang mga mata ni Hannah sa galit. Pagkatapos ay naglabas siya ng isang matalim na kutsilyo mula sa kanyang bulsa at tinutok ito kay Madeline. “Matagal mo na akong pinaglalaruan na parang isang unggoy!” Sigaw ni Hannah, habang mukhang agresibo. “Hindi na kita hahayaan pang mabuhay ngayon! Sisiguraduhin kong hindi ka na makakaalis! Ah!” Bigla, nawalan ng kontrol si Hannah sa kanyang emosyon at sinugod is Madeline. Sa mga sandaling ito, ang pintuan ng rooftop ay sinipa pabukas at isang pigura ang sumugod sa tabi ni Hannah na parang isang matalas na espada na binubunot palang palabas sa kaluban nito. Naitulak si Hannah ng malakas na pwersa. Nang tumingin siya sa itaas at nakita ng malinaw, dumating si Jeremy sa tabi ni Madeline, mahigpit na itong prin
“Guni-guni? Guni-guni ko lang ba ang lahat ng yun?” Tanong ni Hannah, pero biglang naging mabangis ang kanyang mga mata. “Eveline, sa tingin mo ba na hindi ko alam? Ginawa mo lang ang kasinungalingan na ito para pagmukhain akong sinungaling dahil sa ayaw mong humingi ako ng hustisya para sa sarili ko. Hindi ako isang tatlong-taong-gulang na bata. Alam ko kung ano ang tama at mali” “Hindi mo kaya. Nang mawalan ka ng malay, hindi mo nga alam na nananaginip ka lang.” Matiyaga pa rin na nagpaliwanag si Madeline, “Hannah, kung ayaw mong maniwala, pwede kang pumunta sa ospital para magpasuri. Sasabihin sa iyo ng doktor ang tungkol sa kasalukuyan na kondisyon ng iyong katawan, at kaagad mong malalaman na buo pa ang iyong katawan dahil lahat ng naisip mo na nangyari ay isa lamang panaginip sa iyong isipan.” “Isang panaginip? Heh.” Mapait na ngumiti si Hannah. Ang pamumula ng kanyang mga mata ay unti-unting nawala, at walang katapusan na luha ang umagos mula sa kanyang mga mata. “Kun
Hindi nagbibiro si Jeremy. Ang kanyang matalim na mga mata ay sinabi kay Hannah na wla siyang pasensya para maging mabait sa kanya. Ang kanyang pagtitimpi par sa kanya ay matagal nang umabot sa sukdulan. Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy, sandaling natahiumik si Hannah.Napatulala siya kay Jeremy, iniisip ang tungkol sa pantasya niya na gusto niyang makatuluyan ang lalakeng ito na walang ginawa kung hindi ang hindi siya pansinin hanggang sa huli. Lalo lang niyang naramdaman ang kahihiyan at kawalang respeto sa kanyang sarili. Nang marinig niyang pinagsalitaan siya ng ganito ni Jeremy, kahit na ang puso ni Hannah ay puno ng takot, pakiramdam niya ay tinatakot lang siya ni Jeremy at hindi naman talaga siya bibitawan nito. Higit pa doon, hindi hahayaan ni Madeline na bumitaw ito kahit na gustuhin pa nito. Pagkatapos niyang pag-isipan ito, tinatagan ni Hannah ang kanyang sarili, pinagngalit ang kanyang mga ngipin, at sinabi, “Bitawan mo na lang ako! Hindi ko naman hiningi ang tulon
Tinignan ni Hannah si Madeline na lumapit sa kanya, at pagkatapos nitong huminto sandali, lumakas pa lalo ang kanyang iyak. Dahan-dahan na lumuhod si Madeline. “Huwag ka nang umiyak.” Sa luhaan g mga mata ni Hannah, nakita niya ang malinis na panyo na lumitaw sa kanyang harapan. “Punasan mo ang iyong mga luha. Tumigil ka na sa pag-iyak.” Pinagaan ni Madeline ang kanyang loob, “Kapag may taong mahalaga sa iyo na nalaman na umiiyak ka ng husto ngayon, talagang mag-aalala sila.” Nang marinig niya ang mga salita ni Madeline, tinawanan ni Hannah ang kanyang sarili at dahan-dahan na nagsalita. “Simula noong bata pa ako ay binuhos na ng pamilya ko ang kanilang pansin at pag-aaruga sa akin, at tinuring akong kayamanan ng aking mga magulang. Hindi nagtagal, naging kampante at malaki ang ulo ko. Pumunta ako sa Gray Manor para maging isang kasambahay hindi dahil sa gusto ko, kundi para patunayan ang sarili ko.” Habang sinasabi ito ni Hannah, umiyak pa siya lalo ng malakas. Lumupasay
Tumayo si Madeline at inabot si Hannah. "Tumayo ka." Pagkatapos marinig ang sinabi ni Madeline, tumingala si Hannah at nakatulala niyang tinignan ang palad ni Madeline na nakaunat para sa kanya. Paanong mangyayari ito? Hindi ba ito isang halusinasyon? "Kahit na hindi tayo pwedeng maging magkaibigan, hindi naman natin kailangang maging magkaaway, di ba?" Tanong ni Madeline nang may mabait na ngiti at lumapit ang kanyang palad kay Hannah. Mas lalong nahiya si Hannah sa puso niya nang makita niya ang mainit na ngiti ni Madeline. "Patawad." Sa wakas, lumabas ang salitang iyon mula sa bibig ni Hannah. Wala siyang kahit na anong pagpapanggap. Sinsero ang paghingi niya ng tawad. Ngunit si Madeline. "Tinatanggap ko ang paghingi mo ng tawad." Pagkasabi niya nito ay inalog niya nang bahagya ang kanyang kamay. Naintindihan kaagad ni Hannah ang ibig sabihin ni Madeline at sa wakas ay iniabot na niya ang kanyang kamay para hawakan nang malumanay ang kamay ni Madeline. Sa
Isa itong magandang wakas. Ngumiti si Jeremy at yumuko para yakapin ang kanyang anak. "Jack, wag kang mag-alala. Matalino ang mommy mo, paano niya hahayaan ang masamang babae na yun na saktan siya?" "Talaga?" Medyo nag-aalangan pa rin si Jackson. "Mommy, hindi ka ba talaga sinaktan ng masamang babae na yun?" Nang makita niya na sobrang nag-aalala sa kanya ang anak niya, tumango nang maigi si Madeline. "Oo, ayos lang ako." "Buti naman. Mabuti naman at ayos ka lang, Mommy." Nakahinga nang maluwag si Jackson. "Syempre walang mangyayaring masama sa kanya dahil matagal na niyang inaasahan na mangyayari ito." Kinarga ni Jeremy ang kanyang anak habang nagpapaliwanag at naglalakad papunta sa kotse na nakaparada sa may pintuan. Nagtatakang kumurap si Jackson. "Anong ibig sabihin nito?" "Ibig sabihin nito ay matagal nang alam ng mommy mo na hahanapin siya ng masamang babae na yun kaya matagal na siyang nakapaghanda, at palagi akong nasa likod ni Mommy. Kaya kapag masasaktan si Mo
"Mrs. Whitman, tulungan mo ko!" Humingi ng tulong kay Madeline ang taong iyon. Mukha siyang natatakot at natataranta, at mukha rin siyang pagod na pagod. "Anong nangyari? Akala ko nakabalik ka na sa St. Piaf. Bakit nasa Glendale ka pa rin?" Pasensyosong tanong ni Madeline. Nang sasagot na sana si Hannah, may narinig silang tunog ng maraming yabag sa labas ng parking lot kasabay ng mga boses ng ilang kababaihan na nagsasalita. "Nakita ko siyang tumakbo papunta rito ngayon lang." "Pumasok tayo at tignan natin!" "Tuturuan ko siya ng leksyon mamaya!" "Mrs. Whitman, tulungan mo ko!" Mabilis na nanghingi ulit ng tulong si Hannah. Tinignan ni Madeline ang pinagmulan ng tunog, pagkatapos ay binuksan niya ang kotse. "Pumasok ka muna sa kotse." "Salamat!" Nagpasalamat si Hannah at nagmamadaling pumasok sa likuran ng kotse. Pagkatapos nito, sumakay si Madeline at inapakan ang accelerator. Nang niloko niya ang manibela, nasulyapan niya ang ilang mga bata pa at pasyonableng