"Si Ryan pa rin ang pinakamataas na administrative commander sa Interpol sa panahong iyon. Kaya ginamit ni Ryan ang posisyon niya para tulungan ang Stygian Johnson Gang na mangkamkam ng pera at kumita siya roon. Matagal na itong alam ni Carter at may kinalaman rin siya rito. "Isa talagang napakatalino at magaling na tao si Ryan. Masaya rin si Carter na makatrabaho siya at maganda palagi ang pagtutulungan nila, pero bigla na lang, unti-unting nagbago ang kinikilos ni Ryan at ikaw ang dahilan." Tinaas ni Shirley ang kanyang ulo habang sinabi niya ito. Nakatitig nang maigi ang kanyang mga mata kay Madeline. Kumunot ang noo ni Madeline sa pagtataka. "Dahil sa'kin?" "Oo, dahil nahulog si Ryan sa'yo." Paliwanag ni Shirley at bumuntong-hininga. "Mahirap talaga para sa isang taong nabulag ng pag-ibig na mag-isip nang rasyonal. Kung iisipin, parehong-pareho kami ni Ryan. Sa huli, pareho naming sinira ang mga sarili namin." Tumawa si Shirley at bumuntong-hininga, ngunit mabilis niy
Sinundan nina Madeline at Jeremy si Fabian sa pinto ng kwarto ni Lillian. Bago sila pumasok, narinig ng mag-asawa ang malumanay na boses ni Fabian mula sa kwarto. "Anong problema, Lily? Di ka makatulog?" Napakamalumanay na tanong ni Fabian, at nakita nina Madeline at Jeremy ang kanilang munting prinsesa na tumango nang bahagya. Napakapasensyoso ni Fabian at kumuha siya ng isang libro mula sa istante sa tabi. "Kung ganun, Lily, maging mabuti kang bata at pumikit ka. Babasahan kita ng isang kwento." Nagustuhan ni Lillian ang suhestiyon ni Fabian. Masunuring tumango ang batang babae pinikit ang kanyang mga mata. Pagkatapos ay umupo si Fabian sa tabi ng kama at matiyagang binasa ang libro… Habang pinanood nila ang eksenang ito, uminit ang mga puso nina Madeline at Jeremy. Hindi sila nagpatuloy na sumilip at bumalik sila sa guest room. Pagkatapos nilang bumalik sa kwarto, pagod na humiga si Madeline sa kama. Napagod siya sa nagdaang ilang araw, pero ngayon, magaan na ang k
"Malamang may sasabihin ka sa'kin, tama ba?" Bahagyang ngumiti si Jeremy. "Mag-usap tayo sa baba." Habang nagsalita siya, tumalikod siya at sinundan siya ni Fabian. Napakalalim na ng gabi, kaya inutusan ni Fabian ang katulong na gumawa ng black tea at merienda. Silang dalawa lang ni Jeremy ang naiwan sa sala. Alam ni Fabian na may sasabihin si Jeremy sa kanya, pero umiinom lang ng tsaa si Jeremy sa sandaling ito at para bang hindi niya gustong magsalita. Sa huli, hindi na nakatiis si Fabian. "Jeremy, hindi mo talaga gustong manatili sa tabi ko si Lily, di ba?" Uminom si Jeremy ng black tea pagkatapos ay nilapag niya ang tasa nang hindi nagmamadali. Ang kanyang matalas ngunit malumanay na tingin ay lumapag sa mukha ni Fabian. "Sinasabi mo ba na hindi mo kayang alagaan nang maayos si Lily?" Tanong ni Jeremy. Nabigla si Fabian. Nagmamadali siyang nagpaliwanag, "Jeremy, alam kong hindi iyon ang ibig kong sabihin." "Ano palang balak mong sabihin?" "Ako…" Napahinto si Fa
Para bang biglang naging napakamapusok ni Fabian dahil gusto niyang ipakita kay Jeremy ang kanyang determinasyon. Nakikita ni Jeremy ang matinding pag-asa ni Fabian, ngunit hindi niya inasahan na gagamitin ni Fabian ang kanyang nakaraan kasama ni Madeline bilang halimbawa. Kung iisipin, isang beses lang silang nagkita noon ni Madeline, pero hindi nila nalimutan ang isa't-isa. Gayunpaman… Tinignan ni Jeremy si Fabian, "Pero inosenteng bata pa lang si Lily, at ikaw, hindi." "Kaya ngayon, aalagaan ko si Lily nang may magaan na pakiramdam. Basta't hindi niya ako kaaayawan, palagi akong nasa tabi niya." Seryosong nangako si Fabian, at matatag ang tingin sa kanyang mga mata. "Jeremy, ako, kagaya mo, ay umaasa rin na lumaking masaya at malusog si Lily. Kaya hindi ako lalampas sa dapat kong gawin, o kaya magbigay ng kahit na anong problema kay Lily." Pagkatapos pakinggan ang taos-pusong mga salita ni Fabian, maalam na ngumiti si Jeremy. "Wala pang naiintindihan si Lily. Dahil
Sinermonan ni Karen sina Madeline at Jeremy. "Ito ang kinalabasan ng pagpunta niyo sa ibang bansa nang napakatagal." Habang pinakinggan nila ang pagrereklamo ni Karen, tinaas ni Madeline ang kanyang mga mata at ngumiti kay Jeremy. Hindi nila sinabi ang nangyari sa F Country para hindi na nila pag-alalahanin ang kanilang pamilya. Sa wakas, ngunit si Madeline at mabait na nagpaliwanag. "Mom, wag kang mag-alala, magaling na si Lily ngayon, at matitiyak ko sa inyo na aalagaan nang mas maigi ng taong iyon si Lily nang higit pa sa kahit sino sa atin." Nagdududang tinignan ni Karen si Madeline at nagreklamo, "Hindi ko alam kung nagsisinungaling ka sa'kin o hindi." "Syempre hindi kami nagsisinungaling," nangako si Jeremy at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ni Madeline. "Mom, medyo napagod kami ni Linnie pagkatapos naming tumakbo sa kung saan-saan nitong mga nagdaang araw kaya pupunta na kami sa kwarto namin para magpahinga." "Sige lang." Sabi ni Karen na para bang naiinip habang
Isa itong dokumento, kaya akala ni Jeremy na mula ito sa kanyang kompanya, ngunit matapos itong buksan, nalaman niyang hindi ito isang dokumento o kahit anong katulad nito.Mayroong isang sobre sa loob. Tinignan ito ni Jeremy nang nagdududa bago buksan ang sobre. Ngunit nang buksan niya ito, nanlumo ang mata niya nang makita niya ang laman nito. Walang ibang laman ito bukod sa isang larawan ni Madeline. Sa larawang ito, nakatayo si Madeline sa baba ng Whitman Corporation. Mukhang may hinihintay siya habang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. Isa itong napakanormal na larawan, ngunit nabahala si Jeremy nang tingnan niya ito. Ito ay dahil may malaking ekis sa mukha ni Madeline sa larawan. Upang hindi malaman ni Madeline, kaagad na itinago ni Jeremy ang larawan at nagpanggap na naglakad sa tabi para tumawag na para bang walang nangyari. Tinawagan niya si Ken, at pagkatapos makarating ng tawag, sinabi niya kay Ken ang tracking number ng nagpadala at nakiusap kay Ken na tingn
“Pudding, sino ako?”Lumuhod si Jeremy at tinanong ang bata. Pinikit ng bata ang inosente at malaking mata nito at tinignan nang seryoso si Jeremy. “Daddy!”Nasabi nang maayos ng bata ang salitang “Daddy”. Parang natunaw sa isang iglap ang puso ni Jeremy. Habang nakatingin siya sa malambot at nakakatuwa niyang anak, muli siyang nalungkot. Nahiya siya nang sobra nang maalala niya ang eksena kung saan ipinanganak ni Madeline si Pudding. Pakiramdam niya hindi siya isang mabuting ama. Hindi niya kailanman nagampanan ang resposibilidad bilang alam sa kanyang tatlong anak. “Ang agang natutunan ni Pudding na sabihin ang ‘Mommy’ at ‘Daddy’. Mas matalino pa siya kay Jack. Matagal bago natutunan ni Jack na sabihin ang ‘Mommy’,” Nagbiro si Karen at tumawa. Ngumuso nang mapagmataas si Jackson. “Dahil hindi ko nanay ang masamang babaeng ‘yun, kaya ayoko siyang tawaging mommy ko.” Natahimik saglit si Karen sa paliwanag ni Jackson, at kasabay nito, medyo nahiya din siya. Noong una,
Pagkatapos makitang sobrang saya ni Sean, ayaw sirain ni Madeline ang timpla ni Sean sa sandaling ito syempre. Ngumiti siya nang malambing at maamo, umupo kasama ni Sean at masayang nakipag-usap dito. Nang makarating si Jeremy sa kompanya at natapos ang meeting, muli siyang nangulila kay Madeline. Saglit lamang silang naghiwalay, ngunit matindi ang pangungulila niya kay Madeline sa puso niya. Pinag-isipan ito ni Jeremy, at kaagad niyang inayos ang mga dokumentong hawak niya para matawagan niya si Madeline. Pumasok si Ken sa sandaling ito, at kusang naisip ni Jeremy ang courier. “Nakuha mo na ba ang tracking number ng courier na pinatingin ko sa’yo?”Umiling si Ken at napansing kakaiba ito. “Mr. Whitman, maling tracking number ba ang binigay mo sa akin? May inutusan akong tingnan ito, pero wala ang tracking number na nabanggit mo, at walang shipping record.”Sumimangot nang bahagya si Jeremy nang marinig niya ito. “Wala ang tracking number na ito.”“Tama,” Kinumpirma ni