Pagkatapos itong sabihin ni Jeremy, dumiretso siya sa banyo.Nagtataka din si Madeline. Maging siya ay naisip na masyadong bigla ang pagbabago ng ugali ni Hannah.Ngunit mukhang totoong-totoo ang ekspresyon niya kanina.Dahil nag-aalala siyang baka may masamang mangyari, nagmadaling lumapit si Madeline.Lumapit si Jeremy sa pinto ng banyo at bubuksan na ang pinto. Ngunit hindi niya mapihit ang hawakan. Malinaw na ikinandado ni Hannah ang pinto mula sa loob.Kung ganoon, hindi sila makakapasok kahit gumamit pa sila ng susi.Wala masyadong pasensya si Jeremy sa pag-aasikaso sa ibang babae bukod kay Madeline.Direkta niyang iniutos nang may seryosong boses, “Buksan mo ang pinto.”Napakalamig ng tono ni Jeremy. Hindi rin siya nakikipag-usap kay Hannah; inuutusan niya ito.Ngunit hindi siya sinagot ni Hannah.Itinaas ni Jeremy ang kanyang kamay para kumatok nang malakas sa pinto. “Buksan mo ang pinto. Kung ayaw mong gumawa ng gulo, buksan mo ang pinto ngayon na.”Muling nag-utos
”Napakarami namang baliw sa mundong ito. Paano niya nagawang magpunta sa bahay natin para magpakamatay? Balak niya bang pagmukhaing masama si Eveline at Jeremy?” Bumuntong-hininga si Eloise pagkatapos niyang marinig ito mula sa tabi. “Hay, napakamalas naman ng Eveline ko. Hindi pa rin nawawalan ng problema kahit ang tagal na.”Nang marinig ni Madeline ang mga salita ni Eloise na puno ng pag-aalala, ngumiti siya at lumapit.“Mom, ‘wag kang mag-alala sa akin. Ayos na ako.”Tumingala si Eloise para tumingin. “Eveline, nakauwi ka na! Kumusta na? Nasa panganib ba ang buhay ng babaeng ‘yun?”Umiling si Madeline. “Tinawagan ng doktor si Jeremy habang pauwi kami. Sabi nila hindi nanganganib ang buhay niya.”“Buti naman.” Nakahinga nang maluwag si Eloise at Karen.Kahit na maraming ginawa si Hannah na kinainisan nila, mahalaga pa rin ang buhay niya. Hindi nila gustong may mangyaring masama dito.Sinabihan ni Karen ang mga katulong na linisin ang kubeta at sinabihan silang bantayan ang
Biglang naging matalas ang mga mata ni Hannah, at napuno sila ng galit. Para bang nagsimula lang ito nang mabanggit niya si Jeremy. “Wala itong kinalaman doon, kaya huwag kang mag-isip masyado.” Binalikan ni Madeline ang pinakapuntong pinag-uusapan nila. “Hannah, hindi mo ba talaga alam kung sino ako?” Nang tinanong ito ni Madeline, maingat niyang inobserbahan ang mga pagbabago sa mga mata ni Hannah. Subalit, hindi nagpakita ng kakaibang reaksyon o pag-uugali si Hannah na inaakala ni Madeline na gagawin nito. Nalilito lang talaga siya habang nakatingin kay Madeline na hindi mawari. “Sis, ikaw ang ate ko.” Marrin ang kanyang tono, habang ang kanyang mga mata ay mukhang mahina at inosente. “Sis, ikaw na lang ang meron ako. Pakiusap huwag mo kong iwan.” “Hannah, hindi ako ang…” Creak.Habang nagpapaliwanag si Madeline, biglang bumukas ang pintuan ng ward. Ang matangkad at balingkinitang katawan ni Jeremy ay kaagad na lumitaw sa paningin ni Madeline. “Jeremy?” Nanlaki ang
naglalakad sa unahan si Jackson. Napapalibutan siya ng mga ilang magagandang munting dalaga. Subalit, mukhang naman ni Jackson ang malamig na pakikitungo ni Jeremy. Kahit na gaano pa kasigla ang mga babae sa pakikipag-usap sa kanya, hindi niya pinapansin ang mga ito. . Nang makita niya si Madeline, masigla itong inangat ang kanyang mahahabang mga binti at mabilis na tumakbo. Inunat ni Madeline ang kanyang mga braso para sa munting bata at binuhat ang makisig na bata na tumatakbo sa kanyang harapan. Subalit, mukhang mas mabigat na ang munting binata kaysa sa dati. Pinapakita lang nito na ang unti-unti nang lumalaki ang bata. Masayang lumingon si Madeline habang karga niya ang kanyang anak. “Iyon ang mommy ni Jackson.” “Ang ganda naman ng mommy niya, kaya naman pala ang gwapo din ni Jacky.” “Pero hindi siya nakikipaglaro sa atin.” “Sabi ng mommy ko ay hindi kayang tiisin ng lahat ng mga lalake kapag malambing ang isang babae. Kaya, simula bukas, maging malambing ta
Nang bigla, narinig niya ang boses ng kanyang anak sa kanyang likuran. Kaagad na huminto si Madeline habang papalapit siya sa may taniman ng bulaklak. Mabilis na pumunta si Jackson sa tabi ni Madeline at hinawakan ang kamay nito. “Mommy, yung masamang babae.” Malinaw na nakikita ni Jackson ang mukha ni Hannah at naaalala na isa siyang masamang babae na tinakot si Madeline gamit ng kutsilyo sa may kotse. Nakilala rin ni Madeline na ang babaeng ito ay si Hannah ngayon. Tumakas si Hannah mula sa ospital at pumunta siya sa Old Whitman Manor. Nahulaan ni Madeline na pumunta si Hannah dito para hanapin siya. Ayaw na niyang isipin pa si Hannah, pero taglamig ngayon at umuulan pa rin ng nyebe sa mga sandaling iyon. Kapa nagpatuloy si Hannah na mahiga sa tabi ng taniman ng mga bulaklak, magkakasakit ito. Baka mamatay pa nga ito dahil sa sobrang lamig. “Mom, pabayaan mo na lang siya. Sa tingin ko ang babaeng ito ay bigla ka na lang aatakihin katulad noon.” Paalala ni Jackson kay Mad
Nanginginig sa lamig si Hannah. Nakayuko siya sa harapan ng pasukan at nakabaluktot na parang bola habang nanginginig. Nang palabas ng kotse si Jeremy, nakita niya si Madeline na lumabas. Kaagad na nakita ni Madeline ang kotse ni Jeremy. Nang maglalakad na siya para puntahan ito, nakita niya si Hannah na nakayuko sa may pasukan mula sa kanto ng kanyang mga mata. Nandito nanaman si Hannah. Para siyang isang multo na palaging nakapaligid sa kanya. Matagal nang nararamdaman ni Madeline na parang may mali nang madalas nagpapakita sa kanyang harapan si Hannah. Hindi na niya sana papansinin si Hannah at uutusan na niya sa na ang mga security guards mula sa gusali na harapin siya, lumabas ng kotse si Jeremy at naglakad papunta sa kanya. Akala niya ay naglalakad si Jeremy papunta sa kanya pero nang makalapit ito sa kanya, hinawakan nito ang kanyang kamay at dinala siya papunta kay Hannah. Ang mukha ni Hannah ay namumula na dahil sa sobrang lamig. Nakasandal siya sa pader na g
Ang paalala ni Hannah ay sadyang seryoso at kakaiba at puno ng pag-aalala. Walang malay na napatingin si Madeline sa maamong mga mata na nasa rearview mirror. Pagkatapos, sinabi niya ng may ngiti, “Siya ang iyong brother-in-law. Palagi niya akong inaalala at inaalagaan. Hindi niya ako sasaktan.” “Hindi mo alam kung ano ang iniisip niya. Sis, huwag kang magpapaloko sa panlabas na itusra ng isang tao,” Muling paalala ni Hannah sa kanya. Tumugon si Madeline ng may ngiti, “Alam ko, mag-iingat ako.” Nang marinig niya ang sagot ni Madeline, mukhang nasiyahan na si Hannah at natuwa. Pinisil niya ang kamay ni Madeline at sinandal ang kanyang ulo sa balikat ni Madeline ng masaya. “Sis.” Nang marinig niya na tinawag siya ni Hannah na ’Sis’, magkahalo ang emosyong nararamdaman ni Madeline. Hindi nagtagal, huminto ang kotse sa garahe ng Old Whitman Manor. Naunang lumabas si Jeremy sa kotse at tinulungan si Madeline na buksan ang pinto. Lalabas na sana ng kotse si Madeline ng kot
"Pauuwiin kita, pero di sa ngayon," sabi ni Madeline ay lumingon kay Jeremy. Pagkatapos ay nagsabi siya, "Pumunta ka sa kwarto kasama ko at magpahinga ka muna."Para bang may gustong sabihin si Hannah, pero nang makita niya na tumalikod si Madeline, nagmadali siyang sumunod sa kanya. "Baliw talaga!" Tinitigan ni Karen ang likod ni Hannah. Pagkatapos niyang makita na sumunod si Hannah kay Madeline paakyat, lumingon si Karen at tinanong si Jeremy nang may kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha. "Jeremy, anong ginagawa niyong dalawa?" Naglakad si Jeremy papunta sa sala nang may maliit na ngiti. Kinarga niya ang kanyang anak na nakaupo sa sofa para makipaglaro sa kanya saglit, pagkatapos ay nagsalita na siya sa wakas, "Umaarte kami pero hindi lang kami ni Eveline ang umaarte." Naintindihan ni Karen ang ibig sabihin ni Jeremy. "Ibig mong sabihin umaarte rin ang babaeng yun?" "Uh-huh." Ngumiti si Jeremy. Pinisil niya nang mahina ang pisngi ng bata gamit ng kanyang mga daliri. "Pa