Nang maalala niya ang nag-aalangan at nabiglang eskpresyon ni Hannah nang sinabi niya kanina sa kanya na mananatili siya sa bahay, sigurado si Madeline na umaarte lang siya. Alam ni Madeline ang pakay niya. "Linnie, narinig mo na ba ang kwentong to?' biglang tanong ni Jeremy. Nagtatakang tumingin si Madeline sa mga mata ng lalaki. "Anong kwento?" "Ito ang kwento ng isang palakang dala ang isang alakdan patawid ng ilog." Nang sinabi iyon ni Jeremy, kaagad itong naintindihan ni Madeline. Alam niya ang kwento at alam niya rin ang gustong ipahayag sa kanya ni Jeremy. "Linnie, may mga tao lang talagang ganun. Mahirap para sa kanila na magbago. Na parang isang alakdan, hindi niya mapigilan ang kasamaan sa puso niya." Para bang nagtuturo sa isang bata si Jeremy habang matapat siyang nagsalita. Hindi niya nakalimutang buhatin ang kanyang bunsong anak at tapikin ang kanyang maliit na ilong gamit ng kanyang daliri. "Pudding, narinig mo ba ang sinabi ko? Maging mabuti tayong ta
Walang sumagot sa kanya pagkatapos niyang kumatok sa pinto nang ilang beses kaya hindi nagdalawang-isip si Madeline na direktang buksan ang pinto. Pagkatapos niyang pumasok, nakita niya si Hannah na nakahiga pa rin sa kama na para bang tulog pa rin siya. Maingat na naglakad si Madeline papunta sa kama. "Hannah." Tinawag niya si Hannah pero hindi ito kumibo. Para bang natutulog pa rin siya nang mahimbing. Hindi na gusto ni Madeline na magpatuloy na tawagin si Hannah pero nang tatalikod na siya, bigla siyang inabot ni Hannah. "Ate, wag kang umalis." Nang iiwas na sana si Madeline sa kanya ay sumigaw si Hannah. "Ate." Dahan-dahang binuksan ni Hannah ang mga mata niya at ngumiti kay Madeline. "Kanina pa kita hinihintay." Sumagot rin si Madeline nang may makahulugang ngiti. "Hinihintay mo ko?" "Oo." Tumango si Hannah. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang umupo. "Ate, nanaginip ako. Napanaginipan ko na pinalayas mo ko para sa asawa mo. Ate, wag mo kong palayasin dahil sa lalakin
Pagkatapos sabihin iyon ni Karen, nagwala si Hannah sa galit pagkatapos mapahinto ng isang segundo. "Anong sabi mo? Gusto mo kong maging katulong dito?" "Syempre," sinadya itong sabihin ni Karen nang may aroganteng tono. "Hinahayaan ka naming manatili sa guest room dahil nirerespeto namin si Eveline. Gusto mo bang tumira at kumain dito nang libre? Kaya mong kumilos. Hindi ka ba nahihiya?" “...”Hindi alam ni Hannah ang sasabihin niya. Pagkatapos, nanlambot ang kanyang tingin habang inosenteng niyang tinignan si Madeline. Nanghingi siya ng tulong. "Ate—""Walang magagawa ang pagtawag mo sa kanya. Kung gusto mong manatili rito, sumunod ka at maging katulong." Malamig na pinutol ni Jeremy si Hannah, ang kanyang mga mata ay puno ng hindi maiiwasang pananakot. "Hindi susuportahan ng pamilya namin ang mga taong ayaw magtrabaho. Kahit ang asawa ko ay nagsisikap na magtrabaho araw-araw. Walang kahit na sino ang may pribilehiyo na makakuha ng kahit ano nang libre." “...”Sa har
Hindi gaanong matindi ang sikat ng araw. Marahan itong lumapag sa kanilang mga katawan. Masarap sa pakiramdam na magkaroon ng kaunting init na bumabalot sa kanila. Hindi nagtagal, nagdala si Jeremy ng agahan. Sinulit niya ang mainit at kalmadong agahan kasama ng kanyang asawa at mga anak na lalaki. "Mas maganda sa pakiramdam kapag walang peste sa paligid." Ininom ni Jeremy ang kanyang kape at emosyonal na bumuntong-hininga. "Gaano kaya siya katagal na magpapanggap? Sana alam niya kung kailan hihinto. Ayaw ko na talagang makasalamuha siya." Ngumiti si Madeline. Sinusuportahan niya ang kanyang bunsong anak na nakakandong sa kanya at marahan siyang pinapainom ng gatas. Hindi inaaasahang nagselos si Jackson nang makita niya ang eksenang ito. "Mommy, gusto ko rin ng yakap. Ang tagal mo na'kong hindi niyayakap." Kinurap ni Jackson ang kanyang mga bilugang mata. Mukha siyang kaawa-awa habang sinubukan niyang makipagkumpetensya para sa pagmamahal ng nanay niya laban sa kanyang kapati
Sa kabila ng saya ni Madeline, malungkot pa ring suminghal si Ava. Sumandal siya sa balikat ni Madeline, habang nagsimulang maluha ang mata niya nang yhindi niya namamalayan nang umihip sa kanya ang malamig na hangin. “Maddie, tingin ko hindi mahalaga kung may nararamdaman ba ang dalawang tao para sa isa’t isa kung gusto nilang magkatuluyan.” “Paano mangyayari ‘yan?” Hindi maunawaan ni Madeline kung bakit ito sinabi ni Ava. “Ang isang kasal na walang pagmamahalan ang pinakamasakit at pinakamalungkot na bagay sa mundo. May nararamdaman ka para kay Dan. Isa rin siyang napakabait na tao. Naniniwala akong mapapasaya ka niya nang sobra.” Ngumiti si Ava nang nalulungkot. “Oo, naniniwala din akong si Dan ay isang lalaking makakapagbigay ng kasiyahan sa asawa niya. Ngunit hindi ako ang magiging asawa niya.” “...”Nang marinig ito, nagbago nang lubos ang ekspresyon ni Madeline. Lumingon siya at biglang napatingin kay Ava. “Anong ibig-sabihin mo niyan Ava? Anong nangyari sa inyo ni
”Alam ko ring ayaw akong sukuan ni Dan, pero talagang wala na siyang magagawa.” Nagipit na si Ava. Sa sandaling matapos siya sa pagsasalita, tumawag si Daniel. Ngunit basta lang ito tinignan ni Ava at hindi sinagot ang tawag. “Ava, sagutin mo ang tawag.” “Hindi ko alam ang sasabihin ko.” Tumingala si Ava at suminghal nang walang magawa.Nang makita ni Madeline ang pag-aalinlangan ni Ava, kinuha niya ang phone at sinagot ang tawag para kay Ava nang hindi nagdadalawang-isip. “Ava!” Naririnig ni Madeline ang nagagalak na boses ni Daniel sa kabilang linya ng tawag. Mukhang matagal nang hindi sinasagot ni Ava ang mga tawag ni Daniel. Tapos inilagay ni Madeline ang tawag sa speaker. “Dan, ako ito.” Sa kabilang linya, napahinto saglit si Daniel bago magtanong, “Eveline?”“Oo, ako ito. Kasama ko ngayon si Ava at nasa banyo siya.” Gumawa ng dahilan si Madeline at tumingin kay Ava na kinakabahan.Ang totoo, gusto ni Ava na sumagot tuwing tatawagan siya ni Daniel dahil gustong-gu
Tumango nang sigurado si Madeline. “Dahil sinabi na mismo ni Dan, siguro nga. Magtiwala ka sa magiging asawa mo. Tara na.” “...” Namula ang pisngi ni Ava dahil sinabi ni Madeline ang mga salitang ‘magiging asawa’. Ang totoo, umaasa si Ava na sana si Dan ang lalaking makakasama niya habang buhay. Naglakad si Madeline at Ava sa International Mall. Makalipas ang sampung minuto, nakatanggap si Madeline ng text mula kay Daniel. Sinabi niyang nakarating na siya. Kaagad sinabi ni Madeline sa kanya kung nasaan sila. Tapos nagpatuloy siya sa pamimili sa mall kasama ni Ava na parang walang nangyari. Hindi naging matagal para magpakita si Daniel sa harapan ni Madeline at Ava na parang nagkataon lang na makasalubong niya ang mga ito. Ngunit hindi siya magaling umarte. Para sa kahit sinong mapagmasid, hindi ito mukhang nagkataon. Si Ava lamang ang nakikita ni Daniel, at tumakbo siya palapit dito nang makarating siya habang hawak nang mahigpit ang balikat nito.“Ava, bakit hindi mo
“Ava, alam kong hindi mo gusto ang pakikitungo ng pamilya ko sa’yo at matagal mo na itong tinitiis para sa akin. Alam na alam ko ang lahat ng ito. Matagal ko nang ginagawa ang makakaya ko para gumawa ng paraan at isalba ang relasyon natin. Umaasa akong mabibigyan mo ako ng oras. Sisiguraduhin kong hindi kita bibiguin.” Seryosong nangako si Daniel. Naramdaman ni Ava ang katapatan ni Daniel. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi siya makapagsalita. “Ava, alam kong gusto mong makasama si Dan. Kung hindi, hindi ka sana iiyak nang sobra habang yakap mo ako kanina.” “...H-Hindi ako umiyak.” Nagmamatigas na itinanggi ito ni Ava. Ngunit nang marinig ito ni Daniel, biglang napuno ng lungkot at pagkabahala ang puso niya. “Patawad, Ava. Hindi ko talaga gustong malungkot ka.” “Dan, kumusta na ang lolo mo? Ano ang ideyang nabangggit mo para matupad ang hiling ng lolo mo nang hindi binibigo si Ava?” Tinanong ni Madeline ang mahalagang tanong. Hindi na rin nagsayang pa ng oras si Dan