Share

Kabanata 2137

Nang maalala niya ang nag-aalangan at nabiglang eskpresyon ni Hannah nang sinabi niya kanina sa kanya na mananatili siya sa bahay, sigurado si Madeline na umaarte lang siya.

Alam ni Madeline ang pakay niya.

"Linnie, narinig mo na ba ang kwentong to?' biglang tanong ni Jeremy.

Nagtatakang tumingin si Madeline sa mga mata ng lalaki. "Anong kwento?"

"Ito ang kwento ng isang palakang dala ang isang alakdan patawid ng ilog."

Nang sinabi iyon ni Jeremy, kaagad itong naintindihan ni Madeline.

Alam niya ang kwento at alam niya rin ang gustong ipahayag sa kanya ni Jeremy.

"Linnie, may mga tao lang talagang ganun. Mahirap para sa kanila na magbago. Na parang isang alakdan, hindi niya mapigilan ang kasamaan sa puso niya." Para bang nagtuturo sa isang bata si Jeremy habang matapat siyang nagsalita.

Hindi niya nakalimutang buhatin ang kanyang bunsong anak at tapikin ang kanyang maliit na ilong gamit ng kanyang daliri.

"Pudding, narinig mo ba ang sinabi ko? Maging mabuti tayong ta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status