All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 2161 - Chapter 2170

2479 Chapters

Kabanata 2161

Kahit na may maliit lang ang agwat, naririnig pa rin ni Ava si Mr. Rogers na pinupuri ang disenyo. “Miss Pine, sinasalamin ng iyong disenyo ang iyong istilo. Hindi ko inaasahan na isa ka lang baguhan.” Pinuri ni Mr. Rogers si Laura bago pinuri si Bill, “Bill, magaling kang mangilati. Mapalad ang iyong kumpanya dahil meron kayong sang mahusay na designer.” “Mr. Rogers, napakabait mo. Dinisenyo ko lang ito ayon sa mga kagustuhan niyo. Pero kung pag-uusapan natin kung sino ang may mas malawak na pananaw, kayo po iyon dahil pinili niyo ang aming kumpanya para pagsilbihan kayo,” matamis na ngumiti si Laura at nagbiagt din ito ng isang matamis na tugon. Masayang humalakhak si Mr. Rogers ng marinig niya ito. Kinagatan ni Ava ang mansanas at nakinig ng mahinahon. Nakahinga din siya ng maluwag dahil sa naging maayos na ang proyekto. Kung hindi nasiyahan si Mr. Rogers, baka kailangan niyang bayaran ang penalty dahil sa pagkawala ng kontrata. “Ava, narinig mo ba iyon? Hindi ko inaa
Read more

Kabanata 2162

“Ava, anong ginagawa mo? Bakit ka nakatulala at nakatayo lang dito?” Bumalik ang malay-tao ni Ava pagkatapos niyang matulala. “Maisie, may nakita akong nakakagulat sa lamesa ni Laura.” Kahina-hinalang napakurap si Maisie. “May nakakabigla? Ano yun?” “Ang disenyong binura ko kanina,” desididong tugon ni Ava at tumingala sa may opisina na nasa harapan niya. “Ava, kakasabi mo lang ba na nakita mo ang mga disenyong binura mo sa lamesa ni Laura kanina? Anong ibig sabihin nito?” Sumimangot si Maisie. Pagkatapos, inangat niya ang kanyang kamay at napakamot sa kanyang tenga. At nang nasabi niya ang katanungan na iyon, bumukas ang pintuan ng opisina ni Bill. Sumunod si Laura sa likod ni Bill na may malabong ngiti sa mukha nito. “Mga kasama, si Laura ay humawak ng isang hindi kapani-paniwalang proyekto para sa ating kumpanya, kaya upang ipagdiwang ang kaganapang ito, ang boss ay magdaraos ng isang piging sa pinakamalaking restawran sa Glendale ngayong gabi. Ang lahat ng mga em
Read more

Kabanata 2163

Medyo kakaiba ito para kay Maisie, pero wala sa mga kasamahan nila ang nakapansin sa pagbabago sa ekspresyon ni Laura. Nang maalala niya ang sinabi kanina ni Ava habang nakatayo ito malapit sa lamesa ni Laura, uminom ng kaunti si Maisie ng juice na nasa harapan niya. “Laura, ang galing mo naman. Masyadong pihikan si Mr. Rogers. Pinili niya talaga si Ava para gawin ang disenyo para sa kanya, pero hindi niya nagustuhan ang disenyo. Salamat sayo, lumaki pa ang bonus natin sa katapusan ng taon!” “Mabuti na lang, hindi pumunta si Ava ngayong gabi. Kung hindi, mahihiya ang lahat.” “Bakit naman tayo mahihiya? Si Ava dapat ang mahiya.” Ilan sa mga kasamahan nilang babae ang ngumisi ng hindi kaaya-aya. Hindi na kaya pang pakinggan ni Maisie ang bagay na ito. “Fiona, Kendra, hindi maganda na magsalita ng hindi maganda tungkol kay Ava. ang bait kaya ni Ava at nilibre pa nga niya ang lahat ng kape kanina. Sa tingin mo ba ay tama lang na sabihin iyon kay Ava ng nakatalikod ito?” An
Read more

Kabanata 2164

“Sige.” Tumango ng dahan-dahan ang lalake. Nang lilingon na siya para umalis, nakita niya si Maisie na masama ang loob habang hawak-hawak nito ang kanyang inumin. Nagtataka siyang tinanong ito sa palakaibigan na tono, “Miss, mukha hindi ka masaya. Meron ka bang problema sa trabaho?” Hindi nila inaasahan na mapapansin siya ng boss, kaya nagulantang si Maisie sa sandaling iyon. Pagkatapos, tumayo siya. Hindi siya mukhang nahihiya at diretsong sinabi, “Sir, salamat sa iyong pag-aalala pero wala naman po akong problema sa trabaho. Gusto ko lang sana nmakita ang disenyo na ginawa ni Laura ng sa gayon ay may matutunan kaming mga junior mula sa kanya, pero mukhang ayaw ni Laura na ipakita ito sa amin, kaya medyo masama ang loob ko.” Hindi inaasahan nila Bill at Laura na sasabihin ito ni Maisie. Naging hindi kaaya-aya ang kanilang ekspresyon. Ngumiti ang makisig na binatang boss. “Ganun ba, gusto mo lang matuto. Madali lang itong gawin.” Tinignan ng boss si Bill,. “Bill, dinala m
Read more

Kabanata 2165

Direktang binuking ni Maisie si Laura ng hindi man lang iniisip ang nararamdaman nito. Sabay na nanigas ang mga mukha ni Laura at Bill. Ang kanilang mga ekspresyon ay mukhang hindi natural. Samantala, mahinahon lang si Mr. Lowe. Higit pa doon, may elegante at malaking ngiti sa mukha nito. “Sinasabi mo ba na ninakaw ang disenyong ito? Meron ka bang pruweba?”“Tama si Mr. Lowe.” Mabilis na sumingit si Bill, at nilingon ang ulo nito upang panlisikan si Maisie ng may madilim na ekspresyon sa mukha nito. “Maisie, huwag kang manira ng iabng tao. Si Laura ang nakaisip ng disenyong ito at pinaghirapan niya ito. Anong pruweba na meron ka para sabihin na ninakaw niya ito? Bukod doon, si Ava ay abala sa pakikipag-date nitong mga nakaraan. Hindi siya makapag-pokus sa trabaho. Bukod pa doon, ang antas ng kanyang trabaho ay malaki ang binagsak nitong mga nakalipas at ang kanyang mga disenyo ay hindi maganda. Kaya paano mo nasabi na ninakaw ni Laura ang disenyo niya?” “Hindi ko siya
Read more

Kabanata 2166

Mabilis na nasagot ang tawag ni Maisie. Desidido siyang nagsalita nang diretso, "Ava, nasa Glendale Restaurant ako ngayon. May nakita akong interesanteng disenyo rito. Ang disenyo mo na tinanggihan ni Mr. Branson na binura mo ay na kay Laura ngayon. Sinasabi pa niya na kanya yun pero malinaw na sa'yo yun. Ava, pwede ka bang pumunta rito ngayon?" Habang nakinig sila sa mga salita ni Maisie, nagkatinginan sina Laura at Bill. Malamang ay medyo kinakabahan sila. Subalit, narinig nilang lahat ngayon lang na binura ni Ava ang disenyo noon. Kung kaya't hindi nila kailangang masyadong kabahan. Nang hihinga pa lang sila nang malalim para kumalma, bigla nilang narinig ang masayang sagot ni Maisie, "Ava, naghahapunan rin kayo ng mga kaibigan mo sa Glendale restaurant? Pupuntahan kita sa private room mo. Anong room number…" Sabi ni Maisie habang naglakad siya papunta sa pinto. Natatarantang tinignan ni Bill si Laura bago naglakad papunta sa tabi ni Mr. Lowe. "Mr. Lowe, kaka-graduate pa
Read more

Kabanata 2167

"Pagkatapos magsalita ni Ava nang pabiro, nilipat niya ang atensyon niya kay Laura na unti-unting bumabagsak ang mukha. "Ang totoo, nakita ko ang draft noong nagdala ako ng kape sa'yo ngayong hapon. Pero wala ako sa mood na ibuking ka non." Pagkasabi niya nito, tinignan niya si Bill na basa ng malamig na pawis ang noo. "Alam ko rin na gusto mo akong paalisin kaya sinabihan mo ako na magpahinga at umuwi. Bill, maraming taon na tayong magkatrabaho pero iniisip mo pa rin na hindi ko alam kung anong klaseng tao ka?" “...”Mas lalong namutla si Bill. Kahit na kinakabahan siya, hindi pa rin niya nakalimutan na sumagot. "Ava, anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihin na sinasadya kitang paalisin? Nakita ko na hindi mo pinagtutuunan ng pansin ang trabaho mo kaya sinabihan kita na magpahinga. Ayos lang kung hindi mo tatanggapin ang kabutihan ko, pero sinisiraan mo pa ako ngayon. I-Ikaw—" "Mga aso lang ang naninira ng ibang tao. Hindi ko gagawin yun. Sinasabi ko lang ang katotohanan,"
Read more

Kabanata 2168

Dahan-dahang kinuha ni Ava ang kanyang phone. Habang ginamit niya ito ay mabagal siyang nagsalita. "Mr. Branson, sinabi ko sa'yo na patapos na ako sa disenyo ni Mr. Rogers matagal na. Pero nasira ang laptop ko sa bahay kaya kailangang kong bumalik sa opisina para tapusin ito. Kahit na ganun, hindi ka nakinig sa'kin at sinabi mo na masyado akong busy na makipag-date, na hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang trabaho ko. At saka siguradong-sigurado ka na gumuhit lang ako ng kung ano bago ito ipasa. "Well, naayos na ang laptop ko at malinaw na pinapakita nito ang original kong disenyo, pati na rin ang mga oras noong ginagawa ko ito." “...”Kumibot ang labi ni Bill habang nanigas ang mukha ni Laura. Nang makita ni Maisie ang mga mukha nina Bill at Laura sa isang tabi, natuwa siya. "Kung ganun, nasaan ang orihinal mong disenyo?" Tanong ni Mr. Lowe. Ngumiti si Ava at tumalikod. "Ihahatid na to ng boyfriend ko ngayon din. Kani-kanina lang naayos ang laptop." Pagkatapos niyang sab
Read more

Kabanata 2169

"At ikaw!" Tinuro ni Maisie si Bill nang hindi nagpapakita ng kahit na anong respeto. "Alam mo na ninakaw niya ang gawa ni Ava pero pinili mo na magbulag-bulagan. Halatang may lihim kang relasyon sa kanya!" Mas lalong pinagpawisan ang noo ni Bill dahil hindi niya inasahan na direkta siyang aakusahan ni Maisie. "H-Hindi yun sa ganun." Sinubukan ni Bill na ipaliwanag ang kanyang sarili habang hindi na siya nagtangka na galitin si Maisie. Subalit, hindi niya alam kung anong sasabihin. "Kung hindi yun sa ganun, ano pala talaga ang nangyayari?" Biglang nagsalita si Mr. Lowe. Nang sinabi iyon ni Mr. Lowe, mas lalong nakasiguro si Bill na mayroong kakaiba sa pagitan nila ni Maisie. Nakikita niya na pinapanigan ng amo niya si Maisie. Tinaas ni Bill ang kamay niya para punasan ang pawis sa kanyang noo at nautal, "M-Malabo na ang paningin ko, kaya baka hindi ko to napansin. At saka tignan mo, mayroong ilang mga pagkakaiba sa dalawang disenyo na to…" "Kailangan mo pa bang pansinin a
Read more

Kabanata 2170

Mabilis siyang pinakalma ni Bill at sinara ang pinto ng private room. "Reyna ko, pakiusap, kailangang mong maging maingat sa pagsasalita mo. Hindi natin pwedeng kalabanin si Maisie!" "Anong ibig mong sabihin? Isa lang siyang fresh graduate, kaya bakit ka natatakot sa kanya? Hindi ka man lang makapagsalita nang pinasaringan ka niya." Umiral si Laura habang nagagalit. Hinawakan ni Bill ang balikat ni Laura para subukan siyang pakalmahin. Subalit, tinulak ni Laura ng kamay ni Bill sa pandidiri. Hindi nagalit si Bill. Sinubukan niya ulit na hawakan si Laura. Pero hindi siya iniwasan ni Laura sa pagakakataong ito. "Sabihin mo sa'kin, sino si Maisie? Bakit ka takot na takot sa kanya?" "Reyna ko, hindi mo ba nakikita? Palagi siyang pinapanigan at tinutulungan ni Mr. Lowe kanina lang. Kung hindi, paano tayo natalo?" Nang marinig iyon ni Laura na sabihin ni Bill, umirap ang kanyang magagandang mata at hindi siya makapaniwala. "Ibig mo bang sabihin may relasyon si Maisie kay Mr
Read more
PREV
1
...
215216217218219
...
248
DMCA.com Protection Status