"Pagkatapos magsalita ni Ava nang pabiro, nilipat niya ang atensyon niya kay Laura na unti-unting bumabagsak ang mukha. "Ang totoo, nakita ko ang draft noong nagdala ako ng kape sa'yo ngayong hapon. Pero wala ako sa mood na ibuking ka non." Pagkasabi niya nito, tinignan niya si Bill na basa ng malamig na pawis ang noo. "Alam ko rin na gusto mo akong paalisin kaya sinabihan mo ako na magpahinga at umuwi. Bill, maraming taon na tayong magkatrabaho pero iniisip mo pa rin na hindi ko alam kung anong klaseng tao ka?" “...”Mas lalong namutla si Bill. Kahit na kinakabahan siya, hindi pa rin niya nakalimutan na sumagot. "Ava, anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihin na sinasadya kitang paalisin? Nakita ko na hindi mo pinagtutuunan ng pansin ang trabaho mo kaya sinabihan kita na magpahinga. Ayos lang kung hindi mo tatanggapin ang kabutihan ko, pero sinisiraan mo pa ako ngayon. I-Ikaw—" "Mga aso lang ang naninira ng ibang tao. Hindi ko gagawin yun. Sinasabi ko lang ang katotohanan,"
Dahan-dahang kinuha ni Ava ang kanyang phone. Habang ginamit niya ito ay mabagal siyang nagsalita. "Mr. Branson, sinabi ko sa'yo na patapos na ako sa disenyo ni Mr. Rogers matagal na. Pero nasira ang laptop ko sa bahay kaya kailangang kong bumalik sa opisina para tapusin ito. Kahit na ganun, hindi ka nakinig sa'kin at sinabi mo na masyado akong busy na makipag-date, na hindi ko pinagtutuunan ng pansin ang trabaho ko. At saka siguradong-sigurado ka na gumuhit lang ako ng kung ano bago ito ipasa. "Well, naayos na ang laptop ko at malinaw na pinapakita nito ang original kong disenyo, pati na rin ang mga oras noong ginagawa ko ito." “...”Kumibot ang labi ni Bill habang nanigas ang mukha ni Laura. Nang makita ni Maisie ang mga mukha nina Bill at Laura sa isang tabi, natuwa siya. "Kung ganun, nasaan ang orihinal mong disenyo?" Tanong ni Mr. Lowe. Ngumiti si Ava at tumalikod. "Ihahatid na to ng boyfriend ko ngayon din. Kani-kanina lang naayos ang laptop." Pagkatapos niyang sab
"At ikaw!" Tinuro ni Maisie si Bill nang hindi nagpapakita ng kahit na anong respeto. "Alam mo na ninakaw niya ang gawa ni Ava pero pinili mo na magbulag-bulagan. Halatang may lihim kang relasyon sa kanya!" Mas lalong pinagpawisan ang noo ni Bill dahil hindi niya inasahan na direkta siyang aakusahan ni Maisie. "H-Hindi yun sa ganun." Sinubukan ni Bill na ipaliwanag ang kanyang sarili habang hindi na siya nagtangka na galitin si Maisie. Subalit, hindi niya alam kung anong sasabihin. "Kung hindi yun sa ganun, ano pala talaga ang nangyayari?" Biglang nagsalita si Mr. Lowe. Nang sinabi iyon ni Mr. Lowe, mas lalong nakasiguro si Bill na mayroong kakaiba sa pagitan nila ni Maisie. Nakikita niya na pinapanigan ng amo niya si Maisie. Tinaas ni Bill ang kamay niya para punasan ang pawis sa kanyang noo at nautal, "M-Malabo na ang paningin ko, kaya baka hindi ko to napansin. At saka tignan mo, mayroong ilang mga pagkakaiba sa dalawang disenyo na to…" "Kailangan mo pa bang pansinin a
Mabilis siyang pinakalma ni Bill at sinara ang pinto ng private room. "Reyna ko, pakiusap, kailangang mong maging maingat sa pagsasalita mo. Hindi natin pwedeng kalabanin si Maisie!" "Anong ibig mong sabihin? Isa lang siyang fresh graduate, kaya bakit ka natatakot sa kanya? Hindi ka man lang makapagsalita nang pinasaringan ka niya." Umiral si Laura habang nagagalit. Hinawakan ni Bill ang balikat ni Laura para subukan siyang pakalmahin. Subalit, tinulak ni Laura ng kamay ni Bill sa pandidiri. Hindi nagalit si Bill. Sinubukan niya ulit na hawakan si Laura. Pero hindi siya iniwasan ni Laura sa pagakakataong ito. "Sabihin mo sa'kin, sino si Maisie? Bakit ka takot na takot sa kanya?" "Reyna ko, hindi mo ba nakikita? Palagi siyang pinapanigan at tinutulungan ni Mr. Lowe kanina lang. Kung hindi, paano tayo natalo?" Nang marinig iyon ni Laura na sabihin ni Bill, umirap ang kanyang magagandang mata at hindi siya makapaniwala. "Ibig mo bang sabihin may relasyon si Maisie kay Mr
Natutukoy ni Ava na ito ang mga boses ng kanyang mga katrabaho sa iisang departamento.“Kaya pala. Sinong gagawa ‘nun kung wala silang ganoong relasyon?” “Oo, naaalala mo ba kung gaano siya kasaya tingnan kagabi? Napakayabang!”Ang dalawang taong sinita ni Maisie kahapon, si Fiona at Kendra ay nagbubulungan nang malakas sa loob ng elevator. Binanggit pa nila ang pangalan ni Maisie. Maraming mga empleyado mula sa ibang departamento ang nandoon, at ilan sa kanila ang nakarinig sa usapan. Pagkatapos, sinabi nila sa mga katrabaho nila ang tungkol dito. Hindi nagtagal, kumalat ang balita sa lahat.Hindi na kaya ni Ava na pakinggan ito, kaya nang makarating sa palapag nila ang elevator, sinundan niya palabas ang dalawang katrabaho niya.“Fiona, Kendra,” Tinawag niya ang dalawang babae sa harapan niya.Tumigil si paglalakad si Fiona at Kendra at kalaunang napagtantong nandoon din sa elevator si Ava.Nang maalala nila ang sinabi nila sa elevator kanina lang, nagsimulang sumama ang mu
Nahuhulaan ni Ava kung anong nangyayari. Kaagad niyang tinapos ang tawag nila ni Madeline at sinubukang pagaanin ang loob ni Maisie. “Maisie, pakiusap huwag kang maging emosyonal.” “Teka Ava, anong narinig ko? Sabi mo trending kami ni Mr. Lowe. Anong ibig-sabihin nito?” Nagmamadaling tanong ni Maisie.Silang dalawa sa isang tabi ay hindi makapaghintay na sabihin kay Maisie kung anong nangyayari nang makita niyang nagdadalawang-isip si Ava. “Maisie, hindi mo ba alam kung anong nangyari? May nagkalat ng relasyon niyo kay Mr. Lowe online!” “Ano? Anong relasyon niyo kay Mr. Lowe?” “Oo! Hindi ka ba nagpupunta sa internet para manood ng mga video? Nakakalat ito sa internet. May patunay pang may kakaiba kang relasyon kay Mr. Lowe!”“May nagsabi pang nagsumbong ka kay Mr. Lowe, kaya kinampihan ka niya at sinisante si Laura.” “Nagsumbong ako?” Galit na tinuro ni Maisie ang kanyang sarili. “Kailangan ko pa bang gawin ‘yun? Malinaw na may masamang balak si Laura at ninakaw niya ang ga
Nakita ni Bill na ang superior niya ito, natakot siya nang sobra at tumagaktak ang malalamig na pawis sa kanya.“M-Mr. Lowe, nandito ka,” Maamo siyang bumati.Lumapit si Tom at yumuko para tingnan si Maisie na mukhang matapang. “Anong nangyari? Bakit galit na galit ka?”Nanggigigil si Maisie habang tinititigan niya nang masama si Bill na hindi man lang makapagsalita nang maayos. “Itanong mo sa kanya!”Tinignan nang diretso ni Tom si Bill pagkatapos niyang marinig ito. “Sagutin mo ako.”Nang marinig ito ni Bill, lalo siyang natakot.Itinaas ng mga tao sa opisina ang nanlalaki nilang mata para tumingin sa direksyon kung nasaan sila.Atsaka. Natutukoy nilang may kakaiba sa pagitan ni Tom at Maisie kung titignan kung gaano kaamo at kapasensyoso sa ito sa kanya.Paano nagagawa ng isang normal na empleyadong kausapin nang ganoon ang amo nila?Pantasya ‘yun! Nang makita nila ito, lalong nagalak si Fiona at Kendra. “Nakita mo ba ‘yan? Ang sinasabi sa internet ay totoo! Naniniwala
”Maisie, saan ka nagpunta?”“Lumabas ako para hanapin si Laura pero hindi ko siya mahanap,” Matapat na sinabi ni Maisie kay Ava at umupo. Pagkatapos, tinignan niya nang masama ang direksyon kung nasaan si Bill. “Dapat malaman niya.”Naunawaan ni Ava kung anong pinaparating ni Maisie, at pinakalma niya si Maisie at sinabi, “Sige, huwag ka nang magalit. Naniniwala ako sa’yo. Ang mga bagay na ‘yun online ay peke. Inosente kayo ni Mr. Lowe.”Nang marinig ni Maisie na sinabi ito ni Ava, gumaan ang pakiramdam niya.Ngunit kahit naniwala sa kanya si Ava, hindi naniwala sa kanya ang iba nilang katrabaho.Nitong tanghalian, gusto ni Ava na bilhan ng pagkain si Maisie ngunit tumakas si Maisie pagkatapos niyang sabihing gusto niyang magpunta ng banyo.Matagal na naghintay si Ava ngunit hindi pa rin niya makita si Maisie. Kaya nang tatawagan na niya si Maisie, ang dalawang pakialamera ay lumapit.“Ava, hinihintay mo pa rin ba si Maisie? Nakita ko siyang papunta sa opisina ni Mr. Lowe ngayon