Nang sabihin ito ni Maisie, mukhang nanigas ang buong opisina.Ano? Anong sinabi niya?Nitong nakaraang 22 taon pa siya sinusuportahan ni Tom?22 taon?Naalala nilang kakatapos pa lang ni Maisie, kaya nasa 22 o 23 taong gulang na siya. Ibig-sabihin ba nito na kilala na siya ni Tom mula pa noong ipanganak siya?Anong ibig-sabihin nito?Nagulat ang lahat.Hinawakan ni Laura ang pisngi niyang sumasakit dahil sa sampal, at mukha siyang gulat na gulat.“A-Anong ibig-sabihin mo?” Nagtaka siya.Humigpit ang hawak ni Maisie sa kwelyo ni Laura. “Hindi mo pa rin ba naiintindihan, tanga ka?”“...” Nagdilim ang mukha ni Laura pagkatapos siyang mabugbog at mapagsalitaan nang masama.Sinusubukan niyang tumakas sa pagkakahawak ni Maisie ngunit napakalakas ni Maisie.“Bakit? Hindi ba masarap sa pakiramdam? Dapat alam mong ganito ang mangyayari sa’yo noong ikinalat mo ang mga bagay na ‘yun online para siraan ako!”“...”Nanood si Ava sa isang tabi, at wala siyang balak na pigilan si Mai
Napakapranka si Tom. hindi siya nagpaligoy-ligoy bago siya pumunta sa paksa ng usapan. “Nang pumasok ako dito, narinig ko na tinatanong mo si Mai ng ‘anong pruweba ang meron ka para sabihin na siya ang nagkalat ng pekeng balita online?’ Wala siyang pruweba, pero ako meron.” “...”“Inutusan ko ang mga taga-IT na hanapin ang IP address ng taong unang nag-post ng balitang iyon online. Tiyak kong masasabi na alam ko na ikaw ang gumawa nito. Isa pa, tinawagan ko ang pulis para ayusin ito. Pwede mong kausapin ang mga pulis kung meron ka pang ibang katanungan mamaya.” “...”Nanigas ng tuluyan ang mukha ni Laura ng marinig niya ito. Nakatayo lang si Bill sa isang tabi, at humakbang siya ng ilang beses paatras dahil sa sobrang takot niya. Natatakot siya na madamay. Pagkatapos matigilan ni Laura ng mga ilang segundo, pakiramdam niya ay baka tinatakot lang siya ni Tom, kaya suminghal siya. “Tumawag ka ng pulis? Ewan ko sayo. Hindi ko naman ginawa ang bagay na iyon. Inosente ako! Is
Isang mapagmataas na boses ang biglang umalingawngaw ng malakas sa tenga ng lahat. Pagkatapos, isang babae na mukhang suot ang lahat ng mamahalin na brand sa mundo sa kanyang katawan ang lumitaw sa harapan ni Laura na may malakas na aura pagkatapos nitong maglakad sa kalagitnaan ng mga tao. Ang babaeng ito ay inangat ang mga seryoso nitong mga mata. May bahid ng walang takot at katatagan sa mga ito na kahawig ng kay Maisie. Tinignan niya is Laura na ang mukha ang namumula at namumutla bago inangat ang kanyang kamay para sampalin siya sa mukha. “Ah!” napasigaw sa sakit si Laura. Bago pa man niya maunawaan kung ano na ang nangyayari, muli nanaman niyang naramdaman ang nanunuot na sakit sa kanyang mukha. Hinawakan ni Laura ang kanyang mukha at tumingala para panlisikan ang babae. “A-ang lakas naman ng loob mong sampalin ako?!” “Oo, sinampal kita dahil nararapat lang sa iyo na masampal. Hindi nagkalat ng ganung tsismis online, kung ganun! Mabuti nga at sinampal lang kita dahil
Kahit na marami siyang hula sa kanyang isipan bago ito, hindi niya naisip na sina Maisie at tom ay magkapatid. Hindi na alam ni Laura ang kanyang gagawin. Subalit, higit pa doon, may bakas ng ingit ang kanyang mga maya. Naiingit siya!Si Maisie ay kapatid ni Tom. Si Bill, na nagtatago sa isang sulok, ay gulat na gulat din. Akala niya ay natuklasan niya ang tungkol sa malaswang relasyon nila Tom at Maisie pero hindi niya inaasahan na magkamag-anak sila! Magkapatid pala sila!Kanina lang, sinabi din ng mga pulis na gusto nilang tanungin si Laura dahil sa isa sa mga kaso na kinasasangkutan nito ay tungkol sa pagnanakaw ng pera ng kumpanya. Sangkot din dito si Bill, kaya wala na siyang kawala pa. . Hindi nagtagal ay dinakip na ng mga pulis si Laura, samantala si Tom at ang kanyang ina ay sinundan ang mga pulis pabalik sa istasyon para tumulong sa imbestigasyon. Nang paalis na sila, lumingon si Tom upang tawagin si Bill, na namumutla na ang mukha. Nanlamig bigla ang katawan n
“Ava, siguradong aangat ka sa iba sa laban na ito para sa posisyon bilang department head. Tiyak na makukuha mo ang posisyon.” Ang tiyak na tono ni Maisie ay pumasok sa tenga ni Fiona at sa grupo nito. Kahit na hindi ito maganda pakinggan at naiinis na si Fiona, hindi siya naglakas-loob na pumunta at sagutin si Maisie. Alam ng lahat na si Maisie ay ang kapatid ng boss nilang si Mr. Lowe. Kasabay nito, alam din nila na malapit sila Maisie at Ava. Sinasabi ni Maisie na makukuha ni Ava ang posisyon bilang head ng design department at natural lang na sarado na ito. Naiinis na si Fiona pero bigla, narinig niya si Ava na nagsalita na may kasamang pahamak na tawa. “Ang totoo, mas gusto ko pa ang kasalukuyang posisyon ko. Kailangan kong asikasuhin ang maraming bagay bilang isang head. Ang isang tamad at walang pakialam na katulad ko ay hindi magagawang makuha ang ganung posisyon.” Naiinis na tumawa si Fiona nang marinig niya kung ano ang sinabi ni Ava. pakiramdam niya ang nagpap
Tinignan niya si Fiona ng puno ng pagkadismaya, pagkatapos ay inayos ang kanyang sarili bago sagutin si Daniel. “Danny, ako ‘to. Naiwan ko ang phone ko sa may lamesa ko at bumalik ako para kunin ito. May kailangan ka ba sa akin?”Nang marinig ni Daniel ang boses ni Ava, kaagad naging mabuti ang pakiramdam nito. “Nagkataon na malapit lang ako ngayon sa opisina niyo kaya nagtataka ako kung pwede ba kitang yayain na kumain sa labas?” “Ano? Nasa baba ka ngayon?” Naglakas si Ava papunta sa bintana habang nagsasalita. Pagkatapos, tumingin siya sa labas. Kahit na mataas ang gusali, nakita pa rin niya ang pamilyar na kotse na nakaparada sa tabi ng kalsada sa labas ng entrancde ng gusali. Isang masayang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. “Baba na ako ngayon. Pakiusap hintayin mo ko.” Pagkatapos, binaba na ni Ava ang tawag ng masaya at lumingon upang lumabas ng opisina. “Ava, sinagot ni Fiona ang hone mo para sayo. Anong klaseng ugali yan? Hindi mo man lang siya pasasalamatan.”
Binaba ni Daniel ang mga mata niya na puno ng pag-aalala. Sa sandaling ito, para bang hindi siya nagtatangkang tumingin kay Ava. Pagkatapos manatiling tahimik nang ilang segundo, binuka niya ang kanyang mga labi. "Ngayong Linggo." Hinigpitan ni Ava ang mga kamao niya, pero para bang pinakalma niya ang sarili niya. Ngumiti siya kay Daniel. "Sige, mabuti na gagawin niyo to nang mas maaga para matapos na din to nang maaga." Pagkatapos sabihin iyon ni Ava, kinuha niya ulit ang tinidor niya para magpatuloy na kumain. "Sana gumanda na ang kondisyon ng lolo mo para kapag nangyari yun, hindi niyo na kailangang magpanggap ni Naya." “Ava.”Biglang hinawakan ni Daniel ang kamay ni Ava. Kahit na mayroong ngiti sa kanyang mukha, alam niya na hindi siya masaya tungkol dito. "Ava, kailangan mo kong paniwalaan. Pansamantala lang ang pekeng engagement ko kay Naya. Ang taong gusto ko talagang pakasalan ay ikaw." Ngumiti si Ava at tumango pagkatapos niyang marinig iyon. "Syempre, naniniwala ak
Nang marinig ni Naya ang mga katulong na inanunsyo ang pagdating ni Daniel, mabilis siyang nagpakita ng isang mabait at matamis na ngiti. Tumayo siya at hinarap si Daniel. "Dan, nakauwi ka na." Magalang na tumango si Daniel. "Bakit ka nandito?" "Dan, anong klaseng tanong yan? Malapit mo nang maging fiancée si Naya. Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit siya nandito?" Nakangiti ang nanay ni Daniel pero pinagalitan niya siya. "Dan, halika rito. Ang tagal naghintay ni Naya para sa'yo. Hindi pa kumakain ng tanghalian ang batang to kasi gusto ka niyang hintayin." "Hindi, Mom. Wag kang magsabi ng ganyan." Namula ang mukha ni Naya na para bang nahiya siya. Gayunpaman, kalmadong naglakad si Daniel sa sala. "Bakit mo ko hinihintay?" Ngumiti si Naya at naglakad papunta kay Daniel. "Dan, ie-engage na tayo sa Linggo at medyo minadali ang lahat. Naihanda na nina Mom at Dad ang mga bagay na kailangan para sa ceremony. Pero, umaasa ang nanay ko at ang iba pa na tayong dalawa an