Tinignan niya si Fiona ng puno ng pagkadismaya, pagkatapos ay inayos ang kanyang sarili bago sagutin si Daniel. “Danny, ako ‘to. Naiwan ko ang phone ko sa may lamesa ko at bumalik ako para kunin ito. May kailangan ka ba sa akin?”Nang marinig ni Daniel ang boses ni Ava, kaagad naging mabuti ang pakiramdam nito. “Nagkataon na malapit lang ako ngayon sa opisina niyo kaya nagtataka ako kung pwede ba kitang yayain na kumain sa labas?” “Ano? Nasa baba ka ngayon?” Naglakas si Ava papunta sa bintana habang nagsasalita. Pagkatapos, tumingin siya sa labas. Kahit na mataas ang gusali, nakita pa rin niya ang pamilyar na kotse na nakaparada sa tabi ng kalsada sa labas ng entrancde ng gusali. Isang masayang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. “Baba na ako ngayon. Pakiusap hintayin mo ko.” Pagkatapos, binaba na ni Ava ang tawag ng masaya at lumingon upang lumabas ng opisina. “Ava, sinagot ni Fiona ang hone mo para sayo. Anong klaseng ugali yan? Hindi mo man lang siya pasasalamatan.”
Binaba ni Daniel ang mga mata niya na puno ng pag-aalala. Sa sandaling ito, para bang hindi siya nagtatangkang tumingin kay Ava. Pagkatapos manatiling tahimik nang ilang segundo, binuka niya ang kanyang mga labi. "Ngayong Linggo." Hinigpitan ni Ava ang mga kamao niya, pero para bang pinakalma niya ang sarili niya. Ngumiti siya kay Daniel. "Sige, mabuti na gagawin niyo to nang mas maaga para matapos na din to nang maaga." Pagkatapos sabihin iyon ni Ava, kinuha niya ulit ang tinidor niya para magpatuloy na kumain. "Sana gumanda na ang kondisyon ng lolo mo para kapag nangyari yun, hindi niyo na kailangang magpanggap ni Naya." “Ava.”Biglang hinawakan ni Daniel ang kamay ni Ava. Kahit na mayroong ngiti sa kanyang mukha, alam niya na hindi siya masaya tungkol dito. "Ava, kailangan mo kong paniwalaan. Pansamantala lang ang pekeng engagement ko kay Naya. Ang taong gusto ko talagang pakasalan ay ikaw." Ngumiti si Ava at tumango pagkatapos niyang marinig iyon. "Syempre, naniniwala ak
Nang marinig ni Naya ang mga katulong na inanunsyo ang pagdating ni Daniel, mabilis siyang nagpakita ng isang mabait at matamis na ngiti. Tumayo siya at hinarap si Daniel. "Dan, nakauwi ka na." Magalang na tumango si Daniel. "Bakit ka nandito?" "Dan, anong klaseng tanong yan? Malapit mo nang maging fiancée si Naya. Ano pa ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit siya nandito?" Nakangiti ang nanay ni Daniel pero pinagalitan niya siya. "Dan, halika rito. Ang tagal naghintay ni Naya para sa'yo. Hindi pa kumakain ng tanghalian ang batang to kasi gusto ka niyang hintayin." "Hindi, Mom. Wag kang magsabi ng ganyan." Namula ang mukha ni Naya na para bang nahiya siya. Gayunpaman, kalmadong naglakad si Daniel sa sala. "Bakit mo ko hinihintay?" Ngumiti si Naya at naglakad papunta kay Daniel. "Dan, ie-engage na tayo sa Linggo at medyo minadali ang lahat. Naihanda na nina Mom at Dad ang mga bagay na kailangan para sa ceremony. Pero, umaasa ang nanay ko at ang iba pa na tayong dalawa an
Pagkatapos sabihin ni Daniel sa kanya na gaganapin na ang pekeng engagement nila ni Naya sa Linggo, nagsimulang maging mailap si Ava. Nagsisinungaling siya kung sasabihin niya na wala siyang pakialam. Kahit na peke lang ito, hindi pa rin siya mapalagay. Napansin ito ni Maisie na nakaupo sa kanyang tabi. "Ava, may problema ka ba? Bakit mukhang problemado ka?" Nag-aalalang tanong ni Maisie. Nahimasmasan si Ava at umiling para itanggi ito. "Hindi, iniisip ko lang kung paano ko gagawin yung susunod na design." "Parang hindi eh." Ngumiti si Maisie at kumurap. "Ava, nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" Lumingon si Ava nang nakangiti nang marinig iyon. "Kailan ka pa naging mausisa?""Hindi ako mausisa. Nag-aalala lang ako sa'yo." Diin ni Maisie nang may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Nang marinig ito ni Ava ay nanahimik siya. Mas lalong nakasiguro si Maisie na mayroon siyang problema. "Ava, pwede mong sabihin sa'kin kung mayroong hindi nagpapasaya sa'yo. Mabuting kaibig
Pagkatapos ng isang sandali, natanggap niya ang sagot ni Naya. Nakita na ni Maisie si Daniel sa ibaba ng kumpanya kaya nang makita niya ang larawan na pinadala sa kanya ni Naya, kaagad niyang nakilala na iisang tao lang sila. Gayunpaman, para bang kinuha ni Naya ang larawan nito habang hindi ito napapansin ni Daniel. "Diyos ko, grabe naman ang pagkakataon," sabi ni Maisie. Lumapit si Tom para tumingin, pero kalmado pa rin siya. "Siya ang young master ng mga Graham. Hindi to madali." "Anong sabi mo, Tom? Kilala mo ang boyfriend ni Ava?" "Siya si Daniel Graham. Siya ang young master ng mga Graham, isa sa apat na pinakamayamang pamilya sa Glendale. Magpakumbaba siya at marangal. Narinig ko ang tungkol sa kanya noong nag-aaral pa ako." "Napakagaling ba niya at perpekto?" Tanong ni Maisie. "Base sa alam ko, mayroon siyang mabuting karakter at palakaibigan pagdating sa tao ay mga bagay. Para bang walang mali sa kanya." Napakataas ng sinabi ni Tom tungkol kay Daniel. Gayun
Habang tinginan niya ang anyo na sumunod kay Naya papasok ng hotel, biglang nanginig ang puso ni Ava sa hindi maipaliwanag na paraan. Naisip niya kung paano niya sinabi kay Maisie ang tungkol sa pekeng engagement nitong Biyernes. Habang nakatingin sa eksena sa harapan niya, biglang binuksan ni Ava ang pinto at bumaba ng kotse. Subalit nang makarating siya sa pinto ng banquet hall, pinigilan siya ng attendant sa pintuan at sinabihan siya na ipakita ang kanyang invitation card. Syempre, walang invitation card si Ava. Tumabi siya at tinawagan kaagad si Madeline. Pagkatapos malaman ni Madeline ang sitwasyong ito, sinabihan niya si Ava na maghintay. Pagkatapos ng ilang sandali, nagmamadaling lumapit ang manager ng hotel. Sa sandaling nakita niya si Ava na naghihintay sa entrance ng banquet hall, kaagad siyang lumapit at magalang na bumati. "Kayo po ba si Ms. Long?" "Tumango si Ava. "Opo, ako nga. Hello." *Hello, Ms. Long. Tinawagan ako ni Mrs. Whitman ngayon lang para ipaliwan
“Oh, mabuti at napakasalan ni Dan ang isang napakabait na babaeng tulad mo Naya.” Paulit-ulit na pinuri ng nanay ni Daniel si Naya, para bang nakakalimutan kung gaano kagaling ang sarili niyang anak. Habang pinapakinggan niya ang mga papuri ng mga kamag-anak at kaibigan niya, ibinaba ni Naya ang tingin niya bago ito itaas muli. “Mrs. Graham, masyado naman mataas ang tingin mo sa akin. Hindi ako kasinggaling ng sinasabi mo. Napakaswerte kong ikinasal ako kay Dan.”“Pakinggan niyo kung gaano kahabag ang loob ni Naya.” Pinuri siya ulit ng nanay ni Daniel. “Ang magkaroon ng ganito kabait at maunawaing manugang na tulad mo ay isang biyaya para sa mga Graham.” Namula sa hiya si Naya nang marinig niya ito. Puno rin ng kayabangan ang mukha ng nanay ni Naya. “Naya, magkakaroon ka ng magandang buhay kasama ni Daniel sa hinaharap. Ngayong engaged na kayo, hindi na kayo iba sa mag-asawa. Kapag nakita mo ulit si Ava, sabihin mo sa kanya na ikaw ang daughter-in-law ng mga Graham. Sabihin mo
Alam ni Ava na magpapadalos-dalos si Maisie, kaya humakbang siya at hinablot ito. “Maisie, ‘wag kang lalabas.”Si Maisie na napahinto ay lumingon nang nagtataka. “Bakit hindi? Alam mong lahat sila ay nagsasabwatan para lokohin ang boyfriend mo. Pinag-usapan ka pa nila nang ganoon. Paano mo natitiis ito Ava?”‘Paano ko natitiis ito?’Medyo nabigla si Ava. Nang maalala niya ang nakaraan, tila ba dati siyang isang prangkang taong hindi pinipigilan ang lahat ng inis sa loob niya. Hindi siya natatakot kahit noong inaway niya si Jeremy. Paano siya nagkaganito? Hindi mapigilang matawa ni Ava. Mukhang unti-unti siyang lumambot para kay Daniel. Kusa siyang nagpigil nang paunti-unti at nagtiis para sa relasyong ito. Kahit na alam niyang hindi talaga siya gusto ng mga Graham, sinalubong niya pa rin ito nang nakangiti. Ito ay dahil alam niyang ang pag-ibig ay hindi isang bagay sa pagitan ng dalawang tao kundi isang bagay sa pagitan ng dalawang pamilya, o maging ng dalawang malakin
Si Gina, na nakatayo sa tapat ng pinto, ay nakita ang eksenang ito at papasok na sana nang bigla siyang pigilan ng kanyang asawa.“Huwag ka nang gumawa ng gulo. Gusto mo ba talagang maging binata ang anak mo sa buong buhay niya?”“Sino bang nagsabing gagawa ako ng gulo? Sasabihin ko sa kanila na pumapayag na ako sa kasal na ito, okay?”Nabigla ang asawa niya. “Pumapayag ka na dito?” Sasagot na sana si Gina nang sa sulok ng mga mata niya, bigla niyang napansin ang mga ilaw sa silid. Nasundan ito ng mga hiyaw at palakpakan mula sa loob.Inalis ni Ava ang kanyang sarili sa pagkakayakap ni Daniel. Nagulat siyang makita si Madeline at Jeremy, ang mga magulang niya, at maging si Tom at Maisie na dahan-dahang lumalapit sa kanila nang nakangiti.Tulalang napatitig si Ava kay Madeline. Pagkatapos, doon lang niya naunawaan na nagsabwatan ang lahat ng mga ito para ihanda ito.Siya lamang at ang mga magulang ni Daniel ang hindi nakakaalam.Hindi kailanman binalak ni Daniel na iwan siya. G
Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito.Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.”“Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.”“Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya.Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito.“Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na b
Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse.“Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo.Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?”Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya.“Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel. Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.‘Dan, napagpasya
“Uuwi na ako!”Tumakbo pabalik si Gina. Pagkatapos, bigla siyang lumingon at pinigilan si Ava na susunod na sa kanya.“‘Wag kang susunod sa akin! Hindi ka tanggap sa pamamahay namin.”Sa kabila ng babala ni Gina, hindi mapigilan ni Ava na hanapin si Daniel. Hindi niya alam kung anong nangyayari. Paanong biglang nakaalis nang mag-isa si Daniel? Malinaw na nasa coma siya sa ospital. Hindi siya gumising sa mga araw na iyon. Habang papunta doon, tinawagan ni Ava si Daniel, ngunit hindi sumagot si Daniel.Hindi alam ni Ava kung dala ba ni Daniel ang phone niya, ngunit sa madaling salita, hindi niya ito makausap.Gustong-gusto niyang tumayo sa harapan ni Daniel ngayon na, ngunit mabagal ang daloy ng trapiko.Nang masundan ni Ava si Gina sa pintuan ng Graham Manor, narinig niya ang malakas na boses ni Gina. “Ano? Nawawala si Dan? Saan siya nagpunta? D-Diba kagigising lang niya? Anong nangyayari?”“Tingnan mo ito at malalaman mo kung anong nangyayari.” mukhang may pinagagalitan ang
Natulala sandali si Ava sa ward na walang laman. Pagkatapos, nahimasmasan siya at kaagad niyang hinanap si Daniel.Ngunit pagkatapos maghanap nang matagal, hindi nahanap ni Ava si Daniel, kaya nabahala siya.Sa sandaling ito, dumating rin si Gina.Nakita niyang walang laman ang ward, at si Daniel na dapat na nakahiga sa kama ay naglaho.“Anong nangyayari? Nasaan si Dan? Inilayo ba ng doktor si Dana?” tumingin si Gina kay Ava at nagtanong nang mukhang naiinis. Sanay na si Ava sa ugali ni Gina, kaya hindi na siya nakipagtalo pa kay Gina. Sa halip, sumagot siya, “Gusto ko ring malaman.”“Paanong hindi mo alam? Nauna kang dumating sa akin.” “Wala na sa ward si Dan pagdating ko,” sinabi ni Ava at tumalikod. “Pupunta ako sa nurse station para magtanong.”“Sandali.” Hinablot ni Gina si Ava, habang ang kanyang mukha ay nagdidilim.“Ava, sasabihin ko sa’yo. Ang dami nang pinagdusahan ni Dan dahil sa’yo. Dahil sa’yo, nakulong si Naya at ang kanyang nanay. Malinaw na hindi ka nababag
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.” Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie. Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.” Ngumiti si Julie at u
"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya.
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet. Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video. Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin. Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty. "Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?" Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson." "Ano?" "Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin." "Ano? Nakababatang kapatid si