“Oh, mabuti at napakasalan ni Dan ang isang napakabait na babaeng tulad mo Naya.” Paulit-ulit na pinuri ng nanay ni Daniel si Naya, para bang nakakalimutan kung gaano kagaling ang sarili niyang anak. Habang pinapakinggan niya ang mga papuri ng mga kamag-anak at kaibigan niya, ibinaba ni Naya ang tingin niya bago ito itaas muli. “Mrs. Graham, masyado naman mataas ang tingin mo sa akin. Hindi ako kasinggaling ng sinasabi mo. Napakaswerte kong ikinasal ako kay Dan.”“Pakinggan niyo kung gaano kahabag ang loob ni Naya.” Pinuri siya ulit ng nanay ni Daniel. “Ang magkaroon ng ganito kabait at maunawaing manugang na tulad mo ay isang biyaya para sa mga Graham.” Namula sa hiya si Naya nang marinig niya ito. Puno rin ng kayabangan ang mukha ng nanay ni Naya. “Naya, magkakaroon ka ng magandang buhay kasama ni Daniel sa hinaharap. Ngayong engaged na kayo, hindi na kayo iba sa mag-asawa. Kapag nakita mo ulit si Ava, sabihin mo sa kanya na ikaw ang daughter-in-law ng mga Graham. Sabihin mo
Alam ni Ava na magpapadalos-dalos si Maisie, kaya humakbang siya at hinablot ito. “Maisie, ‘wag kang lalabas.”Si Maisie na napahinto ay lumingon nang nagtataka. “Bakit hindi? Alam mong lahat sila ay nagsasabwatan para lokohin ang boyfriend mo. Pinag-usapan ka pa nila nang ganoon. Paano mo natitiis ito Ava?”‘Paano ko natitiis ito?’Medyo nabigla si Ava. Nang maalala niya ang nakaraan, tila ba dati siyang isang prangkang taong hindi pinipigilan ang lahat ng inis sa loob niya. Hindi siya natatakot kahit noong inaway niya si Jeremy. Paano siya nagkaganito? Hindi mapigilang matawa ni Ava. Mukhang unti-unti siyang lumambot para kay Daniel. Kusa siyang nagpigil nang paunti-unti at nagtiis para sa relasyong ito. Kahit na alam niyang hindi talaga siya gusto ng mga Graham, sinalubong niya pa rin ito nang nakangiti. Ito ay dahil alam niyang ang pag-ibig ay hindi isang bagay sa pagitan ng dalawang tao kundi isang bagay sa pagitan ng dalawang pamilya, o maging ng dalawang malakin
“Lahat sila ay gustong gawing totoo ang pekeng engagement na ito. Ang boyfriend mo na lang ang walang alam tungkol dito.” Bumuntong-hininga si Ava at natawa nang marinig ito. “Napakasama nila, akala ko mapapaigi ng pagsuko ko ang kalusugan ng matanda, pero ang totoo nagsasabwatan lang sila para lokohin ako.” “Ava, ‘wag mong hayaan ang mga tusong taong ito. Lumapit ka na at sabihin mo sa boyfriend mo ang totoo. Huwag kang matakot. Kakampi ako sa’yo at sa hustisya anumang mangyari!”Pagkatapos mangako ni Maisie, hinablot niya si Ava at naglakad patungo sa bulwagan.Napakasaya ng paligid sa sandaling ito. Siguro gustong gawing opisyal ng mga tusong taong ito ang tungkol dito, kaya nagtawag sila ng maraming mga mamamahayag. Kahit anong mangyari, ang mga Graham ay isa ring mayamang pamilya sa Glendale. Siguradong gugustuhin ng media na magsulat tungkol sa kanila. Sa sandaling ito, maraming tao ang nag-uusap sa paligid ni Daniel. Lumapit si Naya kay Daniel habang inaalalayan ng ma
Masama ang timpla ni Daniel kanina dahil kinailangan niyang makisama sa pekeng engagement ni Naya, ngunit nang makita niya si Ava at narinig niya ang sinabi nito, kaagad na gumanda ang timpla niya. “Talaga? Hindi ka na makapaghintay na ikasal sa akin?” Niyakap nang mahigpit ni Daniel si Ava, at ang paraan ng pagsasalita niya ay nagpahalatang sobrang saya niya. Hindi na siya makapaghintay na dumating ang araw na iyon.Ngumiti si Ava at tumigil sa pagyakap sa kanya. Ipinakita ng mata niya kung gaano siya kasaya habang nakatingin siya sa malambing na mata ni Daniel.“Syempre. Bakit naman ako pupunta? Akala mo ba nagseselos ako?”“Uh-huh. Syempre naman, akala ko nagseselos ang girlfriend ko at hindi nagtitiwala sa akin.” Biniro siya ni Daniel.“At bakit naman mangyayari ‘yun? Buong-puso akong nagtitiwala sa boyfriend ko, pero kasinungalingan ang sabihing hindi ako nagseselos.” Tumawa rin si Ava, ngunit nagsimulang sumakit ang puso niya para kay Daniel.Mukhang si Daniel lang ang w
“W-Wala ‘yun, Mrs. Graham! Umalis na lang tayo!” Humakbang paharap si Naya at hinawakan ang kamay ni Mrs. Graham, habang nagpapanggap na ilalayo ito. Sa sandaling ito, lalong naramdaman ni Mrs. Graham na kakaiba ang kinikilos ni Naya, kaya naintriga siya lalo. Gusto niyang makita kung anong nangyayari. Itinulak niya si Naya at kaagad niyang nakita si Daniel at Ava na nakatayo sa pasilyo. Nag-uusap sila at nagtatawanan nang malambing. Kaagad na umangat ang galit ni Mrs. Graham. “Kalokohan ito!” Galit na sinabi ni Mrs. Graham, “Ie-engage na kayo ni Daniel! Ang kapal naman ng mukha niyang magpunta para lituhin siya?! Huwag kang mag-alala Naya. Lalapitan ko siya at sasabihin kong lumayas siya! Maghintay ka dito.” Nang matapos sa pagsasalita si Mrs. Graham, kaagad siyang lumapit kay Ava nang galit. “Mrs. Graham, Mrs. Graham! ‘Wag.” Nagpanggap si Naya na pinipigilan ito nang nakangisi. Nang marinig ni Daniel na may parating, pareho silang tumingin sa direksyon ng tunog. Paglingon
Hindi inaasahan ni Ava na makakakilala siya ng isang sinsero at mabuting kaibigan bukod kay Madeline. Kahit na ang lahat ng ito ay isa lamang kalokohan, ang sinabi ni Maisie ang nagpagaan ng kanyang kalooban. Pinaramdam nito na hindi siya nag-iisa. Nang makarating si Ava sa bulwagan, ang mga bisita, pamilya, at kaibigan ay masaya habang pinapasigla pa ng emcee ang paligid. Ang lahat ay inaabangan ang pagpapalitan nila Daniel at Naya ng wedding rings, at syempre, ang yakapan at halikan nila. Gayunpaman, walang intensyon si Daniel na gawin ang mga bagay na iyon sa seremonya. Bukod dun, naalala niya na wala pang pinipiling singsing si Naya, kaya pwede nilang hakbangan ang parte na iyon. Subalit, may nangyari na hindi inaasahan i Daniel. Ang bridesmaid na inimbitahan ni Naya ay biglang inabot ang isang mamahalin na velvet ring box sa kanila. At pamilyar pa nga ang itsura nito. Habang gulantang pa siya, binuksan ng bridesmaid ang velvet ring box. Sa ilalim ng nakakasilaw
Ava!Kaagad na naunawaan ni Naya kung ano ang pahiwatig nito at biglang kinuyom ang kanyang kamao. Ang kanyang mga mata ay puno ng galit, pero sa sumunod na sandali, tinignan niya si Mrs. Graham at ang kanyang ina habang nagmamakaawa. Nanang makita nila Mrs. Graham at Mrs. Mendez na iiwanan ni Daniel si Naya at maglalakad papunta kay Ava, parehong nagalit ang dalawang babae. “Daniel, tumigil ka dyan!” Biglang sinigawan ni Mrs. Graham si Daniel na huminto ng hindi man lang iniisip ang tungkol sa mga bisita na nanonood. Nalito ang mga bisita sa eksena. ‘Hindi ba isa itong engagement ceremony? Bakit umalis sa kalagitnaan ng palitan ng singsing ang lalake?’ “Daniel, saan ka pupunta? Ang engagement ceremony niyo ni Naya ay hindi pa tapos.” hinabol ni Mrs. Graham si Daniel para pigilan ito bago niya binaba ang kanyang boses at binigyan siya ng isang seryosong paalala. “Daniel, nakalimutan mo na ba? Kapag iniwan mo si Naya at nilapitan mo ang babaeng yun, hihimatayin sa sobrang
Nang marinig ng mga tao ang dahilan niya, lahat sila ay tinignan si Ava ng masama, dinuduro at iniinsulto siya. “Kaya naman pala iniwan ni Daniel si Naya. dahil naman pala dito.” “Ilan talaga sa mga babae ngayon ay walang hiya. Pusta ko ay ginugulo niya palagi si Daniel dahil sa gusto niyang makuha ang yaman ng mga Graham.” “Malamang ganun na nga. Kung hindi, anong klase ng tao ang maglalakas-loob na pumunta sa ganitong okasyon para lang gumawa ng gulo?” “Napaka walang hiya naman niya.” Ang lahat ng mga bisita tuloy ay iniisip na si Ava ay isang haliparot na mukhang pera na palaging ginugulo si Daniel. Nang sumunod ang kliyente ni Mr. Mendez sa may bulwagan at narinig ang usapan ng mga bisita sa paligid nila, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. ‘Daniel Graham?’ naisip niya. Pamilyar sa kanya ang pangalan an yun. ‘Iyon ang lalake na karelasyon ni Ava, tama?’ ‘Bakit siya nagdaraos ng isang engagement ceremony sa ibang babae ngayon?’Sandaling nagulantang ang