“W-Wala ‘yun, Mrs. Graham! Umalis na lang tayo!” Humakbang paharap si Naya at hinawakan ang kamay ni Mrs. Graham, habang nagpapanggap na ilalayo ito. Sa sandaling ito, lalong naramdaman ni Mrs. Graham na kakaiba ang kinikilos ni Naya, kaya naintriga siya lalo. Gusto niyang makita kung anong nangyayari. Itinulak niya si Naya at kaagad niyang nakita si Daniel at Ava na nakatayo sa pasilyo. Nag-uusap sila at nagtatawanan nang malambing. Kaagad na umangat ang galit ni Mrs. Graham. “Kalokohan ito!” Galit na sinabi ni Mrs. Graham, “Ie-engage na kayo ni Daniel! Ang kapal naman ng mukha niyang magpunta para lituhin siya?! Huwag kang mag-alala Naya. Lalapitan ko siya at sasabihin kong lumayas siya! Maghintay ka dito.” Nang matapos sa pagsasalita si Mrs. Graham, kaagad siyang lumapit kay Ava nang galit. “Mrs. Graham, Mrs. Graham! ‘Wag.” Nagpanggap si Naya na pinipigilan ito nang nakangisi. Nang marinig ni Daniel na may parating, pareho silang tumingin sa direksyon ng tunog. Paglingon
Hindi inaasahan ni Ava na makakakilala siya ng isang sinsero at mabuting kaibigan bukod kay Madeline. Kahit na ang lahat ng ito ay isa lamang kalokohan, ang sinabi ni Maisie ang nagpagaan ng kanyang kalooban. Pinaramdam nito na hindi siya nag-iisa. Nang makarating si Ava sa bulwagan, ang mga bisita, pamilya, at kaibigan ay masaya habang pinapasigla pa ng emcee ang paligid. Ang lahat ay inaabangan ang pagpapalitan nila Daniel at Naya ng wedding rings, at syempre, ang yakapan at halikan nila. Gayunpaman, walang intensyon si Daniel na gawin ang mga bagay na iyon sa seremonya. Bukod dun, naalala niya na wala pang pinipiling singsing si Naya, kaya pwede nilang hakbangan ang parte na iyon. Subalit, may nangyari na hindi inaasahan i Daniel. Ang bridesmaid na inimbitahan ni Naya ay biglang inabot ang isang mamahalin na velvet ring box sa kanila. At pamilyar pa nga ang itsura nito. Habang gulantang pa siya, binuksan ng bridesmaid ang velvet ring box. Sa ilalim ng nakakasilaw
Ava!Kaagad na naunawaan ni Naya kung ano ang pahiwatig nito at biglang kinuyom ang kanyang kamao. Ang kanyang mga mata ay puno ng galit, pero sa sumunod na sandali, tinignan niya si Mrs. Graham at ang kanyang ina habang nagmamakaawa. Nanang makita nila Mrs. Graham at Mrs. Mendez na iiwanan ni Daniel si Naya at maglalakad papunta kay Ava, parehong nagalit ang dalawang babae. “Daniel, tumigil ka dyan!” Biglang sinigawan ni Mrs. Graham si Daniel na huminto ng hindi man lang iniisip ang tungkol sa mga bisita na nanonood. Nalito ang mga bisita sa eksena. ‘Hindi ba isa itong engagement ceremony? Bakit umalis sa kalagitnaan ng palitan ng singsing ang lalake?’ “Daniel, saan ka pupunta? Ang engagement ceremony niyo ni Naya ay hindi pa tapos.” hinabol ni Mrs. Graham si Daniel para pigilan ito bago niya binaba ang kanyang boses at binigyan siya ng isang seryosong paalala. “Daniel, nakalimutan mo na ba? Kapag iniwan mo si Naya at nilapitan mo ang babaeng yun, hihimatayin sa sobrang
Nang marinig ng mga tao ang dahilan niya, lahat sila ay tinignan si Ava ng masama, dinuduro at iniinsulto siya. “Kaya naman pala iniwan ni Daniel si Naya. dahil naman pala dito.” “Ilan talaga sa mga babae ngayon ay walang hiya. Pusta ko ay ginugulo niya palagi si Daniel dahil sa gusto niyang makuha ang yaman ng mga Graham.” “Malamang ganun na nga. Kung hindi, anong klase ng tao ang maglalakas-loob na pumunta sa ganitong okasyon para lang gumawa ng gulo?” “Napaka walang hiya naman niya.” Ang lahat ng mga bisita tuloy ay iniisip na si Ava ay isang haliparot na mukhang pera na palaging ginugulo si Daniel. Nang sumunod ang kliyente ni Mr. Mendez sa may bulwagan at narinig ang usapan ng mga bisita sa paligid nila, biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. ‘Daniel Graham?’ naisip niya. Pamilyar sa kanya ang pangalan an yun. ‘Iyon ang lalake na karelasyon ni Ava, tama?’ ‘Bakit siya nagdaraos ng isang engagement ceremony sa ibang babae ngayon?’Sandaling nagulantang ang
“Anong nangyayari dito? Daniel, sinabi mo ba na isang palabas lang ang engagement niyo ni Naya?” kaagad siyang tinanong ni Mr. Mendez.Tumango si Daniel na may taimtim na ekspresyon at sinabi, “Tama kayo. Si Naya ang nagmungkahi nito. Ginawa namin ang lahat ng to para lang pasayahin ang lolo ko ng sa gayon ay bumuti ang kanyang kondisyon.” Hindi makapaniwala si Mr. Mendez habang nakatingin siya kay Naya, na mukhang galit na galit habang nakatayo sa may entablado ng walang sinasabi ni isang salita. “Naya, totoo ba ang sinabi ni Daniel?” “...” Sa mga sandaling yon, hindi alam ni Naya kung ano ang kanyang sasabihin. Samantala, pinagtanggol naman ni Mrs. Mendez si Naya. “Bakit magbibiro si Naya tungkol sa napakahalagang bagay katulad ng kanyang kasal? Halata naman na dahil ito sa haliparot na to! Malamang ay hindi niya kayang makita sina Daniel at Naya na maikasal, kaya pumunta siya dito para gumawa ng gulo! Nakikita niyo ba lahat to? Ganun lang yun ka-simple!” Habang nagpapaliwa
Ang dyamanteng singsing ay muling kuminam sa ilalim ng matinding liwanag na may nakakasilaw na kislap. Sa sumunod na sandali, lumuhod gamit ng isang tuhod si Daniel, tinignan si Ava na may debosyon, at nagsalita na amy seryosong ekspresyon, “Ava, kahit na hindi pa tayo matagal na magkasama, sinasabi ng puso ko na ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.” Nagtapat siya ng kanyang pag-ibig sa kanya at sinundan ng isang direktang proposal. “Ava, papakasalan mo ba ako? Pwede ba kitang maging asawa? Pinapangako ko na mamahalin kita at pakaingatan ng buong puso habang buhay. Pinapangako ko na aalagaan kita at poprotektahan kita gamit ng aking buhay. Wala akong ibang pakakasalan kung hindi ikaw lang.” Sinabi ni Daniel ang huling parte na iyon para sa mga tao na gusto siyang ipakasal kay Naya. Samantala, pakiramdam ni Naya ay sinabi sa kanya iyon ni Daniel! Pakiramdam niya ay napahiya siya. Kinuyom niya ang kanyang kamao at binaon ang kanyang mga kuko sa kanyang palad habang si
Tinitigan ni Mrs. Mendez ang babae na inis. "At sino ka naman? Hindi mo problema kung tuturuan ko ng leksyon ang malanding babaeng ito o hindi! Ito ang engagement ng anak ko sa future son-in-law ko! Sinong nagpapasok sa taong to?" Nang makita ni Ava ang babaeng iniinsulto ni Mrs. Mendez, nailang siya at inisip niyang tapusin ang bagay na ito nang mag-isa nang sumugod si Mr. Mendez para pigilan si Mrs. Mendez na atakihin muli ang babae. "Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo! Panauhin ko siya. Siya si Ms. Xander mula sa Y Country!" Seryosong paalala sa kanya ni Mr. Mendez bago humingi ng paumanhin sa babae nang nakangiti. "Oh, Ms. Xander! Sana wag niyong masamain ang sinabi niya. Iimbitahan kita sana sa engagement ceremony na to! Pasensya na talaga at nasaksihan mo ang kahulugang ito." Nang marinig ni Mrs. Mendez kung sino ang babaeng iyon, kaagad na nagbago ang buong ekspresyon niya. "Ito pala si Ms. Xander na ka-meeting mo ngayong araw." Isang malaking ngiti ang lumitaw sa mukha
Nang sinabi iyon ng babae, huminto sina Mrs. Graham at ang iba pa. Pagkatapos ng ilang segundo, lumitaw sa mukha nila ang mga mapangmaliit na ngisi. Hindi pinansin ni Ava ang mga nakakamuhing ekspresyon sa mukha nila. Sa halip, nakatingin siya sa babae, nagpaparamdam na huwag siyang magpatuloy. Nakita ng babae ang titig ni Ava at naintindihan niya ang ibig sabihin ni Ava. Hindi niya gustong tumaliwas sa kagustuhan ni Ava, pero hindi na niya makayanan ang ugali ng mga taong ito sa kanyang harapan. "Mrs. Xander, sinasabi mo ba na mas mataas ang katayuan ni Ava kaysa sa'ming mga Graham? Heh, at bakit mo naman nasabi yan? Ang mga Graham ay isa sa apat na pinakamakapangyarihang pamilya sa lungsod. Ang reputasyon, prestihiyo, at pinagkukunan ng yaman namin ay nasa mataas na ranggo sa lungsod. Samantala, si Ava…"Huminto si Mrs. Graham at tinignan si Ava nang may bakas ng pagkamuhi. "May inutusan ako na magtingin sa kanya noon. Nawalan siya ng magulang noong batang-bata pa siya. Is