Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Kabanata 1421 - Kabanata 1430

Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1421 - Kabanata 1430

2479 Kabanata

Kabanata 1421

Hindi inasahan ni Jeremy na lalapit si Madeline at palihim niyang sinilip ang sitwasyon sa labas bago siya sumagot, “Hindi, bubuksan ko pa lang sana ang pinto.”Ngumiti siya bago niya binuksan ang pinto.Noong binuksan niya ang pinto, tumambad kay Madeline ang isang magandang babae na nakatayo sa labas ng kwarto nila.Madilim man ang mga ilaw kagabi, ngunit hindi makakalimutan ni Madeline ang mukha na ito.Pinagmasdan ni Shirley si Madeline habang tinitingnan siya nito ng maigi at naalala niya kung paano nabisto ni Madeline ang naging pag-uusap nila ni Jeremy kagabi. Ngumiti siya at magsasalita na sana siya noong biglang lumapit sa kanya si Madeline ng may ngiti sa kanyang mukha.“Hello, ako si Eveline, asawa ni Jeremy. Sinabi na sakin ni Jeremy kung paano mo siya tinulungan noong masama ang kalagayan niya noong anim na buwan na yun. Salamat sa pagtulong mo sa asawa ko na makabalik sakin.”“...” Nagtaka si Shirley.Inisip niya na iniinsulto siya ni Madeline, ngunit totoo ang ngi
Magbasa pa

Kabanata 1422

”Para sakin?” Tinanggap ni Madeline ang regalo at napansin niya na may sulat na nakadikit dito.Nakasulat dito na: [Nagmamadali na ako at wala na akong oras para maghanap ng mas magandang regalo. Sana magustuhan niyo ito.] Pinirmahan ito ni Shirley.Galing ba kay Shirley ang regalo na ito?Nagulat si Madeline. “May contact information ka ba ni Shirley, Jeremy? Gusto ko sana siyang pasalamatan.”“Wala,” Sumagot si Jeremy, “Tara na, Linnie. Iwan na lang natin yan sa front desk.”“Hindi ba parang ang sama ko naman kung ganun ang gagawin ko sa isang regalo na binigay sakin ng ibang tao?” Nag-isip ng maigi si Madeline at nagdesisyon siya na dalhin ito sa kwarto nila.Hindi gaanong nagsalita si Jeremy at bumalik siya sa kwarto kasama si Madeline.Habang pabalik sila, binuksan ni Madeline ang kahon at nakita niya sa loob nito ang isang aromatherapy kit.Kakaiba ang hugis ng bote nito dahil hugis ahas ito.Sensitibo sa mga amoy si Madeline at dahil na rin sa propesyon niya bilang isan
Magbasa pa

Kabanata 1423

Tumakbo si Madeline palabas ng banyo at nakita niya si Jeremy na nakahandusay sa sahig sa tabi ng kama.“Jeremy!” Natataranta siyang tumakbo palapit kay Jeremy at lumuhod siya sa tabi niya. Nakakunot ang noo ni Jeremy habang tinitiis niya ang matinding sakit. Nataranta si Madeline at bumilis ang tibok ng kanyang puso.“Anong nangyari, Jeremy? Inaatake ka nanaman ba ng lason?”Hinila ni Madeline si Jeremy sa balikat niya para makasandal siya sa kanyang dibdib.Gusto sana niyang bitbitin si Jeremy at ihiga sa kama kung kaya niya ngunit hindi sapat ang lakas niya.“Anong nangyari? Sabi ni Adam na magiging mas mahaba na ang pagitan ng mga pagsumpong ng lason sa katawan mo. Bakit nangyayari ‘to ngayon?”Kinakabahan si Madeline at nagsimulang tumulo ang mga luha niya papunta sa mukha ni Jeremy.“Huwag kang mag-alala, Linnie.” Pinilit magsalita ni Jeremy at hinawakan niya ang pisngi ni Madeline sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. “Sanay na ako sa sakit. Hindi naman ‘to magtataga
Magbasa pa

Kabanata 1424

Nagmadaling umakyat si Madeline sakay ng elevator. Paglabas niya ng elevator, nakita niya ang isang pamilyar na mukha sa may pasilyo.“Shirley?” Nag-aalinlangan siyang tinawag ni Madeline.Huminto sa paglalakad ang babae at lumingon sa kanya. “Ako ‘to, Mrs. Whitman,” Ngumiti si Shirley at nagpaliwanag, “May naiwan ako sa kwarto ko kay bumalik ako para kunin yun.”Pagkatapos ay lumapit si Madeline kay Shirley. Walang pinagkaiba sa isang tagapagligtas ang babaeng ito para kay Madeline sa mga sandaling ito.“Umatake bigla ang lason sa katawan ni Jeremy, Shirley. Ginamot mo siya noon, di ba? Ibig sabihin matutulungan mo siya ulit! Please, namimilipit siya sa sakit!”Dahil dito, napuno ng pag-aalala ang ekspresyon ni Shirley. “Nasaan si Jeremy ngayon?”“Nasa kwarto!”“Dalhin mo ako doon!” Agad na sumunod si Shirley kay Madeline.Pagpasok nila sa kwarto, nakita ni Madeline si Jeremy na nakaupo at nakasandal sa gilid ng kama. Agad siyang lumapit kay Jeremy. “Magiging ayos ka na, Jerem
Magbasa pa

Kabanata 1425

Nabigla si Madeline nang makita niya na nakasara ng mahigpit ang pinto ng banyo.“Malapit na ‘tong matapos, Jeremy. Konting tiis na lang.“Pwede mong ilabas ang lahat ng sakit gaya ng ginagawa mo noon.“Doktor mo ako pero kaibigan mo din ako. Matutulungan kita, ah…”Narinig ni Madeline ang boses ni Shirley mula sa banyo hanggang sa kahuli-hulihang salita. Pagkatapos, natahimik ang banyo.Kakaiba ang tingin ng staff sa banyo bago niya kinausap si Madeline.“Dinala ko na ang lahat ng yelo sa banyo, Mrs. Whitman. Aalis na ako kung wala na kayong ibang kailangan.”Natauhan si Madeline. “Salamat.”“Walang anuman.” Ngumiti ang staff at umalis.Dinala ni Madeline ang bagahe ni Shirley papunta sa banyo at sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit napagtanto niya na naka-lock mula sa loob ang pinto.“Dala ko na ang bagahe mo, Shirley. Kamusta si Jeremy?” Nagtanong si Madeline habang nakaharap siya sa pinto ng banyo ngunit walang sumagot sa kanya.“Shirley? Shirley? Jeremy! Jeremy!” Na
Magbasa pa

Kabanata 1426

Hinawakan niya ang braso ni Jeremy, puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata dahil hindi man lang uminit ang temperatura ng katawan ni Jeremy. "Mababa ang temperatura ng katawan niya dahil nakalublob siya sa yelo." Narinig niya ang boses ni Shirley mula sa likod. Lumingon si Madeline at nakita niya si Shirley na dahan-dahang naglalakad palapit sa kanila ng may hawak na hiringgilya. "Pwede ka bang maghintay sa labas, Mrs. Whitman? Hindi ko talaga gusto na may nanonood sakin habang ginagamot ko ang mga pasyente ko." Naintindihan ito ni Madeline at tumayo siya, ngunit biglang hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay. "Huwag kang umalis, Linnie." "Magpakabait ka, Jeremy. Hayaan mo si Shirley na iturok sayo abg gamot at magiging ayos ka na, okay?" Pinatahimik ni Madeline si Jeremy na para bang isa siyang bata bago niya binitawan ang kanyang kamay. “Thank you, Shirley.”"You're welcome. Masaya akong makatulong." Ngumiti si Shirley. Hindi masyadong inisip ni Madeline ang tungkol
Magbasa pa

Kabanata 1427

“Jeremy!”Hindi na nakapaghintay pa si Madeline sa labas ng pinto noong marinig niya ang mga salitang iyon. Binuksan niya ang pinto at tumakbo siya papasok ng banyo. Nakita niya na galit na galit si Jeremy habang natumba naman si Shirley sa tabi ng bathtub. Hindi alam ni Madeline kung anong nangyari. Ang prayoridad niya ay ang alamin kung anong kalagayan ni Jeremy, ngunit bilang pakitang tao, tinulungan niya muna si Shirley. Kakaabot lang niya ng kamay niya nang maramdaman niya na hinawakan ni Jeremy ng mahigpit ang braso niya. Malakas si Jeremy at bahagyang nasaktan si Madeline sa pagkakahawak niya. "Huwag mo siyang hawakan." Malamig na nagsalita si Jeremy, nakakapangilabot ang tono ng boses niya. "Jeremy?" Tumingin si Madeline sa matalim na mga mata ni Jeremy. "Ayos ka lang ba, Jeremy? Anong nangyari? Si Shirley—" "Huwag kang mag-alala, Mrs. Whitman. Ayos lang ako." Kumapit sa gilid ng tub si Shirley at dahan-dahan siyang bumangon. Tumingin siya sa matatalim na mata ni
Magbasa pa

Kabanata 1428

Nagulat si Adam. "Ano? Anong sinasabi mo? Sino ka ba? Nasaan si Eveline?" "Hindi mo na ba ako nakikilala? Katulad ka din ng mga magulang mo, Adam. Walang puso at napakasama." Ininsulto siya ni Shirley. Natahimik si Adam sa loob ng ilang segundo bago siya muling nagsalita. "Ikaw." Sumagi sa isipan niya kung sino ang taong ito. Napaisip siya at medyo nagulat siya sa pagkatao ng babae. "Oo, ako nga." Walang alinlangang sinagot ni Shirley si Adam, "Malapit na tayong magkita, Adam. Yun nga lang, sa tingin ko hindi ka matutuwa sa pagkikita natin." Muling natahimik si Adam at hindi niya pinansin ang mga sinabi ni Shirley. Iniba niya ang usapan, at sinabing, "Bakit ikaw ang sumagot sa tawag? Nasaan si Eveline? Anong lagay ni Jeremy?" Suminghal si Shirley. "Di ba sinabi ko na sayo? Malapit na siyang mamatay at kasama niya ngayon ang asawa niya na malungkot at nasasaktan para sa kanya." "Bullsh*t! Imposibleng nasa bingit siya ng kamatayan!" Malinaw sa tono ng boses ni Adam na nat
Magbasa pa

Kabanata 1429

Nagulat rin si Madeline nang makita niya ang taong bumaba mula sa kotse. "Shirley, bakit nandito ka din?"Ngumiti si Shirley. “Hindi ba sinabi ko noon na uuwi ako? Ito ang bahay ko.”Tinuro ni Madeline ang maliit na villa sa tapat nila. “Ito ang bahay mo?”“Oo, ito ang bahay ko.”Kampanteng tumango si Shirley. Pagkatapos, naglakad siya palapit kay Adam na seryoso ang mukha. “Adam, nakauwi na ang kapatid mo. Bakit mukhang hindi ka masaya?”Nagulat si Madeline sa impormasyong nalaman niya. “Shirley, ikaw ang kapatid ni Adam?”“Oo, kapatid ako ni adam. Ako ang kapatid niya at pareho kami ng tatay at nanay.” Inangat ni Shirley ang kanyang kamay at dahan-dahan niyang tinapik ang balikat ni Adam. Ngumiti siya. “Adam, bakit hindi mo ipakilala sakin ang mga kaibigan mo?”Narinig ni Adam ang sinabi ni Shirley at ngumiti siya. “Hindi ko na sila kailangang ipakilala sayo dahil mukhang kilala niyo naman na ang isa’t isa.” Humakbang siya paharap na para bang sinasadya niyang iwasan si Shirley.
Magbasa pa

Kabanata 1430

Hindi rin inasikaso ni Adam si Shirley at dinala niya sila Madeline at Jeremy sa silid kung saan siya nagtatrabaho.Malawak ang silid, at higit na mas maganda ang pagkakaayos ng loob nito kaysa sa mga nasa ospital. Maraming iba’t ibang equipment dito na tila mas advance.Tumayo si Madeline sa isang tabi at pinanood niya si Adam na magsagawa ng iba’t ibang pagsusuri kay Jeremy.Sa huli, kumuha si Adam ng blood sample mula kay Jeremy at agad niya itong nilagay sa isang equipment upang suriin ito.Hindi mapakali si Madeline habang naghihintay siya.Subalit, napansin niya na ang kulay ng blood sample ni Jeremy ay hindi na kasing itim ng dati. Magandang senyales yun.Pagkalipas ng sampung minuto, lumabas na ang resulta nito.“Adam, ayos lang ba si Jeremy?” Tanong ni Madeline.“Huwag kang masyadong mag-alala, Linnie. Siguradong mas maganda na ang kondisyon ko ngayon kaysa dati.” Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at pinagaan niya ang kanyang kalooban.“Kung talagang mas mabut
Magbasa pa
PREV
1
...
141142143144145
...
248
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status