Nabigla si Madeline nang makita niya na nakasara ng mahigpit ang pinto ng banyo.“Malapit na ‘tong matapos, Jeremy. Konting tiis na lang.“Pwede mong ilabas ang lahat ng sakit gaya ng ginagawa mo noon.“Doktor mo ako pero kaibigan mo din ako. Matutulungan kita, ah…”Narinig ni Madeline ang boses ni Shirley mula sa banyo hanggang sa kahuli-hulihang salita. Pagkatapos, natahimik ang banyo.Kakaiba ang tingin ng staff sa banyo bago niya kinausap si Madeline.“Dinala ko na ang lahat ng yelo sa banyo, Mrs. Whitman. Aalis na ako kung wala na kayong ibang kailangan.”Natauhan si Madeline. “Salamat.”“Walang anuman.” Ngumiti ang staff at umalis.Dinala ni Madeline ang bagahe ni Shirley papunta sa banyo at sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit napagtanto niya na naka-lock mula sa loob ang pinto.“Dala ko na ang bagahe mo, Shirley. Kamusta si Jeremy?” Nagtanong si Madeline habang nakaharap siya sa pinto ng banyo ngunit walang sumagot sa kanya.“Shirley? Shirley? Jeremy! Jeremy!” Na
Hinawakan niya ang braso ni Jeremy, puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata dahil hindi man lang uminit ang temperatura ng katawan ni Jeremy. "Mababa ang temperatura ng katawan niya dahil nakalublob siya sa yelo." Narinig niya ang boses ni Shirley mula sa likod. Lumingon si Madeline at nakita niya si Shirley na dahan-dahang naglalakad palapit sa kanila ng may hawak na hiringgilya. "Pwede ka bang maghintay sa labas, Mrs. Whitman? Hindi ko talaga gusto na may nanonood sakin habang ginagamot ko ang mga pasyente ko." Naintindihan ito ni Madeline at tumayo siya, ngunit biglang hinawakan ni Jeremy ang kanyang kamay. "Huwag kang umalis, Linnie." "Magpakabait ka, Jeremy. Hayaan mo si Shirley na iturok sayo abg gamot at magiging ayos ka na, okay?" Pinatahimik ni Madeline si Jeremy na para bang isa siyang bata bago niya binitawan ang kanyang kamay. “Thank you, Shirley.”"You're welcome. Masaya akong makatulong." Ngumiti si Shirley. Hindi masyadong inisip ni Madeline ang tungkol
“Jeremy!”Hindi na nakapaghintay pa si Madeline sa labas ng pinto noong marinig niya ang mga salitang iyon. Binuksan niya ang pinto at tumakbo siya papasok ng banyo. Nakita niya na galit na galit si Jeremy habang natumba naman si Shirley sa tabi ng bathtub. Hindi alam ni Madeline kung anong nangyari. Ang prayoridad niya ay ang alamin kung anong kalagayan ni Jeremy, ngunit bilang pakitang tao, tinulungan niya muna si Shirley. Kakaabot lang niya ng kamay niya nang maramdaman niya na hinawakan ni Jeremy ng mahigpit ang braso niya. Malakas si Jeremy at bahagyang nasaktan si Madeline sa pagkakahawak niya. "Huwag mo siyang hawakan." Malamig na nagsalita si Jeremy, nakakapangilabot ang tono ng boses niya. "Jeremy?" Tumingin si Madeline sa matalim na mga mata ni Jeremy. "Ayos ka lang ba, Jeremy? Anong nangyari? Si Shirley—" "Huwag kang mag-alala, Mrs. Whitman. Ayos lang ako." Kumapit sa gilid ng tub si Shirley at dahan-dahan siyang bumangon. Tumingin siya sa matatalim na mata ni
Nagulat si Adam. "Ano? Anong sinasabi mo? Sino ka ba? Nasaan si Eveline?" "Hindi mo na ba ako nakikilala? Katulad ka din ng mga magulang mo, Adam. Walang puso at napakasama." Ininsulto siya ni Shirley. Natahimik si Adam sa loob ng ilang segundo bago siya muling nagsalita. "Ikaw." Sumagi sa isipan niya kung sino ang taong ito. Napaisip siya at medyo nagulat siya sa pagkatao ng babae. "Oo, ako nga." Walang alinlangang sinagot ni Shirley si Adam, "Malapit na tayong magkita, Adam. Yun nga lang, sa tingin ko hindi ka matutuwa sa pagkikita natin." Muling natahimik si Adam at hindi niya pinansin ang mga sinabi ni Shirley. Iniba niya ang usapan, at sinabing, "Bakit ikaw ang sumagot sa tawag? Nasaan si Eveline? Anong lagay ni Jeremy?" Suminghal si Shirley. "Di ba sinabi ko na sayo? Malapit na siyang mamatay at kasama niya ngayon ang asawa niya na malungkot at nasasaktan para sa kanya." "Bullsh*t! Imposibleng nasa bingit siya ng kamatayan!" Malinaw sa tono ng boses ni Adam na nat
Nagulat rin si Madeline nang makita niya ang taong bumaba mula sa kotse. "Shirley, bakit nandito ka din?"Ngumiti si Shirley. “Hindi ba sinabi ko noon na uuwi ako? Ito ang bahay ko.”Tinuro ni Madeline ang maliit na villa sa tapat nila. “Ito ang bahay mo?”“Oo, ito ang bahay ko.”Kampanteng tumango si Shirley. Pagkatapos, naglakad siya palapit kay Adam na seryoso ang mukha. “Adam, nakauwi na ang kapatid mo. Bakit mukhang hindi ka masaya?”Nagulat si Madeline sa impormasyong nalaman niya. “Shirley, ikaw ang kapatid ni Adam?”“Oo, kapatid ako ni adam. Ako ang kapatid niya at pareho kami ng tatay at nanay.” Inangat ni Shirley ang kanyang kamay at dahan-dahan niyang tinapik ang balikat ni Adam. Ngumiti siya. “Adam, bakit hindi mo ipakilala sakin ang mga kaibigan mo?”Narinig ni Adam ang sinabi ni Shirley at ngumiti siya. “Hindi ko na sila kailangang ipakilala sayo dahil mukhang kilala niyo naman na ang isa’t isa.” Humakbang siya paharap na para bang sinasadya niyang iwasan si Shirley.
Hindi rin inasikaso ni Adam si Shirley at dinala niya sila Madeline at Jeremy sa silid kung saan siya nagtatrabaho.Malawak ang silid, at higit na mas maganda ang pagkakaayos ng loob nito kaysa sa mga nasa ospital. Maraming iba’t ibang equipment dito na tila mas advance.Tumayo si Madeline sa isang tabi at pinanood niya si Adam na magsagawa ng iba’t ibang pagsusuri kay Jeremy.Sa huli, kumuha si Adam ng blood sample mula kay Jeremy at agad niya itong nilagay sa isang equipment upang suriin ito.Hindi mapakali si Madeline habang naghihintay siya.Subalit, napansin niya na ang kulay ng blood sample ni Jeremy ay hindi na kasing itim ng dati. Magandang senyales yun.Pagkalipas ng sampung minuto, lumabas na ang resulta nito.“Adam, ayos lang ba si Jeremy?” Tanong ni Madeline.“Huwag kang masyadong mag-alala, Linnie. Siguradong mas maganda na ang kondisyon ko ngayon kaysa dati.” Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at pinagaan niya ang kanyang kalooban.“Kung talagang mas mabut
Lumingon si Adam at tinuon ang kanyang titig, napansin niya na may hawak si Shirley na isang bagay na parang isang maliit na bote ng pabango. Sa loob ng bote ay isang likido na halos walang kulay. Iniabot ni Shirley ang bote kay Adam. "Amuyin mo to." Naramdaman ni Adam na walang magandang mangyayari. Kinuha niya ang bote, tinanggal ang takip, at marahan itong inamoy. Kaagad na nagbago ang ekspresyon niya. "Ang nilalaman nito…"“Mm-hmm.”"Kaya naman pala biglang sumama ang kondisyon ni Jeremy. Ito ang may gawa nun!" Naintindihan na ni Adam. "Shirley, ang responsibilidad ng isang doktor ay ang magligtas ng tao, hindi ang manakit ng iba!" "Doktor? Ah, haha…" suminghal si Shirley. "Masyado ka nilang pinagbuhusan ng oras para maging isang mabuting doktor, pero paano naman ako? Salamat sa kanila, isa lang ang diablo na kalaban ng mga anghel na kagaya ninyo." "Shirley, hindi mo naintindihan sina Dad at Mom. Sa taong yon––""Wag kang magsasabi sa'kin ng kahit na anong tungkol sa n
"Adam, wag mo na lang pansinin ang lalaking yan. Pumasok na tayo sa bahay." Naglakad si Amy sa tabi ni Adam at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso. Walang balak si Adam na ipagpatuloy ang sitwasyon at tumango siya habang tumalikod nang hawak ang kamay ni Amy para umalis. “Cathy!”Sumigaw si Felipe sa likuran ni Amy nang tumalikod siya. Huminto si Amy nang marinig niya ito. Natuwa si Felipe. "Cathy." Umaasa siya rito pero nakita niya si Amy na mukhang naiinis nang lumingon siya. "Ano bang problema mo? Ilang beses ko nang sinabi na hindi ako si Cathy. Pwede bang wag mo na kong guluhin? Nakakainis ka na!" Hindi siya nagpagulo at pinagalitan si Felipe. Pagkatapos, hinawakan niya ang braso ni Adam at tumalikod. Nawala ang pag-asa sa mga mata ni Felipe at para bang nabasag ang kanyang puso. Sinabi niya na nakakairita raw siya. Subalit, sinasabi niya sa kanya na noon na palagi niya siyang magugustuhan at guguluhin habang buhay––kahit na tinuring niya lang siyang isang l