Nagulat rin si Madeline nang makita niya ang taong bumaba mula sa kotse. "Shirley, bakit nandito ka din?"Ngumiti si Shirley. “Hindi ba sinabi ko noon na uuwi ako? Ito ang bahay ko.”Tinuro ni Madeline ang maliit na villa sa tapat nila. “Ito ang bahay mo?”“Oo, ito ang bahay ko.”Kampanteng tumango si Shirley. Pagkatapos, naglakad siya palapit kay Adam na seryoso ang mukha. “Adam, nakauwi na ang kapatid mo. Bakit mukhang hindi ka masaya?”Nagulat si Madeline sa impormasyong nalaman niya. “Shirley, ikaw ang kapatid ni Adam?”“Oo, kapatid ako ni adam. Ako ang kapatid niya at pareho kami ng tatay at nanay.” Inangat ni Shirley ang kanyang kamay at dahan-dahan niyang tinapik ang balikat ni Adam. Ngumiti siya. “Adam, bakit hindi mo ipakilala sakin ang mga kaibigan mo?”Narinig ni Adam ang sinabi ni Shirley at ngumiti siya. “Hindi ko na sila kailangang ipakilala sayo dahil mukhang kilala niyo naman na ang isa’t isa.” Humakbang siya paharap na para bang sinasadya niyang iwasan si Shirley.
Hindi rin inasikaso ni Adam si Shirley at dinala niya sila Madeline at Jeremy sa silid kung saan siya nagtatrabaho.Malawak ang silid, at higit na mas maganda ang pagkakaayos ng loob nito kaysa sa mga nasa ospital. Maraming iba’t ibang equipment dito na tila mas advance.Tumayo si Madeline sa isang tabi at pinanood niya si Adam na magsagawa ng iba’t ibang pagsusuri kay Jeremy.Sa huli, kumuha si Adam ng blood sample mula kay Jeremy at agad niya itong nilagay sa isang equipment upang suriin ito.Hindi mapakali si Madeline habang naghihintay siya.Subalit, napansin niya na ang kulay ng blood sample ni Jeremy ay hindi na kasing itim ng dati. Magandang senyales yun.Pagkalipas ng sampung minuto, lumabas na ang resulta nito.“Adam, ayos lang ba si Jeremy?” Tanong ni Madeline.“Huwag kang masyadong mag-alala, Linnie. Siguradong mas maganda na ang kondisyon ko ngayon kaysa dati.” Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline at pinagaan niya ang kanyang kalooban.“Kung talagang mas mabut
Lumingon si Adam at tinuon ang kanyang titig, napansin niya na may hawak si Shirley na isang bagay na parang isang maliit na bote ng pabango. Sa loob ng bote ay isang likido na halos walang kulay. Iniabot ni Shirley ang bote kay Adam. "Amuyin mo to." Naramdaman ni Adam na walang magandang mangyayari. Kinuha niya ang bote, tinanggal ang takip, at marahan itong inamoy. Kaagad na nagbago ang ekspresyon niya. "Ang nilalaman nito…"“Mm-hmm.”"Kaya naman pala biglang sumama ang kondisyon ni Jeremy. Ito ang may gawa nun!" Naintindihan na ni Adam. "Shirley, ang responsibilidad ng isang doktor ay ang magligtas ng tao, hindi ang manakit ng iba!" "Doktor? Ah, haha…" suminghal si Shirley. "Masyado ka nilang pinagbuhusan ng oras para maging isang mabuting doktor, pero paano naman ako? Salamat sa kanila, isa lang ang diablo na kalaban ng mga anghel na kagaya ninyo." "Shirley, hindi mo naintindihan sina Dad at Mom. Sa taong yon––""Wag kang magsasabi sa'kin ng kahit na anong tungkol sa n
"Adam, wag mo na lang pansinin ang lalaking yan. Pumasok na tayo sa bahay." Naglakad si Amy sa tabi ni Adam at mahigpit na hinawakan ang kanyang braso. Walang balak si Adam na ipagpatuloy ang sitwasyon at tumango siya habang tumalikod nang hawak ang kamay ni Amy para umalis. “Cathy!”Sumigaw si Felipe sa likuran ni Amy nang tumalikod siya. Huminto si Amy nang marinig niya ito. Natuwa si Felipe. "Cathy." Umaasa siya rito pero nakita niya si Amy na mukhang naiinis nang lumingon siya. "Ano bang problema mo? Ilang beses ko nang sinabi na hindi ako si Cathy. Pwede bang wag mo na kong guluhin? Nakakainis ka na!" Hindi siya nagpagulo at pinagalitan si Felipe. Pagkatapos, hinawakan niya ang braso ni Adam at tumalikod. Nawala ang pag-asa sa mga mata ni Felipe at para bang nabasag ang kanyang puso. Sinabi niya na nakakairita raw siya. Subalit, sinasabi niya sa kanya na noon na palagi niya siyang magugustuhan at guguluhin habang buhay––kahit na tinuring niya lang siyang isang l
Habang binagabag siya ng kanyang konsensya, hinigpitan niya ang hawak sa bill na nasa kanyang kamay, hindi niya gustong malaman ni Madeline ang nasa isip niya. Ngunit imposibleng hindi mapansin ni Madeline ang pag-iwas sa kanyang mga mata. "Patingin ako niyan." Hindi nagtanong si Madeline at kaagad na iniunat ang kanyang kamay kay Jeremy. Hindi nagtangkang sumuway si Jeremy kay Madeline at masunuring iniabot ang bill of appointment. Kinuha ito ni Madeline at binaba ang kanyang tingin para tignan ito. Sa sandaling nakita niya ang nilalaman ng appointment, kuminang sa gulat ang kanyang mga mata. Tinaas niya ang kanyang magagandang mga mata at tinignan ang kalmadong lalaki. "Jeremy, ikaw…" "Linnie, nakapagdesisyon na ko." Hinawakan ni Jeremy ang kamay ni Madeline. "Makabubuti to para sa'tin. Hindi ka naman tututol dito, tama?" "Paano ako tututol ngayong masyado mo akong iniisip?" Bahagyang ngumiti si Madeline. "Jeremy, sana sa hinaharap, magiging mas matamis ang mga araw nat
Dalawang araw nang inaalagaan ni Madeline si Eloise, at sa utos ng doktor, dinala nila pauwi si Eloise para alagaan siya. Walang malaking problema sa katawan ni Eloise maliban sa panghihina at kawalan ng lakas para magsalita. Kasabay ng kalagayan ng kanyang pag-iisip, nag-alala talaga rito si Madeline. Nakita ni Jeremy ang lahat at dahil sa nakita niya ay ayaw niyang ipaalam kay Madeline ang tungkol sa kanyang kondisyon. Kahit na mayroong mga oras na naiinis siya, naglalaho ito kapag nakikita niya ang tatlong kaaya-aya at malilikot na mga bata. Pero maliban sa munting prinsesa na kaya lang ngumiti imbis na magsalita, dahil nakakaramdam si Jeremy ng pagsisisi. Sa sandaling ito, sa sinag ng araw sa hapon ng huling bahagi ng taglagas, nagtungo si Jeremy sa opisina. Samantala, sinasamahan ni Madeline si Eloise na magpaaraw sa bakuran. May binabalak ang dalawang maliliit na bata na sina Jackson at Lilian habang si Pudding, na nag-aaral pa lang maglakad, ay nakatingin sa kanila n
Hindi talaga naisip ni Madeline na mayroong ganitong mukha sa mundong ito. Pero base sa katotohanang kalmado ang babae at unang nilapitan si Madeline, nalaman ni Madeline na hindi lang ito nagkataon ngunit isang planong ginawa ng isang tao. Napansin ng babae na nakatingin sa kanya si Madeline nang may mapanuring titig. Naging interesado siya habang ngumiti ang kanyang bibig. "Eveline, nagkalat ka ba na makita ang mukha kong to? O siguro, baka natuwa ka? Na sa mundong ito, mayroong taong kapareho mo ng mukha?" Kalmadong tinignan ni Madeline ang perpektong mukha sa kanyang harapan na kamukha ng kanya at ngumiti. "Salamat sa pagpapaalam sa'kin na maganda ako pero pasensya ka ba, hindi ako naniniwala na mayroong kapareha ng mukha ko sa mundong ito. Sinadya mo kong lapitan at pinapakita lang nito na may tinatago kang intensyon." Ngumiti siya, malinaw na kuminang ang kanyang mga mata. "Hula ko kilala kita noon. Bakit? Balak mo bang kunin nag posisyon ko at maging Eveline Montgome
Pero sa bawat isang hakbang niya, pakiramdam niya ay mas lalong umiikot ang paningin niya. Nakita niya na may lababo banda roon. Naisip niya na basain ang sarili niya para magising siya. Pero bago pa niya marating ang lababo, humulas na ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Bigla na lang bumagsak sa lapag si Madeline. "Jeremy…" Bulong niya habang bumagsak ang kanyang mga talukap. Sa huli, nakita niya lang ang mukha na kamukha ng kanya na nagpakita ng isang masamang ngiti. Sa sandaling matapos si Jeremy sa trabaho, kaagad siyang umuwi sa Whitman Manor. Nang makapasok siya sa bahay, nakita niya ang tatlong bata na sama-samang naglalaro. Sinasamahan ni Karen si Eloise at naghahanap ng mga bagay na pag-uusapan paminsan-minsan. Kahit na parang hindi ito naiintindihan ni Eloise, kahit papaano ay hindi nakakapanglumo ang paligid nila. Ngunit ang nakapagpabagabag sa kanya ay nang hindi niya makita si Madeline sa paligid. Nilapag ni Jeremy ang dessert na binili niya sa harapan ng