Hindi talaga naisip ni Madeline na mayroong ganitong mukha sa mundong ito. Pero base sa katotohanang kalmado ang babae at unang nilapitan si Madeline, nalaman ni Madeline na hindi lang ito nagkataon ngunit isang planong ginawa ng isang tao. Napansin ng babae na nakatingin sa kanya si Madeline nang may mapanuring titig. Naging interesado siya habang ngumiti ang kanyang bibig. "Eveline, nagkalat ka ba na makita ang mukha kong to? O siguro, baka natuwa ka? Na sa mundong ito, mayroong taong kapareho mo ng mukha?" Kalmadong tinignan ni Madeline ang perpektong mukha sa kanyang harapan na kamukha ng kanya at ngumiti. "Salamat sa pagpapaalam sa'kin na maganda ako pero pasensya ka ba, hindi ako naniniwala na mayroong kapareha ng mukha ko sa mundong ito. Sinadya mo kong lapitan at pinapakita lang nito na may tinatago kang intensyon." Ngumiti siya, malinaw na kuminang ang kanyang mga mata. "Hula ko kilala kita noon. Bakit? Balak mo bang kunin nag posisyon ko at maging Eveline Montgome
Pero sa bawat isang hakbang niya, pakiramdam niya ay mas lalong umiikot ang paningin niya. Nakita niya na may lababo banda roon. Naisip niya na basain ang sarili niya para magising siya. Pero bago pa niya marating ang lababo, humulas na ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Bigla na lang bumagsak sa lapag si Madeline. "Jeremy…" Bulong niya habang bumagsak ang kanyang mga talukap. Sa huli, nakita niya lang ang mukha na kamukha ng kanya na nagpakita ng isang masamang ngiti. Sa sandaling matapos si Jeremy sa trabaho, kaagad siyang umuwi sa Whitman Manor. Nang makapasok siya sa bahay, nakita niya ang tatlong bata na sama-samang naglalaro. Sinasamahan ni Karen si Eloise at naghahanap ng mga bagay na pag-uusapan paminsan-minsan. Kahit na parang hindi ito naiintindihan ni Eloise, kahit papaano ay hindi nakakapanglumo ang paligid nila. Ngunit ang nakapagpabagabag sa kanya ay nang hindi niya makita si Madeline sa paligid. Nilapag ni Jeremy ang dessert na binili niya sa harapan ng
Lumingon si Jeremy. Nasalamin sa kanyang malalalim at singkit na mga mata ang imahe ng isang maliwanag na ngiti at ang maliit na mukha na kasing ganda ng isang obra maestra. "Hindi ba sabi mo marami kang aayusin sa trabaho at gagabihin ka ng uwi? Bakit nakauwi ka na?" Hawak ni Madeline ang shopping bag na puno ng pagkain. Nagpalit siya ng sapatos at lumapit sa kanya. "Kung alam ko lang na maaga kang uuwi, hindi sana ako pupunta sa mall. Sana inutusan na lang kitang bumili para sa'kin." Nakita ni Jeremy ang babae na dahan-dahang lumapit sa kanya at natulala siya sandali bago maamong ngumiti. "Pwede mo namang utusan ang mga katulong para bumili. Ikaw ang madam ng Whitman family. Hindi mo kailangang personal na gawin ang mga bahay na to." "Paano ko magagawa yun? Gusto ko ako mismo ang mag-aalaga sa mga bata," sabi ni Madeline habang nakangiti at tumingin kina Eloise at Karen. "Mom, pupunta lang ako sa kusina. Mamaya kakain tayong lahat ng cake." "Sige." Tumango si Karen. Nitong
Naluluha at namumula ang mga mata niya, napuno siya ng pag-aalala. “Jeremy, galit ka ba sakin?”“Bakit naman ako magagalit sayo?” Inalo siya ni Jeremy, ngunit hindi siya nasaktan o nalungkot kahit na nakita niya ang mga luha sa mga mata ni Madeline.Noong una, hindi bumibigat ang pakiramdam niya kahit na nakasimangot lang si Madeline.Subalit, wala siyang naramdaman na pagbabago sa emosyon niya kahit na naluluha na si Madeline.Namroblema si Jeremy, ngunit hindi na siya nag-isip, at nagpatuloy siya sa pagpapagaan sa loob niya. “Huwag ka nang malungkot, singsing lang naman yun. Mamaya, ibibili na lang kita ng isa pa. Sa ngayon, gumawa na lang tayo ng cake ng magkasama.”Biglang ngumiti si Madeline. “Maayos talaga ang pagtrato mo sakin, Jeremy.”“Asawa kita. Kung hindi kita tatratuhin ng maayos, sino pang tatratuhin ko ng maayos?” Ngumiti si Jeremy. Noong gagawa na sana siya ng cake kasama si Madeline, tumunog ang phone niya. “Linnie, sasagutin ko muna ang tawag na ‘to.”“Sige.”
Nagulat si Madeline, tumingin siya sa lalaking naglalakad palapit sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkalito. “Paano nangyari ‘to? Saan ang lugar na ‘to? Paano mo—”“Paano ako nakapunta dito sa harap mo ngayon?” Nakangiting nagtanong ang lalaki habang naglalakad siya palapit kay Madeline. “Sa mundong ito, may mga bagay na hindi sakop ng batas. Kahit na hindi kayang gawin ng pera ang lahat at hindi nito kayang bilhin ang tunay na pagmamahal, sapat na ito para bilhin ang kalayaan mo.”"..."Biglang sumakit ang ulo ni Madeline nang marinig niya ang sinabi ni Ryan. “Ryan, yung babae na kamukhang-kamukha ko, ikaw rin ba ang may pakana nun? Bakit mo ginawa yun?”Nilagay ni Ryan ang isang kamay niya sa kanyang bulsa.“Eveline, dapat alam mo na hindi magagawa sa loob lang ng isa o dalawang araw ang pagbabago sa itsura ng isang tao para maging kamukhang-kamukha mo.”“Sinasabi mo ba na plinano mo ‘to ng mas maaga?”“Noong araw na dinala kita sa Y Country, plinano ko talaga na gawin ‘to,
Lumapit si Ryan kay Madeline. Ang sinag ng araw ay tahimik na sumikat sa kanyang mukha, ngunit ang mukha niya ay kakaiba at hindi mawari. “Eveline, di na kita sasaktan ulit, pero hindi kita hahayaang bumalik sa tabi ni Jeremy.” Narinig ito ni Madeline at kalmado siyang ngumiti. “Noon, sinabi mo sa akin na hindi mo kami hahayaang magsama ulit ni Jeremy, pero napatunayan ito ng mga bagay at nagkasama kami ulit. Ano ngayon kung ikulong mo ako dito ngayon? Di magtatagal babalik din ako sa tabi niya. At kung tingin mo makukuha ng babaeng inutusan mo ang gusto niya, kalimutan mo na yan!” Sinabi niya ang mga kampanteng komentong ito tapos eleganteng umikot para umalis. Nainis si Ryan at sumimangot. Dahan-dahan niyang itinikom ang kanyang kamay na nakatago sa kanyang bulsa. Lalong kumikitid ang isipan ni Ryan nang tignan niya ang malawak na karagatan. … Sa Whitman Manor. Pagsapit ng gabi, masayang kumain ang pamilya. Ang babaeng nagpapanggap na si Madeline ay ngumiti nang pil
Isa dapat itong boses na gusto niya at nagpapaantig sa kanya, ngunit walang maramdaman si Jeremy sa sandaling iyon. Bumangon si Jeremy, naramdaman na unti-unting lumalapit sa kanya ang anino nito. Itinaas niya ang kanyang tingin at nakita itong nakasuot ng isang damit pantulog na hindi pa niya nakikita noon. Ang damit na ito ay napakanipis at kaakit-akit. Noong una inakala ni Jeremy na magkakaroon siya ng bugso ng hindi mapigilang damdamin sa loob niya, ngunit inilayo niya ang kanyang tingin at nainis. Wala sa isip niya ang maging maamo kay Madeline, lalo na ang makipaglambingan dito. “Linnie, matulog ka na muna. May trabaho pa akong kailangang gawin,” Sinabi ni Jeremy at naglakad siya patungo sa lamesa. Natulala ang babae. Kaagad siyang nahimasmasan at nakita ang malamig na likod ni Jeremy. Habang nagtataka, yumuko siya at tinignan ang kanyang damit. Sadya niyang tinignan ang kaliwa niyang dibdib. Naglagay siya ng nunal doon na katulad ng mayroon si Madeline. Mula sa kan
Kaagad na bumangon si Jeremy. "Kukunin ko na ito Linnie. Baka may nangyari kay Mom." "Sige." Tumango nang nakangiti si Madeline. Tinignan niya ang likod ni Jeremy habang unti-unting kumukupas ang ngiti sa kanyang mukha. Malapit na siyang magtagumpay ngunit biglang may nangyari. Para kay Jeremy, ang paglitaw ni Karen ay parang pglitaw ng tigapagligtas niya.Hindi pa siya nagkaroon ng nakakailang na pakiramdam na ito na siya mismo ay hindi alam ang dahilan sa likod nito. Hindi siya makapaniwala na maiilang siyang makasama si Madeline. Kahit noong dati, hindi pa siya nakakaramdam ng ganito. Binuksan ni Jeremy ang pinto at nakita si Karen na dala si Pudding. Puno ng pagkabahala ang mukha niya. "Anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam ni Pudding?" "Hindi." Umiling si Karen. "Tungkol ito sa father-in-law mo. Hindi pa rin siya nakakabalik matapos mag-overtime sa trabaho. Kailangan kong patulugin si Pudding at mag-isa lang si Eloise. Kung hindi pa tulog si Eveline, pakisabihan