Lahat ng Kabanata ng Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Kabanata 1441 - Kabanata 1450

2479 Kabanata

Kabanata 1441

Isa dapat itong boses na gusto niya at nagpapaantig sa kanya, ngunit walang maramdaman si Jeremy sa sandaling iyon. Bumangon si Jeremy, naramdaman na unti-unting lumalapit sa kanya ang anino nito. Itinaas niya ang kanyang tingin at nakita itong nakasuot ng isang damit pantulog na hindi pa niya nakikita noon. Ang damit na ito ay napakanipis at kaakit-akit. Noong una inakala ni Jeremy na magkakaroon siya ng bugso ng hindi mapigilang damdamin sa loob niya, ngunit inilayo niya ang kanyang tingin at nainis. Wala sa isip niya ang maging maamo kay Madeline, lalo na ang makipaglambingan dito. “Linnie, matulog ka na muna. May trabaho pa akong kailangang gawin,” Sinabi ni Jeremy at naglakad siya patungo sa lamesa. Natulala ang babae. Kaagad siyang nahimasmasan at nakita ang malamig na likod ni Jeremy. Habang nagtataka, yumuko siya at tinignan ang kanyang damit. Sadya niyang tinignan ang kaliwa niyang dibdib. Naglagay siya ng nunal doon na katulad ng mayroon si Madeline. Mula sa kan
Magbasa pa

Kabanata 1442

Kaagad na bumangon si Jeremy. "Kukunin ko na ito Linnie. Baka may nangyari kay Mom." "Sige." Tumango nang nakangiti si Madeline. Tinignan niya ang likod ni Jeremy habang unti-unting kumukupas ang ngiti sa kanyang mukha. Malapit na siyang magtagumpay ngunit biglang may nangyari. Para kay Jeremy, ang paglitaw ni Karen ay parang pglitaw ng tigapagligtas niya.Hindi pa siya nagkaroon ng nakakailang na pakiramdam na ito na siya mismo ay hindi alam ang dahilan sa likod nito. Hindi siya makapaniwala na maiilang siyang makasama si Madeline. Kahit noong dati, hindi pa siya nakakaramdam ng ganito. Binuksan ni Jeremy ang pinto at nakita si Karen na dala si Pudding. Puno ng pagkabahala ang mukha niya. "Anong nangyari? Masama ba ang pakiramdam ni Pudding?" "Hindi." Umiling si Karen. "Tungkol ito sa father-in-law mo. Hindi pa rin siya nakakabalik matapos mag-overtime sa trabaho. Kailangan kong patulugin si Pudding at mag-isa lang si Eloise. Kung hindi pa tulog si Eveline, pakisabihan
Magbasa pa

Kabanata 1443

Nagmadali si Jeremy at pinuntahan niya si Eloise na sumisigaw ng malakas. Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Mom, nakakapagsalita ka na?”Subalit, para bang hindi narinig ni Eloise si Jeremy. Nagpatuloy siya sa pagsigaw. “Eveline, nasaan si Eveline?!”Agad na pinakalma ng babae si Eloise, sa takot na maghinala sa kanya si Jeremy. Magkahalong pangamba at pag-aalala ang makikita sa kanyang mukha. “Mom, nandito si Eveline. Ako ang Eveline mo.”Tumingala si Eloise at pinagmasdan niya ang babae sa loob ng ilang sandali, pagkatapos ay bigla niyang hinawi ang kamay ng babae at tila pinandidirihan niya siya. “Hindi ikaw si Eveline! Hindi ikaw ang Eveline ko!”“...” Nanginig ang katawan ng babae, sumama ang ekspresyon ng kanyang mukha.Kakasimula pa lang niya sa mga plano niya, ngunit hindi niya inasahan na mabibigo siya agad.Gusto sana ng babae na sabihin na dahil ito sa sakit ni Eloise, ngunit nakita niya sa sulok ng mga mata niya na palapit sa kanya si Jeremy."Mom, wag kang m
Magbasa pa

Kabanata 1444

Wala siyang mahalagang bagay na kailangang puntahan, pero mayroon siyang hindi maipaliwanag na pagkabahala na mapag-isa kasama ni Madeline sa sandaling ito. 'Linnie, di kaya nagsisimula na akong maging hindi tapat sa'yo? 'Hindi.' Kaagad itong tinanggi ni Jeremy. Imposibleng mag-alinlangan siya sa nararamdaman niya para kay Madeline. 'Sadyang, bakit bigla akong nandidiri?' Hindi maintindihan ni Jeremy at inisip na lang niya na baka pagod na pagod siya kaya ganito siya mag-isip ngayon. … Pinalipas ni Madeline ang ilang araw sa isang maliit at di kilalang isla. Sa mga araw na nagdaan, magpapakita si Ryan sa umaga at aalis pagsapit ng gabi. Ayon sa kanya, mukhang kailangan pa rin niyang bumalik sa Glendale Prison tuwing gabi. Binili niya ang kalayaan niya ngunit hindi pa rin siya tuluyang malaya. Kalaunan hindi na rin siya maaring magpakita nang lantaran sa harapan ng lahat. Ngunit noong gabing iyon, habang natutulog si Madeline, nakaramdam siya na parang may taong
Magbasa pa

Kabanata 1445

Tinignan ni Madeline ang kamay ni Ryan na inaabot siya at lumingon nang walang bahala. Tinignan niya ang gusali sa direksyon ng Glendale, nangungulila sa loob niya para sa tahanan at mga taong mahalaga sa kanya. Nang makitang hindi siya pinapansin ni Madeline. Hinablot ni Ryan ang braso niya. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" "Kahit na ayaw mo, kailangan mo pa rin itong gawin kahit isang beses." "..." Nang magpupumiglas na si Madeline, pwersahan siyang hinila ni Ryan at tumungo sa kabilang gilid ng isla. May lamig na dalawa ang simoy ng hangin sa gabi habang naririnig ang paghampas ng alon sa dagat. "Bitawan mo ako Ryan," Desididong nag-utos si Madeline. Nagpanggap si Ryan na hindi niya narinig ito. Hinila niya si Madeline nang maglakad siya paharap at paglipas lang ng isang sandali siya huminto. Sinamantala ni Madeline ang pagkakataong ito para kumawala. Nang lilingon na siya at maglalakad palayo narinig niyang sinabi ni Ryan, "Ang pangarap na hindi natupad noo
Magbasa pa

Kabanata 1446

Tinatamad ng magpaliwanag pa si Madeline, kaya umalis na siya pagkatapos niyang sabihin ito. Pero, pagkatapos niyang humakbang ng ilang beses, biglang hinablot ni Ryan ang kanyang kamay. Nairita si Madeline. Naang sinubukan niyang kumawala, hindi niya inaasahan na bubuhatin siya ni Ryan at kakargahin na parang isang bagong kasal. “Huwag kang matakot. Wala akong gagawin sayong masama.” Pinapanatag siya ni Ryan. Nag-aalala ito na baka may gawin si Madeline na delikado habang nagpupumiglas ito. Kinarga niya si Madeline sa may bedroom. Nang makita ni Ryan na sinubukan ni Madeline na tumayo, hinawakan niya kaagad ng balikat nito at tinulak ito pabalik. “Eveline, ayoko ko nang saktan ka pa muli. Pakiusap magpahinga ka muna, wala akong gagawing masama sayo.” Seryoso ang ekspresyon ni Ryan habang nakatitig sa matatalas na mga mata ni Madeline. “Ang pakiusap ko lang ay sana masamahan ako ng babaeng mahal ko dito kahit isang gabi lang. Wala na tayong ibang gagawin. Gusto lang kitang
Magbasa pa

Kabanata 1447

Pagkatapos niyang marinig ito, hindi ito pinaniwalaan ni Madeline."Ilang beses mo ba ako lolokohin? Sa tingin mo ba ay matutuwa ka kapag napilit mo akong samahan ka?" Tanong ni Madeline. May pakiramdam siya na gustong gusto ni Ryan na mangyari ito. Syempre, inaasahan na ni Madeline ang sagot ni Ryan. Tinignan siya ni Ryan, nasasalamin sa kanyang mga mata ang katigasan ng kanyang ulo at katatagan sa ilalim ng liwanag ng buwan. “Oo, sasabihin ko sa sarili ko na masaya ako. Wala na akong oras, kaya ito na ang huling panaginip at luho ko sa buong buhay ko.”Base sa sinabi ni Ryan, papairalin niya ang kanyang katigasan ng ulo. ‘Kaya, ang tanging paraan lang para makaalis ako dito ay kung makikipaglaro ako sa kanya?’Nag-isip muna si Madeline ng ilang sandali at napagtanto niya na wala na siyang ibang magagawa. “Ryan, tuparin mo ang pangako mo. Kapag nanalo ako, hahayaan mo akong makabalik.”“Hindi ka mananalo.” Ngiti ni Ryan.Mas malakas ang loob ni Madeline ngayon nang maki
Magbasa pa

Kabanata 1448

”Sa tingin ko ay nagalit mo si Mommy.” “...” Biglang kinabahan si Jeremy nang marinig niya ang sinabi ni Jackson. “Daddy, may nakalimutan ka bang espesyal na araw at hindi binigyan ng regalo si mommy?” Espesyal na araw?Pagkatapos ng paalala ng kanyang anak, may naalala si Jeremy na bagay. ‘Pero, si linnie ba ay ang tipo na magbabago ang pakikitungo sa kanyang mga anak ng dahil lang sa amy nakalimutan ako na isang espesyal na araw?’Nagtaka bigla si Jeremy pero pakiramdam niya ay may punto siya. ‘ang cute pa rin ng mga babae kapag nagtatampo sila paminsan-minsan.’ Nang maisip ito ni Jeremy, bumuti ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos niyang maihatid ang mga bata sa kindergarten, bibili na sana si Jeremy ng regalo para sa kanilang anibersaryo. Pero, sa sandaling nilisan ni Jeremy ang kindergarten, isang matangkad na tao ang nagsimulang umaligid sa may eskwelahan. Hindi nito sinubukan na pumasok sa loob. Tumayo lang siya sa labas ng bakod habang nakatingin sa isa sa
Magbasa pa

Kabanata 1449

Naglabas ng isang piraso ng candy si Jackson mula sa kanyang bulsa at ibinato ito sa laba ng gate. Pagkatapos, kinurapkurap niya ang kanyang mga inosenteng mata na puno ng buhay at naglakad papunta sa opisina ng mga guwardiya. Tinawag niya ang pansin ng mga ito. “Sir!” Tinawag niya ang mga ito, ang kanyang malumanay na boses ay puno ng kanyang kapilyuhan bilang isang bata. Isang hindi gaanong katanda na lalake ang naglakad palabas ng opisina at palakaibigan na nagtanong, “Oh, anong problema, buddy?” “Sir, nalaglag sa labas ang candy na binigay sa akin ng kapatid ko.” Kinurap ni Jackson ang kanyang malilinaw na mga mata at itinuro ang kanyang munting daliri sa may bakal na tarangkahan. Pagkatapos, tinignan niya si Lillian na dahan-dahan na naglalakad papunta sa kanya. “Kapag nawala ko ang candy na yun, malulungkot ang kapatid ko. Ayoko siyang malungkot. Pwede niyo po ba akong tulungan na makuha ito, sir?” Walang kaalam-alam ang guwardiya sa binabalak ni Jackson. Natura lang,
Magbasa pa

Kabanata 1450

”Buddy, huwag kang magpapaloko. Ang mga masasamang tao ngayon ay mga mukhang mabubuting tao. Ikaw at ang kapatid mo ay mga bata pa, kaya huwag kayong basta-bastang maniniwala sa mga hindi niyo kilala.” Pinagsabihan sila ng guwardiya at seryosong sinemonan. Pagkatapos, umalis na siya kasama si Lillian sa kanyang mga kamay. Bago yun, pinaalalahanan niya si Jackson. “Buddy, bumalik ka na. Malapit nang magsimula ang klase.” Ayaw na niyang pag-alalahin ang guwardiya, kaya tumango siya bilang pagsang-ayon. Naglakad siya ng mabilis papunta kay Fabian at tumingala ito. “Heto, binabalik ko na sayo to. Ayaw tanggapin ng kapatid ko.” Inabot ni Jackson ang kahon kay Fabian. Tinignan ni Fabian ang kahon na ibinalik sa kanya ng may ngiti na puno ng pagkadismaya at inis bago ito kinuha sa mga kamay ni Jackson. Nilingon niya at tinignan si Lillian na iniiwasan siya at gusto pa siyang takbuhan nito. Pagkatapos, hinigpitan niya ang hawak sa kahon habang bakas sa kanyang mga mata ang pagsis
Magbasa pa
PREV
1
...
143144145146147
...
248
DMCA.com Protection Status