”Sa tingin ko ay nagalit mo si Mommy.” “...” Biglang kinabahan si Jeremy nang marinig niya ang sinabi ni Jackson. “Daddy, may nakalimutan ka bang espesyal na araw at hindi binigyan ng regalo si mommy?” Espesyal na araw?Pagkatapos ng paalala ng kanyang anak, may naalala si Jeremy na bagay. ‘Pero, si linnie ba ay ang tipo na magbabago ang pakikitungo sa kanyang mga anak ng dahil lang sa amy nakalimutan ako na isang espesyal na araw?’Nagtaka bigla si Jeremy pero pakiramdam niya ay may punto siya. ‘ang cute pa rin ng mga babae kapag nagtatampo sila paminsan-minsan.’ Nang maisip ito ni Jeremy, bumuti ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos niyang maihatid ang mga bata sa kindergarten, bibili na sana si Jeremy ng regalo para sa kanilang anibersaryo. Pero, sa sandaling nilisan ni Jeremy ang kindergarten, isang matangkad na tao ang nagsimulang umaligid sa may eskwelahan. Hindi nito sinubukan na pumasok sa loob. Tumayo lang siya sa labas ng bakod habang nakatingin sa isa sa
Naglabas ng isang piraso ng candy si Jackson mula sa kanyang bulsa at ibinato ito sa laba ng gate. Pagkatapos, kinurapkurap niya ang kanyang mga inosenteng mata na puno ng buhay at naglakad papunta sa opisina ng mga guwardiya. Tinawag niya ang pansin ng mga ito. “Sir!” Tinawag niya ang mga ito, ang kanyang malumanay na boses ay puno ng kanyang kapilyuhan bilang isang bata. Isang hindi gaanong katanda na lalake ang naglakad palabas ng opisina at palakaibigan na nagtanong, “Oh, anong problema, buddy?” “Sir, nalaglag sa labas ang candy na binigay sa akin ng kapatid ko.” Kinurap ni Jackson ang kanyang malilinaw na mga mata at itinuro ang kanyang munting daliri sa may bakal na tarangkahan. Pagkatapos, tinignan niya si Lillian na dahan-dahan na naglalakad papunta sa kanya. “Kapag nawala ko ang candy na yun, malulungkot ang kapatid ko. Ayoko siyang malungkot. Pwede niyo po ba akong tulungan na makuha ito, sir?” Walang kaalam-alam ang guwardiya sa binabalak ni Jackson. Natura lang,
”Buddy, huwag kang magpapaloko. Ang mga masasamang tao ngayon ay mga mukhang mabubuting tao. Ikaw at ang kapatid mo ay mga bata pa, kaya huwag kayong basta-bastang maniniwala sa mga hindi niyo kilala.” Pinagsabihan sila ng guwardiya at seryosong sinemonan. Pagkatapos, umalis na siya kasama si Lillian sa kanyang mga kamay. Bago yun, pinaalalahanan niya si Jackson. “Buddy, bumalik ka na. Malapit nang magsimula ang klase.” Ayaw na niyang pag-alalahin ang guwardiya, kaya tumango siya bilang pagsang-ayon. Naglakad siya ng mabilis papunta kay Fabian at tumingala ito. “Heto, binabalik ko na sayo to. Ayaw tanggapin ng kapatid ko.” Inabot ni Jackson ang kahon kay Fabian. Tinignan ni Fabian ang kahon na ibinalik sa kanya ng may ngiti na puno ng pagkadismaya at inis bago ito kinuha sa mga kamay ni Jackson. Nilingon niya at tinignan si Lillian na iniiwasan siya at gusto pa siyang takbuhan nito. Pagkatapos, hinigpitan niya ang hawak sa kahon habang bakas sa kanyang mga mata ang pagsis
Tinignan ni Madeline ang likuran ni Ryan na nakaharap sa kanya at saka umalis. Pagkatapos, tinignan niya ang karagatan na nasa harapan ni Ryan. 'Ryan, siguradong matatalo ka sa larong ito.' Alam ni Ryan na magtatago na si Madeline ngayon. Tinignan niya ang tumatakbong oras sa kanyang relo. Lumingon lang siya sa kanyang likuran pagkalaipas ng sampung minutong palugit na binigay niya kay Madeline. Meron lang isang bahay sa isla at simple lang ang istraktura nito. Hindi niya inakala na hindi niya mahahanap si Madeline sa loob ng kalahating oras. Pero, pagkalipas ng ilang oras, bukod sa hindi niya mahanap si Madeline sa loob ng bahay, pero sinubukan din niyang hanapin ito sa yate na malapit sa dalampasigan at hindi pa rin niya mahanap si Madeline doon. Para bang naglaho na lang ito na parang bula mula sa isla at walang mahanap na kahit anong bakas nito. Paano nangyari yun?Kitang kita ang lahat ng bagay dito sa islang ito sa isang tingin lang. Isang maliit lang na bahay na wal
“Sige, aalis na tayo sa islang ito ngayon,” sabi ni Ryan at lumingon papunta sa yate.Nagmadaling bumalik si Madeline sa bahay para magsuot ng bathrobe. Pagkatapos, mabilis niyang sinundan si Ryan sa may yate. Pagkalipas ng ilang sandali, pinaandar na ni Ryan ang yate.Nabunutan ng tinik as dibdib si Madeline. ‘Jeremy, malapit na akong makabalik sa piling mo.’Nasabi ni Madeline sa kanyang isipan habang nangungulila sa kanyang tatlong anak. Hindi niya lubos maisip kung ano ang pwedeng mangyari kapag may ginawang masama ang babaeng nagpapanggap na siya sa kay Jeremy at sa kanyang mga anak. Pero, nang maisip niya ito, naniniwala pa rin siya na hindi malilinlang si Jeremy ng ganung kadali at ang babaeng yun ay hindi maglalaks loob na saktan ang kanyang mga anak. Kung gusto nitong magpanggap bilang siya at palitan siya, kakailanganin niyang gampanan ang papel niya bilang isang mabuting asawa at mapagmahal na ina. Nang maisip niya ito, gumaan ang pakiramdam ni MadelineNaglaka
Malamig na sinilip ni Madeline si Ryan na hahabulin na sana siya. “Kalayaan.” Buong tapang niyang sinabi at bigla na lang, humakbang siya sa gilid ng yate. Pakiramdam ni Ryan ay lumubog ang kanyang puso. “Eveline!” Inunat niya ang kanyang mga kamay para hablutin si Madeline, pero buo na ang pasya ni Madeline. Hindi ito nag-alinlangan bago tumalon sa karagatan.“Eveline!”Namutla sa takot si Ryan. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Madeline. Pero, hindi na ito kakaiba kung inisip lang niya ito ng maigi. Wala siyang pagkasuko at lagi itong lumalaban. Mabilis na lumubog ang kanyang katawan sa dagat at may lumitaw na mga bula sa lugar na kung saan siya tumalon. Nanlaki ang mga mata ni Ryan sa takot bago niya nakita ang ulo ni Madeline na umahon mula sa tubig. Ang takot at pag-aalala sa kanyang puso ay bahagyang naibsan. Nagpatuloy si Madeline sa paglangoy ng hindi man lang lumilingon pabalik. Alam niya na imposibleng lumangoy pabalik sa Glendale. Pero, pwede pa rin s
Nung taon na yun, namumula ang mukha nito dahil as hiya. SAbi nito, “Patawad, pero isang dolyar lang ang dala kong pera.” Ang boses ni Madeline ay parang isang batis na dumaloy sa kanyang mabigat na puso. Ang isang dolyar na yun ang tumupad sa kanyang pangarap. Biglang ngumiti si Ryan. Maaaninag sa mga kulay abong mata nito ang mukha ng babaeng tunay niyang minahal at hinangaan. Bigla na lang, naramdaman niya na mabuti na ito. “Eveline,” sigaw niya kay Madeline, “Salamat.” ‘Salamat sa pagsulpot sa buhay ko at salamat sa pagpapatawad sa akin sa bandang huli.’“Ryan, bakit hindi ka pa tumalon? Talon!” Boom!Biglang sumabog ang yate. Ang malakas na ihip ng hangin at init ay lumapit kay Madeline. “Ah!”Napasigaw si Madeline habang mabilis niyang tinakpan ang kanyang mukha gamit ng kanyang mukha. Subalit, hindi niya kayang pigilan ang pwersang ito. Tumilapon siya sa malayo. At sa mga sandaling yun, ramdam niya ang init sa kanyang mukha at ang inagya sa kanyang tenga. Laha
Nanlaki ang mga mata ni Madeline. Hindi niya matanggap na ang babaeng nakikita niya sa salamin ay sang sarili niyang repleksyon. Nakabalot ng gasa ang buo niyang mukha. Wala siyang makita na kahit na katiting na bahagi ng kanyang balat pwera sa kanyang mga mata. Ang kanyang mukha… Pakiramdam niya ay bumigat ang kanyang mga binti. Sa sobrang bigat ng mga ito ay hindi siya makagalaw. Inangat niya ang kanyang mga kamay at marahan na hinawakan ang kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang mukha marahil ay nasira hanggang sa hindi na siya makilala. “Miss, ayos ka lang ba?” Nag-aalalang tanong ng kasama niyang katulong. Ibinaba ni Madeline ang mga nanginginig niyang kamay at nilingon ang katulong. “Ang mukha ko…” Gusto niyang tanungin ito, pero pagkatapos nitong sabihin ang mga salitang yun, napagtanto niya na naging garalgal ang kanyang boses. “Malubhang napinsala ang mukha mo. Sabi ni Dr. Lane ay matatagalan bago tuluyang gumaling ang mukha mo pero huwag kang m