”Nasaan ako?” Tinanong ni Madeline ang lalakeng nakatalikod sa kanya. Binagalan ng lalake ang paglalakad nito at bahagya itong lumingon. Ang matikas at perpektong panga nito ang lalong nag angat sa kakisigan nito habang nasisikatan ng araw. . “Hindi na importante kung nasaan ka. Kung gusto mong umuwi, tigilan mo na ang pag-iyak.” Ang boses nito ay kasing lamig ng kanyang awra. Hinigpitan ni Madeline ang pagkakahawak niya sa panyo. “Ikaw ba ang nagligtas sa akin?” “Napadaan lang ako.” Diretso ang kanyang sagot. Naalala ni Madeline na may nakita pa siya na isa pang yate na papunta sa kanya bago sumabog ang yate na sinasakyan ni Ryan. Marahil ay ang lalakeng ito ay nagkataon na nakasakay sa yate na yun at nakita ang pagsabog ng yate kaya niligtas siya nito. "Salamat." Tinignan ni Madeline ang likod ng lalake at pinasalamatan ito. At kasabay nun, naalala niya si Ryan na nakasakay pa rin sa yate nung sumabog ito. "Nailigtas mo rin ba ang kaibigan ko?" "Kaibigan?" Naguluhan a
Kinutuban ng masama si Madeline ng marinig niya ang sinabi ng lalake. Pero, nung maalala niya kung ano ang nangyari kay Jeremy nung sumabog ang yate, nakahanap siya ng pag-asa sa kalagitnaan ng kanyang mga pangamba.“Anong iniisip mo? Kung gusto mong malaman, sundan mo lang ako. Huwag ka nang mag-aksaya ng oras.” Naiinip at malamig na sabi ng lalake. Mabagal na humakbang si Madeline paharap. Dahil sa lakas ng pagsabog ng yate nung araw na yun, nanghihina pa rin ang buo niyang katawan, Mabagal siyang naglakad habang sinusundan siya ng dalawang katulong dahil sa nag-aalala ang mga ito na baka siya biglang matumba. Naantig ang puso ni Madeline dahil sa kalinga at alaga na pinapakita ng mga ito. Pakiramdam niya ay napaka swerte niya dahil sa nailigtas siya. Malaki ang lugar, at ang mga dekorasyon at ang lahat ng mga disenyo ay may impluwensya ng Ingles. Ang lahat ng nandito ay nagpapakita ng payak ngunit eleganteng sentimyento, mula sa maliliit na kagamitan hanggang sa mga lames
Subalit, siya ang pumili ng kanyang wakas. Tahimik na tinitigan ni Madeline ang urn. Pagkatapos, narinig niya ang malamig na boses ng lalake mula sa kanyang likuran. “Walang magagawa ang kalungkutan. Pigilan mo yang mga luha mo at alagaan mo ng maigi ang sarili mo.” Nilingon siya ni Madeline at inangat ang kanyang malinaw at magandang mga mata. “Nakita mo ba akong umiyak?” Kalmado niyang tanong at tahimik na pinagmasdan ang urn na nakapatong sa may lamesita. “Ito ang landas na pinili niyang tahakin.” Pagkatapos niyang sabihin ito, bumalik na si Madeline kung saan siya nanggaling. Hindi inaasahan ng lalake na kalmado siyang sasagutin ni Madeline. Sa mga sandaling yun, hindi alam ng lalake kung ano ang gagawin niya habang lutang naman ang kanyang isipan dahil sa nangyari. Inangat niya ang kanyang ulo para tignan si Madeline na nakaalis na. Bigla siyang nagtaka. Na may mga matang puno ng determinasyon at lakas ng loob, ano kaya ang personalidad ng babaeng ito? Isa pa, ano kaya
Nang marinig niya ito, binalik ni Madeline ang kanyang nakaunat na paa. ‘Jeremy?‘Ang lalake ba na ito ay nanonood ng isang video tungkol kay Jeremy?‘Bakit niya pinapanood ito?’Nagtataka si Madeline, at hindi mapalagay ang kanyang puso. Habang inaalam niya kung bakit nanonood ang lalakeng ito ng video tungkol kay Jeremy, napansin niya na nakita na siya ng lalake. Ang singkitan nitong mga mata ay diretsong nakatitig sa kanya na tulad ng buwan sa madilim na gabi. Mukha itong malamig ngunit malalim. “Halika rito at maupo ka.” Sabi ng lalake at inimbitahan siya nitong maupo kasama niya. Gustong maunawaan ni Madeline kung ano ang nangyayari, kaya pumunta siya doon para umupo.Ang katulong na nagsisilbi sa lalake ay binigyan si Madeline ng tsaa at magalang na inabot ito sa kanya ng may ngiti. Hinawakan ni Madeline ang tasa ng tsaa at naramdaman niya ang init na kumalat sa kanyang palad papunta sa kanyang puso. Sa totoo lang, napakaswerte niya. Kahit paano ay ligtas ang b
Yumuko ang lalake at isa isang tinignan ang mga larawan. Hindi na makapagtimpi si Madeline. Tumayo siya para pumunta sa tabi ni Mr. Carter upang makita niya ang mga larawan. Tinitignan ng lalake ang mga larawan nang tumingala ito para tignan si Madeline. Nang makita niyang seryoso kung makatingin sii Madeline, malamig niyang sinabi, "Bakit mukha kang aligaga jan?" Pinigilan ni Madeline ang kaseryosohan sa kanyang mga mata at sumagot na para bang wala lang ito. "Gusto ko lang malaman kung ano ang itsura ng taong kapareho ko ng pangalan." Maayos naman ang kanyang rason, kaya hindi na nagduda pa ang lalake. Pagkatapos, binalik nito ang kanyang tingin sa nga larawan. "Anong opinyon mo tungkol sa babaeng kapareho mo ng pangalan? Sa tingin mo ba ay maganda siya?" Pinagmasdan ni Madeline ang babae sa larawan na sumailalim sa plastic surgery para lang maging kamukha niya. May bahid ng pandidiri ang kanyang mga mata. "Sakto lang." "Sakto lang?" Walang ekspresyon ang mukha nito, pe
Dahan dahan na inangat ni Madeline ang kanyang nanginginig na mga daliri at hinimas ang kanyang pisngi. Wala na ang makinis niyang balat. Ang natira na lamang ay maumbok at pangit na mga peklat. Bukod sa maliit na sugat sa kanyang noo at ang kanyang mga mata, ang iba pang bahagi, lalo na ang kanyang mga pisngi, ay malubhang nasira na halos nakakadiri nang tignan ang mga ito. Pinisil ni Madeline ang hawakan ng salamin at pinilit na pakalmahin ang kanyang sarili. Pero, walang babae sa mundo ang matatanggap na ang kanilang makinis na mukha ay masisira lang ng ganito—kahit pati si Madeline. “Kasalukuyan pa rin itong naghihilom. Ang mukha mo ay tuluyan nang gagaling pagkatapos ng ilang mga gamutan.” Ang doktor na nasa tabi ni Madeline ay binigyan siya ng pag-asa. “Salamat, makikipag kooperasyon ako sa gamutan.” Ngumiti si Madeline at pinasalamatan niya ang doktor.Kapag tumatawa siya noon, may lumilitaw na matatamis na mga dimples sa kanyang pisngi. Ngayon, wala na halos balat an
Hinigpitan niya ang hawak sa mga kubyertos, habang pinipigilan ang kanyang emosyon. Pagkahinga niya ng malalim, sinabi niya, “Pwede ba akong sumama sayo papunta ng Glendale?” Tumingala ang lalake para tignan si Madeline pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. Lakas-loob na tinitigan ni Madeline ang malalim at malamig na mga mata ng lalake. “Nakatira ako sa Glendale. Namimiss ko na ang aking tirahan.” “Gusto mong umuwi ng ganito ang itsura mo?”“Hindi, gusto ko lang pumunta para silipin ang lugar.” Alam ni Madeline ang kasalukuyan niyang kondisyon. Ayaw niyang tumayo sa harapan ni Jeremy habang ganito ang kanyang itsura. Baka hindi nito masamain na nasira ang kanyang mukha. Pero, walang lakas ng loob si Madeline na alamin ang kalalabasan nun. Natatakot siya na baka hindi siya makilala ni Jeremy kapag hinarap niya ito ng ganito ang kanyang itsura. Nung maisip niya ang eksenang yun, pakiramdam niya ay tinusok ng maraming karayom ang kanyang puso. Walang siyang lakas ng
Lagi niyang naiisip ang muli nilang pagsasama ni Jeremy. Pero, hindi niya inaasahan na makikita niya ang kanyang mahal at ang babaeng nagpapanggap bilang siya sa ganitong sitwasyon. Kakasundo lang nila sa kanilang mga anak mula sa eskwelahan at naggagala ng masaya sa may kalsada. Pakiramdam ni Madeline ay para bang nawakwak ang kanyang puso at nanunuot ang malamig na hangin ng taglagas. Nang makita niya si Jeremy at ang babae na hawak ang mga kamay nila Jackson at Lillian para tumawid, biglang iangat ni MAdeline ang kanyang kamay at binuksan ang bintana ng kotse. “Jeremy.”Hindi niya mapigilan na tawagin ang pangalan nito. Pero, ang boses na lumabas sa kanyang mga labi ay kasing garalgal ng isang taong malakas manigarilyo. Sa sandaling yun, nagulat siya. Ganun pa man, para bang may naramdaman si Jeremy o kaya ay may narinig na kung ano. Tumingin siya sa direksyon kung nasaan si Madeline, pero sa isang iglap, iniwas ni Madeline ang kanyang tingin sa sobrang taranta at mabilis