Yumuko ang lalake at isa isang tinignan ang mga larawan. Hindi na makapagtimpi si Madeline. Tumayo siya para pumunta sa tabi ni Mr. Carter upang makita niya ang mga larawan. Tinitignan ng lalake ang mga larawan nang tumingala ito para tignan si Madeline. Nang makita niyang seryoso kung makatingin sii Madeline, malamig niyang sinabi, "Bakit mukha kang aligaga jan?" Pinigilan ni Madeline ang kaseryosohan sa kanyang mga mata at sumagot na para bang wala lang ito. "Gusto ko lang malaman kung ano ang itsura ng taong kapareho ko ng pangalan." Maayos naman ang kanyang rason, kaya hindi na nagduda pa ang lalake. Pagkatapos, binalik nito ang kanyang tingin sa nga larawan. "Anong opinyon mo tungkol sa babaeng kapareho mo ng pangalan? Sa tingin mo ba ay maganda siya?" Pinagmasdan ni Madeline ang babae sa larawan na sumailalim sa plastic surgery para lang maging kamukha niya. May bahid ng pandidiri ang kanyang mga mata. "Sakto lang." "Sakto lang?" Walang ekspresyon ang mukha nito, pe
Dahan dahan na inangat ni Madeline ang kanyang nanginginig na mga daliri at hinimas ang kanyang pisngi. Wala na ang makinis niyang balat. Ang natira na lamang ay maumbok at pangit na mga peklat. Bukod sa maliit na sugat sa kanyang noo at ang kanyang mga mata, ang iba pang bahagi, lalo na ang kanyang mga pisngi, ay malubhang nasira na halos nakakadiri nang tignan ang mga ito. Pinisil ni Madeline ang hawakan ng salamin at pinilit na pakalmahin ang kanyang sarili. Pero, walang babae sa mundo ang matatanggap na ang kanilang makinis na mukha ay masisira lang ng ganito—kahit pati si Madeline. “Kasalukuyan pa rin itong naghihilom. Ang mukha mo ay tuluyan nang gagaling pagkatapos ng ilang mga gamutan.” Ang doktor na nasa tabi ni Madeline ay binigyan siya ng pag-asa. “Salamat, makikipag kooperasyon ako sa gamutan.” Ngumiti si Madeline at pinasalamatan niya ang doktor.Kapag tumatawa siya noon, may lumilitaw na matatamis na mga dimples sa kanyang pisngi. Ngayon, wala na halos balat an
Hinigpitan niya ang hawak sa mga kubyertos, habang pinipigilan ang kanyang emosyon. Pagkahinga niya ng malalim, sinabi niya, “Pwede ba akong sumama sayo papunta ng Glendale?” Tumingala ang lalake para tignan si Madeline pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. Lakas-loob na tinitigan ni Madeline ang malalim at malamig na mga mata ng lalake. “Nakatira ako sa Glendale. Namimiss ko na ang aking tirahan.” “Gusto mong umuwi ng ganito ang itsura mo?”“Hindi, gusto ko lang pumunta para silipin ang lugar.” Alam ni Madeline ang kasalukuyan niyang kondisyon. Ayaw niyang tumayo sa harapan ni Jeremy habang ganito ang kanyang itsura. Baka hindi nito masamain na nasira ang kanyang mukha. Pero, walang lakas ng loob si Madeline na alamin ang kalalabasan nun. Natatakot siya na baka hindi siya makilala ni Jeremy kapag hinarap niya ito ng ganito ang kanyang itsura. Nung maisip niya ang eksenang yun, pakiramdam niya ay tinusok ng maraming karayom ang kanyang puso. Walang siyang lakas ng
Lagi niyang naiisip ang muli nilang pagsasama ni Jeremy. Pero, hindi niya inaasahan na makikita niya ang kanyang mahal at ang babaeng nagpapanggap bilang siya sa ganitong sitwasyon. Kakasundo lang nila sa kanilang mga anak mula sa eskwelahan at naggagala ng masaya sa may kalsada. Pakiramdam ni Madeline ay para bang nawakwak ang kanyang puso at nanunuot ang malamig na hangin ng taglagas. Nang makita niya si Jeremy at ang babae na hawak ang mga kamay nila Jackson at Lillian para tumawid, biglang iangat ni MAdeline ang kanyang kamay at binuksan ang bintana ng kotse. “Jeremy.”Hindi niya mapigilan na tawagin ang pangalan nito. Pero, ang boses na lumabas sa kanyang mga labi ay kasing garalgal ng isang taong malakas manigarilyo. Sa sandaling yun, nagulat siya. Ganun pa man, para bang may naramdaman si Jeremy o kaya ay may narinig na kung ano. Tumingin siya sa direksyon kung nasaan si Madeline, pero sa isang iglap, iniwas ni Madeline ang kanyang tingin sa sobrang taranta at mabilis
Simple lang ang nakalagay sa sulat at naipaliwanag nito ang dalawang sitwasyon sa kanila. [Patay na si Ryan.[Nasa loob ng urn ang kanyang mga abo.]“Hindi, paano nangyari to? Paano namatay ng ganun na lang si Rye? Paano naging abo ito ni Rye?” Kasing putla ng papel ang mukha ni Mrs. Jones habang puno ng takot ang mga mata nito. “Hindi! Sino ang nagdala nito dito? Bakit niya tayo niloloko ng ganito?” Emosyonal niyang tinanong ang kanilang katulong. Pati ang katulong ay nagulat. ‘Patay na ang Young Master?‘At ang mga abo niya ay nasa loob ng urn?’Kinuha ni Mr. Jones ang sulat at nanigas siya sa kanyang kinatatayuan, wala sa sarili sa sobrang gulat.Ayaw niyang maniwala. Pero, halos matagal na rin nung huli nilang makausap si ryan, kaya kailangan niya tanggapin ang posibilidad na baka patay na si Ryan. Pagkatapos lisanin ni Madeline ang Jones Manor, mag-isa siyang naglakad. Wala siya sa kanyang sarili. Wala siyang ideya kung kelan pa dumilim ang langit at kung kailan
Pati ang babaeng kasama ni Jeremy ay huminto sa paglalakad. Abot langit ang ngiti ng babaeng ito. Pagkatapos ay nagtanong siya ng may malambing na tono, “Jeremy, anong problema? Anong tinitignan mo?” Hindi makapaniwala si Madeline. Ang boses ng babaeng ito ay kapareho ng sa kanya noong hindi pa nasisira ang kanyang boses. Pero, walang bahid ng pagpapanggap ang tono ng kanyang boses. Hindi pinansin ni Jeremy ang kasama niyang babae sa sandaling yun. Nakatuon ang kanyang tingin kay Madeline. Sa hindi malaman na dahilan, pakiramdam ni Jeremy ay para bang ang tibok ng kanyang puso at paghinga ay kontrolado ng pares ng mga mata na nakatingin sa kanya sa di-kalayuan. ‘Meron pa bang ibang babae na may mga mata na katulad kay Linnie sa mundong ito?’ Natanong ni Jeremy ito sa kanyang sarili. Hindi niya mapigilan na humakbang papalapit papunta kay Madeline na tahimik na nakatayo ng mag-isa sa ulan. Bigla na lang, ang masayang babae na may hawak na rosas ay bakas na ang pagkairita
”Jeremy, Jeremy?’ Naguluhan ang babae sa naging reaksyon ni Jeremy. Kahit pati si Jeremy mismo ay hindi maunawaan kung bakit nagawa ng mga mata na yun na mawala siya sa kanyang sarili. Isa pa, ang itsura ng likuran ng babaeng yun ay nagparamdam sa kanya ng matinding sakit sa kanyang puso sa hindi niya malaman na dahilan. Kakaiba ang pangyayaring ito. Pero, wala siyang oras para tignan ang bagay na ito bago siya muling pinilit ng babaeng nasa tabi niya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Hinawakan ni Madeline ang payong, at pagkatapos niyang maglakad ng mga ilang sandali, dahan dahan siyang huminto sa paglalakad. Hindi niya alam kung kailan pa dumilim ang langit. Nang malagpasan niya si Jeremy kanina, pakiramdam niya ay dumilim ang kanyang paningin. Nilamon ng matinding sakit ang kanyang puso, pero ngayon, ang sugat sa kanyang mukha ay nagsimulang sumakit. Nilapag ni Madeline ang payong nang sumama ang kanyang pakiramdam. Pero, sa sandaling tinanggal niya ang kanyang ma
Pagkatapos matanong so Madeline ng ganitong tanong, nagsimula siyang naging aligaga. Hindi niya alam kung ang lalake ay may nakita o kaya may nalaman ito. Sa madaling salita, kung paano siya tignan nito ay napakatalim. Inangat ni Madeline ang kanyang inosente at nalilitong mga mata. Pagkatapos, naguguluhan niyang natanong, “Pwede mo bang ipaliwanag sa akin? Hindi ako sigurado kung ano ang ibig mong sabihin?” Isang nakatagong ngiti ang lumitaw sa malamig na mukha ng lalake. “Si Jeremy Whitman ay isang malamig na lalake na hindi nadadaan sa rason sa lahat ng nasa Glendale. Pero, binigay niya sa iyo ang kanyang payong at tumayo sa ulanan kasama ang babaeng mahal niya ng sa sarili niyang desisyon.” Sinabi niya bago huminto. Lalong lumalim ang kanyang tingin kay Madeline. “Bakit napaka bait niya sayo?” Pati si Madeline ay naguguluhan sa tanong na ito. Tama siya. Si Jeremy ay ganung klase ng tao, pero hindi siya ganung kawalang puso. Paminsan-minsan, tinutulungan sin niya ang mg