Napansin din niya na hindi na siya tinitignan ng lalake ng may pagdududa at tanong. Sa kabilang banda, mukhang naunawaan pa nga nito ang buong sitwasyon ngayon. “Kung ganun ito rin ba ang dahilan kaya si Jeremy lang ang pinuri mo at sakto lang ang sinabi mo kay Eveline nang makita mo sila sa larawan nung nakaraan?” “Oo,” Tugon ni Madeline. Pagkatapos, sinabi niya, “Matalino ka, Mr. Carter. Nakita mo ang lahat ng yun.” Binigyan ng lalake ng isang pekeng ngiti si Madeline ng marinig nito ang sinabi niya. Pagkatapos, tinignan nito si Madeline ng nakangisi. Medyo nakonsensya si Madeline kapag tinitignan niya ito. “Ang numero unong socialite ng Glendale, si Eveline Montgomery, ay sakto lang para sayo. Sa tingin ko ay galit ka talaga kay Jeremy. Kasabay din nito, malamang ay galit ka rin kay Eveline Montgomery na kapareho mo ng pangalan, tama?” “...” Nag-alangan ng dalawang segundo si Madeline. Pagkatapos, nagbigay siya ng sagot na may malalim na kahulugan, “Tama, mas galit ako sa ba
Narinig niya ang malamig at hindi natutuwang boses ng lalake sa kanyang tenga. Ang kamay ng babae na tatanggalin sana ang maskarang suot niya ay huminto rin. Tumingala si Madeline at nakita ang gilid ng mukha ng lalake na may pambihirang itsura. Mabilis siyang umalis sa pagkakahawak ng lalake at naglakad papunta sa kabilang gilid. Tinignan ng lalake si Madeline. Pagkatapos, ang malamig na tingin nito ay natuon sa magulo at matigas na ulong babae. “Sinong nagpapasok sayo dito? At sino ang nagbigay sayo ng pahintulot na galawin siya?” Tanong ng lalake. Kinagat ng babae ang kanyang mapula at matambok na labi. Ang maganda nitong mukha ay napuno ng galit. “Carter Gray, ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan para lang sa babaeng to?!” ‘Carter Gray.‘Kung ganun ang pangalan niya ay Carter Gray.’Sa wakas, nalaman din ni Madeline ang tunay nitong pangalan. Pero, nalito siya tungkol sa relasyon sa pagitan ng babae at ng lalakeng ito.Hindi naman sila mukhang mag-asaw
”Binabalaan kita, huwag mong gagalawin ang mahal ko.” “...”Mahal niya?Kailan pa siya naging mahal nito? Alam ni Madeline na ang lalakeng ito ay ginagamit lamang siya para mapalayas ang babaeng ito. Pero, hindi siya binigyan nito na makapagpaliwanag bago nito hinawakan ang kanyang kamay ng biglaan at naglakad paakyat ng hagdan. “Carter! Carter!” Pagalit na sumigaw ang babae sa kanilang likuran, pero walang balak na huminto ng lalake sa paglalakad. Habang paakyat sila ng hagdan, sinubukan tanggalin ni Madeline ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng lalake sa kanya ng ilang ulit. Pero, lalo lang nitong hinigpitan ang kanyang hawak. "Hindi na niya tayo nakikita, kaya pwede bang bitawan mo na ako, Mr Carter?" Hindi natutuwang pakiusap ni Madeline. Huminto sa paglalakad si Carter at nilingon si Madeline. Nang makita niya ang pagpupumiglas nito at inis sa mga mata ni Madeline, kaagad siyang bumitaw. “Pumasok ka.” Nauna siyang pumasok sa loob ng study room.Sumunod din
Hindi ito inasahan ni Madeline. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ang lalaking nasa kanyang harapan ay isang tao sa buhay niya na kanyang sinasandalan at pinagkakatiwalaan nang walang pag-aalala. Ngunit sa sandaling ito, sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ang mga dalagang nahuhumaling sa itsura ni Jeremy ay nakatingin sa kanya nang hindi kumukurap. Umaasa sila na titignan sila ni Jeremy. Ngunit, diretsong naglakad si Jeremy papunta kay Madeline. Tinitigan niya ang mga mata ni Madeline nang ilang segundo bago nagsabing, "Nandito ka rin ba para sa trabaho?" Tanong niya. Malamig na hangin sa huling bahagi ng taglagas, pero ang mga salita ni Jeremy ay parang simoy ng tagsibol habang dumaan ito sa tainga ni Madeline. Sinara ni Madeline ang kanyang mga kamao at tumango. "Oo." "Naranasan mo na bang magtrabaho ng ganitong klaseng trabaho noon?" Nagpatuloy na nagtanong si Jeremy. Tumitig si Madeline sa malalalim at kaakit-akit na mga mata sa kany
Totoo nga. Ang mga matang iyon ay talagang maaliwalas at napakaganda. 'Kung ganun, gusto ba ni Mr. Whitman ang lahat ng konektado sa taong minamahal niya?'Talaga bang kinuha niya ang babaeng yan dahil kamukha ng mga mata niya ang sa asawa niya?' Nang maisip ng lahat ang dahilang ito ay umamin na lang sila ng pagkatalo. Ang isang tao ay ipinanganak nang may kani-kanyang itsura at walang paraan para baguhin iyon. Kung kaya't umamin lang sila ng pagkatalo at umalis nang nadismaya. Sa sala ng Whitman Manor. Nakatayo si Madeline sa tapat ng coffee table habang hinarap niya ang mga taong pinakamalapit sa kanya. Ngunit sa sandaling ito, nagawa niya lang na magpanggap bilang isang estranghero. Ang babaeng gumaya sa kanya ay isa-isa siyang pinakilala sa kanyang pamilya, "Ito ang mother-in-law ko at ito naman ang nanay ko. Iyan naman ang bunsong anak namin ni Jeremy. Wala ngayon ang iba sa mga nakatira rito sa bahay na to pero ayos lang yun. Ang pinakamahalaga mong gagawin ngayon a
"Ayos ka lang ba?" Ang malalim at nakakaakit na boses ni Jeremy ay parang matamis na tubig-sibol habang dumaan ito sa kanyang puso. Biglang lumakas at bumilis ang tibok ng kanyang puso, pero hindi siya nagtangkang tumingin nang diretso sa mga mata ni Jeremy. Hindi rin siya nagtagal sa mga bisig niya bago nagmadaling umalis. Subalit, nang bumitaw si Madeline sa pagkataranta, nakaramdam ng kawalan si Jeremy sa kanyang mga braso pati na sa kanyang puso. "Pasensya na, Mr. Whitman," yumuko si Madeline at humingi ng tawad. "Ayos lang," sabi ni Jeremy nang may malumanay na tono. Kahit ang kanyang mga mata ay napakalambing. Kahit na hindi niya ito nakikita, nararamdaman ni Madeline na nakatingin sa kanya nang maigi si Jeremy. Sa sandaling ito, narinig ang boses ng impostor mula sa malayo. "Jeremy, nandito sina Lily at Jack." Namangha si Madeline. Kaya ring kopyahin ng babaeng ito ang tono at boses niya at magawang maging katunog niya. Mukhang maraming sinayang na oras si R
Tamad niyang tinanong ang tao sa kabilang linya. Napatingin si Madeline sa lalaki mula sa gilid ng kanyang mga mata. Pagkatapos, narinig niya si Jeremy na nagsabi sa pagtataka, "Patay na si Ryan?" Pagkatapos sabihin iyon ni Jeremy, napansin ni Madeline na ang babaeng nagpapanggap na siya ay biglang itinaas ang kanyang mukha. Dagdag pa rito, nagbago rin ang kanyang ekspresyon at ang tingin ng kanyang mga mata. Para bang nagulat siya. Pero, napansin rin ni Madeline ang isang bakas ng ekspresyon. Pagkatapos ibaba ni Jeremy ang tawag, nakita ni Madeline ang impostor na inayos ang kanyang ekspresyon bago lumapit para magtanong. "Jeremy, anong sabi mo? Patay na si Ryan? Nakakulong siya kaya paano siya biglang mamamatay?" tanong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng matinding interes para sa impormasyon. Tinignan ni Jeremy ang impostor at direstong nagsabi, "Hindi ko alam ang detalye pero alam kong naghanda sila ng burol sa Jones family. Kumpirmado na na patay na si Ryan." Pagka
Kaagad na may napagtanto si Madeline. Hindi niya natanggal ang singsing sa kanyang palasingsingan, at kasabay nito, mahirap para sa kanya na hubarin ito. Nakita niya si Jeremy na nakatulala sa singsing habang humigpit ang kanyang hawak sa kanyang palad. Tumagos ang kanyang init mula sa kanyang balat papunta sa kanyang dugo, at dumiretso sa kanyang puso. "Bakit nasa sa'yo ang singsing na to?" Tinignan niya ang mga mata ni Madeline at nagtanong. Dahil tinanggap niya ang trabaho, alam niya na makikita ni Jeremy ang singsing sa kanyang palasingsingan balang araw. Kalmado siyang ngumiti at nagsabi, "Sinuot to sa'kin ng lalaking mahal ko. Anong problema?" "Imposible." Pagtanggi ni Jeremy. "Imposible na magkaroon ng pangalawang singsing na kagaya nito sa mundong to."Nagpanggap si Madeline na kumunot ang noo sa pagtataka. Bakit mo nasabi yan, Mr. Whitman?" Ginalaw ni Jeremy ang kanyang maninipis na labi at tumingin sa mga inosenteng mata ni Madeline. May gusto siyang sabihin pe