Tamad niyang tinanong ang tao sa kabilang linya. Napatingin si Madeline sa lalaki mula sa gilid ng kanyang mga mata. Pagkatapos, narinig niya si Jeremy na nagsabi sa pagtataka, "Patay na si Ryan?" Pagkatapos sabihin iyon ni Jeremy, napansin ni Madeline na ang babaeng nagpapanggap na siya ay biglang itinaas ang kanyang mukha. Dagdag pa rito, nagbago rin ang kanyang ekspresyon at ang tingin ng kanyang mga mata. Para bang nagulat siya. Pero, napansin rin ni Madeline ang isang bakas ng ekspresyon. Pagkatapos ibaba ni Jeremy ang tawag, nakita ni Madeline ang impostor na inayos ang kanyang ekspresyon bago lumapit para magtanong. "Jeremy, anong sabi mo? Patay na si Ryan? Nakakulong siya kaya paano siya biglang mamamatay?" tanong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng matinding interes para sa impormasyon. Tinignan ni Jeremy ang impostor at direstong nagsabi, "Hindi ko alam ang detalye pero alam kong naghanda sila ng burol sa Jones family. Kumpirmado na na patay na si Ryan." Pagka
Kaagad na may napagtanto si Madeline. Hindi niya natanggal ang singsing sa kanyang palasingsingan, at kasabay nito, mahirap para sa kanya na hubarin ito. Nakita niya si Jeremy na nakatulala sa singsing habang humigpit ang kanyang hawak sa kanyang palad. Tumagos ang kanyang init mula sa kanyang balat papunta sa kanyang dugo, at dumiretso sa kanyang puso. "Bakit nasa sa'yo ang singsing na to?" Tinignan niya ang mga mata ni Madeline at nagtanong. Dahil tinanggap niya ang trabaho, alam niya na makikita ni Jeremy ang singsing sa kanyang palasingsingan balang araw. Kalmado siyang ngumiti at nagsabi, "Sinuot to sa'kin ng lalaking mahal ko. Anong problema?" "Imposible." Pagtanggi ni Jeremy. "Imposible na magkaroon ng pangalawang singsing na kagaya nito sa mundong to."Nagpanggap si Madeline na kumunot ang noo sa pagtataka. Bakit mo nasabi yan, Mr. Whitman?" Ginalaw ni Jeremy ang kanyang maninipis na labi at tumingin sa mga inosenteng mata ni Madeline. May gusto siyang sabihin pe
Bumalik si Madeline sa mansyon ni Carter at sa sandaling makapasok siya, nakita niya si Carter na nakaupo sa isang European-styled sofa sa sala. Elegante niyang nililipat ang pahina ng isang libro. "Magiging katulong ka ba ng mga Whitman?" hindi nagmamadaling tanong ni Carter. Huminto si Madeline sa paglalakad at lumingon sa lalaki na mayroong walang pakialam na ekspresyon sa kanyang mukha. Ngumiti siya nang peke at nagsabing, "Hindi ko alam na magiging interesado si Mr. Carter sa ginagawa ko. Masaya ako. Tama, magiging katulong ako ng mga Whitman." "Napakaespesyal ng paraan mo para maghiganti kay Jeremy Whitman," sabi ni Carter, binaba niya ang librong hawak niya bago tumayo. Malamig na tumitig ang kanyang malalalim na itim na mga mata sa makikislap na mga mata ni Madeline. "Ihahatid kita." “...”Si Carter ang nagmungkahi ng ideya na ito at pakiramdam ni Madeline ay mayroong mali. Pero alam niyang hindi niya siya matatanggihan. "Salamat sa pag-aabala ninyo, Mr. Carter."
Nagulat si Madeline nang nakita si Jeremy. Hindi niya alam kung tadhana ito o nagkataon lang. Binuksan ni Jeremy ang pinto ng kotse at pagkatapos tignan si Madeline, nakita niya si Carter na nakatayo sa tabi niya. Malalim ang titig ng lalaki. Pagkatapos niyang tignan nang maigi si Carter ng ilang segundo ay nagtanong siya, "Quinny, sino to?" "Hello, Mr. Whitman. Ako ang fiancé ni Quinny," pinakilala ni Carter ang kanyang sarili. Bigla na lang niyang inabot ang kaliwang kamay ni Madeline para hawakan. Pero kusang gustong umiwas ni Madeline sa sandaling hinawakan niya siya. Kahit na ganoon, mahigpit na hinawakan ni Carter ang kamay niya. Nakita ni Jeremy na bahagyang kumunot ang noo ni Madeline. Mayroong magulong pakiramdam sa kanyang puso na hindi niya maintindihan. Pero sa huli ay hindi niya ito pinakita. "Hinatid ko mismo ang girlfriend ko rito. Mula ngayon, magtatrabaho na rito ang girlfriend ko kaya alagaan niyo siya, Mr. Whitman." Maamong ngiti ni Carter. Ito ang unan
Huminto si Jeremy sa gitna ng kanyang pagsasalita. Nagtatakang nagtanong si Madeline. "Anong meron sa kanya?" Habang nakatingin sa kaakit-akit na mga mata ni Madeline na puno ng pagtataka, isang maliit na ngiti ang lumitaw sa gwapong mukha ni Jeremy. "Wala lang. Magpatuloy ka na sa ginagawa mo." Hindi siya nagpatuloy at nilampasan si Madeline para umalis. Lumingon si Madeline at tumingin sa walang lamang pintuan. Sa sandaling ito ay wala na ang puso niya. Pakiramdam niya ay nagdurusa siya sa kahit kapag kaharap niya ang lalaking minamahal niya at gusto niyang sandalan, pero hindi niya masabi sa kanya ang tungkol sa kanyang sakit at problema. Pero wala talaga siyang magagawa sa sandaling ito. Naglakad si Madeline sa bag na binigay sa kanya ni Carter. Pagkatapos niya itong buksan, nakita niya na ang laman nito ay mga araw-araw na kakailanganin niya at mga damit. Mukhang simple ang mga damit na para bang matagal na niya itong hinanda para sa kanya. “Carter.”Bumulong si
Napahinto si Madeline nang ilang segundo bago yumuko sa takot para hindi niya matignan ang mga mata ni Jeremy. Pagtapos, inilayo niya ang mga kamay niya sa pagkataranta. Bahagya ring natulala si Jeremy. Kahit na nagkatinginan sila sa dilim, nakita niya pa rin ang maliwanag na kislap sa kanyang mga mata. Masyado siyang naantig sa kislap ng kanyang mga mata. Pero, ang mukha niya...Nahimasmasan si Jeremy na para bang bigla siyang nagising. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ay may naaninag siyang isang bagay na espesyal. Clank!Bigla na lang, nakarinig si Jeremy ng tunog na parang may bumagsak sa baba. Pagkatapos ay nakarinig siya ng boses na parang nasaktan. Kaagad siyang lumingon. Kahit na madilim ay alam niya pa rin ang direksyon kung saan dadaan. Bumaba si Jeremy. Gamit ng liwanag ng buwan sa labas ng bintana, nakita niya ang isang mapayat na anyong lumabas ng pinto. Tinaas ni Jeremy ang kilay niya pagkatapos makita ang anyong lumitaw sa kanyang paningin. “Linnie?
Hindi alam ni Madeline kung sinasadya ito ng lalaki o hindi. Nakatayo lang siya roon nang hindi kumikilos na para bang isang pader. "Mr. Whitman, umalis ka sa dinadaanan ko." Nagawa na lang ni Madeline na palayasin siya habang hinanda ang kanyang kalooban. Pero hindi umalis si Jeremy. Sa halip ay seryoso siyang nagtanong, "Ms. Quinn, nagkita na ba tayo noon?" Kalmadong umiling si Madeline. "Nakita na kita sa maraming lugar, pero sa tingin ko ay hindi mo pa ko nakita noon, Mr. Whitman." "Talaga?" Parang interesado si Jeremy sa sagot niya. Yumuko siya para tignan ang tahimik na si Madeline. Pagkatapos ay nagpatuloy siya, "Bakit hindi ka tumitingin sa'kin?" "..." Hindi alam ni Madeline kung anong sasabihin. Pagkatapos ng ilang segundo, sabi niya, "Sinabi ko na sa'yo na nasira ang mukha ko. At saka hindi ako nakasuot ng mask ngayon. Nag-aalala ako na baka matakot ka kapag tinaas ko ang mukha ko." "May kilala akong magaling na doktor, kaya kung gusto mo, sa tingin ko matutulunga
Hindi handa si Madeline sa biglaang kinilos ng impostor. Ngunit hindi hinayaan ni Madeline na magpatalo. Hinawakan niya ang braso ng babae at malakas siyang tinulak palayo. "Mrs. Whitman, anong ginagawa mo?" Inayos ni Madeline ang kanyang damit. Pakiramdam niya ay parang pupunitin ng babaeng ito ang kanyang kwelyo. Nang makita niya ang kalmdong ekspresyon ni Madeline, tumalikod ang babae at sinara ang pinto ng banyo. Pagkatapos, bumalik siya at tinignan ang mga mata ni Madeline. "Mayroon bang magkaparehong mga mata sa mundong ito?" Pangungutya ng babae at sinabi ito nang may tawa. Pagkatapos, naglakad siya sa harapan ni Madeline at bigla na lang, nakita niya ang matinding poot at galit sa mga mata ng babae na ginawang kamukha ng kanya. "Wag ka nang magpanggap. Alam kong ikaw yan!" Hininaan ng babae ang boses niya, pero parang sinisigaw niya ang pahayag na iyon sa kanya. Kaagad na naintindihan ni Madeline ang ibig sabihin ng babaeng ito. Lumabas na pinagdududahan niya siya