Pati ang babaeng kasama ni Jeremy ay huminto sa paglalakad. Abot langit ang ngiti ng babaeng ito. Pagkatapos ay nagtanong siya ng may malambing na tono, “Jeremy, anong problema? Anong tinitignan mo?” Hindi makapaniwala si Madeline. Ang boses ng babaeng ito ay kapareho ng sa kanya noong hindi pa nasisira ang kanyang boses. Pero, walang bahid ng pagpapanggap ang tono ng kanyang boses. Hindi pinansin ni Jeremy ang kasama niyang babae sa sandaling yun. Nakatuon ang kanyang tingin kay Madeline. Sa hindi malaman na dahilan, pakiramdam ni Jeremy ay para bang ang tibok ng kanyang puso at paghinga ay kontrolado ng pares ng mga mata na nakatingin sa kanya sa di-kalayuan. ‘Meron pa bang ibang babae na may mga mata na katulad kay Linnie sa mundong ito?’ Natanong ni Jeremy ito sa kanyang sarili. Hindi niya mapigilan na humakbang papalapit papunta kay Madeline na tahimik na nakatayo ng mag-isa sa ulan. Bigla na lang, ang masayang babae na may hawak na rosas ay bakas na ang pagkairita
”Jeremy, Jeremy?’ Naguluhan ang babae sa naging reaksyon ni Jeremy. Kahit pati si Jeremy mismo ay hindi maunawaan kung bakit nagawa ng mga mata na yun na mawala siya sa kanyang sarili. Isa pa, ang itsura ng likuran ng babaeng yun ay nagparamdam sa kanya ng matinding sakit sa kanyang puso sa hindi niya malaman na dahilan. Kakaiba ang pangyayaring ito. Pero, wala siyang oras para tignan ang bagay na ito bago siya muling pinilit ng babaeng nasa tabi niya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Hinawakan ni Madeline ang payong, at pagkatapos niyang maglakad ng mga ilang sandali, dahan dahan siyang huminto sa paglalakad. Hindi niya alam kung kailan pa dumilim ang langit. Nang malagpasan niya si Jeremy kanina, pakiramdam niya ay dumilim ang kanyang paningin. Nilamon ng matinding sakit ang kanyang puso, pero ngayon, ang sugat sa kanyang mukha ay nagsimulang sumakit. Nilapag ni Madeline ang payong nang sumama ang kanyang pakiramdam. Pero, sa sandaling tinanggal niya ang kanyang ma
Pagkatapos matanong so Madeline ng ganitong tanong, nagsimula siyang naging aligaga. Hindi niya alam kung ang lalake ay may nakita o kaya may nalaman ito. Sa madaling salita, kung paano siya tignan nito ay napakatalim. Inangat ni Madeline ang kanyang inosente at nalilitong mga mata. Pagkatapos, naguguluhan niyang natanong, “Pwede mo bang ipaliwanag sa akin? Hindi ako sigurado kung ano ang ibig mong sabihin?” Isang nakatagong ngiti ang lumitaw sa malamig na mukha ng lalake. “Si Jeremy Whitman ay isang malamig na lalake na hindi nadadaan sa rason sa lahat ng nasa Glendale. Pero, binigay niya sa iyo ang kanyang payong at tumayo sa ulanan kasama ang babaeng mahal niya ng sa sarili niyang desisyon.” Sinabi niya bago huminto. Lalong lumalim ang kanyang tingin kay Madeline. “Bakit napaka bait niya sayo?” Pati si Madeline ay naguguluhan sa tanong na ito. Tama siya. Si Jeremy ay ganung klase ng tao, pero hindi siya ganung kawalang puso. Paminsan-minsan, tinutulungan sin niya ang mg
Napansin din niya na hindi na siya tinitignan ng lalake ng may pagdududa at tanong. Sa kabilang banda, mukhang naunawaan pa nga nito ang buong sitwasyon ngayon. “Kung ganun ito rin ba ang dahilan kaya si Jeremy lang ang pinuri mo at sakto lang ang sinabi mo kay Eveline nang makita mo sila sa larawan nung nakaraan?” “Oo,” Tugon ni Madeline. Pagkatapos, sinabi niya, “Matalino ka, Mr. Carter. Nakita mo ang lahat ng yun.” Binigyan ng lalake ng isang pekeng ngiti si Madeline ng marinig nito ang sinabi niya. Pagkatapos, tinignan nito si Madeline ng nakangisi. Medyo nakonsensya si Madeline kapag tinitignan niya ito. “Ang numero unong socialite ng Glendale, si Eveline Montgomery, ay sakto lang para sayo. Sa tingin ko ay galit ka talaga kay Jeremy. Kasabay din nito, malamang ay galit ka rin kay Eveline Montgomery na kapareho mo ng pangalan, tama?” “...” Nag-alangan ng dalawang segundo si Madeline. Pagkatapos, nagbigay siya ng sagot na may malalim na kahulugan, “Tama, mas galit ako sa ba
Narinig niya ang malamig at hindi natutuwang boses ng lalake sa kanyang tenga. Ang kamay ng babae na tatanggalin sana ang maskarang suot niya ay huminto rin. Tumingala si Madeline at nakita ang gilid ng mukha ng lalake na may pambihirang itsura. Mabilis siyang umalis sa pagkakahawak ng lalake at naglakad papunta sa kabilang gilid. Tinignan ng lalake si Madeline. Pagkatapos, ang malamig na tingin nito ay natuon sa magulo at matigas na ulong babae. “Sinong nagpapasok sayo dito? At sino ang nagbigay sayo ng pahintulot na galawin siya?” Tanong ng lalake. Kinagat ng babae ang kanyang mapula at matambok na labi. Ang maganda nitong mukha ay napuno ng galit. “Carter Gray, ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan para lang sa babaeng to?!” ‘Carter Gray.‘Kung ganun ang pangalan niya ay Carter Gray.’Sa wakas, nalaman din ni Madeline ang tunay nitong pangalan. Pero, nalito siya tungkol sa relasyon sa pagitan ng babae at ng lalakeng ito.Hindi naman sila mukhang mag-asaw
”Binabalaan kita, huwag mong gagalawin ang mahal ko.” “...”Mahal niya?Kailan pa siya naging mahal nito? Alam ni Madeline na ang lalakeng ito ay ginagamit lamang siya para mapalayas ang babaeng ito. Pero, hindi siya binigyan nito na makapagpaliwanag bago nito hinawakan ang kanyang kamay ng biglaan at naglakad paakyat ng hagdan. “Carter! Carter!” Pagalit na sumigaw ang babae sa kanilang likuran, pero walang balak na huminto ng lalake sa paglalakad. Habang paakyat sila ng hagdan, sinubukan tanggalin ni Madeline ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng lalake sa kanya ng ilang ulit. Pero, lalo lang nitong hinigpitan ang kanyang hawak. "Hindi na niya tayo nakikita, kaya pwede bang bitawan mo na ako, Mr Carter?" Hindi natutuwang pakiusap ni Madeline. Huminto sa paglalakad si Carter at nilingon si Madeline. Nang makita niya ang pagpupumiglas nito at inis sa mga mata ni Madeline, kaagad siyang bumitaw. “Pumasok ka.” Nauna siyang pumasok sa loob ng study room.Sumunod din
Hindi ito inasahan ni Madeline. Sa sandaling iyon, hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ang lalaking nasa kanyang harapan ay isang tao sa buhay niya na kanyang sinasandalan at pinagkakatiwalaan nang walang pag-aalala. Ngunit sa sandaling ito, sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso. Ang mga dalagang nahuhumaling sa itsura ni Jeremy ay nakatingin sa kanya nang hindi kumukurap. Umaasa sila na titignan sila ni Jeremy. Ngunit, diretsong naglakad si Jeremy papunta kay Madeline. Tinitigan niya ang mga mata ni Madeline nang ilang segundo bago nagsabing, "Nandito ka rin ba para sa trabaho?" Tanong niya. Malamig na hangin sa huling bahagi ng taglagas, pero ang mga salita ni Jeremy ay parang simoy ng tagsibol habang dumaan ito sa tainga ni Madeline. Sinara ni Madeline ang kanyang mga kamao at tumango. "Oo." "Naranasan mo na bang magtrabaho ng ganitong klaseng trabaho noon?" Nagpatuloy na nagtanong si Jeremy. Tumitig si Madeline sa malalalim at kaakit-akit na mga mata sa kany
Totoo nga. Ang mga matang iyon ay talagang maaliwalas at napakaganda. 'Kung ganun, gusto ba ni Mr. Whitman ang lahat ng konektado sa taong minamahal niya?'Talaga bang kinuha niya ang babaeng yan dahil kamukha ng mga mata niya ang sa asawa niya?' Nang maisip ng lahat ang dahilang ito ay umamin na lang sila ng pagkatalo. Ang isang tao ay ipinanganak nang may kani-kanyang itsura at walang paraan para baguhin iyon. Kung kaya't umamin lang sila ng pagkatalo at umalis nang nadismaya. Sa sala ng Whitman Manor. Nakatayo si Madeline sa tapat ng coffee table habang hinarap niya ang mga taong pinakamalapit sa kanya. Ngunit sa sandaling ito, nagawa niya lang na magpanggap bilang isang estranghero. Ang babaeng gumaya sa kanya ay isa-isa siyang pinakilala sa kanyang pamilya, "Ito ang mother-in-law ko at ito naman ang nanay ko. Iyan naman ang bunsong anak namin ni Jeremy. Wala ngayon ang iba sa mga nakatira rito sa bahay na to pero ayos lang yun. Ang pinakamahalaga mong gagawin ngayon a