Home / Romance / Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman / Chapter 1461 - Chapter 1470

All Chapters of Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman: Chapter 1461 - Chapter 1470

2479 Chapters

Kabanata 1461

Dahan dahan na inangat ni Madeline ang kanyang nanginginig na mga daliri at hinimas ang kanyang pisngi. Wala na ang makinis niyang balat. Ang natira na lamang ay maumbok at pangit na mga peklat. Bukod sa maliit na sugat sa kanyang noo at ang kanyang mga mata, ang iba pang bahagi, lalo na ang kanyang mga pisngi, ay malubhang nasira na halos nakakadiri nang tignan ang mga ito. Pinisil ni Madeline ang hawakan ng salamin at pinilit na pakalmahin ang kanyang sarili. Pero, walang babae sa mundo ang matatanggap na ang kanilang makinis na mukha ay masisira lang ng ganito—kahit pati si Madeline. “Kasalukuyan pa rin itong naghihilom. Ang mukha mo ay tuluyan nang gagaling pagkatapos ng ilang mga gamutan.” Ang doktor na nasa tabi ni Madeline ay binigyan siya ng pag-asa. “Salamat, makikipag kooperasyon ako sa gamutan.” Ngumiti si Madeline at pinasalamatan niya ang doktor.Kapag tumatawa siya noon, may lumilitaw na matatamis na mga dimples sa kanyang pisngi. Ngayon, wala na halos balat an
Read more

Kabanata 1462

Hinigpitan niya ang hawak sa mga kubyertos, habang pinipigilan ang kanyang emosyon. Pagkahinga niya ng malalim, sinabi niya, “Pwede ba akong sumama sayo papunta ng Glendale?” Tumingala ang lalake para tignan si Madeline pagkatapos niyang marinig ang sinabi nito. Lakas-loob na tinitigan ni Madeline ang malalim at malamig na mga mata ng lalake. “Nakatira ako sa Glendale. Namimiss ko na ang aking tirahan.” “Gusto mong umuwi ng ganito ang itsura mo?”“Hindi, gusto ko lang pumunta para silipin ang lugar.” Alam ni Madeline ang kasalukuyan niyang kondisyon. Ayaw niyang tumayo sa harapan ni Jeremy habang ganito ang kanyang itsura. Baka hindi nito masamain na nasira ang kanyang mukha. Pero, walang lakas ng loob si Madeline na alamin ang kalalabasan nun. Natatakot siya na baka hindi siya makilala ni Jeremy kapag hinarap niya ito ng ganito ang kanyang itsura. Nung maisip niya ang eksenang yun, pakiramdam niya ay tinusok ng maraming karayom ang kanyang puso. Walang siyang lakas ng
Read more

Kabanata 1463

Lagi niyang naiisip ang muli nilang pagsasama ni Jeremy. Pero, hindi niya inaasahan na makikita niya ang kanyang mahal at ang babaeng nagpapanggap bilang siya sa ganitong sitwasyon. Kakasundo lang nila sa kanilang mga anak mula sa eskwelahan at naggagala ng masaya sa may kalsada. Pakiramdam ni Madeline ay para bang nawakwak ang kanyang puso at nanunuot ang malamig na hangin ng taglagas. Nang makita niya si Jeremy at ang babae na hawak ang mga kamay nila Jackson at Lillian para tumawid, biglang iangat ni MAdeline ang kanyang kamay at binuksan ang bintana ng kotse. “Jeremy.”Hindi niya mapigilan na tawagin ang pangalan nito. Pero, ang boses na lumabas sa kanyang mga labi ay kasing garalgal ng isang taong malakas manigarilyo. Sa sandaling yun, nagulat siya. Ganun pa man, para bang may naramdaman si Jeremy o kaya ay may narinig na kung ano. Tumingin siya sa direksyon kung nasaan si Madeline, pero sa isang iglap, iniwas ni Madeline ang kanyang tingin sa sobrang taranta at mabilis
Read more

Kabanata 1464

Simple lang ang nakalagay sa sulat at naipaliwanag nito ang dalawang sitwasyon sa kanila. [Patay na si Ryan.[Nasa loob ng urn ang kanyang mga abo.]“Hindi, paano nangyari to? Paano namatay ng ganun na lang si Rye? Paano naging abo ito ni Rye?” Kasing putla ng papel ang mukha ni Mrs. Jones habang puno ng takot ang mga mata nito. “Hindi! Sino ang nagdala nito dito? Bakit niya tayo niloloko ng ganito?” Emosyonal niyang tinanong ang kanilang katulong. Pati ang katulong ay nagulat. ‘Patay na ang Young Master?‘At ang mga abo niya ay nasa loob ng urn?’Kinuha ni Mr. Jones ang sulat at nanigas siya sa kanyang kinatatayuan, wala sa sarili sa sobrang gulat.Ayaw niyang maniwala. Pero, halos matagal na rin nung huli nilang makausap si ryan, kaya kailangan niya tanggapin ang posibilidad na baka patay na si Ryan. Pagkatapos lisanin ni Madeline ang Jones Manor, mag-isa siyang naglakad. Wala siya sa kanyang sarili. Wala siyang ideya kung kelan pa dumilim ang langit at kung kailan
Read more

Kabanata 1465

Pati ang babaeng kasama ni Jeremy ay huminto sa paglalakad. Abot langit ang ngiti ng babaeng ito. Pagkatapos ay nagtanong siya ng may malambing na tono, “Jeremy, anong problema? Anong tinitignan mo?” Hindi makapaniwala si Madeline. Ang boses ng babaeng ito ay kapareho ng sa kanya noong hindi pa nasisira ang kanyang boses. Pero, walang bahid ng pagpapanggap ang tono ng kanyang boses. Hindi pinansin ni Jeremy ang kasama niyang babae sa sandaling yun. Nakatuon ang kanyang tingin kay Madeline. Sa hindi malaman na dahilan, pakiramdam ni Jeremy ay para bang ang tibok ng kanyang puso at paghinga ay kontrolado ng pares ng mga mata na nakatingin sa kanya sa di-kalayuan. ‘Meron pa bang ibang babae na may mga mata na katulad kay Linnie sa mundong ito?’ Natanong ni Jeremy ito sa kanyang sarili. Hindi niya mapigilan na humakbang papalapit papunta kay Madeline na tahimik na nakatayo ng mag-isa sa ulan. Bigla na lang, ang masayang babae na may hawak na rosas ay bakas na ang pagkairita
Read more

Kabanata 1466

”Jeremy, Jeremy?’ Naguluhan ang babae sa naging reaksyon ni Jeremy. Kahit pati si Jeremy mismo ay hindi maunawaan kung bakit nagawa ng mga mata na yun na mawala siya sa kanyang sarili. Isa pa, ang itsura ng likuran ng babaeng yun ay nagparamdam sa kanya ng matinding sakit sa kanyang puso sa hindi niya malaman na dahilan. Kakaiba ang pangyayaring ito. Pero, wala siyang oras para tignan ang bagay na ito bago siya muling pinilit ng babaeng nasa tabi niya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Hinawakan ni Madeline ang payong, at pagkatapos niyang maglakad ng mga ilang sandali, dahan dahan siyang huminto sa paglalakad. Hindi niya alam kung kailan pa dumilim ang langit. Nang malagpasan niya si Jeremy kanina, pakiramdam niya ay dumilim ang kanyang paningin. Nilamon ng matinding sakit ang kanyang puso, pero ngayon, ang sugat sa kanyang mukha ay nagsimulang sumakit. Nilapag ni Madeline ang payong nang sumama ang kanyang pakiramdam. Pero, sa sandaling tinanggal niya ang kanyang ma
Read more

Kabanata 1467

Pagkatapos matanong so Madeline ng ganitong tanong, nagsimula siyang naging aligaga. Hindi niya alam kung ang lalake ay may nakita o kaya may nalaman ito. Sa madaling salita, kung paano siya tignan nito ay napakatalim. Inangat ni Madeline ang kanyang inosente at nalilitong mga mata. Pagkatapos, naguguluhan niyang natanong, “Pwede mo bang ipaliwanag sa akin? Hindi ako sigurado kung ano ang ibig mong sabihin?” Isang nakatagong ngiti ang lumitaw sa malamig na mukha ng lalake. “Si Jeremy Whitman ay isang malamig na lalake na hindi nadadaan sa rason sa lahat ng nasa Glendale. Pero, binigay niya sa iyo ang kanyang payong at tumayo sa ulanan kasama ang babaeng mahal niya ng sa sarili niyang desisyon.” Sinabi niya bago huminto. Lalong lumalim ang kanyang tingin kay Madeline. “Bakit napaka bait niya sayo?” Pati si Madeline ay naguguluhan sa tanong na ito. Tama siya. Si Jeremy ay ganung klase ng tao, pero hindi siya ganung kawalang puso. Paminsan-minsan, tinutulungan sin niya ang mg
Read more

Kabanata 1468

Napansin din niya na hindi na siya tinitignan ng lalake ng may pagdududa at tanong. Sa kabilang banda, mukhang naunawaan pa nga nito ang buong sitwasyon ngayon. “Kung ganun ito rin ba ang dahilan kaya si Jeremy lang ang pinuri mo at sakto lang ang sinabi mo kay Eveline nang makita mo sila sa larawan nung nakaraan?” “Oo,” Tugon ni Madeline. Pagkatapos, sinabi niya, “Matalino ka, Mr. Carter. Nakita mo ang lahat ng yun.” Binigyan ng lalake ng isang pekeng ngiti si Madeline ng marinig nito ang sinabi niya. Pagkatapos, tinignan nito si Madeline ng nakangisi. Medyo nakonsensya si Madeline kapag tinitignan niya ito. “Ang numero unong socialite ng Glendale, si Eveline Montgomery, ay sakto lang para sayo. Sa tingin ko ay galit ka talaga kay Jeremy. Kasabay din nito, malamang ay galit ka rin kay Eveline Montgomery na kapareho mo ng pangalan, tama?” “...” Nag-alangan ng dalawang segundo si Madeline. Pagkatapos, nagbigay siya ng sagot na may malalim na kahulugan, “Tama, mas galit ako sa ba
Read more

Kabanata 1469

Narinig niya ang malamig at hindi natutuwang boses ng lalake sa kanyang tenga. Ang kamay ng babae na tatanggalin sana ang maskarang suot niya ay huminto rin. Tumingala si Madeline at nakita ang gilid ng mukha ng lalake na may pambihirang itsura. Mabilis siyang umalis sa pagkakahawak ng lalake at naglakad papunta sa kabilang gilid. Tinignan ng lalake si Madeline. Pagkatapos, ang malamig na tingin nito ay natuon sa magulo at matigas na ulong babae. “Sinong nagpapasok sayo dito? At sino ang nagbigay sayo ng pahintulot na galawin siya?” Tanong ng lalake. Kinagat ng babae ang kanyang mapula at matambok na labi. Ang maganda nitong mukha ay napuno ng galit. “Carter Gray, ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako ng ganyan para lang sa babaeng to?!” ‘Carter Gray.‘Kung ganun ang pangalan niya ay Carter Gray.’Sa wakas, nalaman din ni Madeline ang tunay nitong pangalan. Pero, nalito siya tungkol sa relasyon sa pagitan ng babae at ng lalakeng ito.Hindi naman sila mukhang mag-asaw
Read more

Kabanata 1470

”Binabalaan kita, huwag mong gagalawin ang mahal ko.” “...”Mahal niya?Kailan pa siya naging mahal nito? Alam ni Madeline na ang lalakeng ito ay ginagamit lamang siya para mapalayas ang babaeng ito. Pero, hindi siya binigyan nito na makapagpaliwanag bago nito hinawakan ang kanyang kamay ng biglaan at naglakad paakyat ng hagdan. “Carter! Carter!” Pagalit na sumigaw ang babae sa kanilang likuran, pero walang balak na huminto ng lalake sa paglalakad. Habang paakyat sila ng hagdan, sinubukan tanggalin ni Madeline ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ng lalake sa kanya ng ilang ulit. Pero, lalo lang nitong hinigpitan ang kanyang hawak. "Hindi na niya tayo nakikita, kaya pwede bang bitawan mo na ako, Mr Carter?" Hindi natutuwang pakiusap ni Madeline. Huminto sa paglalakad si Carter at nilingon si Madeline. Nang makita niya ang pagpupumiglas nito at inis sa mga mata ni Madeline, kaagad siyang bumitaw. “Pumasok ka.” Nauna siyang pumasok sa loob ng study room.Sumunod din
Read more
PREV
1
...
145146147148149
...
248
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status